#2:

2891 Words
Typos and grammatical error ahead!! ¤¤¤ ACE POV: ¤¤¤  "Daddy.. Daddy." "Yes baby? What is it?" Nakangiti kong tanong sa baby namin ng lumapit sa akin. Inakyat kasi ni Elijah si Kenneth para sabihan ng bumaba para sa meryenda. Kararating lang namin galing ampunan at sa kabutihang palad ay nahikayat naman niya itong sumama sa amin. "Is kuya Kenneth don't like me?" Sa murang edad ng baby Acer namin at nagawa nitong ikunot ang nuo habang nakatitig sa akin na nagtatanong. Ngumiti ako. Maingat na kinarga ko ito at pinaupo sa kaliwang hita ko. Masuyong ginulo ang buhok nito bago dinampian ng halik mismo kung saan pumatong ang kamay ko. "Kuya kenneth like you baby. Kaya nga siya sumama sa amin pauwi dahil saiyo." Maalumanay na sagot ko. I love my son. And I really love Elijah for giving Acer to me. Kahit na sa lumipas na nakaraang taon ay muntik na itong nawala sa amin dahil sa operasyon nito sa puso. Pero sadyang para siya sa amin dahil matapos ang hindi pagtibok ng puso nito matapos ang operasyon ay muling bumalik ito sa amin. At isa iyon sa hindi ko makakalimutang himala NIYA para sa anak namin.. na para sa amin.. They are my everything. Sa kanilang dalawa ko na lang inuubos ang oras ko. Sa kanila na ako kumukuha ng lakas para mas maging matibay pa ang pamamalakad ko sa mga negosyo namin. "But he didn't answer any of my question... he don't like to talk to me. Is he really like me?" Pang uulit na tanong nito. Ngumiti na naman ako. Nakakagaan para sa akin ang makitang kasiglaan nito. Ang kakulitan nito na nagpapahiwatig lamang na maayos ang kalusugan nito. Na wala ng iniindang sakit. "Gaya ng sabi ng mommy kanina.. naninibago lamang ang kuya Kenneth mo.. kaya huwag mo siyang masyadong kulitin.. hmmm... para hindi siya umalis ng bahay.." "Hmmmm.. okay daddy.. I wont bother kuya Kenneth anymore so he cant leave." Nakangiti nitong sagot. Bibong bibong ito sa kabila ng murang edad. "Good boy... be good always okay..." Tumango ito.. hindi na umalis sa pagkakaupo sa hita ko habang matiyang hinihintay ang pagbaba ng kuya Kenneth at ng mommy niya. Pero ang sinabi kaninang hindi kukulitin ang kuya Kenneth niya ay hindi nasunod. Bagkus mabilis na bumaba sa pagkakakandong sa akin at sinalubong ang mga ito sa ibaba ng hagdan. "Kuya Kenneth.. kuya kenneth. Do you like your room? You want me to put teddy in your room? I have plenty toys in my room.. we can share." Mahaba nitong saad. Walang pag aalinlangang hinawakan sa braso si Kenneth. Bahagya akong nag alala baka hindi magustuhan nito ang paghawak niya dito. Naging maagap ako at mabilis na lumapit sa kanila kung sakali mang hindi maging maganda ang reaksyon ni Kenneth sa paghawak ng baby namin dito. Hindi parin umimik si Kenneth. Napatingin sa brasong hinawakan ni Acer pero hindi naman iniwas ang kamay. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Hindi naman nito pinakitaan ng kagaspangan ng ugali katulad ng ipinakitang ugali sa amin kanina. Hinayaan lamang siyang kulitin ni Acer. "I will give you one of my big teddy.. you can hug it when you are sleeping." Patuloy parin si Acer sa pagsasalita. Napapangiti na lang ako habang nakikinig sa mga sinasabi. "C'mon. C'mon.. yaya Celine made us snack." Tuwang tuwa pang hinila ang kuya Kenneth niya sa sala kung saan na maayos na inilapag ni Celine ang mga inihanda. Nagkatinginan kami. Ngumiti ako at ginantihan din ako ng ngiti. Umakbay ako sa kanya na sumunod na sa dalawa na nauna ng hinarap ang meryenda. "I love you mi esposa." Bulong ko habang palapit kami sa kanila. "I love you too." May kasamang pagpisil sa balikat niya ang kamay ko kung saan iyon nakapatong. Inihilig pa niya ang nuo sa balikat ko na pinagmasdan ng ilang sigundo ang dalawa. "I like milk." Hawak ni Acer ang maliit na baso at inilapit iyon kay Kenneth. Makikitang nanginginig ang kamay nito ng hawakan ang maliit na jug kung saan mayroon gatas para kay Acer at sinalinan ang baso nito. "Mommy.. daddy.. kuya Kenneth give me milk.. kuya Kenneth like me." Baling nito sa amin. May ngiti kami sa labing lumapit na sa kanila ng tuluyan.. tumabi ako kay Acer habang tumabi naman siya sa tabi ni Kenneth. "Ako na ang bahala kay Acer. Asikasuhin mo ang sarili mo." Seryusong saad ko dito na nakapagpabaling ng tingin nito sa akin. Nandoon na naman ang seryuso ding tingin na ipinukol nito kanina habang nasa ampunan kami. Lihim akong napangiti.. I like his attitude. Kung mapapalaki ko ito ayon sa mga gusto ko ay mapapanatag ang loob kong ipagkatiwala dito ang anak ko. Noong una ko itong makita sa ampunan ay may nagtulak na sa akin na ito na lang ang ampunin namin. Nasa tindig nito ang may paninindigan. Malakas ang dating kahit na hindi ito umiimik. Nakikita ko sa kanya ang kabataan ko ng nasa edad pa lang niya ako. Hindi nakikipaglaro sa mga pinsan ko. Mas gusto ko ang mapag isa kaysa ang makihalubilo sa kanila. Kaya naman nagustuhan ko ang katauhang niya ngayon na ganun din ako noon. Naisip ko na lang na kung maaampon namin ito ay palalakihin ko ito na naayon sa gusto ko. May makakasama ako sa pagpapalago pa ng mga negosyo basta ba mapapasunod ko ito sa lahat ng gusto ko. "Sige na hijo.. mag meryenda ka na.. pagkatapos nito ay pwede ka na ulit bumalik sa silid mo kung iyon ang gusto mo." Hindi maalis talaga sa kanya ang gaan ng tinig. Hindi parin nagbabago iyon sa paglipas ng mga panahong magkasama kami. Kaya mas lalong lumalalim pa ang pagmamahal ko sa kanya. Kahit na hindi umimik si Kenneth ay kumilos naman ito para magsalin ng fresh orange juice sa baso. "Kuya Kenneth.. Here.. here.. this is yours." Sabay abot ng isang pirasong pancake dito. Tinignan naman nito iyon bago kinuha mula sa kanya. "Salamat." mahina man pero sa unang pagkakataon ay narinig namin siyang nagsalita. "You heard that daddy. You heard it right. Kuya Kenneth, thanked me." Makikita na tuwang tuwa si Acer dahil doon. Binitawan ang baso ng gatas at umusad palapit sa kinauupuan nito. "Do you like more? I wanna give you more. Here.. here." Sabay hawak ng pinggan ng pancake at ibinigay na lahat iyon sa kanya. Muli kaming nagkatinginan ni Elijah at ngumiti sa isa't isa na may kasamang pagtango na kahit sa tingin lang ay nagkakaintindihan na kami. "Baby, don't bothered kuya Kenneth to much. Hayaan mo siyang mamili ng gustong meryendahin." Magaang panunuway sa anak namin. Dahil ayaw kunin ni Kenneth ang plato ng pancake ay siya na mismo ang kumuha nito kay Acer. "But kuya Kenneth like pancake.." nakasimangot ng sagot nito. "Daddy.. daddy.. tell kuya Kenneth to eat more.. please daddy." Nasa labi ko parin ang ngiti ng humawak ito sa akin sa braso na may kasama ng pagyugyog. Paano ko mahihindihan ang baby Acer namin kung ganito ka cute ito. "Okay baby.. I will." Sagot ko dito. Binalingan si Kenneth na ngayon ay nakatingin na din sa akin. "You heard Acer right? Can you....?" Hindi man ito nagsalita ay kumilos naman ang mga kamay na muling kumuha ng isa pang pancake dahilan para muling ngumiti si Acer. Naging magana ang pagsasalo namin ng meryenda na sinamahan ng kakulitan ng baby Acer namin. ¤¤¤ ¤¤¤ "Daddy.. Can I go to kuya Kenneth room?" Tanong sa akin ni Acer ng nasa hardin kami ng bahay na nagpapahinga. Kanina pa ako kinukulit nito na gusto pang makausap.. makasama.. makalaro ang kuya Kenneth niya pero matapos ang meryenda namin kanina ay muling bumalik ng silid ito at nagkulong na. "Baby, hindi mo pwedeng kulitin lagi ang kuya Kenneth mo. Gusto niyang magpahinga ngayon dahil napagod siya sa biyahe." Malambing na paliwanag niya sa anak namin. Kinandong ito na may kasamang pagyakap. "But I like to play with kuya Kenneth. I like to play with him." May kalakasang sabi nito at nagpumiglas sa pagkakayakap niya kaya wala siyang nagawa kundi ang ibaba ito. Mabilis na lumapit ito sa akin at humawak sa braso ko. "Daddy. Please.. I like to play with kuya Kenneth.. daddy.. do something.. please." Pakiusap nito sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa.. naiiling na nagkibit balikat siya.. Kapag kasi may bagay na hindi niya pinayagan ay sa akin tatakbo ang anak namin at sa akin makikiusap na hindi ko naman matanggihan. Lahat ng naisin nito ay binibigay ko. Lahat ng gusto nito ay tinutupad ko kaya sa akin lagi ito tumatakbo kapag hindi niya ito pinagbigyan. "Ace." Mahina pero may diin na bigkas nito sa pangalan ko. Nailing na din ako dahil hindi ko naman siya pwedeng suwayin. Lagi niya akong pinagsasabihan na hindi ko dapat masyadong i spoil ang anak namin dahil hindi magiging maganda iyon paglaki nito. "Don't worry mi esposa." Bulong na sagot ko din sa kanya. "Daddy please.. daddy please." Muli ay pakiusap sa akin ni Acer na mas nilakasan pa ang pagyugyog ng kamay ko. "How about we go shopping then.. we can buy toys for kuya Kenneth." Iniba ko na lang ang paksa para hindi na ito mangulit na makipaglaro kay Kenneth. "Really? I want to buy teddy for kuya Kenneth. A big big teddy." At talagang isininyas pa ang kamay kung gaano kalaki ang gustong bibilhin para sa kuya Kenneth niya. "Do you think your kuya Kenneth like teddy bear?" Tanong ko pa. Binuhat ito at kinandong. "I don't know. But he will like it.. lets go. Lets go daddy.. lets go mommy." Hindi na nawala sa mga labi nito ang mga ngiti. Nakita ko ang pagpapakawala naman niya ng isang malalim na paghinga. "Okay baby.. lets go." Kinarga ko na ito ng tumayo ako. Umagapay naman siya sa amin. "I told you not to spoil him." Bulong niya sabay siko sa akin. "Hayaan mo na mi esposa.. nag iisa na nga lang siya.. pagkakaitan mo pa." Pabulong din na sagot ko sa kanya ng umakbay ako sa kanya. Padamping humalik sa labi niya. "I wanna kiss mommy too.. I wanna kiss daddy too." Hindi pa man kami nakakasagot ay ginawaran na kami ng halik sa mga pisngi namin. Nakakatuwa lamang na kapag naglalambing ako sa mommy niya ay gusto niya ding maglambing sa amin. "I will buy teddy for kuya Kenneth.." paulit ulit na sabi nito habang palabas na kami ng bahay para ipag shopping na nga ito sa mga gustong ibigay sa kuya Kenneth niya. ¤¤¤ KENNETH POV: ¤¤¤ Maawtoridad ang bawat salita ng asawa ni tito Elijah. Iyon ang napansin ko kanina ng makiusap si Acer sa kanya na gusto akong kumain ng marami sa meryendang naihanda kanina. Hindi naman sa natakot ako kundi gusto ko lang na hindi mapahiya ang anak nila sa halatang sinusunod lahat nito ang gusto ng anak. Matapos kaming magmeryenda kanina ay maayos naman akong nagpaalam sa kanila na babalik na dito sa silid ko na agad naman pumayad si tito Elijah. Wala naman na kasi akong gagawin kanina at hindi ko alam kung ano ba ang dapat iakto sa harapan nilang magpapamilya kaya nagpasya na akong bumalik na lang ng silid. Ano ba ang gagawin ko? Nakakapanibago ang tumira sa ganitong kalaking bahay. At hanggang saan, o hanggang kailan nila ako pakikitaan ng magandang pakikitungo? Parang gusto ko na tuloy hilain ang oras at mga araw para tuluyan ko na silang makilala at makapagpasya na ako kung magpapaampon ba ako sa kanila? Nagpakawala ako ng buntong hininga. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa mahabang sofa. Nagpasyang maligo na lang ulit ako para mahimasmasan ang pag iisip ko. Kaginhawaan ang naramdaman ko ng matapat ako sa tubig na na nagmumula sa shower. Ganito pala ang pakiramdam ng maligo na hindi mo kailangang gumamit ng tabo at magbuhos ng tubig sa katawan. Nagtagal ako ng halos labing limang minuto sa tapat ng tubig. Sa init ng panahon ay gugustuhin kong manatili dito sa loob ng banyo. Well, kung sa bahay ampunan siguro ay iyon ang gagawin ko pero hindi ko naman magawa dahil limitado lamang ang tubig na dapat naming gamitin sa pampaligo. Ngayon.. hindi ko naman kailangan ang manatili sa loob ng banyo para magpalamig dahil may sariling aircon ang silid na ipinaukupa sa akin ng tito Elijah. Matapos akong maligo ay nagdisesyon pag aralan ang bawat sulok ng silid. May ilang mga laruan na nakalagay sa display cabinet. Mayroon na ding computer table sa kaliwang bahagi ng silid at kompleto na iyon ng gamit. Mayroon na ding flat screen TV na nakakabit sa wall. At ang ikinaganda pa ng silid na binigay sa akin ay may balkonahe. Sariwang hangin ang sumalubong sa akin ng lumabas ako sa balkonahe.. at sa paglabas ko doon ay natanawan ko silang nasa hardin at tila kinukulit ni Acer ang mga magulang. Kinandong ito ni tito Elijah pero kalaunan ay nagpumiglas kaya ibinaba niya ito. Lumapit si Acer kay tito Ace na parang may sinasabi dito. "Isang masayang pamilya." Naibulong ko. Nakakainggit na makitang masaya at buo ang pamilya nila gayong hindi ko iyon naranasan simula noong nagkaisip ako. Pinagmasdan ko sila mula sa balkonahe. Pinanuod ang masayang bonding nilang tatlo. Ilang minuto din silang kinukulit ng anak nila hanggang sa kinarga na ni Tito Ace si Acer na sumunod naman sa pagtayo si tito Elijah. Nag i exist pala ang tulad nila. Ang makitang masaya sila kahit na parehong lalaki ang bumubuo ng pamilya nila at may isang anak na bibo at cute na cute na si Acer. Bahagya akong napayuko ng makitang hinalikan ni tito Ace si tito Elijah sa labi. Pero saglit lamang iyon at nakita ko kung paano naman humalik si Acer sa mahkabilang pisngi nilang dalawa. Napakasweet naman nilang tatlo sa isa't isa. Mas nainggit ako. May kung anong damdamin ang nabuhay sa puso ko habang pinagmamasdan kung gaano sila kasaya. Kung gaano ka perpekto ang pamilya nila. Parang gusto ko na ding mapabilang sa kanila.. No! Hindi pa dapat ako magtiwala. Hindi pa dapat ako makaramdam ng ganito gayong wala pang buong araw ko silang nakakasama. Pero bakit pakiramdam ko na sa mga oras na kasama ko sila ay kilang kilala ko na sila. "Sana nga! Hindi kayo katulad ng mga unang pamilyang gustong umampon sa akin." Bulong ko. Nagpasya na akong bumalik sa loob ng silid. Maingat na isinarado ang pinto sa balkonahe. "Mmmmm." Napasinghap ako ng maluwang ng makasampa ako sa kama at nahiga ng padapa. Ang lambot. Para akong hinihikayat na ipikit ang mga mata at matulog. Hindi tulad sa ampunan na mainit na nga ang paligid ay matigas pa ang higaan. "Such a wealthy family." Naibulong ko habang nakasubsub ako sa malambot na unan. Nasa ganun akong ayos ng tuluyan akong makaramdam ng antok. Pinagbigyan ko ang sarili ko. At nilasap ang lambot ng kamang kinahihigaan ko. ¤¤¤ ¤¤¤ Mga katok sa pinto ng silid ko ang nakapagpagising sa akin. Agad akong kumilos para bumangon. Tinakbo ang banyo at naghilamos bago ko tuluyang binuksan iyon. Isang malaking teddy bear ang nasa labas ng pinto na mas malaki pa sa akin. Sa edad kong labing isa ay matangkad na ako sa height na 4'8 pero sadyang malaki ang teddy na nasa harapan ko. "Surprise." Nagulat pa ako ng lumabas si Acer sa likod ng teddy kasama ang yaya nito na nakahawak mismo sa teddy bear. "Are you surprised? Do you like it? Daddy help me to buy this for you. This is a gift from Acer.." masiglang saad nito. Hindi yata napapagod sa kadaldalan. Ayaw ko tuloy magsalita at sagutin ito dahil halos english ang salita nito. Alanganin akong sagutin ng tagalog dahil hindi naman ako marunong mag english. "Ahh." Napakamot ako ng ulo. Lumingon pa ako kaya nakita ko sina Tito Elijah. Tumango ito na may mga ngiti sa labi. "Yes.. I-i like it." Sagot ko na lang na parang bumaluktot pa ang dila ko sa pagsagot ng english sa kanya. "Yeheeeh.. c'mon yaya.. put teddy inside. Faster. Kuya Kenneth like it." Utos nito. Nabigla na naman ako ng humawak siya sa kamay ko at hinila ako paalis sa pinto na para bigyan ng daan ang ipapasok na malaking stuff toy. "Saan ko ilalagay señorito." Tanong ng yaya niya na sa akin nakatingin. Natigilan ako.. Ako! Tinawag na señorito. Hindi ba masyado iyong kalabisan dahil hindi naman ako kasapi ng pamilyang pinaglilingkuran nito. "S-sa ibabaw na lang ng kama." Alanganing ding sagot ko. Agad naman itong tumalima at inilagay nga ng maayos sa gitna ng kama. Napansin ko na nasa pintuan na din ang mag asawa na nakamasid sa amin. Nasa mga labi paring nila ang mga ngiti. "Kuya Kenneth.. do you really like it? I chose that for you." "O-oo. S-salamat." Pilit na nagpakita ako ng ngiti ng sagutin siya. Isang matamis na ngiti naman ang gumuhit sa mga labi nito na nakapagpatunaw ng puso ko. Napakagandang nilalang! Sa loob loob ko. Para itong munting anghel sa amo ng mukha. Hindi ko tuloy napigilan ang pag angat ng kamay ko na ipatong iyon sa ulo niya at bahagyang ginulo ang buhok nito. "Thank you." Sa pasasalamat ko ay bigla itong yumakap sa akin. "Your welcome kuya Kenneth. Your welcome." Nakatingalang sagot niya habang nakayakap parin sa akin..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD