"Tama yan! Move on na! He's jerk." Nagngingitngit na sabi ni Nella.
While I was with Damien yesterday, narealize ko na kailangan ko siguro na may mapagsabihan na ng mga nangyari. Hindi ko naman maitatago ng matagal. They are my friends, they would comfort me.
I don't have to be alone in this.
Hindi ko nga alam bakit hindi ko agad sinabi sa kanila. And now I felt like my chest was lighter. Nandoon pa rin yung sakit, but knowing I have some people to talk with made it easier now.
We are currently having our lunch in one of our favorite resto. Claire can't make it at si Laurie naman ay wala pa rin. Si Nella at si Sasha na kanina pa tahimik ang kasama ko.
I planned to be with them the whole day.
Gusto ko kapag umuuwi ako, matutulog na lang ako para hindi na ako mag isip. Thus, kaya umuuwi ako ng gabi last few days.
Siniko ni Nella si Sasha.
"Diba? He's a jerk?" Sabi pa ni Nella.
Huminga ng malalim si Sasha. "Well, kung ako ang tatanungin, what he did was wrong. Damn wrong. Pero sino ba ang palaging tama? He did what he thought was right. Hindi ka naman nya pinlano na makilala. Come to think of it, ikaw pa nga nag approach sa kanya na umalis sa bar when you felt that Dom spiked your drink." Nagkibit balikat sya. "Pangalawa. I guess, tama yung sinabi nung Damien na ex nung Irina. Mikael could have kept his self single pero hinabol ka nya. Para saan? Kung gagamitin ka nya laban kay Irina, diba dapat sinasama ka nya sa mga events? Para magselos or something yung Irina?"
Napa awang ako sa mga sinabi nya.
Okay, I was expecting her to bash Mikael.
"That's the point. Pumupunta pa rin sya sa mga event or gig nung babae." Si Nella ang sumagot.
"Please, stepsiblings’ sila. And si Mikael ang kasama ni Irina pumunta dito sa Pilipinas. Ano ba aasahan natin? Hahayaan nya na lang si Irina? Tsaka eto lang yan. They already ran away. Kung may balak pa talaga si Mikael kay Irina, edi sana masaya na sila ngayon. Di ka naman na need idamay ni Mikael dahil trip nya lang. He cared." Taas kilay na sabi ni Sasha, pero kay Nella naka tingin.
"Still, ginamit nya lang si Resha. He dated Resha para malimutan si Irina. Jerk!" Nella crossed her arms to her chest and murmured things.
Nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanila.
"And what would be the problem now? Kaya nasasaktan si Resha kasi nalaman nya. If it's just Mikael, we all know na genuine ang mga pinapakita nya. Alam nyo, may point rin si Mikael eh. I am not siding with him, pero eto ang tingin ko. Kung hindi nalaman ni Resha, okay pa sila. He wasn’t cheating or what. He may still love Irina, pero ang importante, he wanted it to be you. Mahal mo na, diba?" Nilingon ako ni Sasha.
Napalunok ako at napatango. Para akong bata na sinesermonan.
"Kung hind ka pa nya mahal, ang importante, determined sya." Dugtong nya pa. "Pero sabi mo nga hindi na ulit nagparamdam mula nung Monday."
Lumaylay ang balikat ko.
"See? You we're sad for that fact. Don't deny it, Resha. You still want him. Galit ka lang kasi nasaktan ka nya."
"What am i suppose to do? Tanggapin sya agad? I was hurt. I trusted him with my all. But he just used me." Madamdamin na sabi ko. It was like ako na nakakadama ng sakit lang ang makaka intindi.
"Use you for what?" I don't know how Sasha can manage to look so damn serious right now. "Established naman na, na hindi ka nya ginakit para pagselosin si Irina. Ginamit ka ba for s*x? Palagi ba may nangyayari sa inyo? Pinipilit ka ba nya?"
Umiling ako. That was far from it. We only do it when we feel like it. Walang pilitan. Come to think of it, ako pa nga minsan ang napu frustrate. Mikael would just always cuddle me.
"Kung ginamit ka man nya para maka move on kay Irina.. Eh ano? It's not like mag iinvest sya ng time sayo para iwan ka nya at bumalik pa rin kay Irina." Tumaas ng kaunti ang boses ni Sasha.
"Sha!" Saway ni Nella.
Parang inis na kasi si Sasha.
"Ang sakit sakit kasi. Ang dami nyang nilihim." Ang tanging nasagot ko.
"Isa pa yan. Okay na rin siguro na ngayon kayo nagkaalaman. Mali talaga na nagtago si Mikael sayo. Pero naiintindihan ko talaga sya eh. Alam mo yon, gusto ka nya kaya nya ginawa yon." Humina ang boses ni Sasha. "Seriously, Resha. If i am just being a b***h, sasabihin ko sayo na kalimutan mo si Mikael tapos aakitin ko sya." Bigla ay umismid sya.
Napa ngiti ako. "Bitch." Usal ko.
Nilingon ko si Nella na kagaya ko ay nakanganga na kay Sasha. Tapos tumingin sa akin, giving me sa defensive look.
"Oh, teka. I wasn't being a b***h when I told you to move on. Wala na ako balak akitin sya."
"Wala na? May balak ka before?" Nanlalaki ang mga mata na tanong ko.
"Haller! Sabi mo ayaw mo sa kanya tapos may Neil ka pa. Makiki share sana ako. Eh nag kwento ka na. Naisip ko, kung baga sa kwento, kayo na ang mga bida." Umiling iling si Nella. "May mga conflict pa pala. Anyway." Huminga sya ng malalim. "May point si Sasha. Kapag bumalik, wag mo sunggaban agad. Pero bigyan mo na lang siguro ng isa pang chance."
"Bibigyan ko ng chance?" Nakangiwi na tanong ko.
Tumango yung dalawa.
"Paano kung saktan nya ako ulit?" Mahinang tanong ko.
"Walang guarantee na hindi ka masasaktan ulit. Mahal mo na eh. Magtaka ka kung hindi ka masasaktan, it means you don't love him." Parang bored na sabi nu Sasha. "I can't believe we're doing this now. Ikaw naman ang binibigyan ng advice namin." Tapos tumawa sya."
"Shut it. Ang harsh mo." Saway ni Nella.
I sighed. "Okay, fine. I still want him. Pero kasi.. Hindi ko matanggap eh. Paano kung hindi sya makaalis sa pagka inlove kay Irina? Ako pa rin ang talo."
"Di naman na nga sila pwede. Adopted na kamo ng Grand Duke si Mikael. Jusko ang complicated naman! Nasayo pa rin naman kasi yan. If you think worth it ang bigyan sya ng chance, edi go. Kung hindi at takot ka talaga at tingin mo against lahat ng sinabi ko eh gusto mo pa rin mag move on, then go. We'll support you either way." Si Sasha ulit.
Ginagap ni Nella ang kamay ko. "Kung mag decide ka mag move on na, okay lang yan. Dito lang kami."
Biglang nanahimik si Sasha. Parang natulala sya. Sinundan namin ng tingin ni Nella ang tinitingnan nya sa labas ng resto.
"Hey." Bigla ay tawag nya then she snapped her fingers in front of us
Tumingin kami ulit sa kanya ni Nella. She acted strange all of a sudden.
"So what are you gonna do?" Imbes ay tanong nya.
I shrugged my shoulders. Hindi ko naman talaga alam. "Ewan."
The next few hours, they tried to entertain me. I tried to get Mikael and what happened to my system pero sandali ko lang iyon nagawa. The moment na nakauwi na ako ay agad ko na naman syang naisip.
Mamsi was still awake when I got home. At hindi na ako nagulat when she asked me kung kamusta na kami ni Mikael.
"W-wala na po kami." Nahihiya na sagot ko. Inilapag ko ang mga bitbit ko sa sofa at tumabi kay Mamsi.
She switched off the telivision.
"What happened?"
"Eh kasi Mamsi.. Hindi nya naman talaga ako mahal. May iba syang mahal." Mahinang sagot ko. Hindi ko alam, ayoko siraan si Mikael but I don’t want to lie too.
"Nag usap na ba kayo?"
Tumango ako at yumuko. "Pero pinaalis ko sya. I was so mad, Mamsi. Ang sakit sakit kasi. He wanted to explain but at that moment, ayoko sya makita."
"Mahal mo ba sya, Resha?"
Unti unti ko'ng nilingon si Mamsi kasbay ng marahan na pagtango. I can't deny it. Tama si Sasha. I was hurt kasi nagmamahal ako. Its because of love that I was hurting.
"Resha.. I'll be honest."
Mamsi looked so serious. Pakiramdan ko ay papagalitan nya ako.
"Mikael came to the shop three days ago."
Nanlaki ang mga mata ko. "P-po?"
"It's okay. He said he wanted to talk to me. He told me the circumstances. Nagalit ako sa kanya. Doon ako naliwanagan why I hear you cry at night. Oo, naririnig kita. I was just waiting for you to say. But he explained it to me. Ayoko sya pakinggan. All that's in my head ay sinaktan ka nya. But he begged me."
I gasped at what Mamsi is telling me. Hindi ko ito inaasahan.
"He begged me, Resha. Kahit na sinigawan ko na sya, napahiya na sya sa mga tao sa shop, he stayed. He said he just wanted me to listen. So I did."Mamsi squeezed my hand. She gave me a weak smile. "I told him to give you space if he really cares for you."
"M-mamsi.." Naiiyak na sabi ko.
Mikael talked to her. He told Mamsi everything and he stayed kahit galit sa kanya si Mamsi.
"It wasn't my decision to do. But I can say that Mikael is an honest man. He told me that he cared for you and I believed him. But I told him na ikaw pa rin ang makakapag decide kung ano gusto mo'ng mangyari. Either way, I will support you. You know that, right?" Mamsi gave me a radiant smile this time.
It was contagious. I was hurting deep but I genuinely smiled back at her.
"I want him back." Matigas na sabi ko.
"He'll come around." Paninigurado ni Mamsi.
"Pero natatakot ako Mamsi." I told her. "Ang daming what if's sa isip ko. It won't go away."
"You feel doubts because you care. Whatever you do, just make sure na magiging masaya ka. Make sure na kahit magsisi ka, may matututunan ka at masasabi mo na at least nagawa mo sya, rather than not doing anything."
Minday morning and I felt better than what I did the last week. Having that talk with my friends and Mamsi made a huge difference. Pakiramdam ko ay ngayon ko pa lang naramdaman ang init ng araw.
I jogged for an hour bago pumasok. Pinakirandaman ko ang heatbeat ko after it. I feel refreshed. Everything seemed to be a lot easier. I don't know what cane into me pero dumiretso ko sa shop today.
Si Mamsi ang umasikaso sa akin. Nagpa kulay ako ng red brown at nagpa trim. Bumagay sa akin ang short hair kaya nag stay ako sa ganitong hair style.
"Ang hot pala ng jowa mo 'Day. Nagdrama drama pa dito. Akala ko nga makikipag suntukan na ako. Bukod sa malaki.. Ang katawan at may tattoo, di ko keri manapak ng ganon ka gwapo 'Day." Sabi ni Oyie sa akin. "Ang kinis kinis pati. Sarap paliguan. Uhm, tingin ko lang naman yan, walang pagnanasa akis."
Natawa ako sa sinabi ni Oyie.
"Sus. Kahit panget di mo keri manapak. Titili at titili ka lang na bruha ka." Biglang sagot ni Queenie. "At ikaw naman, nakilala pa namin jowa mo dahil may LQ kayo." Baling nya sa akin.
I grinned sheepishly. "Sorry naman. Medyo naging busy lang." I tried to be casual. Ever since I talked to Mamsi and my friends, I guess I became more open in talking about it. Kahit papaano, gumaan kasi may mga nakausap na ako.
"Busy naman saan 'Day? Ah. Okay. Di kita susumbong kay Madam." Tapos pilya na ngumiti si Queenie.
Napalakas ang tawa ko. "Mga bruha kayo. Kung anu ano iniisip nyo." Napapiling ako ba tumingin sa kanila.
"Sus. Kami pa ba hindi makaka alam nyan? Sexy times, 'Day. Kung akin ang jowa mo, walang pahinga. Pak kung pak!" Mingay na sigaw ni Oyie.
Nagtawanan ang dalawa at napatawa na rin ko. For the whole week last week, I miss smiling and laughing. And I'll admit it now. I was hoping he'll come around soon.
Handa na ako makipag usap sa kanya.
But the whole week passed again and no Mikael came.
I questioned myself a hundred times kung dapat pa ba akong maghintay? Bakit hindi pa sya ulit nagpapakita?