Odessa is still on his place when Zander went home. Mapang-akit itong nakahiga sa kama niya at walang kahit anong saplot. Nilampasan niya ang kama habang naghuhubad ng pang-itaas.
“Why are you still here?”
“Because I’m your girlfriend.” Tumayo ito at lumapit sa kanya. She sensuously touched his body with her slender fingers. Hindi siya tuminag. “Besides, Mama Lorraine gave me her permission to stay with you, that’s why I’m here. Oh, I missed you so much Zander.” Dugtong nito bago siya hinalikan. She licked his lips expertly. Then he suddenly remembered a taste of someone else’s kiss. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at inilayo sa kanyang katawan.
“I’m tired.” Binitiwan niya ito at dumeretso sa banyo.
“Tired? Hah! Don’t give me that s**t! I know your appetite when it comes to s*x. You were never tired when you’re with me. Hey Zander!” tawag nito ng tuluyan na niyang isinara ang pinto. He locked it.
He had a good night. For the first time in so many years he really found something funny. But Odessa ruined it. Dahil sa pagbanggit nito sa pangalan ng kanyang ina ay naalala niya ang tawag nito. He didn’t want to answer it. Pero alam niyang hindi ito titigil sa kakatawag. Worst baka sagutin pa iyon ni Erica na siyang may hawak ng cellphone niya at mabulyawan pa ng ina. His mother is a really mean and heartless person. Hindi niya maaatim na maranasan nito ang matalim na pananalita ng kanyang ina.
Now, why is he really concerned with her? She’s just a weirdo who happens to be his handler’s niece.
“Zander! If you don’t open this door I will leave!” pananakot na naman nito. Hindi siya tuminag. “Fine! I’m really going to tell Mama Lorraine about this! I’ll make sure you’ll pay for this!” tili nito. Ilang minuto ang lumipas bago niya narinig ang malakas na lagabog ng pinto ng unit niya.
He smirked at the way she called his mother. Magkaparehong magkapareho talaga ang mga ito. They both throw threats when they don’t get what they wanted.
Marahas niyang tuluyang hinubad ang lahat ng saplot at tumapat sa shower. Malakas ang loob nito dahil uuwi ng Pilipinas si Lorraine. It’s the reason why she called earlier. Guguluhin na naman nito ang katahimikan niya.
“HOY, kanina ka pa ngiti ng ngiti diyan. Ano bang nangyayari sayo?” pukaw ng Tita Sally niya. Nilingon niya ito ngunit hindi itinago ang ngiti.
“Wala naman tita. Nababaliw lang yata ako.” lalong lumawak ang ngiti niya at itinutok ang mga mata sa telebisyon. Sa totoo lang hindi naman rumerehistro ang mga krimeng ibinabalita ng Anchor sa late night news sa utak niya. Ang nag fa-flash back sa utak niya ay walang iba kung hindi si Alex. Oo na crush na niya ito. Ikaw ba naman ang pakitaan ng one in a million smile nito? Kaya nga bago sila nakalayo sa building ng Timeless ay nagpasalamat siya ng sobra sa building na iyon. Pati ang elevator gusto niyang yakapin. Ang mga ito ang dahilan ng kaligayahan niya. Hay, hinding hindi na niya lalaitin ang lugar na iyon kahit kalian.
“Parang alam ko na ang ipinagkakaganyan mo. Nakahanap ka na ba sa wakas ng lalaking papatol sa topak mo?” tanong ng tita niya.
“Wala tita no. Wala namang masama ngumiti ng walang dahilan paminsan minsan.”
“Sus, hindi ako naniniwala sayo. At bakit ka nanonood ng balita? Hindi ka naman nanonood niyan dati a. Nabobore ka sa ganyan diba?” nagdududa siya nitong tiningnan.
“Trip lang.” ang totoo, hinihintay ni Erica ang segment kung saan lalabas si Alex. May nagpunta kasing t.v crew sa photo shoot nito para interviewhin ito. Maya-maya pa ay lumabas na ang hinihintay niya.
“Uy, tita nasa t.v ang alaga mo.” Hindi niya napigilan ang excitement sa boses niya. Her heart leapt when she saw him. Kahit sa t.v magandang lalaki pa rin ito.
“Sawa na kong nakikita sa t.v, diyaryo, magazine, internet at kung saan saan pa ang mga alaga ko no.” balewalang sagot nito.
“Hmf.” Kung siya ang tita niya hinding-hindi niya pagsasawaang makita ang binata. Pinagsasawaan ba naman ang ganyang itsura?
“Don’t tell me si Zander ang dahilan ng pag ngiti-ngiti mo dyan?”
“Hindi ah.” kaila niya.
“Naku, alam kong crush mo siya kaya wag ka ng magkaila. Pero huwag mong seryosohin yan Erica ha, wala kang mapapala.” Babala nito
Inalis niya ang tingin dito at nag focus sa screen.
“By the way Zander, Odessa is already here in the Philippines right? Do you have any plans to make up for the lost time?” tanong ng reporter.
“Yes, but we want to keep it private.”
“Hmm.. sounds interesting. But can we expect to see you to her welcome party this weekend?”
“Of course.”
Napakunot noo siya. Sino naman si Odessa?
“Sino si Odessa tita?” baling niya sa tiyahin.
“She’s a supermodel na nakabase sa Europe but she’s a Filipina. And Zander’s girlfriend for three years.”
Nawala ang ngiti niya. May girlfriend siya? Sabagay imposible namang wala. At supermodel pa.
Mataman siyang tinitigan ng tita niya. “I’m telling you Hija, don’t entertain that feeling. Well, I know Odessa is not faithful to him and he knows it but they are still committed. Nararamdaman kong sila din ang magkakatuluyan.”
“Hindi siya faithful? Ibig sabihin lang ‘non hindi talaga siya mahal ng Odessa na ‘yon. She doesn’t deserve him!”
Umiling ang tita niya. “Who said something about love? It’s not on their vocabulary. Kaya hindi ibig sabihin na hindi nila mahal ang isa’t isa, may pag- asa ka na. And I don’t like his mother.”
Idinaan ni Erica sa biro ang disappointment na nararamdaman sa mga sinabi nito. “May grudge kalang pala as mother niya tita.”
Umismid ito. “Masama talaga ang ugali non. Mababa ang tingin sa lahat ng tao, maldita at ambisyosa. Hindi siya pumapayag na kung sino-sino lang ang dumidikit sa anak niya. Siya ang pumipili ng magiging kaibigan at kahit girlfriend ni Zander. She’s Odessa’s handler by the way. Basta she’s evil!”
Muli niyang itinutok ang pansin sa t.v. Mga larawan ni Alex ang nasa screen habang binabanggit ng reporter ang credentials nito sa background. Napatitig na naman siya roon.
“Erica.” May pagbabanta sa boses ng tita niya.
She sighed. “I know tita. I will not fall for him.” She did her best to sound indifferent not only to the old woman but also to herself.