PALABAS na sana ako ng convenience store ng makatanggap na naman ako ng text mula kay Mama.
Kinakabahan at natatakot akong buksan. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa text na ito. Abort the mission, right now!
Pero, dahil curios din ako kung ano ang tinext ni Mama ay binuksan ko rin ito at halos mapa-upo ako sa sahig ng makita ko ang text niya.
Sana hindi ko na lang talaga ginawa.
“Rhodisa, ‘nak? Humihingi ng pambiling gamot niyong nasagasaan ng kapatid mong si Rashid, wala naman ako maibigay dahil naibigay ko na iyong sobra sa perang pinahiram mo kanina sa kapatid mo. May need daw siyang bilhin na project kaya binigay ko sa kanya ang sobra. Text back, asap!”
“Waah!” Napasigaw ako sa sobrang inis kay Mama at sa kapatid ko. Puro sila problema! Pero, agad din akong tumahimik dahil ang dami na namang nakatingin sa akin.
Mukhang mababaliw na talaga ako. Sure na sure na ako.
Lumakad ako paalis sa kinatatayuan ko. Nakayuko na akong naglalakad, kinuha ko rin ang panyo at tinakip sa aking kalahating mukha.
Ayoko pa lalong ipahiya ang sarili ko. May facemask ba akong dala?
Napahinto ako sa paglalakad ng mag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng aking jeans. Paniguradong si Mama ito. Huminto muna ako rito sa gilid ng tulay, malalim naman dito kaya ayos lang at marami rin dumadaan na kotse kaya kung may manghoholdap sa akin matutulungan nila ako.
Speak of the Mama, tama nga ang hula ko. Si Mama ang tumatawag.
“Hello, ‘ma?” Wala akong ganang magsalita dahil alam kong manghihiram na naman siya.
“Rhodisa, ‘nak? Nabasa mo ba ang text ko? Pinuntahan ako kanina ng nanay na nasagasaan ni Rashid, humihingi sila ng tulong pambili ng gamot. Wala naman akong maibigay sa kanila.”
Napapakamot na ako sa aking buhok at hinihila na ito para mawala ang inis ko kay Mama.
“Ma. Bakit niyo naman binigay kay Rashid niyong sobra sa pang-piyansa? Sinabi ko sa'yo kanina pagkapadala ko, iyong sobra ibigay niyo sa pamilya na nasagasaan ni Rashid para pantulong sa gamot na bibilhin nila. Hindi kayo nakinig sa akin kanina!” Pilit kong hinihinaan ang boses ko dahil nasa labas ako at maraming dumadaan na mga tao rito sa tulay.
“Hiningi niya, ‘nak, may project daw sila sa isang subject nila. Naawa naman ako baka bumagsak siya kung hindi ko ibibigay sa kanya ang pera.”
Napapikit ako at pinapakalma ang aking sarili. Mama ko itong kausap ko. Kaya hindi ko p'wedeng sigawan.
“Pero, ‘ma! Nag-drop out na si Rashid, ‘di ba? Naghihintay nga ulit niyon ng next semester para mag-enroll ulit ng panibagong course! Bakit nakalimutan niyong nag-drop out ang isang niyon! Niloko na naman kayo ni Rashid!” paalala ko sa kanya.
Paano niya nakalimutan niyon? E, siya pa nga ang nagsabi sa akin tungkol sa siraulo kong kapatid na nag-drop out kahit ilang months na lang ay matatapos na ang semester niya.
Ipambibili lang niyon ni Rashid na mga bagong damit!
Urgh, bwisit talaga na Rashid niyon! Pasalamat siya wala ako sa amin. Kasi kung nandoon ako, isang kotong at upper cut na naman ang nakuha niya sa akin. Kaya nauuto niya si Mama dahil wala ako roon. Need ko muna yata umuwi, uuwi ako after ng semester namin ngayon.
“Naaawa kasi ako kay Rashid, ‘nak!” Matagal bago siya nagsalita ulit. “Paano na ito, Rhodisa? Anong ibibigay ko sa kanila? Nakakahiya naman kung wala akong maibigay na pera sa kanila. Mayro'n pa naman ako ritong 5 thousands pesos pero pera rito sa pang-araw-araw namin.”
Naikagat ko ang aking ibabang labi. Napabuga ako. No choice na naman.
“May money remittance po ba sila sa phone? Katulad ng C-cash? O p*****t app? Doon ko na lang po ise-send sa kanila.”
May pera pa naman ako C-cash app ko. Sana may app sila nu'n. Hindi na ako makakadaan sa money remittance, diretso na ako uwi sa apartment at matutulog na ako!
“Itatanong ko ngayon, Rhodisa. Sige, maya na lang. Magtetetxt ako kapag mayro'n silang gano'ng app.”
“Okay po, Ma. Sige po, baba ko na rin po itong tawag. Matutulog pa po ako.” saad ko sa kanya at i-nend na ang call.
Another problema. Ang saya maging panganay.
Hinanap ko ang number ni Rashid. Bibigyan ko nang matinding sermon dito sa phone. Pinupuno niya talaga ako!
“Hoy, ikaw na lalaki ka! Ano na naman ang kasinungalingan na sinabi mo kay Mama? Project-project ka pa nalalaman and nag-drop out ka nga! Pasalamat ka wala ako ngayon sa bahay dahil kung nandyan ako, isang suntok na naman ang aabutin mo sa akin! Tumino ka na nga Rashid! Hindi tayo anak mayaman, mukha lang tayong anak mayaman dahil maganda ang mga mukha natin! I'm warning you!”
Message sent!
Pinaramdam ko sa message na iyon na galit ako at bwisit ako sa kanya.
Sinuksok ko na ulit sa bulsa ng jean ko ang cellphone at lumakad na palakad sa may tulay. Maglalakad na lang ako pauwi sa apartment, sayang ang 50 pesos.
Habang naglalakad ako sa gilid ng tulay. Naiisip ko ulit ang problema ko kay Rashid at kay Mama at sa walang hiya kong ex-boyfriend! Akala mo ka-gwapuhan kung mambabae, hindi naman nagse-sepilyo pagkatapos kumain tanghalian. Kadirdir!
“Hay! Bakit sunod-sunod ang problemang kinahaharap ko ngayon? P'wede bang isa-isa lang? Jusko, isa lang naman ang katawan ko?!” Napa-upo ako sa gutter dito sa gilid ng tulay na nilalakaran ko.
Parang sasabog na ang utak ko dahil sa sunod-sunod na problemang kinahaharap namin. Isama mo pa ang pagkakakulong ng bwisit kong kapatid dahil nakasagasa siya, buti na lang talaga mabait akong kapatid at na-pyansa ko siya kaninang umaga.
“Ngayon?! Saan ako kukuha ng pambayad ko sa tuition fee? Napunta lang sa pang-piyansa sa kapatid ko ang sinahod ko sa pagtu-tutor! Urgh!” Napayuko na lang ako at napahilamos.
Last year ko na this year at mukhang mapupurnada pa ang pagka-graduate ko dahil sa kapalpakan ng kapatid kong suwail at spoiled sa Mama ko. Sana lang talaga mabayaran ni mama ang hiniram niya sa akin. Sana ‘wag siya mawalan ng amnesia.
Tumayo na ako at napapansin kong pinagtitinginan ako ng mga taong dumadaan at naglalakad dito sa may tulay, baka sabihin pa nilang baliw ako.
Pinagpagan ko ang aking suot na jeans. “Saan uli ako maghahanap ng traba–” Napahinto ako sa pagsasalita ng bigla akong dinamba ng dalawang bata.
“Mama!”
“Mama namin!”
Lumaki ang mga mata ko ng yumakap sa akin ang dalawang batang lalaki. Anong ginagawa nila?
Anong Mama ang pinagsasabi nila? Turning 24 pa lang ako this year at ilang raw pa lang ng makipag-break ako sa jowa kong manloloko!
“Eh? A-ano... Ba-baka nagkaka–”
“Pakawalan mo ang mga bata! Napapalibutan ka na namin!”
Lalong lumaki ang mga mata ko ng makita ang mga lalaking naka-itim na may hawak na mga baril, nakatutok ito sa akin.
“Te-teka!” Malakas na sigaw ko pero gano'n na lamang ang pagkahinto ko sa aking sasabihin na makita ang dalawang batang lalaki na nakatingin sa akin.
“Mama ka po namin!”
Jusko, hindi ako ang mama niyo!
“H-hoy! M-mga kuya, baka pumutok niyang hawak niyong baril!” Nanginginig na ako sa kinatatayuan ko habang ang dalawang batang lalaki naman ay nakapulupot pa rin sa akin.
Nakataas na rin ang dalawang kamay ko. “T-teka lang naman po! Isang hamak na ordinaryong mamamayan lang po ako sa bansang ito at marami po akong problemang kinahaharap ngayon!” saad ko pa sa kanila habang nakataas pa rin ang magkabilang kamay ko.
Bakit ganito nangyayari sa akin ngayon? Puro kamalasan!
“Mama, ano pong problema kinahaharap niyo? Hinahanap niyo po ba kami?”
Napangiwi ako sa sinabi ng isa sa mga batang nakayakap sa akin ngayon.
Hinahanap? Wala pa nga akong anak at lalong virgin pa ako!
“A-ano, ‘toy? B-baka nagkakamali lang kayo? Hindi ako ang mama niyo. Isang ordinaryong single na babae lang ako sa lipunan na ito! Sumama na kayo roon sa mga lalaking naka-itim, ayoko pa mamatay.” Kausap ko sa kanila habang gano'n pa rin ang p'westo ko, nakataas ang dalawang kamay.
Para akong magnanakaw na nahuli agad, on the spot!
“Eh? Why po kayo mamamatay? They're nice naman po! Look, mababait po silang lahat.” saad ng isang batang lalaki sa akin at tinuro ang lalaking naka-itim.
Anong nangyari? Nasaan ang mga baril nila na nakatutok sa akin kanina? Nakangiti na silang lahat ngayon.
Bipolar ba sila? Dua-duality?
May lumapit na isang lalaki sa amin, naka-salamin ito.
“Hi, Miss? I'm Kenta, ang right hand ng dalawang batang nakayakap sa'yo ngayon.” Pagpapakilala niya sa akin at inayos pa ang suot niyang salamin.
“Mi-mister Kenta, hindi ko po kayo kilala at hindi ko rin po kilala ang dalawang batang ito. Ako po si Rhodisa, simpleng mamamayan sa lipunan. Wala po kaming negasyo at nagta-trabaho lang po ako sa isang convenience store sa gabi. Wala po akong maibibigay na pera sa inyo. Sana po ‘wag niyo ko patayin!” Suko kong sabi sa kanya.
“Huwag niyo patayin, Mama namin, Kenta!”
“Huwag, Kenta!”
Sabay kaming nagulat nu'ng nagpakilalang Kenta ng sabay na umiyak ang dalawang batang lalaki. Umiiyak sila habang nakayakap sa akin.
“Te-te-teka! A-anong nangyayari?” Naguguluhan kong sambit kay Kenta. “Bakit umiiyak sila?”
“Young Masters, hindi po namin siya sasaktan. Kaya po tumigil na po kayo sa pag-iyak.” Malambing ang boses nu'ng Kenta.
Tumigil din agad ang pag-iyak ng dalawa. Napapikit na lang ako na sa damit sila nagpunas at suminga.
“Talaga po, Kenta? Hindi mo po papatayin Mama namin?” Nakatingin ang mata ng isang batang lalaki roon sa Kenta.
Hindi ko alam kung anong pangalan nilang dalawa halos magkamukha silang dalawa.
“Yes, young masters! Isasama po natin siya sa Mansion!”
Lumaki ang mga mata ko sa narinig kong isasama nila ako sa Mansion. Doon ba nila ako papatayin?
“T-teka lang hindi ako sasa–” Pero, bago ko pa matapos ang sasabihin ko.
Binuhat ako ng mga lalaking naka-itim at pwersahan nila akong sinakay sa itim na kotse. Bakit lahat itim at puti ang nakikita ko? Dracula ba silang lahat?
Straight body akong naka-upo sa sasakyan habang nasa magkabilang gilid ko ang dalawang bata.
Heto na ba ang katapusan ko? Hindi ko na ba mase-celebrate ang 24th birthday ko? Hindi na ba talaga ako makaka-graduate as nursing student?
Mamamaalam na ba ako sa mundong ibabaw? Paalam, Mama, Papa at sa kumag kong kapatid hanggang sa muli nating pagkikita.