#4:

2787 Words
Typos and grammatical error ahead!!!  ¤¤¤ KENNETH POV: ¤¤¤ "Teach me how to write.. teach me how to read." Naiiling na napapakamot na lang ako ng ulo dahil nandito na naman sa harap ko ang cute na batang makulit na si Acer. Hindi ko alam kong kaya ko bang matapos ang inaaral ko ngayon bago ang deadline ng test ko. Kahit naman ang tutor ko ay hindi siya magawang sitahin dahil ayaw naman mawalan ng trabaho kung mapapaiyak siya nito. "Acer.. why are here again." Si tito Elijah na mabilis na kinuha ito mula sa harapan ko. "No! Let me go mommy.. I wanna learn how to write too." Nagpupumuglas siya at humawak pa talaga sa gilid ng lamesa ko. Kung hindi lang siguro mabigat iyon ay siguradong natumba na at nagkalat na ang mga papel lebro na nasa ibabaw nito. Hindi naman magawang pwersahin ni tito Elijah ito dahil ayaw siyang masaktan. "You have yaya Carla to teach you baby. Kaya hindi mo kailangan ang kuya Kenneth mo na estorbohin." "No! I don't like yaya.. I like kuya Kenneth." Nagpupumiglas parin ito. "What is happining here." Sabay sabay kaming napatingin sa may pinto ng marinig namin si tito Ace. "Daddy. Daddy.. I want to learn how to write.. how to read." Pagsusumbong niya dito. Binitawan ito ni tito Elijah kaya mabilis na tinakbo si Tito Ace. Agad naman siya nitong kinarga. "Daddy.. daddy do something... do something so kuya Kenneth teach me." Dinampian nito ng halik sa nuo bago tumingin sa akin. "Kailangan ng kuya Kenneth mo ang mag aral ngayon baby.. so he can teach you some other time.. wanna go shopping. Tapos bumili tayo ng maraming gagamitin mo para matuto kang mag sulat." Naalala ko ang sinabi sa akin ni tito Ace ng mag usap kami. Sa paraan ng pakikipag usap nito sa akin na seryuso at matatag.. habang ngayon... ang gaan ng boses parang kay tito Elijah habang nakikipag usap sa kanya. Hindi maitatago kung gaano siya nito kamahal at gagawin ang lahat para sa kanya. "Ace.... Acer has a lot in his room." Si tito Elijah naman na kinontra ang sinabi ni tito Elijah. "Hayaan mo na mi esposa.. c'mon baby.. bibili tayo.. tuturuan ka ng kuya Kenneth mo na magsulat pagkatapos niya mag aral. Diba Kenneth?" "Oo. Tuturuan kita mamaya." Mabilis na sigunda ko sa sinabi ni tito Ace dahilan para ngumiti ito. "Promise?" Tumaas pa ang isa sa kilay niya. "Pangako.." "Lets go daddy.. mommy... wanna join us.. c'mon." Lumapit naman si tito Elijah sa kanila. Halatang hindi gusto ang pang i-spoil ni tito Ace kay Acer. Tumingin si tito Ace sa akin. Tingin na nagsasabing pagtuunan ko ng mabuti ang pag aaral ko. Well, kaya ko naman at hindi ko siya mabibigo sa bagay na iyon.. pero kung patuloy sa pangungulit si Acer... mukhang kailangan ko ng dobleng oras para mapagsabay ko ang makipagbonding sa kanya sa pag aaral ko. ¤¤¤ ¤¤¤ "Right or left?" Tanong ko kay Acer ng magpasya na akong pagbigyan ang kagustuhan nitong turuan ko kahit hindi naman kailangan dahil may mag tuturo naman sa kanyang iba. "This.. this.. like kuya Kenneth." Sabay taas ng kanang kamay. "Okay.." ipinahawak ko sa kanya ang lapis nito. Marunong naman na itong humawak ng lapis at maganda na din ang sulat. Naiiling na lang ako. Hindi naman na kailangang turuan siya. "I want to write kuya Kenneth name.. how?" Sabi niya na tumingin sa akin. Ngumiti ako. Kinuha ang papel niya at isinulat ko ang pangalan ko doon. "Hmmmm.. this is not same with Acer. " sabay turo ng apelyedong naisulat ko. "Oo.. dahil isa kang Anderson habang ako ay isang Hidalgo." Sagot ko dito. Hindi man niya siguro maintindihan kung bakit magkaiba kami ng apelyedo ay hindi naman na siya nagtanong pa. Saka maiintindihan at malalaman naman niya paglaki niya kung bakit kami magkaiba ng apelyedo dahil hindi naman talaga kami magkapatid. "Kuya Kenneth... kuya Kenneth... this is my name.. i'm Acer." nakangiti niyang ipinakita sa akin ang isinulat na pangalan. Hindi man maganda ang penmanship niya ay malinaw naman iyon para mabasa. "Oo, alam ko. At bagay sayo ang pangalan mo." "You like Acer right?" masasabi ko na kung lalanggamin lang ang ngiti niya ay kanina pa siya nilanggam sa tamis ng ngiting nakapaskil sa mga labi nito. Kusang pumatong ang kamay ko sa ulo niya at ginulo ang buhok niya. "Mas magugustuhan ka ng kuya Kenneth kung kakausapin mo ako ng tagalog.. hmmm.." "Mmmmm.." napalabi siya saka naipilig ang ulong napatingin sa akin. Mukhang iniintindi ang sinabi ko dahil may ilang sigundo rin siyang napatitig sa akin. "Tuturuan kitang magbasa. Sasamahan kitang maglaro kapag tapos na ako sa pag aaral. At mas magugustuhan ka ng kuya Kenneth kung kakausapin mo ako sa tagalog." mahabang dagdag ko. Ewan ko na lang kung naintindihan niya ang ibang sinabi ko. "T-talaga." at sa unang pagkakataon ay narinig ko siyang magsalita ng tagalog kahit pa man isang kataga lamang iyon ay ang cute lang pakinggan. Hindi ko maitago ang ang isang ngiti dahil doon. "Hindi mo iiwan Acer?" Tanong pa niya na talagang pinipilit ang magsalita ng tagalog. "Hindi.. hindi iiwan ng kuya Kenneth si Acer basta hindi siya magiging makulit." "Okay! Hindi magiging makulit si Acer." Nakangiti na naman niyang sagot bago muling pinagtuunan ulit ang sinusulat. Pinanuod ko na lamang siya sa kung anu-anong isinusulat na niya sa papel. Naging maganda naman ang pagsama ko sa kanya hanggang sa natulugan na niya ang ginagawa. Dahil maliit lang naman ang katawan niya ay kinarga ko na siya at maayos na ipinahiga sa kama. Pinagmamasdan ko siya pa siya ng makarinig ako ng katok mula sa labas ng pinto sa silid ko kaya naman agad ko iyong tinungo at binuksan. "Nakatulog po siya tito." Agad na sabi ko ng si tito Elijah ang napagbuksan ko. "Pasensya ka na sa abala hijo. Nadadamay pa ang pagpapahinga mo sana sa pakikipaglaro sa kanya." "Hindi naman siya nakakaabala tito at mapaglalaanan ko naman siya ng oras kapag tapos na ang pag aaral ko." "Salamat. Bumaba ka na muna at magmeryenda. Ililipat ko na muna siya para makapagpahinga ka na din ng mabuti mamaya." "Salamat din po tito. Sige po tito." Nakasunod ang tingin ko na sa kanila ng buhatin na ni tito si Acer palabas ng silid ko. Nagpasya na din naman akong lumabas at nagtungo sa kusina. "Umupo ka señorito. Anong gusto mong meryenda?" Tanong sa akin ni Celine ng makita akong papasok ng kusina. Naiilang man ako na tawagin na señorito ay hindi ko naman sila maituro na huwag akong tawagin ng ganung kapormal. Kahit na pangalan na lang sana ay maayos na sa akin pero sadyang iyon na ang itinawag sa akin simula noong dumating ako. Masasanay naman ako siguro. Hindi man ngayon.. kundi sa tamang panahon. "Salamat ate Celine. Kahit anong pwede pong mameryenda na lang diyan." Sagot ko na lamang. "Sige señorito.. sandali lang at maghahanda ako." Naging matiaga lang akp na naghintay hanggang sa maihanda ang meryenda ko. Kahit na gusto kong ako na lang ang gumawa at kumuha ng sarili kong meryenda ay hindi naman nila ako pinapayagang gawin iyon.. dahil nandito naman daw si ate Celine at ang dalawa pang kasambahay na kasama nito. Naging ganun na halos ang pang araw araw na takbo ng buhay ko. Mag aaral sa abot ng aking makakaya dahil gusto kong abutin ang expectation ni tito Ace para sa akin. Matapos mag aral at saka naman niya ako tuturuan about something sa mga negosyo niya. Kahit daw na nasa murang edad pa lang ako ay dapat matuto na ako doon katulad lang noong nasa edad pa lang niya ako na hinubog daw siya ng lolo niya sa ganung takbo ng buhay. Sa pag aaral ko ay nababawasan na ang pakikipaglaro ko at pakikipagbonding kay Acer.. nababawasan na ang pangungulit niya dahil mas kasama ko si tito Ace sa bawat oras kapag may free time ako matapos mag aral. "Daddy.. daddy.. I want to play with kuya Kenneth." Laging sinasabi ni Acer sa tuwing nagiging abala na kami sa pag aaral ko sa mga itinuturo nito. "Later baby.." "Hmmmp! But Acer like kuya Kenneth to play with me." Naiiling at lihim akong napangiti.. Kapag may kasama ng patampo ang tuno ng boses niya ay nagiging malambot na si tito Ace. "Okay! Okay baby.. don't be mad to daddy..." saka ito bumaling sa akin. "Go! Makipaglaro ka muna sa kanya ng ilang minuto." Utos nito sa akin. "No! Gusto Acer. Many many hours." Sabad na naman niya. "Sige.. Daddy give you and kuya Kenneth a time to play.." pag sang ayon na lang ni tito Ace sa anak. Spoiled brat! Nakukuha lahat basta ginusto niya. "Thank you daddy.. Acer love daddy very much." Paglalambing naman niya matapos mapagbigyan ang kagustuhan. Wala ng nagawa ang tito Ace ng hilain na ako na niya ako palabas ng library at hinila sa kung saan niya gustong maglaro. Pero hindi naman as in na laro. Gusto lang niya makipag bonding sa akin. Tuturuan ding magbasa o di kaya naman babasahan ng mga kwento hanggang sa makatulog naman siya kahit hindi pa man natatapos ang binabasa ko. Napapangiti na lamang ako na humaplos sa buhok niya. Nakaunan siya sa hita ko habang nakasandal naman ako sa sofa. Maingat na kumilos ako para hindi siya magising. Binuhat hanggang sa kama niya para maging maayos ang tulog. "Thank you again hijo." Si Tito Elijah na kapapasok lang din sa silid niya. "As always.. nakatulog na naman siya habang naglalaro kayo." "Oo tito.. binabasahan ko lang naman siya ng kwento." "Tama ka diyan.. ganyan na ganyan din kami lagi noon.. binabasahan siya ng kwento ay mabilis na siyang makakatulog.. at salamat sayo hijo.. hindi ka nakukulitan at nagsasawa sa kanya." "Hindi mangyayari iyon tito.. ang pag aalaga sa kanya at pag iintindi sa kakulitan niya ay kulang pa po iyon sa magandang pakikitungo niyo sa akin." "Mmmm.. oo naman hijo.. saka sinabi naman namin sayo.. you are part of this family now." Naging maganda ang pakikitungo.. Itinuring na tunay na kapamilya kahit pa man hindi ko pinapalitan ang apelyedo ko. Pero hindi naman naging hadlang iyon para maging mabuti sila sa akin bagkus naging mas naging matibay pa ang pagsasamahan namin bilang magkakapamilya sa paglipas ng mga araw.. buwan... at mga taon. ¤¤¤ ¤¤¤ "Congrats hijo.. you did it." Si tito Elijah na nagsabit at nag abot sa akin ng mga medal at iba pang award ko bilang valedictorian ng makapagtapos ako ng high school. Malaking achievement na iyon dahil natupad ko ang isa sa gusto ni tito Ace.. ang maging no. 1 sa lahat ng bagay. "Salamat tito. Inaalay ko naman ito sa inyo nina tito Ace at Acer." Mahinang sagot ko. Gustong tumulo ang luha ko sa kagalakan pero pinigil ko iyon dahil nakatingin sa amin si tito Ace.. isa sa ayaw niya ay ang makitaan ako ng kahinaan kaya pinilit kong magpakatatag. "Congrats kuya Kenneth." Si Acer na sumama sa pag akyat ng stage kasama si tito Elijah na nagtatago lang kanina sa likod nito. May hawak itong bulaklak. Nakangiting lumapit at inabot iyon sa akin. "Thank you little Acer." Sagot ko dahil sa nakasanayan ko na. Ginawaran ko ng halik sa nuo bilang pasasalamat pa sa pagbibigay niya ng bulaklak sa akin. Isang matamis naman na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya and as always.. hindi kumukupas ang ka kyutan niya sa paglipas ng pitong taon. Sampong taon na siya habang ako ay nasa labing walong taon na. Makulit parin siya at naging mas madikit siya sa akin kahit pa man halos wala na akong oras makipagbonding sa kanya. "Lets take a photo." Si Acer na pumuwesto sa harapan ko. Habang si tito Elijah ay nasa kaliwa ko na umakbay sa akin. Matapos ang pagkuha ng larawan ay sabay sabay na kaming bumaba ng stage. May ilan sa mga ka klase ko ang bumati sa akin. "C'mon, baby. Hayaan na muna natin ang kuya Kenneth mo na makabonding pa ang mga ka klase niya at kaibigan." Si tito Elijah na kinuha ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. "No! I want to stay with kuya Kenneth." Pagtanggi niya. Hindi binitawan ang kamay ko. "But this is his day.. hindi na niya makikita ng madalas ang mga kaklase niya pagkatapos nito." Paliwanag naman ni tito Elijah sa kanya pero ang hawak sa kamay ko ay yumakap na doon at mas humigpit iyon. "Hayaan niyo na tito. Ako na ang bahala sa kanya." "Pero.." "Okay lang tito.." sagot ko. Kapag sinabi naman niya na mananatili siya sa tabi ko ay iyon at iyon parin naman ang masusunod. Magkakagulo siguro kung ipinilit ang hindi niya gusto. Walang nagawa si tito Elijah kundi ang iwan siya sa akin. "Ang kyut naman ng alaga mo, Ken." Si Andrea na tinangkang ipatong ang kamay sa balikat niya ng mabilis na umiwas siya at tinignan ng masama. "Don't touch me." Pasigaw na saad niya na ikinagulat ng mga ka klase ko. "Pasensya na. Ganyan lang talaga siya.. hindi malapit sa ibang tao." Sagot ko bago ko siya binalingan. "Little Acer... huwag maging brat sa harapan ng mga ka klase ko." Mahinang saad ko sa kanya na bahagyang niyuko. "Hmmp! I don't like them. They are the reason kaya ka palaging wala sa bahay." Nakasimangot na sagot niya. Nailing na lang ako. Hindi ko na lang siya sinagot. Hinayaan na lang baka kung nagpaliwanag pa ako at kontrahin ang sinabi niya ay magalit na naman siya at mahihirapan na naman akong makuha ang loob niya. Minsan kasi noong nasa second year high school pa lang ako ay halos hindi na nagkikita ang landas namin dahil sa dami ng project ko at isama pa ang pagsabay ko sa pag aaral sa mga itinuturo sa akin ni tito Ace. At minsan na nga lang kami nagkita ay kinontra ko pa siya at sinabing marami pa akong ginagawa ay nagwala siya. Iyak siya ng iyak at sinabing ayaw ko na daw sa kanya. At umabot ng halos tatlong buwan na matalin ang naging tingin niya sa akin. At dahil alam na niyang hindi talaga kami magkapatid ay minsan na niyang nasabi na sana hindi na lang daw ako dumating at pinapalayas na ako. Ayaw ko siyang patulan dahil nasa ugali talaga niya ang kasungitan. Samahan pa ang pang i-spoiled ni tito Ace sa kanya. Ipinagpapalagay ko na lang na kung hindi lang talaga iniisip ang utang na loob ko sa mga magulang niya ay aalis talaga ko. Saka bata pa siya. At hindi pa masyadong alam ang mga nasasabi.. saka ko na lang siya kokontrahin kapag nasa tamang edad na siya kung patuloy ang ganung ugali niya. "Okay! Okay! Pero pwedeng huwag mo silang tignan ng masama.. hindi ka na magiging kyut niyan." "Hmmp! I know.. i'm still cute." Sagot niya. Muli akong nailing.. "indeed." Sagot ko. Muli na lang akong humingi ng paumanhin sa mga ka klase ko na naintindihan naman nila. Pero wala man isa sa kanila ang nangahas ng tapunan siya ng pansin dahil ayaw na nilang makatanggap ng kalamigang pakikitungo sa kanila. ¤¤¤ ¤¤¤ "Sasama ka sa akin papasok ng kompanya habang bakasyon pa." Si tito Ace isang araw na nasa hapag kami at kumakain ng agahan. "Sige po tito." "Ace.. hindi ba pwedeng pagpahingain mo muna ang bata." Si tito Elijah na kinuntra ang gusto ng asawa. "Noong nasa edad niya ako ay hindi ko naranasang magpahinga. Habang nag aaral ako noon ay isinasabay ko din ang pag aaral sa mga trabaho sa kompanya. Kaya para saan pa ang pag papahinga mi esposa. Kung gusto niyang maging matagumpay paglaki niya na hindi aasa sa iba ay dapat maging doble ang sipag niya para makamit iyon." Seryuso at mahabang paliwanag nito. "Pero..." "Okay lamang iyon tito Elijah." Pagpapagitna ko sa kanila. "Tama po si tito Ace dahil para din naman sa kinabukasan ko ang gusto niya." "Kenneth.. hijo." "Kinaya noon ni tito Ace iyon. Kaya sa tulong niya ay kakayanin ko din iyon tito Elijah. Kaya huwag po kayong mag alala sa akin." Hindi na sumagot si tito Elijah pero kapansin pansin ang pagpapakawala nito ng buntong hininga at ang tinging ipinukol sa asawa. Tama si tito Ace. Simula noon ay nagsimula na akong humanga dito dahil sa katatagan nito. Kahit pa man busy ito palagi sa trabaho ay may oras namang inilalaan para sa pamilya. Kaya nga gusto ko siyang tularan. Gusto kong maging katulad niya. Gusto kong maging matagumpay kagaya niya. Gusto kong makamit ang nakamit niya sa murang edad lamang niya. At sigurado akong makakamit ko iyon sa tulong nito..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD