3 -Panaginip

1044 Words
MADELINE POINT OF VIEW “MA!!! MAMA!!! Gumising ka please! Huwag kang pipikit! Huwag mo kaming iwan!” sigaw ko habang hawak hawak ang kamay ni mama. Nakahiga siya sa hospital bed habang puno ng apparatus ang katawan. Tumutulo ang aking luha habang nakatingin kay mama. Kitang kita ko ang hirap sa kanyang mukha. Bahagya niyang itinaas ang kanyang kamay at pilti inabot ang aking mukha. Agad ko namang inilapit ang mukha ko sa kamay niya.Namimikit na ang bukas niyang mga mata. “Ma! Huwag mo kaming iiwan. I need you! Kailangan ka namin ni Prince!!!,” umiiyak kong sabi sa kanya habang dinadama ang kanyang magaspang na kamay dala ng matinding pagtratrabaho. “Mama!!! Mama!!! Hindi ko kakayanin na mawala ka.” “A-a… A-alagaan mo ang kapatid mo. M-mag iingat kayo palagi. M… M-mahal na mahal ko kayo,” hirap nitong sabi. “Ma huwag mong sabihin iyan! Huwag mong sasabihin iyan! Mag – uusap pa tayo mamaya, bukas at sa susunod pang mga taon!” ani ko habang nakahawak sa kanya. “Huwag mong sabihin yan please!!!” Bigla na lamang dumulas pabagsak sa higaan ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko kasabay ng tuluyang pagpikit ng kanyang mga matang lumuha. Mas lalo ang akong napahagulgol noong narinig ko ang tunog ng flat line sa ECG na gamit niya. “MAAAA!!! DOCCC!!!! DOCCC!!! ANG MAMA KO!!!” sigaw ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pinatabi nila muna ako upang bigyan lunas si mama. Hindi ako mapakali habang pinapanood ko sila. Dasal ako ng dasal ngunit kahit ilang oras pa ang naging dasal ko ay hindi tumigil ang tunog na flatline. “We are very sorry, Madeline. We did our best but-” ani ng doctor sa akin na natigilan habang naaawang nakatingin sa akin. Umiling iling ako. “Check niyo uli doc. Baka nagkakamali lang kayo,” ani ko at lumapit kay mama. “Hindi siya pwedeng mawala.” “MAMA!!!!” Agad akong napatayo sa aking hinihigan habang hingal na hingal. Isang masamang panaginip. Isang masamang ala – ala. Hinawakan ko ang aking pisngi at basa pa ito ng aking luha. Bigla na naman akong nabalot ng lungkot dahil dito. Namimiss ko na si mama. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng maliit na bahay na aming inuupahan. Six oclock na ng umaga. Dalawang oras pa lang pala akong natutulog kaya pala medyo antok pa ang aking mga mata. Sabagay at nakasanayan ko na ang magising ng ganitong oras dahil pinagluluto ko pa ang kapatid ko ng umagahan bago siya pumasok sa eskwelahan. Napatingin ako sa gilid ng kamang hinihigaan namin. Naroon at mahimbing pang natutulog ang aking kapatid. Sabado nga pala ngayong araw. Wala siyang pasok. Pinunasan ko ang aking pawis. Medyo mainit din kasi kahit wala pang araw dahil na rin isa lamang ang electric fan namin. Lumang luma pa kaya kakarag karag na rin. Hindi na kayang magbigay ng sapat na hangin. Siguro sa susunod na sahod ko ay bibili na kami ng bago kung sakaling may sosobra. Tumayo na ako upang maghanda ng aming makakain. Thankful naman ako na nakakain pa rin kami ng tatlong beses sa isang araw kahit mahirap ang aming buhay. Paglabas ko ng sala ay sinidihan ko na ang ilaw. Napatingin ako sa maliit na lamesa naming bilog. May mga sobre na nakapatong roon. Kinuha ko ito at isa isang binasa. Water bill total amount due ay three thousand pesos habang ang electrical bill namin ay aabot ng pitong libo. Mapapamura ka na lang talaga. Bakit ganito kataas? Ang liit ng bahay namin at kakaonti lamang ang mga appliances. Ganito ba talaga dito? Or sadyang mahal lang talaga kapag may wifi. Nagpakabit kasi ako ng wifi para sa online class ni Prince. Since may sakit na kumakalat ngayon sa pilipinas ay sa bahay pa rin sila. Hindi ko rin naman siya papayagan mag face to face sa hirap ng sitwasyon sa labas. Delikado masyado ang panahon ngayon. Sana nga ay maagapan na ang sakit na kumakalat ngayon. Internet bills – one thousand pesos. Okay naman ang bayad namin monthly pero grabe sa taga ng kuryente. Sobrang hirap na bayaran ang ganito kamahal na bill. Siguro ay sa work na lang ako magchacharge ng cellphone ko para kahit papaano ay mabawasan ang bill namin sa kuryente. Mabuti na lamang at may libreng tablet ang kapatid ko at hindi ko na kailangan bumili ng laptop sa ngayon. Medyo kapos sa budget. Ngunit sana ay mapag ipunan ko dahil malapit na siyang tumuntong ng high school. Ibinaba ko na sa isang tabi ang mga bills at dumiretso sa kalan. Bale kasama na sa sala ang kusina namin. Gaya nga ng sabi ko kanina ay maliit lamang itong tinutuluyan namin. Ngunit magrereklamo pa ba ako? Ang mahalaga ay may masisilungan kaming dalawa ng kapatid ko. Inuna ko ang magsangag ng natira naming kanin kagabi at matapos ay kumuha ako ng dalawang itlog at isang pack ng tuyo upang iprito. Napatigil ako sa pagluluto noong makarinig ako ng ilang katok. Napakunot ang noo ko. Iniisip ko na baka si Jasmine ito dahil napag usapan namin na mag momovie marathon kami sa bahay dahil rest day naman namin ngayon. Kaso bakit ang aga niya naman? Seven oclock? Tumungo ako sa pinto ng bahay na hindi naman kalayuan sa lutuan. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang pinsan ko. Anak ng kapatid ni mama. “Rachel, naparito ka? Ang aga mo naman,” ani ko sa kanya. Isinara ko naman ang pinto at humarap sa kanya. Pulang pula ang kanyang labi saka nakasuot siya ng crop top na fit na fit sa kanyang katawan. Hindi ko iyon nagustuhan lalo na ang napakaikling shorts niya na kaonti na lang ay ipapakita na ang lahat. Naamoy ko pa ang alak noong pumasok siya. Ngumunguya siya ng bubble gum ngayon habang nakatutok sa kanyang cellphone. Bumalik naman ako sa lutuan upang patayin na ang apoy at gasul. “Pakain naman, insan. Mukhang masarap ang niluluto mo,” ani ni Rachel sa akin. “Saka gusto ko rin sana humingi ng favor sa iyo.” Napatigil ako sa aking ginagawa. Lagi na lamang siya sa akin tumatakbo pag may kalokohan siyang ginawa. “Ano iyon?” tanong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD