Chapter 1
Narrator of the story
Isang well-known at masasabing nabibilang na din ito sa Royal blood family ang nakatira sa isa sa pinaka masaganang bansa sa buong mundo..
At ito ang bansang Spain...
Kinikilala ang mga ito sa larangan nang ibat ibang negosyo,kaya kabilang na din sila sa tinatawag na Royal blood,Isa sila sa pinakasikat sa bansang Spain,dahil na din sa angking galing magpatakbo nang ibat ibang uri ng negosyo...
At mas lalo pa itong naging tanyag..sa pamamagitan nang pagbabahagi nila nang tulong sa ibat ibang charity... sa ibat ibang bahagi nang mundo.
Kung pakatingnan mo ang uri nang kanilang pamumuhay,masasabing ito ay napakaperpekto...
Subalit...totoo pala talaga ang kasabihan na kahit nasa sayo na pala ang lahat...May kulang at kulang pa din...
Sina Don Alfonso at Donya Karena na ata ang pinakaswerteng mag asawa nakilala ko, dahil sa bukod na busilak ang mga puso nila biniyayaan pa ito nang dalawang guapong mga anak.
Pero ganun paman..kahit pala gaanu ka sagana at karangya ang uri ng pamumuhay nang isang tao,dadaan at dadaan pa din ito nang mga pagsubok...
After 15 years of giving birth to her son's, Donya Karena found out that don Alfonso had an affair with another woman..All her life she adored her husband knowing that he was faithful to her.
Dahilan para maganap ang isang malaking desisyon na gagawin ni Donya Karena..She decided to go back to the Philippines when she found out ,what Don Alfonso did to her ,..
Even if that was happened years ago,still sobra pa ding nasaktan si Donya Karena,.kahit huminge na ito nang paulit ulit nang tawad ang Asawa nito..ay hindi niya pa din ito mapapatawad ..
Halos mga binatilyo na din ang kanilang mga anak kaya nauunawaan na nang mga ito ang mga nagaganap sa pamilya nila,pero lingid sa kaalaman ni Donya Karena na labag sa kalooban ito nang bunso niyang anak, na si John David Alonzo.
Naiwan ang panganay niyang anak sa Espanya with his father,kahit pinagsisihan na ito nang lubos ni Don Alfonzo ang mga nagawa niya,matigas pa din itong si Donya Karena,mas pinili pa din nitong bumalik sa Pilipinas dahil hindi niya lubos matanggap ang kasalanan nagawa nito,
At sa kasamaang palad, sa hindi inaasahang pangyayari..dahil na din sa katandaan nang kanyang Ina na si Señora Concha,Isang linggo palang silang nakauwe sa bansa ay binawian na ito nang buhay.
Naging masakit ito kay Donya Karena dahil,inaakala niyang mabibigyan niya na
ng oras ang ina para alagaan ito, pero ay siya naman biglaang paglisan nito.
Samantala,Isa si Arabella sa mga katiwala nang Hasyenda ni Senora Concha,dahil anak ito nang mga lubos na pinagkakatiwalaang tao nang senyora.
Namatay ang mga magulang ni Arabella nung may naganap na landslide sa lugar nila, Gumuho ang lupa na kinatirikan nang bahay nila Arabella noon...Kaya sa kasamaang palad,kasabay nang pagguho nang bahay nila ang mga katawan nang kanyang mga magulang...
Isang masakit at masaklap na pangyayaring naganap sa buhay ni Arabella ang pagkawala nang mga magulang niya,Dahil sa pagkabigla nitong naulila..
Pero sadyang mabait ang tadhana sa kanya ,Sampung taong gulang pa lamang siya nung naulila sa mga magulang niya,kaya nagdesisyon ang senyora Concha na ampunin ito.pinapaaral siya nang senyora sa isang pribadong paaralan,at tinuring ito na parang tunay na apo...
At lubos itong pinagpapasalamat ni Arabella sa senyora dahil kahit nawalan siya nang mga magulang hindi naman ito minsan pinaparamdam nang senyora na iba siya sa matanda,dahil dun unti unting nkabangon si Arabella at muling tumayo at hindi binigo si senyora Concha.
Arabella Cabillar pov's
" uy Ara...tulala kana naman Jan" bati ni Alora sa akin,dahil halos 2 linggo nang nakalipas mula nang nailibing ang senyora at halos masakit pa din sa akin ang pagkawala nito..
Dahil parang nawalan na naman ako ulit nang magulang.Hindi ko kailan man makalimutan ang kabutihan nang senyora sa akin.
" namimiss ko lang ang senyora, Alora,ngayong wala na siya wala na din akong kakampi." Sabi ko sa kanya.
" Anu kaba,mabait din naman si Donya Karena,I'm sure di ka naman niya papaalisin sa mansyon noh.." Sabi ni Alora.
" Hindi naman yun ang inalaala ko,syempre panibagong amo na naman,Isa pa ,nakakatakot ang anak niya...ang sungit - sungit,hirap intindihin!" Sabi ko kay Alora,
" uy speaking of anak..infairness naman din ah,Ang guapo nang David na yun..as in perfect talaga siya para sa akin.Grabe ung mukha niya para siyang yung turkish na bida sa pinanuod kong love story sa Netflix!" Kinikilig na sabi ni Alora sa akin..
" Magtigil ka nga! as if naman papansinin tayo nun noh!, napakasuplado kaya nun!" Ang wika ko naman.
" Malay mo naman magkagusto siya sayo o di kayae sa akin...hehehe..diba ganun kaya yung mga ngyayari sa mga pelikula diba? " tumatawang sabi ni Alora.Napakapambihira talaga nitong babaeng to!
Wala kasi ibang ginawa kungdi manuod nang love story!
" tigilan mo nga ako Alora, saka...tigil tigilan muna nga yang kakapanuod nang mga love story na yan....kung anu - anu na yang mga naiisip mo!Tara na ngang magtarbaho baka makita pa tayo nang bago nating amo!" Ang wika ko at nauna na akong naglakad sa kanya.
" Ay sus..umiiwas ka lang ihh.. para namang hindi ko napapansin....halata po kaya Arabella,akala mo ah..." pang uuyam ni Alora sa akin naku talaga kung Anu anu na talagang naiisip nito!
" Ssh .. tumigil ka nga! dami mong alam!" agad ko namang sabi kay Alora at ngayon ay tatawa tawa ito.
Yes,aminin ko nung araw na umuwe sila sa mansyon,halos hindi ako makahinga nung makita ko siya that was the very first time na nakaramdam ako nang unang kakaibang pagtibok nang puso ko, although mga bata pa kami.. pero para sa akin,siya na ang gusto ko makasama sa habang buhay.
Ewan ko ba kahit na sobrang sungit niya,bossy,moody,suplado, pero gustong gusto ko talaga siya...mahal ko na nga ata ihh.
Hay naku ang bata bata ko pa pero nakakaramdam na ako nang ganitong klaseng pakiramdam....Ito na kaya ang sinasabi nilang love at first sight?
Hay naku..erase erase Arabella,ang dami dami mo pang pangarap,maghuhunusdili ka muna.Higit sa lahat dapat alam mong hinding hindi ka papatulan nang lalakeng yun!
Isang mahabang araw ito para sa akin dahil maghapon akong nagtarbaho sa manggahan,ayaw ko kasing tumambay sa mansyon dahil naalala ko lang si Senyora Concha ,kaya kelangan kung libangin ang aking sarili.
Dahil dun ay halos gabi na nang makauwe ako sa mansyon.
Agad naman akong tinawag ni aling Rosa para sa hapunan..Sa totoo lang ayaw ko naman talaga sanang sumabay sa mag inang kumain,dahil naiilang talaga ako kay David..
Pero wala akong magawa,dahil sila na ang bago kong amo ngayon kaya bumaba ako at agad nagtungo sa dining.
" Buti naman at lumabas kana sa lungga mo! ayaw ko sa mga pagkaing nakahain,ipagluto mo ako nang iba!" pag uutos ni David sa akin na agad naman itong sinita ni Donya Karena..
" DAVID!! stop!! how many times do I have to tell you! na hindi siya katulong dito!"Galit na wika nang Donya
" So anu siya dito? Amo?? what the!! ni hindi nga natin kaanu anu yan! pasalamat pa nga siya hindi natin siya pinalayas dito ihh!" David said while looking at me intently.
" Enough David!! kung ayaw mo sa mga pagkaing nakahain,You can cook for your own!! wag ka masyadong paimportante!" his mom said at agad naman akong nagitla nang bigla itong nagdabog at tumayo.
"Bwecit!" he said as he stared at me so pissed.
" David comeback here!! David!! " Donya Karena yelled.
"Uhm..ahh... I'm sorry po,o-okay lang naman po sa akin na uutusan niya po ako maam,wla pong problema iyon." panghihinge ko paumanhin kay Donya Karena.
" Nah..don't mind him ijah.And no..hindi ka katulong dito,wala siyang karapatan para utus utusan ka,masydong matigas lang talaga ang ulo nang batang yan.Hayst! ikaw na sana bahalang magpapasensya ha? ijah" Donya Karena apologized,tama nga si Alora..Kagaya nang nasirang senora Concha ay mabait din ito si Donya Karena..
" Wa -wala po yun ma'am,ayos lang po." nahihiyang wika ko.
" Saka drop that ma'am,just call me tita ijah...minahal ka nang mama,kaya ganun din ako sayo ngayon, walang magbabago...And what ever you want or you need,just don't hesitate to tell me okay? " ngiteng wika nito.
" t-thank you po t-tita" tanging nasabi ko dito.
Dumating na ang pasokan at ganun pa din,Kagaya nang dati ay dun pa din ako nag aral kung san ako pinag aaral ni Senyora Concha.
At sa kasamaang palad,hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil kaklase ko lang naman si David.
Sobra talagang suplado ang taong yun at kung gaanu ako patagong nahuhumaling sa kanya ay siya din namang lantaran ang pagkasura nito sa akin!as in napaka allergy niya sa pagmumukha ko .
Ewan ko ba pero,Wala naman akong ginagawang masama sa kanya,pero sadyang napakainit talaga ng dugo niya sa akin.
At isa pa sobrang napakahilig nito sa babae, biruin mo..halos araw araw kung sino sino nalang ang naging kasama nito.Kung sabagay,hindi ko naman din masisi ang mga babaeng yun,dahil hindi pa ata pinanganak ang babaeng tatanggi sa kanya.
Samantalang ako,heto...mag isa... wala akong kaibigan maski ni Isa,dahil sa totoo lang hindi ko naman masakyan ang mga trip nang mga estudyante dito,siguro kasi ako lang ata ang pinalad na mahirap na nakapasok sa ganitong klase na paaralan.
Sa totoo lang, magaspang talaga ugali ni David pero hindi ko maintindihan bakit gustong gusto ko pa din talaga siya,may mga pagkakataon pa ngang napapaniginpan ko pa ito.
Minsan kapag may nakikita akong kasama niya sa school na ibang babae nagsiselos ako, nasasaktan ako....Ganun ang dating niya sa akin..samantalang ako,nakikita niya lang bilang katulong,utusan,alila.
Maski na nga sa school walang paundandangan niya ako kung utusan,wala naman akong magawa kundi sundin ito,dahil siya ang amo.
Yun kasi ang pakilala niya sa akin sa mga kaklase namin ..sa mga kaibigan niya... na katulong nila ako,na sagot nila ang pag aaral ko kaya nandito ako nakapasok sa ganitong paaralan.
Masakit,uo.. pero minsan, ganun naman talaga diba? kung anu naman talaga ang totoo yun ang masakit!
Halos 3 taon na ang naklipas at wala pa ding nagbago sa nararamdaman ko para kay David,siya at siya pa din,at ganun din si David wala pa din pagbabgo ang naramdaman niya para sa akin,hate niya pa din ako,sukdulan ika-nga.
Second year college na ako ngayon,at sa awa nang diyos nagiging maayos naman ang lahat.kahit wala akong mga naging kaibigan dito,sa university ay naitawid ko naman ang araw araw ko dito sa university.
Sa totoo lang.. hindi ko naman kailangan nang kaibigan kung hindi din naman ito totoo sa akin...Si Alora ay sapat na...kahit loka loka iyon kung minsan.
Si David lang naman talaga ang tanging pinapangarap ko.. na sana mapansin din niya ako balang araw, na sana kahit kapirasong chance lang...pero mukhang malabo talaga ata ihh.
Kahit pa siguro ipagpray over ko pa ata,Magpamisa pa sa Quiapo at Baclaran , mukhang wala na talagang chance.
Nga pala ako nga pala si Arabella Cabillar.turning 19 na ako next month,Isa lang akong ordinaryong babae, katamtanan lang ang tangkad...mahaba ang aking mga buhok,bilugan ang aking mukha at balingkinitan ang aking katawan.,madaming nagsasabing hawigin ko daw si Shen hyi,ung koreanang artista..
Ako daw ang Pinay version nito...overwhelmed naman ako,sa sinasabi nilang yun..kaso Hindi pa din ako pansin ni David...
Hiniling ko na sana sa next birthday day ko ay magkaroon na sana ako.. nang kahit kunting chance lang sana para kay David..it's been 3 years pero matindi pa din ang pananampalataya kong may himala!
Pero ganun naman talaga diba habang may buhay may pag asa!Yan ang palagi kong motto sa buhay..Kaya hanggang ngayon umaasa pa din ako na balang araw magugustuhan din niya ako.