Chapter 15.

2524 Words
"May LQ kayo? Nakasimangot ka, eh. Tapos di mo man lang sya tinitingnan." That was Eva. Quarter to five na at malapit na kami umuwi. Pinilit ko'ng pumasok kinabukasan kahit na masama ang pakiramdam ko, idagdag pa na broken hearted ako. Nagpalit ako ng number at nagdeactivate ng f*******:. I want to clear my head. Only to realize na alam nga pala ni Mikael kung saan ako nagtatrabaho. Medyo napatanga ako ng makita sya na nakasandal sa naka park na kotse nya sa parking space ng shop. May dalawang client pa na kumukuha na package tour para sa Palawan. Nanginginig pa ang mga kamay ko pero pilit ko inaalis si Mikael sa isip ko. Durog na durog ang pakiramdam ko. Pigil ko kanina ang maiyak habang nasa trabaho. Ang pag pyestahan ako ng mga katrabaho ko ang huling gusto ko magyari. "Hayaan mo sya." Walang reaction lang na sabi ko kay Eva. I made mysef busy with the screen infront of me. Damien told me to give Mikael a chance bago nya ako maihatid. I asked him kung ganoon din ba gagawin nya kay Irina, and he said no. He said that he can only give her his love for too much. I don't know, pero first broken heart ko ito at nakatatak sa isip ko na ginamit lang ako ni Mikael para pagtakpan ang relasyon nila ni Irina. Or ang nararandaman nila. And it feel so damn agonizing. Ang sakit sakit. He cared, but it stopped there. I did more than caring. Nahulog ako sa kanya. At akong si tanga, umaasa na madali ko mapupunan ang lahat para mahulog din sya. Para akong inaatake nang tumuntong na sa alas singko ang orasan. Inayos na namin ang mga tables at computers namin. Nauna na ako lumabas. Plano ko na maglakad ng mabilis kaya nauna ako sa mga kasamahan ko. But Mikael caught my hand easily. "Bitawan mo ako." Nakatalikod pa rin ako sa kanya. Ayoko sya tingnan. I maybe mad at him pero miss na miss ko na sya. At ayoko sya bigyan ng pagkakataon na gamitin ang katotohanan na iyon para bilugin ako ulit. "Resha.. Mag usap naman tayo. Please." His voice was low. And it sent shivers down my spine that I chose to ignore. "Let me go." Firm na sabi ko. Hinila ko ang kamay ko pero ayaw nya bitawan. "Just go, Mikael. Be with Irina. I am moving on. Kakalimutan ko na nakilala kita." Then I bit my lower lip to stop myself from crying. Naramdaman ko na binitawan nya ang kamay ko. I thought I can go, pero mabilis sya na nakaharang sa harap ko. Tiningala ko sya, he looked furious. "That's it, Resha? You did not even let me explain? You're moving on, that’s it? Wow." His fists were clenched. "Ano'ng gusto mo'ng gawin ko, Mikael? Magpaka tanga lang ako sayo? You obviously love her. And you used me para mapagtakpan ang mga nararamdaman nyo. That's wow!" Punong puno ng pait ang boses ko. Hindi ko na inisip na baka naririnig kami ng mga kamahan ko na palabas na ngayon sa shop. "Resha.. I was sincere when I ask you to date me. I used you? f*****g hell, I did! Kung iyon ang iniisip mo, be it. But I used you, because I wanted it to be you. Hindi mo ba naisip yon? Na kung may mamahalin man ako'ng iba bukod kay Irina, ikaw yon. Kaya ikaw ang hinabol ko." Puno naman ng hinanakit ang boses nya. Parang may bato na tumama sa akin nang marinig ang mga sinabi nya. "Let's talk about this, alright? Come with me." Mahinang sabi nya bago nya ako hilahin. Wala ako sa sarili na pinasakay nya sa kotse nya. When the engine started, doon ko naisip na mali ito. That I should just get out and go home and cry myself to sleep. Nakaka suffocate ang presenysa ni Mikael. Seeing him beside me brought it all back. Uminit ang mga mata ko. Hindi ko napigilan ang maluha. Gusto ko syang sampalin. Umandar na ang sasakyan at hindi ko alam kung saan kami pupunta. I started sobbing. I clutched my handkerchief on my hand. Pinipigilan ko pero lalong lumalakas. Para akong sinasaksak sa dibdib ng paulit ulit. Hell, it hurts so much. "Resha.." "Shut up!" I hissed. "Shut the f**k up. Nothing that you'll say can make it go away!" Tiningnan ko sya ng masama. He pressed his lips at nag focus sa pagda drive habang umiiyak ako. Wala na akong pake kung nagkakalat na ang eyeliner ko at mascara. Gusto ko umiyak. "Tangina kasalanan mo lahat 'to." Para akong tanga na humahagulhol habang sinasabi ko iyon. Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa sama ng loob. Binigay ko naman lahat sa kanya. Hindi ko sya sinasakal. Hindi ako nagger. Nasa lugar ako mag selos. Pero balewala lahat ng iyon kasi iba naman talaga mahal nya. Rebound lang ako. Ang sakit sakit. "Ihatid mo na ako sa amin tapos wag ka na magpapakita sa akin, please lang." Sabi ko na hindi tumitingin sa kanya. "Resha, please." "Please mo mukha mo! Get out of my life, Mikael Darius Bustamante Feinberg." Mariin na sabi ko. I saw him tightened his grip at the steering wheel. "So, Damien told you everything, huh." Mariin na sabi nya. "Malamang! Ano iniexpect mo? Nasaktan din yung tao sa kagaguhan nyo. Bakit pa kailangan nyo manggamit ng tao?" Then I broke down again at lumakas pa ang iyak ko. "Tangina naman eh. Sinungaling ka." Bigla ay tinabi ni Mikael ang sasakyan nya sa isang kanto. Huminga sya ng malalim. "Resha.. I did not tell you things but I did not lie. I wanted to tell you everything sa tamang panahon." Mahinang sabi nya. His hamds still on the steering wheel pero nakayuko sya. "I was moving on with my feelings for Irina. And I saw you. I met you. You were wonderful. I told myself, I wanted it to be you. I wanted to love someone like you. I am sorry kung sa ganitong paraan mo nalaman ang lahat at nasasaktan kita pero I will never be sorry for the times that we were together." "Bullshit." Sabi ko na lang. "Resha.." "Pwede ba? Wag mo nga ako tawagin!" Tiningnan ko sya ng masama. "Nasaktan na ako. Tapos na, nangyari na. Now, can we move on and go on with our lives?" Sarcastic na sabi ko. Hindi sya nagsalita. Pinaandar nya na ulit ang sasakyan. Walang nagsasalita sa amin, para lang akong tanga na umiiyak. Wala na akong pakealam sa poise ko. Hindi ko ikinakahiya kay Mikael kung gaano nya ako nasaktan. Nang maiparada nya sa tapat ng gate ang sasakyan nya ay walang sabi sabi na mabilis akong bumaba. Kinapa ko ang susi sa bulsa at nagmamadali pumasok, pero napigil ni Mikael ng pagsasara ko ng gate. May lamlam sa mga mata nya. Umiwas ako ng tingin. "Go away!" Sigaw ko sa kanya. "Let's talk this over, Resha." Malakas sya kaya wala ako nagawa nang maitulak nya pabalik ang gate. Inis na iniwan ko sya doon. I opened the main door at mabilis na naman syang nakasunod. Nagtatanggal na ako ng sapatos when he hugged me from behind. I froze for a moment bago ako naiyak ulit. Damn. "Umalis ka na, Kael. Please." Lumuluha na naman na sabi ko. Pakiramdam ko ang hina hina ko. Hindi ko na kayang makipag argumento sa kanya. All i wanna do is to cry myself to sleep. He buried his face in between my neck and my shoulder. Ramdam ko ang pag iling nya. Pilit kong tinatanggal ang pagkakahugpong ng kamay nya sa tyan ko but he won't let go. "Please, one more chance, honey. Let me make it right this time." Garalgal na sabi nya. Mariin akong napa pikit. His warmth tells me he belongs to me. His body belongs to me. Mine alone. But Irina and Mikael's image kept on popping in my mind. How can I forget? "Bumalik ka na kay Irina." I know I sounded so f*****g insecure pero mas trip ko yata i torture sarili ko. "No. No. I chose you, Resha. You heard us, she asked me to runaway. Ayoko, Resha. Ikaw ang gusto ko. Ikaw lang." I bit my lower lip. Every word he says gives me hope. Pero ayoko ng hope. Gustong gusto ko si Mikael, kung ang mga takot ko noon ay kinalimutan ko para sa kanya pero nangyari pa rin, ano kasiguraduhan ko na hindi nya na ako ulit sasaktan? "Sasaktan mo lang ako ulit. Tama na." Mahinahon na ang boses ko. Ang hapdi na ng mata ko pero hindi ko pa rin mapigil ang pagluha. "Try again with me. Let's start again. Please." He was giving me small kisses now and it sparked the heat I always have for him. Mabilis ko na natanggal ang pagkaka hugpong ng kamay nya sa tyan ko tapos mabilis akong lumayo. I felt cold and naked. Gusto kong yakapin nya ako ulit but it would be so wrong. "Umalis ka na." Tinatagan ko pa ang sarili ko. Ngayon ko mas nakita ang dullness ng gwapong mukha nya. Gusto ko syang hawakan, halikan. Gusto ko sya. My heart fell for him. And insteead, he brought me this agonizing pain. "Resha naman.." He begged. Akmang lalapit sya ulit pero lumayo ako. "I want to be alone." Nakita nya na akong umiyak, nakita nya na ang paghihirap ko. Tama na. "Please-" "Out! Alis!" Sigaw ko. Napatigil sya. Lumaylay ang balikat nya. Huminga sya ng malalim bago walang salita na tumalikod at umalis. When I heard that his car left, umiyak na naman ako ng malakas. Nanghihina na napaupo ako sa sahig. I feel so damn weak. Sinisisi ko ang sarili ko bakit ako pumatol kay Mikael. I was ready to just go on with my life after I gave him my virginity. I already moved on thinking I am not pure anymore. I was freaking determined na pigilan ang pagka gusto ko sa kanya pero nagpatalo pa rin ako. He did not said anything. Nasaktan din ako knowing na pwedeng hindi na sya bumalik pa. Yon na lang ba yon? Hindi nya na ako babalikan o kakausapin? I was going crazy thinking how to move on but I want him to come back and apologize. I want to hear him say again that he chose me. That I was what he wants, hindi si Irina. Pero aasa na naman ba ako? I shut myself in my room. I feel sorry for Mamsi that I have to lie about not feeling well kaya di ako lumabas at nasabayan sya sa pagkain. Sinabi ko na lang din na nakainom na ako ng gamot. The next morning, I had a cleared head. Hindi ko naman na inasahan na makikita ko ulit si Mikael. Dumuretso ako sa isang mall after ng trabaho at nagliwaliw ako mag isa. Ayoko na umiyak. I decided na libangin ang sarili ko. Nag text ako kay Mamsi na gagabihin ako. Nanud ako ng sine, kumain mag isa, namili ng kung anu ano. Pasado alas onse na ako nakauwi. Para akong zombie na may katawan pa, pero iniwan na ng kaluluwa. Nag message sa akin si Sasha after she learned na nagdeactivate ako. Hindi ko na lang muna sasabihin ang mga nangyari. Nagdahilan na lang ako na ayaw ko muna ma distract. So nang mag aya sila lumabas this weekend, nag decline ako. Lalo na at especifically ay isama ko daw si Mikael. Weekdays came past in a blur. Naging routine ko na ang dumaan sa mall after work at umuwi ng late. Matutulog, gigising at papasok. Weekend came, umaga pa lang ay umalis na ako sa bahay. Alam ko na hindi lang nagsasalita si Mamsi but she knows something is wrong. Hindi pa rin naman ako ready harapin sya. Naubusan na ako ng papanuorin na movie. Last option ko na ang maglaro sa timezone. But after a few minutes of playing, I got bored. Hindi naman ako mahilig sa ganito. Tapos wala naman masyadong attraction sa Gateway. Naglibot na lang ako ulit at pumasok sa mga shops at tumingin ng mga pwede ko mabili. With four paper bags in hand, nagpasya ako na mag lunch na lang sa Taco Bell. Besides, naubusan na din ako ng papanuorin na movie sa bawat gabi na bago ako umuwi galing trabaho, nanunuod ako ng sine. I am halfway done with my food when someone sat at the seat in front of me. Matigil sa ere ang pagsubo ko ng taco ko when I recognize who was it. "D-damien?" Kunot noo na tanong ko. He was smiling, he looked better like he wasn't broken hearted. Naka polo sya na putu, his tattooes contrasts the color of his polo but he's still an eye candy. His hair was ruffled nicely. May facial hair na sya ngayon pero bumagay pa rin. "I was passing by when I thought I recognize someone. Ikaw nga talaga." Ngumiti sya ulit, making me wonder how he managed to look so radiant after a week of heartbreak. "Er ano'ng nagpadpad sayo sa Cubao?" He told me na taga Fairview sya, pero may condo yung pinsan nya sa Mandaluyong na madalas nyang tuluyan. "May bibilhin ako. Wala ka ba gagawin? Samahan mo na lang ako." I pressed my lips. "Ano bibilhin mo?" I really want to be alone, pero kung iisipin, na curious ako kung paano sya naging ganito ka radiant eh pareho lang naman kaming basag at durog last week. "New guitar, new strap, new life." Tapos tumawa sya. "New life huh." Napanguso ako. "Okay lang, wala naman na ako mapanuod na palabas sa sine." "Alright. Dito na lang din ako magla lunch, oorder ako. Wait for me." Tinapik nya pa ang kamay ko na nasa mesa bago mabilis na tumayo. I was so damn envious of him. Pakiramdam ko minumura ako ng mga eyebags ko sa sobrang laki nila. Hindi ako nag make uo, facepowder at lip balm lang. Pakiramdam ko gusgusin itsura ko. Malay ko ba na may makakakita sa akin, si Damien pa? Sya mukhang ang cheerful. Teka, baka naman nagkabalikan sila ni Irina? Napangiwi ako. Impossible naman kasi an ang bilis maging masigla ni Damien. O baka hindi nya naman talaga minahal si irina? But I saw how devastated he was when we left Cavite. Sa pagka praning ko, nakabalik na si Damien ay hindi ko pa ulit nagagalaw ang pagkain ko. Quesadilla at drinks lang din naman inorder nya. "M-mukhang ang sigla mo ngayon." Sabi ko habang kumakain sya. He laughed. "And you look aweful. Sorry not sorry." Sabi naman nya. "Oo na. Eh bakit parang ang bilis mo mag move on?" Diretso na ang tanong ko. "I'm still on the process, pero tinanggal ko na sa sistema ko si Irina. Ilang beses syang bumalik, and I told her no. Kaya nga mamimili ako ng bagong gamit. It's one of my processes. Pakiramdam ko unti unti ulit ako'ng nakakahinga ng maluwag since last week." Kibit balikat na paliwanang nya. Napatango lang ako. Does it mean that I really have to let go Mikael?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD