#1

2697 Words
Typos and grammatical error ahead!! ¤¤¤ Elijah POV: ¤¤¤ "Salamat sa pagbisita Sir Elijah. Sir Ace." may bahid ng ngiti ang isa tagapangalaga sa ampunang pinuntahan namin. "Walang anuman iyon sister Marie. Gusto lang talaga naming muling bisitahin ang batang gusto naming ampunin." "Alam namin iyan Sir Elijah. Pero... hindi ba pwedeng ibang bata na lang.. iyong willing maampon. Ang isa kasing iyon ay ayaw ng umalis dito sa ampunan. Pang apat na kasi kayong nagtatangkang ampunin siya at sa tatlong nauna ay isinauli lang siyang pabalik dito." "Huwag kayong mag alala sister Marie.. hindi na po siya babalik dito." "Hindi po natin iyan masasabi sa ngayon Sir Elijah. Once kasi na nakukuha na siya ng mga aampon sa kanya ay gagawa ito ng mga bagay na ikakagalit ng umampon sa kanya hanggang sa ibabalik siya dito sa amin." Nagkatingin kami ni Ace dahil sa sinabi nito. "Hindi lang siguro nagustuhan ang trato sa kanya ng mga umampon sa kanya sister Marie. Huwag po kayong mag alala.. hindi naman namin po siya aampunin para alilain." "Kayo po ang bahala Sir Elijah. Hindi na muna ako mag pa file ng adoption letter para hindi po masayang ang oras niyo. Obserbahan na lang muna natin ang galaw at kilos niya habang nasa pangangalaga niyo siya Sir Elijah." "Sige sister Marie, kung iyan ang makakabuti para sa pag ampun namin sa kanya." "Sumunod po kayo sa akin sir Elijah. sir Ace.. nasa silid lamang po siya. Ayaw makihalubilo sa iba." Naunang naglakad ito sa amin. Sumunid lamang kami hanggang sa marating namin ang silid ng mga ibang bata kung saan lamang siya nagkukulong. "Kenneth. Halika dito." tawag ni Sister Marie sa bata pero hindi ito gumalaw sa kinauupuan sa higaan nito sa gilid kung saan ito nakatawan sa labas ng bintana. Saglit na lumingon lang sa amin bago muling ibinaling sa bintana ang tingin. "Ganyan talaga siya Sir Elijah." "Okay lang. Pwede ko ba siyang lapitan?" "Sige Sir Elijah. Hindi naman siya delekadong bata." Humawak sa kamay ko si Ace na nanatiling walang imik at hinayaan akong makipag usap lang kay sister Marie. Hindi parin nagbabago ang ugali niya na bihirang makipag usap sa iba lalo na at hindi niya gaanong nakikita o kakilala. "Ako na ang bahala." nakangiti kong sabi sa kanya. "May tiwala ako sayo na kaya mo siyang kumbinsihin." sagot naman niya sa akin sabay haplos ng pisngi ko. Ngumiti naman ako. Tumingin muna ako kay sister Marie bago ako bumaling sa nakatalikod na bata. "Hi." mahinang pagbati ko dito. Hindi agad ito lumingon na akala ko ay mapapahiya ako pro lumingom din ito kalaunan sa akin. "Hello." muli kong pagbati dito. "Hindi ako sasama sainyo. Makakaalis na kayo." matatag na tuno ng boses na saad nito. Blanko lamang ang makikita sa ekspresyon sa mga mata nito. "Away mo bang magkaroon ng bagong pamilya maliban dito? Mabibigyan ka namin ng masaganang buhay kapag sumama ka sa amin." "Maayos na ang buhay ko dito. Hindi ko na kailangan ng bagong pamilya kung sa simula pa lang ay pakitang tao lang ang ipinakita." "Hindi naman kami ganun hijo. Kaya nga kami nandito at makipag usap sayo ng maayos para kumbinsihin na sumama sa amin. Mabibigyan ka namin ng magandang buhay. Makakapagtapos ka ng pag aaral." "Hindi ko kailangan ng mga iyan. Makakaalis na kayo." simabayan ng pagtalikod at muling ibinalik ang paningin sa labas ng bintana. Napalingon naman ako kay Ace na nanatiling walang imik na nakamasid lang sa amin ng bata. "Maayos na ang buhay ko dito." "Hindi naman habang buhay ay mananatili ka dito sa ampunan. Wala ka bang mga pangarap sa buhay? Ayaw mo bang makapagtapos ng pag aaral at makapagtrabaho sa malaking kompanya at magkaroon ng sariling pera? Maibibigay namin iyon sa iyo kapag pumayag kang sumama sa amin." mahabang pangungumbinsi ko dito. "Pare-pareho lamang kayo ng sinasabi. Ganyan din ang sinabi sa akin ng mga naunang gustong umampon sa akin. Sasabihan ng magagandang salita pero kapag sumama ako ay gagawin naman akong alila.. para saan pa kung sasama ako kung aalilain niyo lamang ako. Mas gusto ko pang maghanap ng trabaho kaysa ang sumama sa inyo at alilain ako." "No! hindi namin magagawa ang mga sinasabi mo. Hindi mo kailangang magtrabaho para magkapera. Maibibigay namin sa iyo ang mga kakailanganin mo ng hindi mo iyon pinagtratrabahuan." "Talaga? At gaano naman katotoo kaya ang mga sinasabi niyo?" napatitig akong muli dito ng seryusong tumingin ito sa akin. May sarili na itong paninindigan dahil labing isang taong gulang na ito kaya hindi ko ito masisisi sa klase ng pananalita nito. Hindi naman ito magsasalita ng ganun kung hindi nakaranas ng pagmamalupit ng mga naunang gustong umampon sa kanya. "Mapapatunayan namin na totoo ang mga sinasabi ko kung papayag kang sumama sa amin. Sabi naman ni Sister Marie na hindi muna gagawa ng kasulatan para sa pag ampon namin sayo. Bigyan mo kami ng pagkakataong ipakita na iba kami sa mga naunang gustong umampon sayo. Kung talagang hindi mo magustuhan ang pananatili sa amin ay ibabalik ka namin dito at hindi ka na namin kukulitin pa." "Bakit? Bakit gustong gusto niyong umampon ng bata? Bigyan niyo ako ng magandang rason?" seryusong tanong nito. Hindi agad ako nakasagot. Napatingin ako kay Ace na nakamasid parin sa amin. "Well, gusto lang naman namin na magkaroon ng kapatid ang anak namin. His name is Acer. Gusto naming maranasan niya na magkaroon ng kapatid na mag aalaga sa kanya. Magpaparamdam na may kuya siyang magmamahal sa kanya at kuya na mag tatanggol sa kanya kapag inaapi siya ng iba." mahabang sagot ko dito. "Kagagaling lang niya sa isang operasyon sa puso. At hindi gaanong kalakasan ang katawan niya. Matutuwa kami kapag sumama ka sa amin at ituturing mong isang tunay na kapatid ang anak namin. Ituturing mo din kaming tunay na pamilya." na sinamahan ng pagkukwento dito. "Pero bakit ako? Bakit ako ang napili niyo?" "Dahil alam naming kaya mo siyang alagaan para sa amin. Kayang ingatan katulad ng pag iingat namin sa kanya. Kayang ipagtanggol katulad ng pagtatanggol namin sa kanya." "Paano kayo makakasigurong aalagaan ko at ituturing na kapatid ang anak niyo?" "Sa paraan ng pananalita mo ay nakikita namin na may paninindigan kang pinanghahawakan." "Hindi kapatid ang kailangan niya kundi isang bodyguard." "Kung body guard lang ay marami kaming nakapalibot sa kanya. Pero hindi iyon ang kailangan namin, kuya na ituturing siyang tunay na kapatid." Hindi na ito nagsalita. Tumitig ulit sa akin bago bumaling kay Ace. Sa paraan ng tingin niya kay Ace ay parang nag uusap ang mga mata nila. Ilang sigundo din na nabalot kami ng katahimikan bago nito binasag iyon ng mga salita. "Sasama ako.. pero hindi ko sinasabing pumapayag akong paampon sa inyo." "Okay lang iyon. Hindi ka namin pipilitin sa ngayon. Basta hayaan mo kaming iparamdam sa iyo kung gaano katotoo ang paghahangad naming mapabilang ka sa pamilya namin." "Sige." tanging katagang lumabas sa bibig nito na muling bumaling sa labas ng bintana. Ngiting tagumpay ang napaskil sa bibig naming mag asawa dahil sa napapayag namin ito kahit pa man wala pang kasiguraduhang magtatagal nga ito sa amin. Pero hindi na iyon mahalaga. Ipapakita na lang namin dito na hindi siya iba sa amin at ituturing na isang tunay na anak para hindi na ito makatanggi sa pag ampon namin sa kanya. Kinausap ulit ito ni sister Marie para sa amin para kumpermahin ang pagsama na nito sa amin pauwi ng bahay. Wala na itong imik habang kaagapay na namin itong palabas ng ampunan. Hindi na din naman namin siya inimik para hindi naman maasiwa habang nasa biyahe kami pabalik ng A. Place. "Daddy, mommy." masayang salubong sa amin ni Acer. Halos kababa lang namin ng kotse ng lumabas ito ng bahay. Agad itong nagpakarga sa akin. May diing dumampi ang mga labi sa pisngi ko. "Daddy. I wanna hug daddy too." may lambing na inilahad ang mga palad kay Ace na agad naman lumapit sa amin. Yumakap ang maliliit na braso ni Acer sa leeg niya at may diing ding humaliki sa pisngi niya. "Where have you been, mommy? daddy?" tanong nito. Hindi kasi namin sinabi dito ngayon namin kukunin ang magiging kuya niya. "We have a surprise for you baby." "Really? A big teddy? I like teddy bear." masayang sabi nito. Itinaas pa ang mga kamay habang sinasabi kung gaano kalaki ang gustong teddy bear. "Pero marami ka ng teddy sa kwarto mo baby. Saan natin ilalagay ang teddy kung sakali." "Mmmmm... Mean it's not a teddy?" "No baby.." sagot ko. Kumilos naman si Ace para buksan ang pinto ng kotse sa likod. Bumama si Kenneth doon. Iginala ang paningin sa paligid. Hindi man ito magsalita at kahit na gusto sigurong itago ang pagkamangha ay nasa mga kislap ng mga mata nito ang salitang iyon. "Baby.. Remmeber we told you na magkakaroon ka ng big brother.. Here he is.. Meet your big brother.. Kenneth." Pakilala ko ng tumingin na sa amin ito. Nakipagtitigan ito kay Acer at ganun din naman ito sa kanya. "Put me down.. Put me down." nagpumiglas ito mula sa pagkakakarga sa akin kaya naman inilapag ko na ito. Walang salitang nilapitan si Kenneth. "What your name?" tanong niya dito. "How old are you? Where have you been?" sunod sunod na tanong pa niya. "Where did mom pick you up?" Kunot ang nuo ni Kenneth habang nakatingin parin ito sa kanya. "Hey! I'm asking you? are you deaf? are you dumb?" tanong pa niya ng walang makuhang sagot mula dito. "Baby.. Kuya Kenneth is just innovating.. Ask him later okay. Pumasok muna tayo sa loob.." hinawakan ko sa kaliwang kamay si Acer ng balingan ko si Kenneth.. "Halika ka na, hijo. Pumasok na muna tayo.. Ito na ang bago mong bahay simula ngayon." alanganin akong humawak sa kamay nito pero hindi naman ito umiwas at nakisabay na sa amin sa pagpasok. Muli kong nakitaan ng pagkamangha ito ng makapasok kami. Iginala ang paningin sa paligid. "Celine, pagkatapos mo diyan maghanda ka ng meryenda." utos ko kay Celine habang nakasunod na ito sa amin bitbit ang maliit na bag na tanging dala ni Kenneth. "Opo sir Elijah." "Halika na muna. Ipapakita namin sayo ang magiging silid mo." may ngiti sa labing baling ko dito. Hawak na nito ang maliit na bag kung saan nakasilod ang mga damit. Hindi ito nagsalita pero sumunod naman sa amin ng paakyat na kami ng pangalawang palapag. Bagtas ang pasilyo sa kaliwa kung saan nandoon ang magiging silod nito. "Ito na ngayon ang magiging silid mo simula ngayon. Sarili mo ito kaya makakagalaw ka ng naayos sa nakagawian mo." "And my room is next to your." nakangiti ding sabi ni Acer dito. Wala parin kaming salita na narinig mula dito. "Why don't you talk?" tanong pa ni Acer na nakitaan na ng bahagyang pagkairita dahil wala pang ni isang sagot mula dito sa mga tanong niya. "Baby.. huwag mo munang pilitin ang kuya Kenneth okay.. gaya ng sabi ko.. naninibago lang ang kuya Kenneth mo sa bahay." "Hmmp! Is he dosen't like me?" "Of course not baby. Kaya nga sumama dito ang kuya Kenneth mo dahil gusto ka niya." sagot ko. Kapag hindi pa naman iniba ang usapan ay hindi matatapos ang paksang sinimulan kaya naman niyaya ko na itong lumabas muna at hayaang mapag isa muna ang kuya Kenneth niya. "Hope you like your room Kuya Kenneth.. bye bye." paalam na niya dito ng nagpasya na kaming iwan ito. At umaasa na sa paglabas namin ay makakapag isip na itong kausapin kami kapag muli namin itong kinausap. ¤¤¤ KENNETH POV: ¤¤¤ Hindi ko mapigilang mamangha sa mga nakikita ng mata ko. Gaano kayaman ang mag asawang gustong umampon sa akin? Isa lamang iyon sa katanungan na nabuo sa isipan ko. Ang akala ko ng makita ko sila ay tamang yaman lamang ang tinatamasa ng mga ito pero wala pala sa kalingkingan ng iniisip ko ang totoong istado ng mga ito sa buhay. Naisip ko na noong una na kaya nila gustong mag ampon ng bata dahil parehong lalaki ang mag asawa pero ngayon ko napatunayan na may sariling mga anak ang mga ito at hindi lamang sila gumagawa ng sariling kwento. At ngayon.. Kahit nasabi ko na sa sarili ko na hindi dapat padadala sa magaang pakikipag usap sa akin ng mag asawa ay hindi ko mapigilan. Elijah ang pangalan ng kumausap at nangumbinsi sa akin at talaga namang ang gaan ng pakikipag usap nito. Akala ko ay pakitang tao at sinasadyang maging mabait sa harapan ko kanina pero nagkamali ako dahil pareho lamang ang pakikipag usap nito sa akin sa anak nito. May lambing at talaga namang magaan lang itong magsalita. Ang asawa naman nito ay halos hindi umiimik kaya hindi ko alam kung ano naman ang ugaling mayroon ito pero nakikinita ko na isa itong istrikto dahil sa seryusong titig nito sa akin kanina. At tungkol naman sa anak nila?????? wala akong masyadong masasabi ngayon maliban sa cute ang anak nila ay talaga namang madaldal ito pero halatang mahal na mahal niya ang mga magulang at mahal na mahal siya ng mga magulang niya. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. Ano kaya ang magiging buhay ko kung sakaling papayag ako na papaampon sa kanila? Ituturing ba talaga nila akong tunay na bahagi ng pamikya nila o ituturing lang akong sampid katulad ng mga naunang gustong umampon sa akin? Hindi ko naman masasagot ang mga tanong kong iyon kung hindi ako mananatili dito sa bahay nila. Ako pala si Kenneth.. at sa ampunan na ako nagkaisip. Naikwento na sa akin kung paano ako napunta sa ampunan. Iniwan daw ako ng mga magulang ko sa harap ng ampunan. At sa basket kung saan ako inilagay ay nakalagay na doon ang pangalan ko at kung kailan ako naipanganak na may kasama na ding note na hindi na daw kailangan na hanapin ko sila paglaki ko dahil baka wala na silang buhay sa mundong ito sa mga panahong kaya ko na silang hanaping mag isa. Kaya hindi na ako aasa na buhay pa ang mga magulang ko. Ang tanging nasa isip ko na sana mabilis na lumipas ang panahon para lumaki na ako at kaya ko ng maghanap buhay para sa sarili ko at hindi lang aasa sa bahay ampunan. At ngayon.... may isang pamilya na naman na gusto akong ampunin... Muli kong iginala ang paningin ko sa buong silid. Kusang kumilos ang mga paa ko at binuksan ang built in cabenet sa wall. Talaga namang pinaghandaan nila ang pagdating ko dahil may mga damit na sa kabenet na alam kong kakasya lahat sa akin. Wala na palang silbi ang tatlong piraso at lumang damit na dinala ko kung sakaling magtatagal ako sa bahay na ito. Matapos kong mausisa ang laman ng kabenet ay isinunod ko naman ang isa pang pinto na muli namang nakapagpamangha sa akin. Banyo iyon at talaga namang napakabongga ng pagkakagawa. May mga personal na gamit na din maayos na nakasalansan sa harapan ng may kalakihang salamin. Tatlong katok ang narinig ko mula sa pinto sa labas kaya mabilis ang ginawa kong paglabas ng banyo at tinignan kung sino ang kumatok. "Ayos na ba saiyo ang silid mo hijo?" "Wala po bang maliit lang na silid sir?" bagkus tanong ko din kaysa sagutin ang tanong nito. "Sir??? Masyado naman yatang pormal ang tawag mo sa akin hijo. Habang hindi ka pa namin legal na naampon.. Tawagin mo muna akong tito Elijah." may lambing sa tuno na sabi nito. "And about sa room... pasensya ka na hijo.. Halos magkakapareho lang ang laki ng mga silid na mayroon ang bahay natin." Napatitig ako dito. NATIN? Sa isang katagang iyon ay nakaramdam ako na para talaga akong kasapi ng kanilang pamilya. "Masasanay ka din hijo kapag nagtagal ka dito." umangat ang kamay nito at ipinatong sa ulo ko. "Saka na natin ulit iyan pag usapan. May nakahanda ng meryenda sa baba.. Halika na ng hindi ka magutom. Naghihintay na si Acer doon." may ngiti pa sa labinh saad nito. "S-sige po." kahit na alanganin ay sumunod parin ako dito. Maaring ito ang simula para pag aralan kung hanggang saan ang kabaitan ipinapakita nila sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD