Chapter 5

1248 Words
CHAD woke that morning with a very light feeling. Kaysarap sa pakiramdam na gumising dahil lamig ng panahon. Mga ingay na nagmumula sa huni ng mga ibon, at tunog ng wind chime na sabit sa bintana. Kinuha niya sa ibabaw ng bedside table ang kanyang phone at tiningnan ang oras. It’s already eight in the morning. At mula doon sa kuwarto na tinutuluyan ay naririnig niya ang ingay na nagmumula sa kusina. Napangiti siya ng maalala ang reaksyon ng mukha nito pagkakita sa kanya. She was so shocked. Pero naramdaman niya ang saya nang makita siya. She never changed, kung mayroon man nagbago sa dalaga ay mas lalo itong gumanda. Her body built becomes a little chubby. Gaya ng kanyang sinabi, nagkaroon ito ng laman kaya mas lalong nakita ang ganda ng hubog ng katawan nito. But her Dutch goddess-like beauty did not fade. She has a brunette long and wavy hair. She has long and natural eyelashes and brows that emphasize the beauty of her almond shaped hazel light brown eyes. Her nose is perfectly curved and her lips are red, luscious, and plump. She’s five foot and six inches tall. Kapag nakatayo ito sa harap niya ay hanggang baba niya lang ito. And living there in Grindelwald for two years made her skin fairer, and her cheeks are red when the weather gets cold. Napangiti si Chad nang dumako ang mga mata niya sa labas ng binata. Bumangon siya at mula doon sa kama at tanaw niya ang tuktok ang mga nyebe na tila dyamanteng kumikislap dahil sa sinag ng araw. Agad siyang bumaba ng kama at binuksan ang bintana, bago siya bumalik sa kama at kinuhanan ng larawan ang bintana at view sa labas. Matapos iyon ay dali siyang pumunta ng banyo at naligo, nag-toothbrush bago nagbihis saka tuluyan bumaba mula sa kuwarto. “Good morning,” bati niya. His heart skipped as she greets him with her warmest and gorgeous smile. She looks like an angel, glowing against the natural light coming from outside the window. Nakatali ng mataas ang buhok nito na may ilang maliliit na hibla ang nahuhulog sa gilid ng mukha at tumatabing sa noo nito. She’s wearing black jeans and a white shirt plus an apron wrapped around her waist. “Hey, good morning.” Lumapit siya dito at umakbay bago tiningnan ang mga pagkain na hinanda nito. Bread, bacon, eggs, fruits, and coffee. “Wow,” manghang bulalas niya. “Ganito ka ba talaga usually mag-prepare ng breakfast? O dahil nandito ako?” Marahan itong tumawa. “Both. Dinamihan ko lang kasi dalawa tayong kakain, besides alam ko ang capacity ng tiyan mo,” biro pa nito sa kanya. “Grabe ka sa akin,” kunwari’y protesta niya. “Sige na, kumain ka na.”   Habang kumakain ay muli siyang inusisa ni Laya. “Gaano ka pala katagal dito?” “Ewan ko. Depende sa mga boss ko.” Napakunot noo ito. “Boss? What do you mean?” Tumikhim siya. “Okay, may hindi pa ako nasasabi sa’yo. I came here not just because Hiraya asked me to convince you to go home. Pinadala din ako dito ni Himig dahil kailangan mo daw ng tulong sa Lodging House mo.” Marahas itong napabuntong-hininga. “My gosh, sila Kuya talaga. Bakit ikaw pa eh may negosyo ka rin na inaasikaso sa atin? Napakalaking abala nito sa’yo.” Tumawa lang siya. “Hey, it’s okay. When they first ask me to do this, I immediately said yes. Sabi ko naman sa’yo, di ba? I need this vacation to help me move on from my break up with Shane.” “But still…” “Huwag mo nang isipin ‘yon. Nandito na ako. Wala ka nang magagawa.” Napangiti na lang si Laya at napailing. “Pero ang tanong, ayos lang ba sa’yo na dumito ako? Or you want me to move out and rent my own place?” tanong niya. “Ikaw naman, parang iba. As long as you will behave, I’m okay with you here.” Pabiro siyang ngumisi ng pilyo. “Well, depende ‘yan kung aakitin mo, baka mag-give in ako.” Napaawang ang bibig nito sa gulat dahil sa sinabi niya saka tumawa ng malakas. “Kapal mo, hoy!” “Hey, bakit? I’m hot! Desirable! Look…” Tumawa ng tumawa si Laya nang iangat niya ang t-shirt at ipakita ang abs niya. “Ewan ko sa’yo Richard! Tigilan mo ako,” saway nito sa kanya. “Seryosong tanong, Laya. How many guys did you date here?” Huminga ito ng malalim. “Twice. They were both nice. Gaya nga ng kuwento ko sa’yo kagabi, kapag umaabot na kami sa part na nagiging intimate na sa isa’t isa. I always got scared. Bumabalik sa isipan ko ‘yung nangyari, lalo na kapag pinipikit ko ang mga mata ko. One time, I got really hysterical. He asked me the reason why I reacted that way and I can’t tell him. We broke up and that’s when I decided not to date anyone. Hangga’t hindi ako nagiging okay.” Muling bumigat ang loob niya sa narinig. Muling bumalik ang galit na naramdaman niya sa Jim Dela Torre na iyon. “Hanggang ngayon, hindi mo pa rin kinukwento sa akin ang eksaktong nangyari ng gabing iyon.” Unti-unting nawala ang magandang ngiti nito sa labi at napalitan iyon ng takot. Nang mga sandaling iyon, gusto niyang bumalik ng Pilipinas at hukayin ang bangkay ni Jim Dela Torre. He wants to kill him again. Nakilala ni Chad si Jim dahil kay Musika. Regular customer niya sa bar si Musika at palagi nitong kasama dati si Tommy, ang pumanaw na fiancé nito at si Jim. Unang kita pa lang ni Chad sa huli ay mabigat na ang loob niya dito. Mayabang ang dating nito at bilib na bilib sa sarili. Hindi rin lingid sa kaalaman niya na may gusto si Malaya sa Jim na iyon. At hindi niya maintindihan kung anong nagustuhan ng kaibigan niya sa lalaking iyon. Noong gabing mangyari ang muntikan pagpatay kay Malaya. They were supposed to meet that night after having dinner with her friends, pero bigla iyon kinansel ng dalaga. Ayon dito, ay may biglaan itong lakad. “I’m not ready.” Humugot siya ng malalim na hininga at maingat na hinawakan ito sa baba saka marahan kinurot sa pinsgi. “Hey, don’t rush, take your time. Handa akong maghintay.” “Thank you,” nakangiting sagot nito. Tumikhim siya. “Pero kapag na-bored ka, sabihin mo sa akin. I’m willing to date you,” biro niya.           Sa wakas ay muli itong napangiti at tuluyan natawa ng malakas. Saka pabiro siyang tiningnan nito simula ulo hanggang paa.           “Well, you’re not that bad.”           “Hah, naman!” confident na sagot niya.           Muling napuno ng tawanan nila ang buong dining area.           “Hay Chad, thank you for coming here. I miss this kind of moments with you.”           Bumuntong-hininga siya saka hinalikan ito sa noo, isang bagay na kinagulat ni Laya.           “Alam mo naman malakas ka sa akin eh, I’ll do anything for you,” nakangiting sagot niya sabay kindat.           Tumikhim ang dalaga saka ngumiti.           “Salamat.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD