CHAPTER 8

1392 Words
NAWALA ang atensyon ni Erica sa pag-dial sa mga numerong pinapatawagan sa kanya dahil sa isang matangkad at aristokratang babae na taas noong pumasok sa opisina nila. Nakasuot ito ng pulang hakab na hakab sa katawan na bestida, pulang high heeled shoes at sunglasses. Nakalugay naman ang kulot-kulot na buhok nito. Maputi at makinis ang balat, matangos ang ilong at mapula ang mga labi dahil sa matingkad na lipstick. Naaninag niya rin ang may katarayan nitong mga mata na pinaresan ng mga kilay na tila normal ng nakataas. Ngunit kahit walang lukot ang mukha nito ay pupusta siyang may edad na ito. Ang nagagawa nga naman ng siyensya. Napansin niyang hindi lang siya ang nakatingin dito. But unlike her curious expression, the employees have a look of distaste while looking at the woman. Bakit kaya? Muli niyang tiningnan ang babaeng naglalakad. Nang mapadaan ito sa kanya ay bigla itong lumingon. Ngingitian niya sana ito ng biglang itong magsalita. “What are you looking at?”asik nito. Nabigla siya sa talim ng boses nito. “Ahh..” She smirked. Why is that smirk so familiar? “ Mukhang bago ka dito. You can’t even answer me properly.  “naghihinala siya nitong pinasadahan ng tingin. “Bago nga lang po ako dito.” sa wakas ay tugon niya. Nag-fade na ang pagkabiglang naramdaman. Pinapalitan na iyon ng inis. “Oh, I bet you’re one of those hookers na gustong magtrabaho sa mga ganito hoping na mapansin ng kahit na sinong modelo. You don’t even have a fashion sense. Really I know your type.” inismiran siya nito. Pakiramdam niya ay nag-init ang mukha niya sa galit.Anong karapatan nitong ipahiya siya ng ganon? Sasagutin niya sana ito ng mahagip niya ng tingin ang mga empleyado, lahat ay tinitingnan na para bang nagbababalang huwag na siyang sumagot pa. Nakalayo na sa kanya ang babae at isang empleyado naman ang pinansin nito. Hindi niya napigilang i-assess ang sarili. Nakablouse lang siya na hindi man fit ay humahakab naman sa katawan niya. Skinny jeans at booties naman ang pang ibaba niya. “Alangan namang gayahin ko ang suot niya? e di hindi ako nakapagtrabaho ng maayos. Ayos man lait yon ah. Ipakulam kita e” Naiinis na bulong niya. “Huwag mong masyadong pansinin.” Bulong ng isang empleyado na naawa yata sa kanya kaya siya nilapitan. “Sino ba yon? Grabe siya ngayon lang kami nagkita grabe na magsalita.” “Si satanas na nagkatawang babae.” Natatawang sagot nito. Narinig niyang hinanap nito ang owner ng agency. She called him Nicolo, walang bahid ng kahit anong pag respeto. “Kaibigan ba siya ni Sir Nicolo?” iyon lamang ang naiisip niyang eksplanasyon sa kaangasan nito. Natawa ang kausap niya. “Malabo. Masyadong mabait si Sir Nicolo para magkaroon ng ganyang kasamang kaibigan no.” “E sino siya? Bakit ganoon siya umasta?” “Anak niya kasi ang pinakanagbibigay ng malaking income sa agency. Kaya tuloy kahit si Sir kinakaya-kaya niya. Hindi ko nga alam kung paano natatagalan ni Zander ang ganyang ina.” Nailing na komento nito. Napaawang ang labi niya. That revelation shocked her. Mabilis niyang tiningnan ang babaeng pumasok sa model’s lounge. Siya ang ina ni Alex? No way! “Sa kanya yata nagmana si Zander sa kasupladuhan.” Dugtong nito. “Sobra ka naman. Hindi naman ganoon si A-Zander.” Baling niya rito. Hindi niya maiwasang ipagtanggol ang binata. Oo may kasamaan ang ugali nito pero hindi naman kasing extreme ng sa nanay nito. “Anong hindi? Hindi nga marunong ngumiti yun e. Pansinin mo kahit mga pictorial niya walang smiles kasi hindi siya mapilit ngumiti. Ni hindi nga nakikipag-usap yun eh. Si Sir Nicolo lang at si Sally ang kinakausap non. Hindi pa ganoon katagal.” Hindi kumbinsidong sabi nito. “Malay mo loner lang. Tsaka mabenta naman ang mukha niya kahit hindi nakangiti.” “Loner ka dyan. Bahala ka nga.”   “ZANDER hijo, how are you?” Tumayo si Zander at tumitig sa ina. Kasama nitong lumapit sa kanya si Nicolo. Walang ngiti sa mga labi ng huli. Based on Nicolo’s expression, he already had an idea on what her mother told him. “Khun mae.” Walang ngiting bati niya rito. It was a thai term for mother. Kahit matagal na silang nasa Pilipinas ay hindi niya nabago ang pagtawag dito. Humalik ito sa kanyang pisngi. “I was talking to Nicolo about you Zander. Kailangan mo ng umalis sa lumang building na ‘to. I already talked to a modeling agency in Europe.” “Let’s not talk about that again Khun Mae.” Reklamo niya. Kakarating lamang nito iyon na agad ang iniisip. Humihingi ng paumanhing sumulyap siya kay Nicolo. Tumango ito, patunay na naiintindihan siya nito. “And why not? We’ve been planning this for many years already.” Nakaangat ang kilay na sagot nito. “I still have a month before my contract expires.” Dahilan na lamang niya. Arguing with her mother in a crowded place is never a good idea. Wala itong pakielam sa iba. She will surely say embarrassing things infront of many people without feeling any shame. His mother smiled. It made her scarier. May kakaibang kislap sa mga mata nito. “Exactly. You only have a month. Anyways don’t forget the welcome party I prepared for Odessa. You’re his escort so make sure to come. Or else…” May himig babala sa tono nito. He sighed. Nanguna itong lumabas ng lounge. He grimly followed her. Kasabay niya sa paglakad si Nicolo. The old man gave him a friendly tap on his shoulder, symphaty on his face. Ito ang palaging nakaka witness sa pangmamanipula ng kanyang ina. MULING tumahimik ang paligid ng lumabas ang babaeng nakapula. Agad tumalikod si Erica upang hindi siya nito makita. Hangga’t maaari ay nais niyang iwasan ang kasungitan nito. Baka mawalan siya ng trabaho. At siyempre dahil ito ang ina ni Alex. “Nasaan si Erica?” tanong ni Nicolo. Napapikit siya. Napipilitang nilingon niya ang boss niya. Napansin na naman niya ang matalim na tingin ng babae. Ano bang kasalanan niya? Napilitan siyang lumapit sa mga ito. “Pahatid si Ms. Lorraine sa baba.” Malumanay na utos ni Nicolo. Oh no. Bakit ako?! “No.” Napatingin sila kay Ms. Lorraine. “I don’t like her.” Prangkang pahayag nito. Tita bakit ngayon ka pa wala? Help me. Nasalubong niya ang tingin ni Alex. “She’s doing nothing to you.” Ikinagulat niya ang sinabing iyon ni Alex. Ipinagtatanggol siya nito? Nilingon nito ang ina na naningkit ang mga mata. “I just don’t like her. And I don’t like her more now. You should fire her.” Baling nito kay Nicolo.   Tumikhim si Nicolo. “Ako na lang ang maghahatid sayo Ms. Lorraine.” Matalim muna siya tiningnan ng babae bago nagpatiunang lumakad. Sumunod dito si Nicolo. Nanatili sa tabi niya si Alex. “You okay?” tanong nito. Tiningala niya ito. “Hindi. Ang lakas ng topak ng nanay mo. Kanina niya pa ako inaaway wala naman akong ginagawa sa kanya.” Tuloy-tuloy na sabi niya. Hindi niya mapigilang ihinga dito ang lahat ng nararamdaman niya. it was the first time she encountered such creature. Hindi ito tao. Tama ang tita niya. She’s evil. “She scared you a lot huh.” “Sino bang hindi matatakot don? Grabe.” “Don’t mind her” balewalang sabi nito. “Don’t mind her? Nilait-lait niya ko no. hello?” dugtong niya. “I said don’t mind her okay? She doesn’t like anybody. Hindi lang ikaw.” Huminto siya sa pagsasalita. Tila nang-aalo ang tono nito. Medyo nag-subside ang inis niya dahil doon. Marahan siyang tumango. He tapped her head and walked out of the office. Siguro ay upang sundan ang ina. Bakit parang bumait ito? At mas matagal na siya nitong kinausap. Nang mahimasmasan siya ay iginala niya ang tingin sa paligid. All of them are looking at her quizzically. Nagtaka siya. Hindi ba dapat mukha silang nakikisimpatya sa kanya? Bakit tila nagtataka pa ang tinging ipinupukol ng mga ito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD