4 - Seed

1042 Words
THIRD PERSON POINT OF VIEW Hawakan mo ang aking kamay Ang pag indak ng ating mga paa ay sabay Habang ang ating mga katawan ay sumasayaw Kasabay ng musikang tumutugtog hanggang bukang liwayway Ang ating mga noo ay magdidikit Habang nakikinig sa radyong umaawit Saksi ang mga bitwin sa kalangitan Kung paano ko ibigay ang puso kong sayo lamang nakalaan Tanggapin mo ang aking pag ibig o giliw Pangako sa iyo na hindi ito magmamaliw Bagkus ay mas lalo lamang lalalim Sa araw araw ang aking pagtingin Susungkitin ang bilog buwan Upang patunayan lamang sa iyo ang aking katapatan Maniwala ka sa aking sinseradad, mahal ko Alam mo at alam kong ikaw lamang ang nilalaman nito. Tumaas ang kamay ng binatang nakaupo sa kanyang malambot at mamahaling gawa sa leather na kulay itim na swivel chair. Inabot ng kamay nito ang cassette player na kasalukuyang tumutugtog sa bandang dulo ng kanyang kahoy na lamesang gawa sa pinakamatibay na kahoy na pinahiran ang kabuuan ng makapal na varnish na mas lalong nagpagara sa itsura nito. Pinindot ng binata ang ‘Stop’ button ng cassette player at ang tunog na lumalabas dito kanina ay agad ring tumigil. Matapos ay kanyang pinagbuklod ang dalawang kamay na halos kasing taas na ng kanyang mukha. Makulimlim ang kanyang ekspresyon at walang mababakas na kahit anong emosyon ang kanyang mga mata. Kusang nagtungo ang kanyang mga mata sa isang hindi kalakihang kwadradong kulay pulang frame kung saan nakalagay ang isang litrato ng babaeng nakangiti habang nakaakbay sa kanya. Inabot iyon ng kanyang kamay at hinaplos ang bandang bahagi ng frame kung saa makikita ang mukha ng magandang babae. Sa isang iglap ay nagkaroon ng emosyon ang mga mata animo ay isang bato lamang na buhay kanina. His empty eyes was filled by sadness that made it looks more empty. It is already six years ago yet his affection for her is not yet fading. In fact, it just grew stronger and stronger as the day pass. Tila ang kanyang affection sa babae ay isang butong natanim sa kanyang kaloob looban na tumubo at lumaki sa bawat pagdaan ng araw na kanya namang ipinagtataka pagka’t ang halaman ay kinakailangan ng dilig at pagmamahal upang tumubo ng maayos at lumaki ngunit ang kanya ay tila isang halaman na palaki ng palaki sa bawat araw kahit hindi naman nadidiligan ng pagmamahal. Ang kanyang pagkakahawak sa frame ay mas dumiin.Nararamdaman na naman niya ang muling pag usbong sa kanyang kalooban sa tuwing pinalalim niya ang isipin sa bagay na kahit masakit isipin ay masaya siyang lumalangoy sa dagat ng alaalang nilulunod lamang siya. Nakakatawa kung pakikinggan. Sino ba ang mag nanais na lumapit at manatili sa isang bagay na nilulunod at sinasakal lamang siya. Walang iba kung hindi siya. Sigurado siya na hindi lamang siya ang nag iisang nilalang sa mundo nito na kahit masakit ay nagpapakasaldak pa. Isa lamang naman ang sagot. Dahil naroon ang taong gusto niyang maalala, gusto niyang makasama. Ibinalik na niya muli ang frame sa pwesto nito kanina at mariing tinitigan na animo ay hindi nagsasawa ang mga matang pumakaw rito araw araw. Marahang nakarinig siya ng katok mula sa kanyang pintuan ng office. “Come in,” sagot niya sa katok. “Good morning, Sir,” bati sa kanya ng kanyang sekretarya na pulang pula ang labi at animo ay wala ng bukas sa kapal ng makeup na kung tatanggalin ay napakalayo ang itsura ngayon sa tunay na mukha. Itim na itim rin ang manipis na kilay nito. May hawak itong portfolio at halos ayaw ng takpan ang kanyang katawan sa ikli ng skirt nito na kitang kita na ata ang singit. Hapit na hapit rin ang kanyang damit na kitang kita na ang kanyang kurba. Hindi maitatanggi na may maganda itong katawan lalo na at dalaga pa lamang ang sekretarya. Paslow mo pa nito na hinawi ang mahaba at pa curly na itim na buhok saka kinagat ang labi na tila inaakit ang binatang nakaharap. Mabagal itong naglakad patungo sa dulo kung saan naroroon ang kinauupuan ng binata na animo ay isang bride na nagmamartsa sa mahabang pulang carpet patungong altar. Halata naman ng binata kung paano mag pacute sa kanya ang sekretarya ngunit wala siyang pakielam. Nakasanayan na rin niya siguro na sa araw araw ay napakaraming babaeng nang aakit sa kanya na nais masungkit ang ilag at malamig niyang puso. “Here is your schedule for today, Sir Lautner,” impit ang boses na may pagkakabebeng ani ng sekratarya sa kanya. Dahan dahan nitong ibinab ang folder sa top ng wooden table habang kasama ring bumaba ang hinaharap nito na nais pa atang ipakita sa lahat. Kung ibang lalaki siguro ay mapapatingin doon ngunit hindi ang binatang kaharap nito. Kababakasan ng disappointment ang mata ng dalaga noong hindi man lang siya pinansin ng kanyang boss sa ginawa niya bagkus ay agad nitong hinatak ang folder at iyon ang pinagtuunan ng pansin. Malalim na napahinga ang binata noong makita ang listahan. Full load sya ngayon at kahit siguro 15 minutes break ay wala siya. “Nakatulog po ba kayo, Sir?” tanong ng sekretarya habang nakatitig sa binata. “Mukhang pagod na ho kayo.” Totoo, pagod na siya. Ngunit hindi dahilan iyon upang magpahinga siya lalo na at napakaraming mga meeting at trabaho sa kanyang company ang kailangan asikasuhin. Sa totoo nga ay palagi niya na lang pinantatakip na dahilan na mas madaming gawain ay mas maraming blessing dahil tuloy tuloy ang flow ng kanyang pera. Habang kaya pa ng mata niyang dumilat, ng paa niyang maglakad patungo sa mga meeting at ng katawan niyang magtrabaho patuloy niyang gagawin. “If you want, Sir imassage ko kayo,” ani ng sekretarya noong hindi siya ng sinagot ng binata. “I am also good at that. I am sure na you will love it at hahanaphanapin niyo.” “I am fine,” malamig na sabi ng binata noong palapit na ang sekretarya. Isinara na niya ang folder at tinignan ang babae. “You are my secretary not a massager. All I am asking is do your job properly. Get ready the car. We will be leaving after 15 minutes.” “Y-yes, Sir,” sagot ng sekretarya na napahiya at dali daling lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD