YCW - 5

1944 Words
PAGKATAPOS naming kumain ay hindi ko alam pero nagpahila ako sa mag-kambal na ito. Katatapos lang namin kumain pero heto naman sila at hinila ako papunta sa bedroom nilang dalawa. Gusto ko na talagang umuwi! May trabaho pa akong kailangan pasukan! Gusto ko man magtext kina Alex and Gigi na hindi ako makakapasok today pero hindi ko ma-i-text dahil hindi ko maalala kung nasa'n ang bag na bitbit ko, nandoon ang aking phone! Nahihiya naman ako magtanong kay Mister Kenta. “Um, saan tayo pupunta?” Nahihiya kong tanong kina Blaze and Blade. Paano ba naman kasi hawak talaga nila nang mahigpit ang aking magkabilang pulsuhan, iyong tipong ayaw nila akong pakawalan. “Sa room po namin, Mama! Malaki po ang room namin Mama! Kasya po roon ang maraming toys but sabi ni daddy, enough na raw po toys namin!” Madaldal na sabi ni Blade sa akin habang nakangiti at nagtatalon-talon siya palakad sa k'warto nila. “Kasya po tayo roon, Mama!” Napalingon naman ako kay Blaze ng hilahin niya ang aking kamay, mukhang matatanggal yata ang braso ko dahil sa kanilang dalawa. Simula ng makita nila ako sa tulay kanina ay hindi na sila humiwalay sa akin. “Gano‘n ba? Anong kulay ng room niyo? Kulay blue ba?” pagtatanong ko sa kanilang dalawa habang papunta na roon sa kanilang room. Nagulat ako ng tumigil sila at sabay silang tumingin sa akin. Nakita ko ang pag-iling ni Blade sa akin. “Nope po, Mama. Kulay black and white po ang room namin ni Blade. Sabi kasi ni daddy ang black and white po ay for strong people po, like us.” Walang muwang na sagot niya sa akin. Napakiling ang aking ulo dahil sa sinagot niya. “Huh? Black and white ay para sa strong people?” pagtatanong ko ulit sa kanila at tumango naman sila sa akin. Sino ba ang daddy ng dalawang ito? Bakit iyon ang sinabi niya? Favorite na kulay ko rin naman ang black and white, so strong people rin ako? “Mama, why po? Hindi po ba for strong people niyon? Daddy kasi and our Uncles ay nakasuot po ng black and white then strong naman po sila!” Kalabit na sabi sa akin ni Blaze at doon ko lang napansin na lahat ng nakita kong tauhan nila ay naka-black and white na kulay. Lumingon ako sa paligid at maging ang kanilang kurtina ay all white, wala akong makita na ibang kulay bukod sa dalawang iyon. Maging ang suot ng dalawang ito ay naka-corporate suit na black and white rin. Ano ba ang pamilya nila, kulto? Ngumiti ako sa kanila at pinantayan ang kanilang height. “Wala naman mali, Blaze and Blade. Kaya tara na sa room niyo?” wika ko na lamang at naglakad na ulit kami. Ayokong maiba ang paniniwala nila at baka magalit din ang daddy nila sa akin. Mabuti na lamang ay hindi na nakasunod sa akin sila Mister Kenta. Nasa second floor ang room nila at halos lumuwa ang mga mata ko ng makitang ang lawak sa floor na ito. Nababakas dito na mayaman talaga ang nakatira. “Mama, dito po room namin!” Hinila na ulit nina Blaze and Blade papasok sa kanilang k'warto at napatanga na talaga ako ng makita ang kanilang room. Hindi sila nagsisinungaling. Malaki nga ang room nilang dalawa. Kasing laki na ito ng tinutuluyan kong apartment, mas malaki pa yata ito. “We‘re right, Mama, malaki room namin!” sabi ni Blade sa akin at tumakbo siya papasok, umupo siya sa sofa-ng mayro'n dito. Lumibot ang tingin ko sa paligid puro black and white rin ang kulay rito. “Mama, sit down po!” Tawag sa akin ni Blade at nakita ko ang pagtapik niya sa kanyang tabi, nakaupo siya ngayon sa sofa-ng mayro'n dito. Sinarado ni Blaze ang pinto at lumakad na kami palapit kay Blade. “Anong gagawin natin?” pagtatanong ko sa kanila habang lumilibot pa rin ang tingin ko sa room nila. “Um, Mama, can you read us the story? Because we sleep every afternoon, daddy said that so we can grow taller.” Napa-blink ang aking mga mata dahil sa sinabi ni Blade sa akin. Ginawa ko rin naman ang pagtulog tuwing tanghali pero hindi ako tumangkad. “Ah, gano'n ba?” sabi ko sa kanya habang napapakamot sa aking likurang ulo. “Um, anong k'wento ang gusto niyo?” dugtong na sabi ko at tinignan ang kanilang k'warto, doon ay may nakita akong bookshelf. Tumayo ako at lumapit doon. “Anong gusto niyong story, Blade and Blaze?” pagtatanong sa kanilang dalawa at tumungkod dito sa bookshelf nila. Ang daming mga fairytale story and ang iba naman ay mga educational books. Nilingon ko ang dalawa ng wala akong nakuha sagot, nakita kong nagtinginan sila sa isa't-isa. Mukhang may binabalak ang dalawang ito. “Mama, ayaw po namin niyan.” Tutol na sabi ni Blaze sa akin. “Uncle Kenta has already read all of that, Mama. Gusto po namin ay iyong bago po, Mama. Katulad po ng ma-meet niyo si daddy!” Magiliw na sabi ni Blade sa akin na siyang pag-upo ko sa sahig ng k'warto nila. Napatulala ako dahil sa aking narinig. Hindi ko pa na-me-meet ang daddy nila! Hindi ko nga rin kilala ang daddy nilang dalawa?! Napagkamalan lang nila ako kaya anong sasabihin ko? Anong iku-k‘wento ko? “Mama, ayaw niyo po ba?” Nawala ang aking iniisip ng makita ang mukha ni Blade na malungkot at mukhang papaiyak na. “Ah?” Napatayo ako at lumapit sa kanya. “Jusko, huwag kang iiyak baka barilin ako ni Mister Kenta at ng mga bodyguard niyo!” Piping dalangin ko sa aking sarili. “Don‘t cry, Blade! A-ano... Gusto niyo ba talaga iyon? B-baka gusto niyo ng k'wentong isang babae na na-stock sa gumuho na avalanche and niligtas siya ng gwapong binatang lalaki, ayaw niyo ba ang gano'ng k'wento?” Gusto kong ilihis ang kanilang isipan sa k'wento ng kanilang Mama at ng daddy nila. Una sa lahat ay wala akong alam sa lovestory ng magulang nila! Sabay silang umiling sa akin. “We want to hear your love story with daddy, Mama. Please, Mama, iyon na lang po.” Sabay rin nilang sabi sa akin at ang kanilang mga mata ay titig na titig sa akin. Oh pusanggalang iyan, no choice na ako. Tumango na ako sa kanilang dalawa. “K-kung niyon ang gusto niyo. Iku-k‘wento ko sa inyo ang love story namin ng daddy niyo!” saad ko sa kanilang dalawa at hinila nila ako papunta sa kanilang kama. Dalawa ang kamang nandito pero humiga lamang sila sa iisang kama. “Kaninong bed ito?” pagtatanong ko sa kanilang dalawa at kinumutan silang pareho. “Bed po ni Blaze ito, Mama! Sa bed ko po kasi maraming stuffed toys kaya rito po tayo para tabi po tayong tatlo.” Nakangiting sabi sa akin ni Blade at tinapik ang space sa tabi niya. “Higa ka rin po, Mama!” dugtong na sabi niya kaya sinunod ko siya. Sobrang lambot ng kanilang kama. Umupo na lamang muna ako sa tabi ni Blade. “Bedtime story na tayo, okay? Um, paano ko ba uumpisahan...” Napaisip na rin ako kung ano ang aking sasabihin. Paano ba kasi nagkita ang mga magulang nila? Pati ako pinapaisip dito. Okay, nandito naman na tayo, Rhodisa, gawan na natin ng paraan ito. Kapag nakatulog na silang dalawa saka na ako sisibat para umalis na rito! May papasok pa ako mamaya! “Once upon a time,” bungad na sabi ko, gagayahin ko na lamang ang story ng isa sa favorite kong fairytale, wala talaga akong maisip kung paano nagtagpo ang parents nila. “Nagkita ang isang babae at isang lalaki, sa malaking campus dito sa Manila. Na-love at first sight agad ang lalaki dahil sa mala-anghel nitong mukha...” Go with the flow na lang ako. “Then, Mama, ano po next?” Atat na tanong sa akin ni Blade habang nakangiti siya. “Um, next... Nagtapat ng pag-ibig ang lalaki sa babae at nalaman din niya na may gusto ang babae sa kanya kaya kinasal silang dalawa at nabuo kayo.” Tinapos ko na agad ang k'wento dahil wala talaga akong alam. “Ay, gano'n po ba? Ano po ugali ni daddy na nagpahulog sayo, Mama?” Napahinto ako sa aking sasabihin at napaisip sa tanong ni Blaze. “Ugali ng daddy niyo?” pagtatanong ko sa kanila at napakamot ako sa aking buhok. ”Um, s-sweet? C-caring and gentlemen.” sagot ko sa kanila. Iyon kasi ang tipo ko sa isang lalaki. “Sabi ko sayo, Blaze, love-love ni Mama si daddy, eh.” Narinig ko ang boses ni Blade. Bakas sa boses niya ang pag-uulila sa kanyang Mama. “Oo naman, love-love ko ang daddy niyo!” Hindi ko alam pero bigla na lamang lumabas sa bibig ko iyon, naawa ako sa kambal. Nasaan ba ang mommy nilang dalawa? Nagising ako ng may nakatitig sa akin at nakita ko si Mister Kenta na nakatayo sa may tabi ng pinto ng k'wartong ito. Oh pusanggala! Nakatulog pala ako habang nag-uusap kami about sa love story ng parents nila. Oh gosh, Rhodisa! Bakit tayo nakatulog? Dapat aalis na tayo after natin sila patulugin. Dahan-dahan akong bumaba sa kama kung saan nakayakap pa sa akin ang kambal. Tinanggal ko ang kanilang kamay sa akin at tumayo na ako sa kama. “S-sorry po, M-mister Kenta. P-pero, need ko na pong umuwi.” Nilakasan ko ang aking loob. May pasok pa ako mamaya. Napadako ang tingin ko sa wall clock na mayro'n sa room, pasado alas-singko na ng hapon. May ilang oras pa ako para makapaghanda sa shift ko sa convenience store. Napa-angat ang tingin ko kay Mister Kenta nang hindi ito magsalita. May problema ba siya? “Hawakan niyo siya, Renzo and Kenzo.” Nagulat ako nang magsalita si Mister Kenta at sisigaw na sana ako pero tinakpan nilang dalawa ang bibig ko at binuhat palabas ng k'warto ng kambal. Tinanggal din nila ang kanilang kamay sa bibig ko ng makalabas na kami sa k'warto nina Blade and Blaze. “Sa-saan niyo ko dadalhin? Papatayin niyo na ba ako? Waaah! Mi-mister Kenta, pa-promise po hindi ako mag-re-report sa police pakawalan niyo lang po ako!” Pagmamakaawa kong sabi sa kanila pero wala akong nakuhang sagot man lang. “Promise po, hindi ako magpapakita muli sa inyo! Pakawalan niyo lang ako!” Ulit ko pang sabi sa kanila. Nakababa na kami sa living room nila at dumiretso kaming lumabas. Saan kami pupunta? Papatayin na ba nila ako? Sinakay nila ako sa isang kotse at hindi ito ang ginamit namin papunta namin dito. Itatapon na yata nila ako. Jusko, ang bata ko pa para mamatay. Nasa magkabilang gilid ko ang tinawag na Renzo at Kenzo ni Mister Kenta, wala talaga akong kawala. Si Mister Kenta ang nag-drive ng kotse. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero ayoko ng malaman pa iyon. Habang tumatagal ay namamawis na ang aking kamay at sa noo ko, hanggang huminto ang sinasakyan namin. “Miss Rhodisa, heto ang bag na naiwan mo.” Napatanga ako ng i-abot ni Mister ang Kenta ang aking bag. “Walang nawala d'yan. And, p'wede ka na umalis sa sasakyan na ito kung gusto mo pang mabuhay...” Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin at bababa na sana ako sa sasakyan pero pinatigil. “Bago ka bumaba, patutulugin ka muna namin.” Dahil sa kanyang sinabi ay nahilo ako nang may maglagay ng kung ano sa aking ilong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD