NAGING balisa ako dahil sa sinabi ni Alex kaninang madaling araw. Naka-ilang text ako kay John pero ni-isang reply ay wala akong nakuha. Hindi ko na alam ang gagawin ko, ginigulo ako ngayon ng isipan ko dahil sa mga sinabi ni Alex kanina.
Pumasok ako sa loob ng apartment ko, maliit lang ito kasya para sa iisang taong katulad ko. Bago ako umuwi nagpadala na ako ng pera kay Mama. Paano naman kasi bago matapos ang shift ko tumawag ulit si Mama kanina, kanina pa raw nangungulit si Rashid na palabasin siya sa kulungan. Tatanga-tanga kasi siya, kung nananahimik siya sa loob ng bahay, edi, sana hindi siya nakasagasa at sana hindi nahiram niyong pang-tuition fee ko.
Bwisit talaga ang lalaking niyon!
Mamaya pa namang alas-dyis ang tutor ko sa isang grade 5 na lalaki kaya magpapahinga muna ako at ipapakalma itong isipan ko.
“Oh, pusanggala!” Lumaki ang mga mata ko ng makita ang orasan na nakasabit sa dingding. “Quarter to 10 na! Langya! Langya! Langya!” Paulit-ulit na ako nagmumura rito. Hindi ko alam kung maliligo pa ba ako, O, aalis ng ganito ang itsura pero baka matakot naman ang tuturuan ko.
Kaya no choice ako kung hindi maghilamos na lamang. Dali-dali kong kinuha ang towel na nakasabit sa dingding at gumawi agad sa banyo. Hindi ko na alam kung ilan beses akong nananalangin na huminto ang oras kahit ilang minuto lang. Hindi na nga ako nagkuskos pa, e. Hindi sa pagliligo ako nagising kung ‘di sa taranta.
Wala pa sigurong 5 minutes ako tumagal sa banyo ay lumabas agad ako. Kinuha ko ang jeans kong nakasabit sa sampayan na nandito at pinagpagan lang niyon saka sinuot ko na, humila lang ako ng white shirt sa damitan ko at pinagpagan din niyon at sinuot ko na rin. Buti na lang hindi lukot.
Nag-ayos ako ng aking sarili at inubos ang pabango sa buong katawan ko at lalo na sa aking buhok. Hindi nga ako nag-shampoo, babawi na lang ako mamaya pagkauwi.
Tatlong minuto bago mag-10 ng umaga. Kinuha ko ang gamit ko sa pagtuturo at dali-daling lumabas ng bahay pero siniguro ko muna naka-lock ito.
Bakit kasi nakatulog ako? Sabi ko lang naman tamang pahinga lang ang gagawin ko! Maging ang isip ko hindi na rin nakikinig.
Dahil wala na akong oras para maglakad, nag-traysikel na lang ako papunta sa bahay ng tuturuan ko. Sayang 50 pesos. Pero, no choice ako kung ‘di mag-traysikel talaga.
10:03 nang makarating ako sa harap ng gate nila. Akala ko nga papagalitan ako ni Mrs. Carbonel buti na lang hindi, alam niya kasi ang kalagayan ko na nagtatrabaho ako tuwing madaling araw sa convenience store.
“Isa, dapat nagtext ka na lang na mala-late ka ng dating. Nagmadali ka tuloy.”
Kiming ngumiti na lang ako kay Mrs. Carbonel. Nakalimutan ko ngang gawin niyon, ang i-text siya. “Nakalimutan ko po sa sobrang pagmamadali ko, Mrs. Carbonel. Ikaw talaga.” Ngumiti siya sa akin at sabay umiling. “Kumain ka muna at tatawagin ko na si Margarette para makapagsimula na rin kayo at makapag-pahinga ka bago ang duty mo mamaya.” Tumango na lang ako sa ginang.
Napayuko ako nang makitang naka-akyat na si Mrs. Carbonel sa itaas nila. Hindi ako namamalikmata at lalong hindi rin namamalikmata si Alex kaninang madaling araw. Wala sa batangas si John, nandito ang gagong iyon!
Sino iyong kasama niyang babae? Iyon din ba ang kasama niya kanina? Kinuha ko ang phone sa aking bag at tinignan ang picture kanina, pinicturan ko sila nang palihim. Muntik ko na maikuyom ang aking cellphone, buti na lang nakapagtimpi pa ako.
Wala pa naman si Margarette kaya nagbukas muna ako ng facetagram ko at sinend ang picture niya kasama ang babaeng ito.
♡ BABY ♡
ME:
Sino itong kasama mo, John? Akala ko ba nasa batangas ka ngayon? Eh, ano ito?
Sinend ko sa kanya ang mensahe ngayon. Dahil, nabubwisit na ako at ang daming tumatakbo sa isipan ko ngayon. Pero, walanghiyang lalaking iyon ‘di pa online.
Dahil hindi pa niya nase-seen ang message ko. Binalik ko na lang ulit sa bag ang cellphone ko at eksaktong pababa na rin si Margarette.
“Shall we start?” pag-yaya ko sa kanya at saka tumango siya sa akin.
Math, Science and Social studies lang naman ang tinuturo ko sa kanya. Doon daw kasi sa mga subject na iyon siya mahina.
“Try nating i-solve ang solution na ito, Margarette. About sa polynomial.” Sinulat ko sa papel niya ang solution, tinuro ko na ito noong isang linggo kaya paniguradong alam pa rin ang formula ng polynomial.
“Okay, Ms. Isa!” aniya sa akin at sinimulan na ang pagso-solve pagkabigay ko sa kanya ng papel.
Nasa honor list naman itong si Margarette pero kahit nasa honor list ka, may subject ka talagang p'wede ika-downfall mo. Katulad ng sa akin ay English ang ayokong subject. Buti na lang talaga matalino siya sa subject na iyon.
“Okay, na po, Ms. Isa! Gusto ko po paglaki ko maging nurse rin po ako katulad niyo, Ms. Isa! Nakita ko po kayo one time na naka-uniform po na pang-nurse, bagay po sa inyo ang all white na suot po!” Nakangiti siya sa akin at kita ko ang ngipin niya.
Ngiting-ngiti siyang nakatingin sa akin.
Napakamot tuloy ako sa buhok ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. “Gano'n ba? Kaya dapat maging matalino at masipag kang mag-aral. Takot ka ba sa dugo?” pagtatanong ko sa kanya.
Bilang nursing student, dugo lagi ang kinahaharap namin.
Umiling siya sa akin. “Hindi po, Ms. Isa! Kaya magiging nurse ako katulad niyo! Sinabi ko na rin kina Mommy at Daddy niyon!” Masayang sabi niya sa akin at tumayo pa siya sa kanyang kinauupuan.
Tinapik ko lang ang buhok niya at pinagpatuloy ang pagche-check sa sagot niya sa math.
After ng ilang oras kong pagtuturo kay Margarette, natapos din kami sa mha subject niya. Three hours lang naman ang pagtuturo ko sa kanya, 10 ng umaga hanggang ala-una ng tanghali. Kaya libre na ako ng pananghalian dahil pinapakain na nila ako.
“Thank you po, Mrs. Carbonel! Mauna na po ako! Sa sabado na lang po ulit!” Paalam ko sa ginang at lumabas na rin sa gate nila.
“Mag-ingat ka pauwi, Isa!” Habol pang sabi ng ginang sa akin.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Binuksan ko ang data ng phone ko at tinignan kung nag-reply na ba ang siraulong John na iyon.
Muntik ko pa mahulog ang phone ko dahil sa reply niya.
“Let's break up, Rhodisa. Hindi na ako masaya sa piling mo. I'm sorry.”
Basa ko sa reply niya sa akin.
Hindi ko alam baka namamalikmata lang ako sa binasa ko. Sinuksok ko ang cellphone sa suot kong jeans. Lumabas ako sa main gate ng subdivision na ito at tumuloy na pumasok sa 12/24 convenience store na katapat lang subdivision na pinuntahan ko.
Umupo ako roon sa mga square chair nila na nasa tabi ng glass window. Bakit ang malas ko? Bakit ganito ang nangyayari sa akin? Noong nagbagsak ba ng swerte si God, nasaan ako nu'n? Natutulog ba ako? O, nagtago ako ng mga panahon na iyon?
Bakit ako pa ang maraming problema?
Nilabas ko ulit ang phone sa suot kong jeans at binasa ulit niyon. Gano'n pa rin. Hindi siya nagbabago.
“Let's break up...” mahinang sabi ko sa unang three words na tinaype niya.
“Break up? Ang daling sabihin, John! Pero, pinagmukha mo akong tanga! Lalaki ka ba talaga, ha? Bakit sa message ka nakipag-break up, ha? Duwag ka!”
Hindi ko alam pero kusang nag-type itong daliri ko sa kanya. Ginulo ko ang buhok ko at napahilamos sa aking mukha. Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari sa akin ngayon.
Napatingin ulit ako sa phone ko ng makita ang reply niya. “Hindi na ako masaya sa'yo, Rhodisa. I'm sorry.”
“Sorry? Gago ka pa lang lalaki ka? Napakadu– Pasensya na po. Pasensya na!” Napa-upo ulit ako dahil nakatingin sa akin ang ibang customer dito sa convenience store na ito. Baka sabihin nila nababaliw na ako, malapit na rin naman na.
“Hindi ka na masaya? Bakit tinanong mo ba ako kung masa–”
Naputol ang pagta-type ko para replyan ang kumag na ito nang makita kong ‘You can't reply to this conversation. Learn more.’
“Aba! Ang kumag na ito blinock ako!” Naiirita na ako. Siya pa ang may ganang mamblock?
Hindi naman siya ka-gwapuhan tapos ang kapal pa niya mambabae? Seriously?
Kung iba-block din naman niya ako. I-block ko na lang din siya sa mismong facetagram account at maging ang family niya! Iyong kapatid pa naman niya kung makapag-chat sa akin na gawin ang assignment and project niya, wala naman binabayad sa akin.
Lintik lang ang walang ganti!
“Blocked kayo. Blocked ka rin. Maging ikaw nasa blocked list na rin kita. Lahat kayo nasa block list ko na!”
Ganito ang ganti ng isang api! Hindi niyo p'wede apihin ang isang Balaba!
Goods na ako. Edi, kumonti ang friendlist ko dahil nagtanggal ako ng amag.
Tumayo na ako sa aking pagkakaupo sa convenience store na ito. Pakiramdam ko kanina pa ako tinitignan ng mga crew dito, baka sabihin nila nagpapalamig lang ako.
Makauwi na nga lang at ako'y inaantok pa. Mamaya lang din duty ko na sa convenience store na pinagta-trabauhan namin. At, after ng shift ko mamaya ay morning class ko naman ang iintidihin ko.
Sana nga lang after this problem, umokay na ang lagay ng isipan ko. Patahimikin niyo naman ang isip ko na gulong-gulo na sa lahat ng bagay.