2 - Overtime

1133 Words
MADELINE POINT OF VIEW “Ano mag oovertime ka uli?” tanong ni Jasmine sa akin habang naglalagay ng powder sa mukha. “Oo, birthday ng kapatid ko next month,” ani ko sa kanya habang pinapanood ko siya. “Kailangan kong makaipon ng marami. Plano ko kasi dalhin siya sa ibang bansa gaya ng pangako ko.” Napatigil si Jasmine sa akin habang nakataas ang mga kilay. “Teh?! Ano ka ba? Ibang bansa agad?” natatawang tanong sa akin ni Jasmine. “Alam mo. Sa 21st na birthday mo na lang siya dalhin sa ibang bansa. Kakalurkey! Sa sikat na restaurant na lang dito sa Pilipina mo na lang siya dalhin. O kaya sa beach? Di ba?” Napakamot naman ako ng aking batok. “Yun kasi ang gusto niya,” sagot ko naman at napanguso. “Nangako na rin ako sa kanya. Minsan lang naman.” “Hay nako bahala ka,” ani ni Jasmine habang naglilipstick ng kanyang labi. “Basta ang aking lang naman ay sobra sobra yung pagod mo. Try mo rin minsan isipin ang sarili mo.” “Oo na,” nailing iling na sagot ko sa kanya. “Teka bakit ka nag – aayos pa? Papauwi ka na diba?” Malakas siyang napahalakhak sa akin saka isinara ang kanyang lipstick. “Iyan ang sinasabi ko,” ani ni Jasmine. “Syempre may bebe akong naghihintay sa pag uwi ko. Kailangan maganda pa rin ang lola mo. Ikaw bakit wala ka pang boyfriend? Bakit kasi hindi mo na lang sagutin si Romulo. Ang tagal tagal na niyang nanliligaw sa iyo.” Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya at hindi nakasagot. “Ayaw mo ba sa kanya dahil Janitor lang siya?” dagdag na tanong niya sa akin. “May itsura naman si Romulo saka mabait siya.” “H-hindi naman sa ganoon, Jasmine,” ani ko sa kanya habang sa iba nakatingin. “Walang problema kahit Janitor lang siya. Hindi ko lang maramdaman na si Romulo ang para sa akin. Saka ayokong mag – asawa. Hindi ko plano mag – asawa.” “Kaloka ka talaga, Madeline,” ani ni Jasmine habang tumatawa. “Boyfriend pa lang ang pinag uusapan natin nasa may asawa ka na agad.” “Doon din naman ang kapupuntahan non,” ani ko. “Alam ko na. Dahil ba yan sa – “ “SHHH,” pigil ko sa kanya na alam ko na kung ano ang susunod niyang sasabihin. “I do not want to talk about him.” “Okay fine,” “By the way, mauna na ako sa iyo, Madeline,” dagdag niya. “Alam mo naman na seloso ang jowa ko. Magtatanong nanaman iyon kung bakit ako nahuli ng uwi.” “Sige ingat ka pag uwi,” ani ko naman sa kanya. Nagbeso beso kami bago siya tuluyang umalis. Si Jasmine ang masasabi kong matalik kong kaibigan. Halos lahat ng tungkol sa aming dalawa ay alam na namin. Ilang taon na kaming magkasama sa trabaho. Gaya ko ay breadwinner siya ng pamilya niya. Sabihin na lang natin na mas masipag ako magtrabaho sa kanya. Kasi ang katwiran niya ay kapag tapos na ang oras ng trabaho ay tapos na. Hate na hate niya ang nageextend o kapag may ipapagawa sa kanya na hindi sakop ng trabaho niya. Napailing iling na lang ako. Masyadong palaban si Jasmine. Hindi tulad ko na oo lang ng oo sa kahit ano. *tok* *tok* Napatingin ako sa taong kumatok sa lamesa na pinagtratrabahuhan ko. Nakita ko ang isang lalaki na nakatingin sa akin habang nakangiti ang kanyang manipis na labi. Si Romolu ang binatang tinutukoy ni Jasmine kanina. Yung janitor na manliligaw ko. Kita ko ang pagkinang ng kanyang itim na malaking mata. Para siyang may ibang lahi bukod sa pagkapilipino dahil sa itsura niya. May kaonting bigote rin siya na may kanipisan. Hindi ganoon kakapal ang kanyang kilay. Medyo pahaba ang kanyang mukha ngunit may clefchn na hindi halata sa bandang dulo. Maputi siya at naka – gel pa ang kanyang side parted na buhok. Maganda ang pangangatawan niya na medyo mapayat kung tignan. Hindi rin nalalayo ang taas niya sa height ko. “Overtime?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya at bahagyang ngumiti. “Ang sipag naman talaga,” ani ni Romulo. “Kaya naiinlove ako sa iyo dahil sa kasipagan mo.” “Tumigil ka nga,” pabiro kong ani saka kunwari ay tumingin ako sa computer na nasa tapat ko. “Sayang at walang overtime sa amin,” ani niya. “Gusto pa naman sana kitang samahan. Lahat kasi ay gustong magtrabaho at ayaw ipahiram ang shift nila. Pero kung sasabihin mo lang ayos lang naman na mag – stay ako dito kahit hindi na oras ng trabaho ko para samahan ka.” “Huuy!” gulat na puna ko sa kanya. Alam ko kasing seryoso siya sa kanyang sinasabi. “Huwag na, Romulo. Hindi ko gustong abalahin ka pa. Umuwi ka na at magpahinga.” “Para ka namang bago, Madeline,” ani ni Romulo at bahagyang tumawa. “Alam mo naman na kahit kailan ay hindi ka naging abala sa akin, diba?” Napahawak naman ako sa aking batok at nag isip ng aking sasabihin para tanggihan siya. Hindi sa ayaw ko siyang makasama ngunit ayoko naman na masayang ang oras niya kakahintay sa akin. Oras na ng pahinga niya, kukuhanin ko pa ba? Ayoko lang talaga siyang abalahin. Isa pa ay okay lang naman sa akin kahit magdamag pa akong nakatulala lang. Hindi naman ako mamamatay. “Nako, Romulo. Umuwi ka na,” ani ko. “Hindi ba at hinihintay ka ng nanay mo? Sigurado akong nasasabik na siyang makita ka.” “Ikaw ba? Hindi ka ba nasasabik na makita ako?” tanong niya sa akin. Nais ko siyang tignan ngunit ayoko na mag – expect siya mula sa akin. “Romulo kasi ano alam mo-“ “Strict ba parents mo?” putol niya sa aking sasabihin. “Handa naman akong humarap sa kanila at maki – usap upang hingin ang kamay.” Siraulo! Ano na lang ang gagamitin ko kapag kinuha niya ang kamay ko. Kidding aside. “Wala na akong magulang,” sagot ko sa kanya saka tumingin dito. “Umuwi ka na Romulo.” Nakita ko na napalunok siya. “Hindi ko sinasadya. I am sorry, Madeline,” ani niya na gulat ang mga mata. “Okay, uuwi na ako. Hindi na kita aabalahin. Sorry talaga, Madeline.” “Sige na, mag – iingat ka,” ani ko rito. “Okay, ikaw rin. Alagaan mo sarili mo rito. Babye na,” ani nito. Matapos magpaalam ay umalis na rin siya at naiwan na ako. Hihintayin ko na lang ang kapalitan ko maya maya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD