#5:

2695 Words
Typos and grammatical error ahead!! ¤¤¤ ACE POV: ¤¤¤  "Daddy." Kahit hindi ko siguro tignan ang anak ko na kapapasok lamang ng opisina ko ay alam kong nakangiti siya na may gustong ipinapahiwatig. "Acer.. not now baby.. maraming ginagawa ang daddy ngayon." Agad kong sagot ko na bahagyang nag angat ng tingin sa kanya. Kahit hindi siya magsalita ay alam kong mayroon na naman siyang gustong makuha na hindi pinagbigyan ng mommy niya. Ako ang takbuhan niya kapag hindi pumapayad si Elijah sa isang bagay na hinihingi niya dito. "Daddy!" Nasa tuno ang boses na kahit hindi ko tignan ay alam kong nakasimangot na siya at magtatampo na naman sa akin. Nagpakawala ako ng buntong hininga bago ko itinigil ang ginagawa ko. Tumingin sa kaisa isa naming anak ni Elijah. Labing pitong taon na siya. At abala sa pag aaral sa high school pero madalas nasa kompanya siya dahil isa siya sa kinuha kong model ng magazine namin at indorser ng mga damit para sa mga teenager na ni la-launch namin sa buong taon. At dahil nagmana siya sa pangangatawan ng mommy niya at ka kyutan ay talaga namang maraming na eengganyong bumili. At totally sold out lahat ng mga iyon. "What it is?" Tanong ko na lang. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumipat sa sofa. Ang pagkakasimangot niya ay nawala at napalitan iyon ng isang matamis na ngiti. Agad na lumapit sa akin at tumabi sa pagkakaupo. Niyakap ang braso ko at isinandal ang ulo. "Mmmm.. Gusto kong maging model sa departmen kung nasaan si Kuya Kenneth. Daddy.. please.. do something so kuya Kenneth pick me. And beside.. I'm the best option kaysa sa mga nag aaply para doon." Isa na namang malalim na paghinga ang pinakawalan ko. Paano ko ba tatanggihan ang anak ko? Kung nakinig lamang ako noong kay Elijah ay malamang hindi siya magiging ganito ka spoiled ngayon. "I will ask Kenneth about that baby. Siya ang may hawak ng departamentong iyon kaya hindi ko siya pakikialaman doon." Mahabang paliwanag ko. "Pero bahagi parin iyon ng kompanya natin." Nakasimangot na sagot niya na may kasamang pagpadyak ng paa. Kumalas sa pagyakap sa braso ko. "Baby, please.. sinabi ko ng kakausapin ko ang kuya Kenneth mo. Nakadipende parin sa kanya kung papayag siya na kunin ka na maging modelo ng mga project nila." Mas napasimangot siya at halatang magwawala na naman dahil walang kasiguraduhan kung papayag nga si Kenneth na kunin itong modelo. Hindi ko naman masisisi si Kenneth na mahing mahigpit ito sa puntong mailalathala na naman ang mukha niya sa mga magazine dahil dalawang beses ng may nagtangkang dukutin siya habang nasa paaralan siya. Dahil kasikatan na idagdag pa na isa siyang Anderson. Kabutihang palad na lang ay sakop ng universidad kung saan umaatend ng college si Kenneth sa paaralang pinapasukan niya kaya bantay sarado siya dito. Pero ngayong tapos na ito sa pag aaral ay wala na akong ibang mapapagkatiwalaang magaling na magbabantay sa kanya at kayang suwayin ang mga hilig niya. "For sure.. tatanggihan ni kuya Kenneth iyan.. hmmmp. I hate kuya Kenneth." "Galit ka sa kuya Kenneth mo pero bakit ka papasok sa departamento na hawak niya kung ganun?" Tanong ko pa na kahit alam kong gusto lang niya inisin ito. "Daddy.. please.. do something.. please daddy." Muli ay mas nilambingan pa niya ang boses at muling yumakap sa braso ko. Muli na naman akong nagpakawala ng buntomg hininga. Masuyong haplos sa ulo niya at dinampian ng halik sa nuo. "Okay baby.." tanging sagot ko na lang na muli niyang ikinangiti. "Hmmm. That's my daddy.. Acer love daddy very much." Siya naman ngayon ang humalik sa pisngi ko na sinabayan ng yakap bago mabilis na tumayo. "Then where are you going?" Tanong ko ng palakad na siya palabas ng opisina ko. "To kuya Kenneth." Nakangiti niyang sagot. "Bye bye daddy.. I love you." May kasamang flying kiss. Naiiling na lang akong napasunod ang tingin sa kanya. Lumalaki na nga talaga ang nag iisang anak namin ni Elijah. "Daddy love you too baby." Naibulong ko na lamang. Ilang minuto din akong nagrelax ng umalis si Acer bago ako bumalik sa trabaho ko at muling inabala ang sarili sa mga dapat kung pagtuunan ng pansin para sa kompanya. ¤¤¤ ACER POV: ¤¤¤ Magaan ang pakiramdam ko habang binabagtas ang pasilyo kung saan patungo sa opisina ni Kuya Kenneth. Taas ang nuo at maganda ang tindig habang naglalakad na napapatingin ang mga impleyado ng kompanya. Hindi naman ako mayabang pero proud na proud akong sabihing napapasunod lahat ang tingin nila sa akin. Well, Im cute in any ways. "Sir Acer.. sandali." Napalingon ako at nabitin ang paghawak ko sa seradura ng pinto sa opisina ni Kuya Kenneth ng marinig ko ang pagpigil sa akin ng serkretarya niya. "Kabilin bilin po ni Sir Kenneth na walang pwedeng pumasok." Taas ang isang kilay at pinawaywangan ito. "Why? Any reason?" Saka ko tinapunan ng tingin mula ulo hanggang paa. Halata naman na nahintakutan sa ipinakita kong tingin dito dahil bahagya itong umatras. "Hindi mo yata ako kilala? Baka gusto mong maalis sa trabaho ng wala sa oras." Patuyang tanong ko pa. "Don't block my way if you want to in your job." Pagbabanta ko pa. Hindi na ito nagsalita pa at napayuko na lamang. "Hmmp." Saka ako tumalikod at walang katok na pumasok sa opisina ni kuya Kenneth. Dahil wala namang ingay ang pinto kapag binuksan ay hindi niya malalaman na darating ako na siguradong magugulat siya na makita ako sa opisina niya. Pero... Ako yata ang nagulat dahil sa naabutan ko. Hindi lang siya nag iisa kundi may kasama siyang isang babae. Nakatayo si kuya Kenneth sa harapan ng lamesa niya na nakatungkod ang mga kamay sa gilid habang ang babae ay nasa harapan niya at may kung anong tinatanggal ang kamay sa pisngi niya. O humahaplos nga ba iyon? Kunot ang nuo ko. Bigla akong nakaramdam ng galit dahil sa mga nasasaksihan ng dalawang mga mata. Pinagkatiwalaan siya ng daddy para sa trabaho sa mga negosyo pero ganito lang ang gagawin niya mismo dito sa kompanya. Hindi maari.. Hindi. Mabilis akong kumilos at lumapit sa kanila. Hindi gumawa ng ingay kaya di nila ako napansin. Ng kaya ng abutin ng mga kamay ko ang buhok ng babae ay mabilis ko iyong hinila. "Awwwww.. " sigaw nito. "Acer.. what the hell are you doing? Let her hair go." Mabilis naman na kumilos ito at hinawakan mismo ang kamay ko para kalasin ang pagkakasabunot ko sa buhok ng babae. Pero sa pagpipilit niyang alisin ang kamay ko ay mas humihigpit iyon at mas hinihila ko pa iyon. "Aray... Kenneth.. Take it off... awwww." "Kenneth.. take it off.."pang uulit ko pa at mas pinanggigilan ang buhok nito at muling hinila. "My God Acer. Bitawan mo siya." Dahil sa pagpupumiglas ko din na huwag pakawalan ang buhok ng babae ay napalakas ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nakaramdam ako ng sakit doon kaya nabitawan ko ang buhok ng babae na sinabunutan ko. Mabilis na kumilos ang babae na nagtago sa likod niya. Hindi ako umimik dahil napatingin ako sa kamay kong nasaktan dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya na ngayon ay agad na nagkapasa. "Acer...." "I hate you..." sigaw ko sa kanya. "You hurt me.. you hurt me." Paulit ulit na sigaw ko sa kanya. "Of course not. Hindi ko naman sinadya na masaktan ka. Ayaw mo naman kasing bitawan ang buhok niya." Paliwanag niya na mas nakapagpagalit sa akin. "Hmmmp! I hate you. Sasabihin ko kay Daddy na palayasin ka na. Sasabihin ko sa kanya na sinaktan mo ako. Look at this." Sabay pakita sa kamay ko na may marka na ng kamay niya. "I didn't mean it." "And who is that ugly girl.. huh! Nakikipaglandian ka dito sa loob kompanya? I will tell it to daddy." Muli ay galit na sabi ko saka ko tinapunan ng matalim na tingin ang babae na nanatiling nagtatago sa likuran niya. "Pwede ba Acer.. huwag kang magbibintang ngmga bagay na hindi ko naman gawain. She is Beatrix. Isa sa magiging modelo ng mga project namin." "Modelo? Ede wow. May modelo bang nanlalandi sayo. At Kenneth lang ang tawag sayo.. Whoa.. malandi lang kamo. Lalandiin ka para mas paboran mo siya." Galit parin na singhal ko. "Well, I will tell you ugly bitch..tanggal ka na sa pagiging modelo mo." Baling ko sa babae.. "So get out... bago pa ako tumawag ng mga guard na kakaladkad sayo palabas." Pagtataboy ko dito. Napansin ko ang pagpapakawala na naman niya buntong hininga bago binalingan din ang babae sa likod niya. "Go! Leave now.. I will call you tomorrow." Utos niya na halatang nakapagpatigagal dito pero hindi na nagawang sumagot at mabilis na kumaribas ng takbo palabas ng opisina niya. "And you.. hayst."sabay tampal ng nuo. "Let me see your hand." Ang kainang naiiritang tuno ng boses niya ay nawala na at napalitan iyon ng pag aalala. Nakasimangot na ipinakita ko naman iyon sa kanya. "I'm sorry." hinging paumahin niya. Binitawan ako. May kinuha sa drawer niya. "Hmmp! Hindi magagamot ng sorry mo ang pasa ko sa kamay. Nagsosorry ka ba para patawarin kita at ng hindi isumbong kay daddy. Hmmp." Pairap na sagot ko sa kanya. "Yeah! Yeah! I know.. that my sorry can't heal your bruised. Pero sinabi ko naman na hindi ko sinasadya.. saka pwede ba. Kahit isumbong mo ako sa daddy mo alam mong may maganda akong paliwanag kung paano mo nakuha ang pasang iyan sa kamay mo." Mahaba niyang lintaya na mas nakapagpasimangot sa akin. "C'mon.." sabay hila sa akin paupo sa sofa. "Don't call that b***h anymore." "And why not? She is one of my model." "You don't need her. Cuz I'm here to be your model." "No! Ilang beses ko ng tinanggihan iyan at mananatiling hindi ang sagot ko." Matigas na pagtanggi niya. Pinahiran pa ang kamay ko ng alcohol, nilinisan bago nilagyan ng ointment. "Pero wala ka ng magagawa. Sinabi ko na kay daddy na ako ang magiging modelo sa mga project na ila-launch niyo." Taas ang nuo ko saka ako ngumisi ng tumingin siya sa akin. Kahit ayaw niya man niya... ang gusto ko parin ang masusunod.. Dahil ako... The one and only prince for daddy and mommy. At ibibigay nila lahat ng gusto ko kaya wala siyang magagawa para tanggihan ako. Kaunting lambing ko lang kay daddy.. siguradong.. makukuha ko kung ano man ang naisin ko. ¤¤¤ KENNETH POV: ¤¤¤ Still bratty... Hindi na yata matapos tapos ang pagpapakawala ko ng buntong hininga habang ginagamot ang kamay niyang nagkapasa nga dahil sa pagkakahawak ko ng mahigpit kaninang tinatanggal ko ang kamay niya sa pagkakasabunot sa buhok ni Beatrix. Hayst.. Akala ko noon ay lilipas din ang pagka spoiled at brat niya ay hindi pala bagkus mas naging malala pa ngayon. Kagaya na lang kanina. Ipinamukha na naman niya sa akin na hindi na naman ako bahagi ng pamilya nila. Yeah! Totoo naman iyon pero itinuring akong tunay na anak ng mga magulang niya. Well, mabait naman siya sa akin at lagi din namang naglalambing kapag nasa magandang mood siya. Basta napagbibigyan ko ang nais niya. Basta sa kanya lahat nakatuon ang oras ko ay magiging maganda ang takbo ng buhay ko sa bahay. Pero... nitong huling taon ng makapagtapos na ako ng college ay naging abala na ako sa ipinahawak ni tito Ace sa akin at doon na lahat natuon ang pansin ko. Bihira na nga magsanga ang landas namin dahil minsan na lang ako umuuwi at sa sarili ko bg unit sa hotel ako madalas mamalagi. Dahil doon ay mas naging malayo na ang loob niya sa akin. Sa tuwing magsasanga man ang landas namin ay halos ganito ang tagpong mangyayari. Minsan nga noong nasa 3rd year college ako. Kasama ko ang mga barkada ko that time para sa lunch. And then, isa sa kanila at nililink din sa akin. Tinutukso na bakit hindi daw ba pwedeng maging kami. At ang isa naman ay nakiayon sa kanila. Lumipat sa tabi ko. Maybe she is into me sa mga panahong iyon. Naging sweet na siya sa akin pero hindi ko naman iyon hinaluan ng malisya. Hinayaan ko lang pero dahil doon.. nagalit na naman siya sa akin. Sinabihan na paglalandi lang ang ginagawa ko at hindi nag aaral ng mabuti. Sinabihan na hindi ko ginagamit ng maayos ang perang binibigay sa akin ng mga magulang niya. Ipinaramdam na lahat ng tinatamasa kong kaginhawaan sa buhay ay dahil sa kanila. Minsan naiinis ako.. nagagalit talaga ako sa kanya. Kung hindi ko lang talaga iniisip ang kabutihan ng mga magulang niya sa akin ay matagal na din akong lumayas sa kanila. Pero... Kaya ko nga ba? Sa tingin ko ay hindi din dahil sa dalawang beses na may nagtangkang dukutin siya ay nakaramdam ako ng takot at pag aalala para sa kanya. Sa kasikatan ba sa murang edad dahil isa siya sa ginagawang modelo ni tito Ace. Idagdag pa ang yaman niya bilang isang Anderson. Sino ang hindi makakapag isip na dukutin siya para hingian ng ransom ang mga magulang. Kahit sigurong ilang milyon pa ang hingin ng mga dudukot sa kanya ay hindi magdadalawang isip sina tito Ace na ibigay agad iyon para sa kaligtasan niya. He is like a precious gem for them. Mamahaling hiyas na iniingatan. The only prince or I should say.. they treat him like a princess. A vulnerable princess. Sa labing apat na taon na akong nakatira sa kanila ay alam ko na lahat ang tungkol sa kanila. Ang akala ko noon ay anak ni tito Ace gawa ng science pero.. hindi dahil kay tito Elijah daw talaga galing si Acer. Tito Elijah give birth to Acer. He had his own womb.. pero dahil daw sa nabingit sa kamatayan noon si tito Elijah ay kinailangan na nilang alisin iyon. Naikwento din nila kung paano daw lumaban si Acer na sa murang edad ay lumalaban na noon sa sakit sa puso. Na minsan ng namatay at muli din namang nabuhay. Kaya hindi ko masisisi sina Tito Elijah at tito Ace kung paano nila pinalaki at tratuhin si Acer. Ibigay lahat ng naisin niya.. ang lahat ng gusto niya.. para lamang sa ikaliligaya ng nag iisa nilang anak. Teenager na siya ngayon. Lumalaking katulad ni tito Elijah. Petite ang pangangatawan na madalas makikita para sa mga babae. Pero sa pag uugali? Mabait talaga si tito Elijah. At iyon ang hindi niya namana. Madalas pa nga ay magkaugali sila ni tito Ace. Masungit.. at dominante. Well, ustrikto lang talaga si tito Ace.. at hindi pa naman ako pinagsusungitan na hindi gaya niya na madalas akong sinusungitan.. inaaway at madalas na pinapalayas na.. at sinasabing kukunin na lahat ng mga bagay na naibigay sa akin ng mga magulang niya. Hayst. Muli na naman akong nagpakawala ng buntong hininga. Sa bagay na iyon... hindi ko alam kung may magagawa pa ba ako para putulin ang sungay niya. At anong klaseng paglalambing na naman ba ang ginawa niya para mapapayag si tito Ace sa gusto niya. Nakausap ko na nga si tito Ace tungkol dito. Sinabi ang point ko na huwag na naming ilabas sa peryudiko ang mukha niya at uunti untiing alisin ang imahe niya sa lahat ng taong nakakakilala sa kanya para hindi na maulit pa ang dalawang beses na pagkakadukot niya. "You don't need to be a model. You have everything." "But I want to.. and you can't say no.. I will be your model. And no more buts." Sagot niya na hindi parin nawawala ang taas ng nuo.. taas ng isang kilay at nakangising labi. "Wala ka bang klase? Saka mas inuuna mo pa ang mga bagay na ganito kaysa sa pag aaral mo." "Mayroon. May weekends naman.. kaya... i-schedule mo ang picturial sa sabado at linggo.. diba.. kung gusto may paraan.. kung ayaw maraming dahilan.. kaya don't ever give me reason kuya Kenneth. Dahil hindi ako makikinig." Hayst! "Okay! Okay! But don't ever do that again. Huwag kang mananakit na lang basta basta.. paano kung pinatulan ka at walang tutulong sayo. May magagawa ka ba?" "Hmmp! Eh nandyan ka naman kanina." At talagang rumason pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD