#3:

2741 Words
Typos and grammatical error ahead!! ¤¤¤ KENNETH POV: ¤¤¤  "Pasensya ka na hijo." Hinging paumanhin ni tito Elijah ng kunin sa silid ko si Acer na nangungulit sa akin. Nagulat nga din ako kanina dahil ang akala ko ay isang panaginip lamang na may humihila ng kamay ko ay hindi pala. Kundi isang Acer ang namulatan ko na ginigising nga ako at kinukulit na makipaglaro sa akin. "Okay lang iyon tito Elijah." Mahinang sagot ko. "Mommy.. put me down. Put me down." Nagpupumiglas pa si Acer mula sa pagkakarga ni tito Elijah sa kanya pero hindi naman hinayaang bitawan siya. "Acer.. I told you that don't disturb kuya Kenneth while he is sleeping." Magaan na paninita sa anak. "But I want to play with kuya Kenneth.." nakasimangot na sagot naman niya. Mamasa masa na din ang mga mata na gusto ng lumuha. "Acer... kapag makukulitan ang kuya Kenneth mo baka aalis siya.. gusto mo ba na umalis ang kuya Kenneth mo.. hmm?" Humikbi siya. Tuluyang tumulo na ang mga butil ng luha sa mga mata na umiling bago tumingin sa akin. "No! I dont like kuya Kenneth to leave.. I won't bothered kuya Kenneth anymore." May pahikbing sagot nita. Pinunasan ang luha gamit ang sariling mga braso. Ang cute! "Put me down.. mommy.. put me down.. I want to say sorry to kuya Kenneth." Agad namang kumilos si tito Elijah at maingat siyang ibinaba mula sa pagkakakarga sa kanya. Agad itong lumapit sa akin. Hinawakan ang dalawa kong kamay at deretsong tumingin sa mga mata ko. "Don't leave kuya Kenneth.. I wont disturb you anymore.. please... don't leave Acer.." parang isang maapong tuta na nakikiusap sa akin. Namamasa parin ang mga mata dahil sa kaunting pagluha. Binawi ko ang kamay ko na hawak niya at awtomatikong gumalaw at ipinatong iyon sa ulo niya. "Huwag lang masyadong makulit. Hindi ako aalis." Sagot ko sa kanya dahilan na pati si Tito Elijah ay napatitig sa akin. Tatlong araw palang ako sa kanila at hindi nila ako inuusisa sa pag ampon sa akin. "Really... Really.. you wont leave me? You wont leave Acer?" "Oo." Na sinabayan ng pagtango dahilan para yumakap siya sa akin. "Kuya Kenneth like Acer.. he wont leave Acer behind." Habang nakayakap siya sa akin ay nagtama ang mga mata namin ni Tito Elijah. Ngumiti ito sa akin at sa paggalaw ng mga labi kahit hindi man iyon kalakasan ay nagpapasalamat ito sa akin. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Hanggang kailan ang kabaitang ipinapakita nila sa akin? Hanggang saan ako maghihintay para makilala sila ng lubusan. "Baby... can you leave us for a while.. go to daddy and play with him." Kuway saad niya at masuyong kinuha siya mula sa pagkakayakap sa akin.. "Can I stay.. I want to stay here." "Please baby.. kakausapin ko lang ang kuya Kenneth mo na mag stay here for good.. ayaw mo nun?" "No.. I want to stay here. I want to hear kuya Kenneth say he want to stay here.. to stay with acer." Sagot naman niya. Nakita ko ang pagtaas baba ng balikat ni tito Elijah sa pinakawalang malalim na paghinga. "Maybe some other time.. pwede ba Kenneth, hijo?" Seryusong tumingin ito sa akin. Tumango ako bilang sagot.. baka tungkol sa pag aampon nila sa akin kaya gusto akong makausap ng masinsinan. "Sige po tito Elijah. Bukas na lang po ng umaga." Sagot ko. "Salamat hijo." Bumaling na ito kay Acer. "Lets go baby.. gusto pang magpahinga ni kuya Kenneth. Saka na lang kayo maglaro." "Okay! Kuya Kenneth rest well.." nakangiti niyang sabi. Hinawakan ulit ako sa kamay at hinila. Tumingkaayd ito ng napayuko ako sa kanya at ginawaran ng halik sa pisngi. "Acer wont disturb you.... mommy.. mommy.. lets go.." sabay hila na kay tito Elijah palabas ng silid ko. Hindi agad ako kumilos, nakatingin na lamang ako sa nakasarang pinto kung saan sila lumabas kanina lang. ¤¤¤ ¤¤¤ Tatlong magkakasunod na katok ang ginawa ko sa labas ng pinto ng library kung saan gusto akong makausap ni Tito Elijah. "Come in." Nakangiting binagbuksan ako ng pinto. "Salamat po tito Elijah." "Umupo ka hijo. Dito.." sabay turo sa pang isahang sofa na nasa pinakagitna ng maluwang na library. Sa pag upo ko ay iginagala ko na ang paningin ko sa paligid. Ang daming libro na umaabot sa walong palapag ng book shelf. Sa bawat sulok ng silid aklatan. "Kung gusto mong magbasa ng mga libro ay pwede kang kumuha isa sa mga iyan." Magaan talaga magsalita si Tito Elijah. "Salamat po tito." "Kumusta naman ang pamamalagi mo dito." Doon ako napatingin sa pinasukang kong pinto kanina na ngayon ay papasok na si tito Ace. Ang bawat salita naman nito ay kabaliktaran ng kay Tito Elijah. "Maayos naman tito Ace." "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Isa lang naman ang gusto namin." Si tito Ace na naglalakad patungo sa lamesa sa pinagitna at umupo sa upuan nito. "Hindi sa minamadali ka namin. Alam mo naman kung gaano ka kagusto ng anak namin. At ayaw naming patagalin ang isang bagay na wala pang kasiguraduhan. At ayaw ko na isang araw ay ang anak namin ang masaktan kapag tuluyan siyang napalapit sayo pero aalis ka parin naman." Mahaba nitong saad. Wala naman akong ibang masabi. Alam ko na darating din talaga ang araw na ito dahil iyon naman ang usapan. Kung hindi ko nagustuhan ang trato nila sa akin ay malaya akong umalis at hindi na nila ako gagambalain pa. Pero ano nga ba ang magiging disesyon ko ngayon? "Ace.." si tito Elijah na may pag aalala habang nakatingin dito. "Huwag mo munang..." "Hanggang kailan niya gustong magdisesyon." Pigil nito sa sinasabi ni tito Elijah. "Sorry mi esposa.. pero alam mong maaapektuhan ang anak natin kapag nagtagal pa siya sa pagdidisesyon kaya hindi ko na patatagalin pa ito." "Pero.." "Mi esposa.. leave it to me.. and can you please leave us alone for a while." Hindi agad nagsalita si tito Elijah pero kalaunan ay tumango ito. "Don't be afraid hijo. Maging totoo ka sa sarili mo. Nasa iyo parin ang disesyon kung gusto mong manatilo dito sa amin." "Opo tito Elijah." Tapik sa balikat bago ito lumabas. Katahimikan ang namayani ng ilang sandali ng mapag iwanan na kaming dalawa ni tito Ace. Tumitig ito sa akin. Sinubukan kong makipagsukatan ng tingin dito pero ako din ang unang nagbawi ng tingin. "Like what I've said. Kailangan ko ng malaman ang sagot mo ngayon. Kung mananatili ka ba dito sa amin o gusto mo ng bumalik sa ampunan." Seryuso na pagbabasag nito ng katahimikan. Tumikhim ako dahil parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Pinatatag din ang tindig ng pag upo ko at kahit na hindi ko kayang tagalan na salubungin ang tingin nito ay nakikipagtitigan din parin ako dito. "Pero bago ka magdisesyon ay gusto ko munang marinig mo ang side ko." Pagpapatuloy nito. "Ang tito Elijah mo ang may gusto na mag ampon kami at hindi ako pumayag. Ayaw ko na may ibang tatapak sa pamamahay ko na hindi ko kadugo." Seryusong pagkukwento parin nito. "Hindi naman nagsawa ang tito Elijah mo sa pangungumbinsi sa akin na hindi ko naman matanggihan. Ang sabi ko sa kanya at titignan ko. Susubukan kong kilatisin ang kung sino man ang magustuhan niyang ampunin." "At bakit ako?" Kusang lumabas iyon sa mga bibig ko. Seryuso ding tumitig dito. "Sa una hindi ako kumbinsado ng ikaw ang nagustuhan niya. Natatandaan mo ba ng unang magtama ang mga mata natin?" Natigilan ako. Oo, natatandaan ko iyon. Ng lumingon ako sa kanila ay kay tito Ace ako unang napatingin at nagtama ang mga mata namin na nagtagal ng ilang sigundo bago ako nagbawi ng tingin. "Nakita ko sa mga mata mo ang katauhan ko noong nasa edad mo pa lamang ako. Aloof sa ibang tao. Ayaw makihalubilo sa iba. Mas gustong mapag isa." Sagot nito. Nakinig na lamang ako sa mga sinasabi nito. "Kaya nagbago ang pasya ko at gusto na ampunin ka. Hinayaan ko ang tito Elijah mo ang makipag usap sayo.. baka sakali na madala ka sa mababang tinig niya. Dahil kung ako siguro ang nakipag usap... sa tingin mo? Papayag ka bang magpaampon sa paraan ng pakikipag usap ko sayo?" "Para hindi ka manibago sa susunod na mga araw..sasabihin ko sayo.. hindi ako mabait? Limitado at seryuso akong makipag usap sa iba maliban sa tito Elijah mo at kay Acer. Istrikto ako pagdating sa mga bagay bagay. Gusto ko lahat perfect sa paligid ko." "At kapag pumayag ka na pag aampon namin sayo.. gusto ko lumaki ka ayon sa gusto ko.. na isang katulad ko... iyon ang una kong naisip noong nakita kita.." "Paano kung hindi ako papayag?" Muli ay seryusong tanong ko. Nakita ko ang pag angat ng gilid ng labi nito. Ngumisi ba ito sa seryusong tingin sa akin. "Nasabi na ng tito Elijah mo na kung hindi ka papayag.. wala na kaming magagawa doon at hindi ka namin pipilitin.. at kung wala kang balak tanggapin ang pag aampon namin sayo.. ay habang maaga pa ay sabihin mo na.. hindi naman kami ang maapektuhan.. si Acer na ang inaalala ko... nagiging malapit na siya sayo.. kaya bago pa man tuluyang mapalapit ang anak ko sayo.. magdisesyon ka na." "Kung papayag ako? Ano ang magiging papel ko sa inyo?" "Nasabi ko na kanina ang sagot ko para diyan.. gusto kong lumaki ka ayon sa gusto ko. Sundin lahat ng gusto. Maging isang katulad ko. Can manage everything. Pagdating naman sa personal mong buhay.. hindi ko iyan papakialaman basta kaya mong isabay iyan sa naayon sa mga gusto ko." Natigilan ako. Seryusong seryuso ito habang sinasabi iyon. Walang kangiti ngiti. Wala akong ibang mabasang emosyon maliban sa kaseryusuhan. "Nasabi ko na ang lahat ng gusto ko. Walang lalabas ng silid na ito na wala akong natatanggap na sagot mula sayo. Dalawa lang naman ang pagpipilian mo.. papayag kang manatili dito o babalik ka sa ampunang pinaggalingan mo." "Wahhhhh.. mommy.. mommy..." napalingon ako sa pinto na nakasara ng marinig ko ang sigaw ni Acer. "where is kuya Kenneth.. he is not in his room. Kuya Kenneth left me.. huhuhu." Malakas na sunod sunod na tanong niya habang umaatungal ng iyak. "Narinig mo? Kung gaano ka kagusto ng anak ko. He is looking at you now." Hindi talaga alam ang isasagot dito.. hindi parin ako nakapagpasya ng maayos para sa sarili ko. Pero sa mahabang paliwanag nito.. parang gusto kong subukan dahil hindi naman ipinagkaila kung ano ang sinasaloob nito. Hindi din ito katulad ng iba na nagbabait baitan bagkus ipinakita at ipinaramdam nito kung ano ba talaga ang ugaling mayroon ito. Napansin ko na din iyon simula pa lang.. na hindi ito kasing bait ni tito Elijah. "Paano kung papayag ako pero mayroon akong isang kundisyon?" Nakipagsukatan ito ng tingin sa akin. "That is what I like about you. Tell me.. what it is?" "Papayag akong manatili dito. Papayag akong sumunod sa lahat ng gusto niyo. Kung ano ang gusto niyo sa paglaki ko. Sa kung paano niyo ako gustong lumaki.. pero... huwag niyong tatanggalin ang apelyedong dinadala ko." Mahaba na seryusong sagot ko. Ngumisi ito. Tumayo sa kinauupuan nito at lumapit sa akin. Nilahadan ng kamay. Tumayo na din ako mula sa pagkakaupo ko. Tumingin sa kamay na nakalahad sa harapan ko. "Madali lang din ako kausap. It's a deal. Ibibigay ko sayo ang marangyang buhay na hinahangad ng karamihan. Basta masunod ang paraan ng gusto kong kalakihan mo." Nagdalawang isip parin ako... parang gusto kong bawiin ang deaisyon ko pero.. "Mommy.. kuya Kenneth dosen't like me anymore? He left me.. mommy.. kuya kenneth Left me." Patuloy sa pag iyak si Acer sa labas. "No baby..kuya Kennerh like you.. at hindi naman siya umalis." Sagot ni tito Elijah na pinapatahan na siya. "Stop crying baby.. makakasama yan sayo." "Deal." Kusang kumilos ang kamay ko at tinanggap ang pakikipagkamay nito. Hinigpitan pa nito ang pagkakahawak ng palad ko dahilan para bahagya akong mapangiwi. "Deal. I will count on you from now on." Bahagya akong tumango. Hindi na ako sumagot na tumalikod na matapos nitong bitawan ang kamay ko. Tinalunton ang pinto at lumabas. Nagulat pa ako na nasa tapat na lang pala sina Tito Elijah at Acer ng library. "Kuya Kenneth.." nagpumiglas sa pagkakahawak sa kamay ni tito Elijah at patakbong lumapit sa akin. Yumakap ng mahigpit. "I thought you left... don't leave kuya Kenneth.. Acer will cry." Pumatong ang isa kong kamay sa ulo nito at masuyong ginulo ang buhok nito. "Hindi ka iiwan ng kuya Kenneth. Dito lang ako." Sagot ko na kay tito Elijah na ako nakatingin. Ngumiti ito sa akin kaya naman napangiti na din ako na sinabayan ng pagatango. Alam ko na kahit hindi ko sabihin na pumapayag na ako na manatili sa kanila ay naiintindihan na nito sa mga sinabi ko kay Acer. "Thank you." Mahina pero ayon sa galaw ng labi nito ay iyon ang kahulugan. Nagpapasalamat sa pagtanggang ko sa pag aampon nila sa akin. Pero masasabi bang pag ampon iyon gayong hindi naman ako pumayag na palitan ang apelyedo ko? Hindi ko alam.. siguro.. hindi.. siguro..oo. ¤¤¤ ¤¤¤ "Basahin mo ang mga iyan." Napatingin ako sa mga librong inilapag nito sa harapan ko habang nagmumuni muni ako sa may hardin ng bahay. Tulog si Acer kaya walang batang cute na nangungulit sa akin. Dalawang linggo na din ang lumipas simula ng tanggapin ko ang alok ng mag asawa na tumira sa kanila. Hindi man legal na pag ampon ang ginawa nila ay naging legal naman na sila ang magiging guardian ko. "Pag aralan mo ang mga iyan." Seryuso pa nitong dagdag na umupo sa bakanteng upuan sa kanan ko. "Maglalabing dalawang taon ka na kaya dapat nasa high school ka na sa susunod na pasukan. Nasabi sa amin ni sister Marie na hindi kayo nakaka attend ng paaralan at tanging mga basic lang ang inaaral niyo sa ampunan." Mahaba nitong paliwanag. "Nasabi naman niya sa amin na may talino ka kaya sana hindi ako mabigo sa pagkilatis ko sayo. Aralin mo ang mga iyan para sa alternative learning system.. hindi mo kailangang umatend doon ng review dahil magagawa mo dito iyon. May darating na magtu-tutor sayo dito araw araw. Just fucos sa lahat ng mga nakalagay diyan. Kung papasa ka ay makakapag high school ka na sa pasukan. Don't disappoint me." "Sige tito Ace. Kaya kong ipasa ang test na iyan kung iyan ang gusto niyo. Kung may tiwala kayo sa akin.. hindi ko kayo bibiguin." Matatag na sagot ko dito. Tumayo na at kinuha lahat ng librong inilapag nito sa lamesa. "I already folded the pages para sa mga dapat mong pag aralan. Saka na lang kita ulit kakausapin bago ang iyong pagsusulit. So be ready.." "Sige tito Ace. Maiiwan na kita." Tumango na lang ito. Dala dala ang mga libro na pumasok ng bahay pabalik ng silid ko. Kompleto na ang gamit sa silid ko. May bahagi kung saan dapat ako mag aral. May computer na din doon na minsan ko ng inusisa kung paano iyon gamitin at hindi naman ako nabigo gamit ng cellphone na binili nila para sa akin. Masasabi ko na hindi nga ako nagkamali sa pagpayag ko na manatili sa kanila. Hindi nagbago ng pakikitungo sa akin si tito Elijah. At kahit si Acer ay patuloy na nangungulit sa akin. Habang si tito Ace.. ay nagsisimula ng maging istrikto gaya ng sinabi nito na isa sa ugali niya. Hindi naman ako nasasakal sa pagkaistrikto nito. Tama lang.. dahil ipinauna naman nito sa akin na kapag tinanggap ko ang pananatili sa kanila ay gusto niya na lumaki ayon sa gusto nito. Maging responsable.. maging matatag... kumbagay gusto ni tito Ace na lumaki ako na maging katulad niya. Hindi ko ipinagkakaila na katulad ni tito Ace ang hinahangaan ko. Sa tindig.. sa porma.. sa kilos.. sa pananalita.. at sa mga katangiang iyon ay nagpapakita ng isang taong may katatagan at may paninindigan. At gusto ko na lumaki ako na maging kagaya niya. Akala ko nga.. pangarap lamang dati ang maging katulad ni tito Ace pero ngayon.. matutupad iyon dahil sa mga katangiang gusto ko.. ay nasa iisang tao na ngayon ay handang hubugin ako na maging kagaya niya. At hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. Ang oportunidaad na makawala sa buhay ng kahirapan.. at pangarap ko na maiangat ang buhay ko sa sarili kong sikap at sa tulong ng pamilyang kumopkop sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD