Chapter 3

1856 Words
          “WELCOME to Grindelwald,” sabi ni Laya pagbaba ni Chad mula sa kotse niya.           Agad bumakas sa mukha nito ang labis na pagkamangha nang makita ang napakagandang view ng Village na iyon. Her house is literally overlooking the whole Grindelwald Village. Habang bakuran ng bahay niya ay maraming nakatanim na mga iba’t ibang magagandang halaman na namumulaklak na iba-iba ang kulay. Nagsimula nang tumubo ang mga iyon nang matapos ang Winter Season. Sa labas naman ng kanyang bakuran ay matatagpuan ang wild flower na tinatawag na Edelweiss. Sa ngayon ay wala pang bulaklak ang mga iyon dahil tuwing Hulyo hanggang Setyembre tumutubo ang mga ito.           “Unbelievable, this is literally Heaven on earth,” manghang wika ni Chad.           “I know,” nakangiting sagot niya, saka lumingon dito.           Tumingin si Chad sa kanya. “I think I get it.”           “Ang alin?” kunot-noong tanong niya.           “Kung bakit ayaw mong iwan ang lugar na ‘to.”           Marahan siyang natawa. “I just can’t leave this beauty.”           Muling lumingon sa kanya ang lalaki. “Take your time. Come home when you are ready.”           Matapos iyon ay pinakita ni Laya sa kaibigan ang buong bakuran.           “Wait, you chop woods as well?” gulat na tanong nito matapos makita ang mga kahoy na panggatong niya sa likod bahay pati ang palakol na ginagamit niya panghati sa mga ito.           “Oo naman, para sa fireplace,” natatawang sagot niya. “Natuto na lang din ako, dito kasi, mas makakatipid ka kapag ikaw mismo ang gumawa. Puwede naman akong bumili ng mga naka-ready nang chopped woods pero mahal. Kaya pinag-aralan ko kung paano.”           Napatingin siya dito nang pumalatak ito. “The sophisticated socialite Malaya Santillan, nagpapalakol ng kahoy dito sa Switzerland. Kailangan makita ko kung paano mo ginagawa ‘yan.”           Natawa siya ng malakas saka kumuha ng kahoy at pinakita kung paano siya magputol ng mga kahoy. Napamulagat ito at napa-wow matapos mahati sa gitna ang makapal na kahoy. Natawa naman siya ng malakas sa naging reaksyon nito.           “Tara na nga sa loob at lumalamig na naman,” yaya niya sa kaibigan.           Kinuha nila ang bagahe ni Chad saka pinasok sa loob ng bahay.           “Come in,” sabi niya.           Umikot ang mga mata nito sa paligid ng bahay. “Wow, this is beautiful.”           “Thank you.”           “Halika dito sa taas.”           Bitbit ang bagahe, dinala ni Laya ang binata sa bakanteng kuwarto sa tapat mismo ng silid niya.           “You can use this room. Ito naman sa tapat ang kuwarto ko. Pasensiya ka na hindi masyadong kalakihan.”           Ngumiti ito. “Ano ka ba? Ayos lang ‘yun. It’s great, really.”           “Okay, magpahinga ka na muna. Magbibihis lang muna ako pagkatapos maghahanda na ako ng dinner.”           “Okay,” usal nito sabay ngiti sa kanya.           Tatalikod pa lang siya nang biglang humawak sa braso niya si Chad.           “Lay, wait,” pigil nito sa kanya.           “Hmm?” aniya saka agad na ngumiti.           “Come here,” halos pabulong na wika nito saka siya hinila palapit.           Her heart starts beating so fast as Chad locked her in his arms. Wala siyang naririnig ng mga sandaling iyon kung hindi ang tunog ng paghinga nito.           Laya and Chad are friends, way back since College. He’s one of her closest guy friends among her peers. Masasabi niyang best friend na niya ito. Kaya naman kilalang-kilala na niya ang binata, at kahit kailan, hindi ito touchy o sweet. That’s why, him hugging her like this, is completely strange to her.           “I missed you. Kung hindi pa ako pumunta dito hindi kita makikita at makakausap,” tila nagtatampo na sabi nito.           Doon siya napangiti at gumanti ng yakap.           “I missed you too, Chad. It feels great to have someone like you here.”           “Don’t go anywhere far from me anymore,” narinig niyang bulong nito.           Tila may sumipa ng malakas sa kanyang ng dibdib. Hindi alam ni Laya kung ano ang eksaktong ibig sabihin nito sa sinabi. But that made her feel good, it means she’s being cherished. He wants her in his life. Pinatunayan ng mga sinabi ni Chad na sa kabila ng pagtalikod niya dito, hindi ito umalis kailan man, gaya na lang ng pamilya niya.  Bahagya siyang lumayo dito at nginitian ito.           “You should rest first,” sa halip ay sagot niya.           Nang tumango ito ay saka siya pumasok sa loob ng kuwarto niya.                               FOR dinner, Malaya prepared a simple pesto pasta, Chad’s favorite, and a Switzerland meat dish called Zürcher Geschnetzeltes, it is beef cook with cream, beef stock, and white wine.           “Hmm… this is good…” puri ni Chad nang matikman ang niluto niya.           Marahan natawa si Laya. “Hmm, bola, puwede ka naman magsabi ng totoo.”           “O sige, lasang lupa,” mabilis na sagot nito.           Natawa siya ng malakas saka inamba na ibabato dito ang kutsara.           “Salbahe!” pabirong angil niya dito saka lalong natawa.               “Oh, ikaw eh. Sinabi ko na nga na masarap eh!”           “Salamat.”           Nakangiting tumingin sa kanya si Chad. “You changed, Lay.”           “In what way?”           “Sa lahat.” Nahihiyang tumungo siya habang hindi nawawala ang ngiti sa labi. “I’ll take that as a compliment.” “Mas gusto ko ang Malaya na nakikita ko ngayon. Low profile, simple.” “But I’m still a workaholic.” “Hindi na mawawala sa’yo ‘yon.” “Kailangan eh, or else, wala akong kakainin dito.” “Pero maganda ka pa rin. Actually, you look more beautiful now. Nagkalaman ka, hindi gaya noon, ang payat mo. Now, look at you!” Nahihiyang humagalpak siya ng tawa. “Stop it, Chad. You’re embarrassing me,” saway niya. “But it’s true.” “Thank you. Pero hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit ka biglang sumulpot dito?” pag-iiba niya sa usapan. Humagikgik ito bago unti-unting sumubo ng pagkain. “One, Hiraya asked me to come here and talk to you and convince you to go home.” “Sabi na,” sagot niya matapos maalala ang huling sinabi ng Kuya niya bago matapos ang pag-uusap nila sa phone. “Second, I came here to unwind for a while. I need to breathe.” Napakunot-noo siya. “Bakit? May nangyari ba?”           Sumulyap ito sa kanya saka sarkastiko na napangiti. “Shane and I broke up. Inamin niya na may iba siya at napamahal na siya doon.”           Napamulagat siya sa narinig. Shane is Chad’s long-time girlfriend, apat na taon na ang relasyon ng dalawa at inakala niyang sa kasal hahantong ang mga ito.           “Oh, my… at anong ginawa mo?!”           “I let her go,” mabilis na sagot ng lalaki.           “Agad? Ni hindi mo man lang ipinaglaban?”           Bumuntong-hininga si Chad. “Paano ko ipaglalaban ang taong gusto nang lumayo sa akin? It’s not as if that guy forced her. Inamin sa akin ni Shane, nagkahulugan sila ng loob. Sa totoo lang, mas na-appreciate ko pa na umamin siya ng kusa kaysa sa iba ko pa nalaman at hindi niya pinatagal. Pero, masakit pa rin, minahal ko rin naman siya.”           “Wait, minahal mo rin? Bakit parang tunog na hindi ganoon kalalim ang feelings mo sa kanya?”           Saglit itong nag-isip saka nagkibit-balikat. “Well, Shane and I, to be honest, what we had was an open relationship. Pumayag kami sa agreement na ‘yon dahil noong mga panahon na napag-usapan iyon. We both had an unrequited love, parehong may boyfriend at girlfriend ‘yong mga taong gusto namin. Dahil sad at broken hearted kami pareho, naisip namin bakit hindi na lang maging kaming dalawa. Nag-enjoy naman kami sa company ng isa’t isa. I had a wonderful time with her. We satisfy each other in bed. Pero may usapan kami na kapag dumating ang araw na ma-in love kami sa iba, sasabihin agad namin sa isa’t isa at wala kaming karapatan na pigilan iyon. Pero habang tumatagal, natutunan ko siyang mahalin.”           Napailing na lang si Laya. “You are something else, kaya pala ang bilis para sa’yo na pakawalan siya. Kung sa ibang lalaki ‘yan, baka hindi na pumayag na pakawalan siya.”           Humugot siya ng malalim na hininga. “Kilala mo naman ako. I hate to complicate things. Ikaw lang ang komplikadong tao na hinayaan kong makapasok sa buhay ko.”           Muli na naman siyang natawa. “Ako?” hindi makapaniwalang tanong niya.           “Oo, ikaw. Ang komplikado mo kasi, lalo na sa lovelife mo! Ang dali mo kasing mabola at magtiwala.”           She smiled bitterly. “Yeah, and that almost cost me my life.” Napatingin siya sa kamay niya na nakapatong sa ibabaw ng mesa nang kunin iyon ni Chad at marahan hinaplos. “How are you, Lay? And I want the real answer.” Laya sighed. “I don’t know. Minsan okay ako. May pagkakataon na hindi, lalo na kapag naaalala ko ang mga nangyari.” “How can you manage to live on your own when you’re going through something like this?” “It’s hard,” she answered, teary eyed. “Pero kailangan ko kayanin, dahil ayokong umuwi sa bahay. Hindi ko masabi iyon sa pamilya ko dahil ayoko silang mag-aalala. Pero natatakot akong umuwi, dahil doon sa bahay namatay si Jim. Pakiramdam ko, lalo akong mahihirapan kapag umuwi ako. Dito pa nga lang, sa gabi, sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko. Madalas nakikita ko ang imahe niya, lalo na kapag umuwi ako. I can’t sleep, Chad. Kapag hindi ako uminom ng pampatulog, hindi ako makakatulog. I’m on that stage until now, and if I go home at this state. My family, especially Dad, will worry about me.” Isang mabigat na buntong-hininga ang narinig niya mula dito. “Ang unfair, di ba? Ako itong biktima, sinasabihan na fighter daw ako dahil nagawa kong iligtas ang sarili ko mula sa kamatayan. Si Jim naman, nasusunog na siguro ‘yon sa impyerno, pero ako itong nandito at buhay, pero ako ang hindi matahimik. I am the victim, pero para na rin akong nabubuhay sa impyerno.” Napalingon siya kay Chad ng halikan nito ang likod ng palad niya para dalhin sa pisngi nito. “Hindi mo naman kailangan pagdaanan lahat ‘to ng mag-isa. Let me stay here with you, Lay. Wala man akong maitulong sa’yo ng ganoon kalaki, pero hayaan mo na samahan kita. Hindi naman kita iiwan eh. So, don’t shut me down this time.” Malaya smiled at him. A companion. Chad is the first person, besides her family to offer her company. No one dared. Not even from those people she thought her real friends. “Okay, if you really want to.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD