Arabella pov's
" Ang kapal talaga nang mukha niya Lani! isipin mo,Sinabihan ba naman akong babalik daw siya at sa ayaw at sa gusto ko isasama daw niya ako?? sobrang adobe Ang pagmumukha!! " Galit na Galit na wika ko kay Lani,dahil gusto kong papaniwalain ang sarili ko na talagang Galit ako kay David..
Si Lani ay Isa sa mga kasambahay nila Lance,at siya ang umaalalay sa akin sa araw araw na naggagawa ako sa garden nang mga Martinez..
At Siya lang din ang bukod tanging- nakakaalam sa mga pinagdaanan ko sa buhay..
" Ihh .anung sinabi mo sa kanya?" Ang tanong ni Lani sa akin
" Syempre sinabi kong hindi ko siya kilala! Wala na akong balak balikan pa ang buhay ko noon!! 2 taon na akong nanahimik..pilit pa nila akong ginagambala!! " Ang sagot ko naman kay Lani..
Uo inaamin ko,mahal ko pa din si David..pero Hindi na pwede..tama na Ang mga kagagahan ko noon...okay na ako ..Hindi na ako papayag na gagmbalahin pa nila akong muli..
" ihh sa tingin mo ba, naniniwala kaya ang lalakeng yun Aber? teka nga..anu bang itsura nang lalakeng yun ha?" Ang tanong ni Lani sa akin...hay naku! pagdating sa usaping lalake,talagang mukha agad Ang tinatanong nang babaeng ito..apakahilig sa guapo...
" at talagang yan pa Ang tinatanong mo?" asar na asik ko sa kanya...
Agad naman itong nagpeace sign...
" ihh ..Anu ba kasing itsura nung David na yun?" Pangungulit muli ni Lani..na lalo naman nag painis sa akin...panu naman kasi binanggit niya ang pangalan ni David.
" Ssh...wag ka ngang magbanggit nang pangalan! Ang lakas nang boses mo! Pangit! walang kwentang tao! sobrang pangit,okay na?"Naiinis na wika ko sa kanya...at bigla naman itong napangiwe..
Pero ganun nalang ang pagka asar ko lalo nang marinig ko ang tili ni Lani...
" Oh my God....shit bella....Ang guapo.....kyaaahhh" Ang kilig na kilig na tili ni Lani na akalain moy nakakita nang artista...
Agad naman akong napabalik sa gawi niya at sinita ko ito .
" Anu ba Lani! Ang ingay ingay mo! magtarbaho kana nga! para matapos na tayo-" pero agad akong natigilan nang mapatingin ako sa Isang taong hindi ko inaasahang makikita ko Dito..
He is half naked..at gaya nang dati, napakaganda pa din nang katawan nito...halos napalunok ako nang sarili kong laway nang nakita ko itong pawis pawisan
ang katawan nito...
Hindi ko sinasadya but sh*t...I just remembered how he was getting sweat while we made love before.....
Halos gusto kunang pitpitin ang utak ko ,dahil sa mga naiisip ko Ngayon..darn!! maling Mali! erase!!
Umayos ka Bella! wag Kang marupok! isipin mo ang goal mo! wag Kang papadala sa biceps na Yan!
"pangit pala ah...kung hindi ko alam minsan kana din nabaliw sa akin..sige lang Arabel..galingan mo lang sa pagpapanggap.." mahinang bulong nito pero malinaw na malinaw iyon sa pandinig ko...
Agad akong umirap...and I just seeing him chuckled... nakkainis!
" Halika kana nga magtarbaho na tayo! " paghila ko kay Lani..na ngayon napapako na ata ang mga mata nito sa hubad na katawan ni David...
" Lani Anu ba! halika kana!" Ang Galit na wika ko dito..
" Ito naman...Minsan nga lang ako makakita nang pogi ihh....ihh ikaw na munang magtrabaho Jan...may tatrabahuin lang ako Dito .ihh Este may gagawin pa pala ako dito.." Ang nakakalokang wika ni Lani...na akalain moy parang adik na namumungay Ang mga mata nito kakatitig kay David...
Bwecit talaga!
" Bahala ka na nga Jan!" I said .at agad akong lumipat nang pwesto..pumunta ako sa gawi ng mga orchids..pero agad akong natigilan nang marinig ko ang tinanong ni Lani sa kanya..
" Pogi...single kapa ba?" Ang pabibe nitong tanong kay David..hay naku Lani pambihira ka talaga...
But there's a part of her question na gusto kung marinig kung anung isasagot ni David sa kanya...
" Unfortunately...I am married..." he answered... sa hindi ko mapaliwanag na dahilan...agad akong nakaramdam nang biglang lungkot at pang hihinayang,nang marinig ko ang sagot nito..
"married kana palang g*gu ka! may pa I missed you I missed you kapang nalalaman!! para Anu? para gawin akong parausan? kabit ganun??kapal mo!! hinding hindi na mauulit Ang katangahan ko sayo!!" Ang gigil na wika ko sa sarili ko..
" Ay..sayang naman...akala ko pa naman ..ikaw na ang matagal kong hinhintay ..." Malungkot na wika ni Lani .Bute nga sayo..puro ka Kasi guapo Jan.
" Uhm... Lani right? can I have a glass of water please?" Ang pakisuyo ni David Kay Lani... At talagang nagawa pa niyang mang utos!
At ang hindi ko maintindihan kung bakit nandito ang bwecit na to!! panu ba siya nakarating dito..
" Uo naman pogi..kahit Anu..ibibigay ko sayo..hilingin mo lang" Ang wika ni Lani..at talagang matindi talagang pananampalataya niya,alam na nga niyang may Asawa sige pa din... umiiling iling nalang ako..
Pero ganun nalang ang kaba ko,nang makita ko sa peripheral vision ko na papalapit itong si David sa gawi ko....
Halos parang tambol ang pintig ng puso ko ngayon,knowing that palapit na ito sa akin..
Pero kailangan kong magpakatibay...
" So...pangit pala ako? ganun? kaya ba ayaw munang bumalik sa akin?" ang bungad nitong salita sa akin,so narinig niya pala ang mga sinabi ko kanina....so Wala nang dahilan para magpapanggap pa ako...
Pero hindi ko ito pinansin...abalang abala ako sa pagkakabit nang mga orchids..
" Hanggang kailan mo balak magtago sa akin Arabel?..huh? 2 taon na nakalipas hindi kapa din nakakamove on?" muli niyang tanong sa akin...
. Ngunit hindi pa din ako umimik.tuloy tuloy lang ang ginagawa kong pagpapako nang sa ganun para may mapagkabitan ako nang mga orchids.
Pero ganun nalang ang gulat ko nang umupo ito sa tagiliran ko at tinitignan ako sa aking mukha..
" Arabel please...talk to me.. please.." he said .
I don't know pero lalo lang akong naiinis sa kanya...Anu bang kailangan niya sa akin? bakit kailangan pa niya akong pag aksayahan nang oras..ihh kasal na naman pala siya ..nakkairita na talaga ang lalakeng to..
Sa Galit ko,hindi ko namalayang daliri kuna pala ang napokpok ko ng martilyo..
"sh*t!!!" ang wika ko sa sarili ko,ayaw Kona sanang magpahalata but damn!! napakasakit talaga!
" Ahhhhh... arayy.." Ang daing ko,dahil mukhang daliri ko ata ang napagdiskitahan ko,dahil sa asar ko sa lalakeng ito...
Ganun nalang ang gulat ko nang agad niyang hinawakan ang kamay ko..pilit ko itong hinahablot mula sa pagkahawak nya,but Sh*t hinigpitan niya lang ang hawak dito.
Mas lalo lang namilog ang mga mata ko,nang bigla niyang sinisip ang daliri ko na dumudugo...
I can't help it but look him in his eyes....at surprisingly..nakatitig din pala ito sa akin..gaya nang dati ..Ang mga titig niyang tumatagos pa din sa buong kalamnan ko..
Yes...I do miss him too...at Hindi ko kayang itanggi iyon sa sarili ko..
Agad niyang dinura ang dugong sinipsip niya mula sa daliri ko..and damn!
The next thing I know...nakalapat na sa akin Ang malalambot nitong labi...and he is kissing me so deep....gustong gusto ko Ang halik na iyon..dahil iyon at iyon lang Ang hinahanap nang buong puso ko...
I was about to kiss him back,when I realized he's already married...agad na naman akong nagising sa realidad!!
Agad ko itong itinulak at sinampal ko ito..
" Lumayo ka sa akin!! Ang kapal nang mukha mong halikan ako!! Utang na loob pabayaan muna ako!! " I said..at tuluyan kuna itong iniwanan...
Hindi ko mapigilan ang sobrang emosyon na nararamdaman ko,bakit kailangan pa akong gagambalahin?? he is already married!! bakit kailangan pa niyang Gawin ito?
I'm totally fine.. maayos na ang buhay ko! and here we go again! babalik balikan niya ako,para Anu? para paasahin?...never again David