NAKUHA na rin namin ang aming uniform. Chineck pa namin nang mabuti kung maayos ba ang pagkakatahi ng aming uniform at tama ang size nito, mabuti na lamang ay walang naging aberya sa uniform ko. “Uwi na rin ba kayo agad, girls?” pagtatanong ni Rosalie sa amin. Tumango ako sa kanya. “Need ko agad umuwi. Medyo pagod pa rin ako hanggang ngayon.”sagot ko sa tanong ni Rosalie. “Pero, day off ka tomorrow, right? Can we go to mall tomorrow? What do you think?” May kaartehang sabi niya sa akin. Tumango ulit ako sa kanya. “Oo, day off ako bukas. Pero, I'm not sure kung may gagawin ako, mag-chat na lang ako group chat natin incase.” sabi ko habang naglalakad na kami pababa sa aming department. “Okay, notif mo kami incase, ha?” Tumango ako sa kanilang dalawa. “Sige, bye!” sigaw kong sabi a