Chapter 4

1022 Words
THE moon is shining bright over the Village. At mula doon sa terrace, kitang-kita ni Chad ang ganda ng paligid. Nakadagdag doon ang kulay dilaw na street lights na animo mga bituin bumaba sa kalangitan. The snow on the swiss alps shines like diamonds as the ray of moon light shines over it. At nang tumingala ay binati siya ng libo-libong mga bituin sa langit. “Anong ginagawa mo diyan sa labas? Hindi ka ba nilalamig?” tanong ni Laya, nang buksan nito ang pinto ng terrace. Nakangiti siya nang lumingon. “I’m okay. Medyo makapal naman ‘yong suot ko.” Lumabas din ito at tumayo sa tabi niya. Agad siyang umakbay sa dalaga. “Sa tingin ko, mag-eenjoy ako dito.” “Gaano katagal mo balak mag-stay dito?” tanong pa nito. “Ang sabi ni Hiraya sa akin, huwag kitang iwan hangga’t hindi ako nakakasigurado na okay ka at gusto nilang kumbinsihin kita na umuwi.” Umiling lang ito habang nakangiti. “Si Kuya talaga.” “You know your family; they all want what’s best for you?” “Alam ko naman ‘yon. Pero hayaan mo, pag-iisipan ko.” “Oo nga pala, may pasok ka ba bukas?” tanong niya. “Balak ko nga na mag-off muna sa Lodging House dahil may conference meeting ako via video call sa Hotel Santillan, Manila, ng alas-tres ng hapon. Siguro sa umaga, puwede kitang ipasyal dito sa buong Village,” sabi nito.           “Sounds great,” nakangiting sagot niya.           “Let’s go, the movie is about to start.”           “Okay.” Matapos ang dinner ay sinabihan siya ni Laya na magpahinga na, pero hindi siya dalawin ng antok kaya muli siyang lumabas ng kuwarto. Naabutan niya ang dalaga na may ginagawa pa na paper works, ang sabi nito ay para daw iyon sa Hotel Santillan. Dahil hindi pa rin daw ito inaantok, nagyaya si Laya na manood sila ng movie sa Netflix. Isa iyong romance-comedy movie at pareho nilang hindi pa napapanood. Pumwesto sila sala matapos siyang abutan nito ng isang canned beer, bago naupo sa tabi niya. Wala silang ginawa kung hindi tumawa ng tumawa habang nanonood. “Namiss ko ‘to,” aniya habang nakapako ang mga mata sa TV. “Ang alin?” “Itong ganitong moments natin. Nanonood lang ng TV tapos iinom, kakain, kelan ba natin huling ginawa ito?” Bumuntong-hininga si Laya. “Hindi ko na rin matandaan.” Muli niyang inakbayan ang dalaga saka hinapit ito palapit dito. “Ikaw kasi, kung kani-kanino ka nakikipag-date noon. Nakalimutan mo na tuloy ako,” biro niya dito. Hindi makapaniwalang lumingon ito sa kanya saka siya kinurot sa tagiliran. Kaya napasigaw siya ng malakas, agad naman nitong tinakpan ang bibig niya. “Shh, ang ingay mo, baka i-reklamo tayo dito, bawal maingay dito pagdating ng gabi,” natatawang sabi nito. “Eh ikaw eh,” paninisi niya dito. “Anong ako? Kung makapagsabi ka ng kung sino-sino, hoy! Fyi! Tatlo lang naging boyfriend ko at lahat ‘yon nagtagal sa akin!” giit nito. “Kaya nga, pipili ka lang ng ide-date mga ugok pa!” Natawa siya nang matawa ulit si Laya, dahil alam ni Chad na tama ang kanyang sinabi. Sa tatlong naging boyfriend nito, lahat ng mga iyon ay niloko at pinagpalit ito sa iba. Bumuntong-hininga ito at sinandal ang ulo sa balikat niya. “Hay, magkaibigan nga tayo,” sabi pa nito. Mayamaya, pareho silang natigilan nang mapunta ang pinapanood nila sa eksena kung saan naghahalikan ang dalawang bida at hanggang napunta iyon sa bed scene. Kapwa sila natahimik habang nakatingin lang sa TV screen. Bigla ay nakaramdam siya ng awkwardness sa paligid. His chest is pounding so hard. Hanggang sa pareho silang napalingon sa isa’t isa ng sabay. That’s when they both realized how closed their faces are from each other. Agad napansin ni Chad ang pamumula ng mukha nito. Nang tumikhim siya ay saka lang nila nilayo ang tingin sa isa’t isa. “Nakakamiss lang ang may girlfriend kapag ganyan,” sabi na lang niya, trying to create a casual conversation. “Ah, I never dated after what happened. I tried to date someone, taga dito din. But when things become intimate between us. Ako mismo ang umayaw, hindi ko pa kasi kaya dahil sa trauma ko.” Bigla niyang pinihit ang katawan paharap dito. “Kapag na-bored ka, you can come to me and ask me for a date if you want.” Muli itong humagalpak ng tawa saka siya pinitik sa noo. “Ulul! Huwag mo sa akin gamitin ‘yang diskarte mo sa mga naging babae mo! Hindi ka uubra!” “Grabe, para na rin sinabi mo sa akin hindi ako desirable!” “Hindi talaga,” pang-aasar nito. Impit na napatili si Laya nang biglang itong itulak ni Chad pahiga sa sofa at kumubabaw sa dalaga. “Really? You want to try me? Baka magsisi ka tapos hanapin mo ako kapag hinalikan kita,” sabi niya. Then, again, she blushed. Gustong matawa ni Chad dahil sa kilala niya ang dalaga. She can’t handle awkward situation. Madali itong mailang at ang pamumula ng mukha nito ang senyales. Mayamaya ay bigla siyang tumawa. “Just kidding… aray!” hiyaw niya matapos siyang pitikin ulit sa noo ni Laya ng malakas. “Gago ka kasi!” natatawang sagot niya.           Tinulungan niya itong bumangon saka nila pinagpatuloy ang panonood.           “Na-miss ko ‘to?”           “Ang alin?”           “Iyong ganitong asaran natin. Na-miss kita,” sabi niya.           Muling sinandal ni Laya ang ulo sa balikat niya at yumapos pa sa braso niya.           “Ako rin, na-miss din kita. And really, it’s good to have a great friend like you here.” Tinapik niya ang kamay nitong nakahawak sa braso niya saka kinintalan ng mabilis na halik sa ulo. “I won’t let anything bad happen to you again. I promise you that,” seryosong bulong niya dito. “Thanks,” she whispered as well.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD