SUMILIP sa model’s lounge si Erica para masigurong naroon pa rin si Alex. Nang makitang kampante pa rin itong nakaupo sa sofa at nagbabasa ng kung ano ay mabilis niyang kinuha ang paperbag kung saan niya nilagay ang sweater nito.
Siniguro niyang walang tao bago siya pumasok sa lounge at lumapit dito. Ni hindi man lang siya nito nilingon habang naglalakad siya. Suplado talaga. Nang makalapit siya ay pinakita niya rito ang paperbag. Noon lang siya tiningnan ng binata. Bahagyang magkasalubong ang mga kilay nito na para bang iniistorbo niya ito. Eh wala naman itong importanteng ginagawa.
“Sweater mo, salamat.”
“You don’t seem grateful.”
Pinigilan ni Erica ang sariling irapan ito. “I am grateful. Thank you.” Pilit niyang pinalambing ang boses.
He smirked and reached for the paper bag. “Hindi bagay sa’yo.”
“Eh ano! Basta ayan na sweater mo. Wala na kong utang sayo.” Tinalikuran na niya si Alex. Pero bago pa siya makahakbang bigla na siya nitong hinawakan sa braso. Kumalat ang init at kilabot sa buong katawan niya. “Ano?” Tumaas tuloy ang boses niya dahil sa kakaiba niyang naramdaman.
“You still owe me a lot. My talent fee for playing as your boyfriend and the iced coffee I bought.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Sobra ka naman pati yung iced coffee? Ang yaman yaman mo pati yun sisingilin mo pa?”
Nagkibit balikat ito. “I’m just being practical. Akin na?” binitawan nito ang braso niya at inilahad ang palad. Wala talaga siyang masabi sa ganda ng ugali nito.
“Wala na kong pera. Ipinadala ko na sa pamilya ko sa probinsya.” Dahilan niya. Nakatingin siya sa balikat nito. She’s not a good liar.
He crossed his arms on his chest. “Tumutubo yan.”
Tinitigan niya ang mukha nito. Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi niya tuloy alam kung seryoso ito o niloloko lang siya.
“Daig mo pa ang bumbay.” Naiinis na sinabi niya. As always he just shrugged.
Biglang sumungaw ang tita niya sa pinto. “Zander we have a problem.” Bungad nito. Kumunot ang noo ng tita niya ng makita siya. Napahiya naman siya kaya nag-excuse na siya sa mga ito.
“What is it Tita?” pukaw ni Zander.
“Hindi makakapasok si Franco, your P.A. Paano ba yan? Hindi naman pwedeng mag-isa ka lang pumunta, walang mag-aasikaso sayo.”
Lihim na napangiti si Erica. Buti nga. Maghirap ito sa sarili nitong gamit. Palabas na siya ng lounge ng mapahinto siya sa sinabi ng lalaki. “Bakit hindi na lang si Erica tita? She can accept an order from anyone right? Para tapos na ang problema.” He suggested.
Nilingon niya ang mga ito. Nakatingin din ang mga ito sa kanya. Nagfocus siya sa tita niya. “Oo nga no. Erica ikaw na muna ang mag P.A dito kay Zander.”
Marahan siyang tumango. May magagawa pa ba siya? She did her best not to look at him. Baka kung ano pa ang magawa niya sa harap ng tita niya. Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano pero pakiramdam niya binubully siya nito.
ASAR na nakatingin siya kay Alex at sa isang babaeng modelo na kapareha nito sa photoshoot. Para iyon sa isang clothing line. Mukhang magkakaroon na naman ito ng billboard sa kung saang parte ng EDSA.
Her arms are crossed in front of her chest. Nasa kamay niya ang eyeglasses nito, nasa bulsa ang cellphone nito at nasa tabi niya ang maleta nito. Super alalay talaga ang drama niya. Naiinis siya kasi sinulit nito ang pagiging alalay niya. Katunayan hinayaan siya nitong magbitbit ng gamit nito, humanap ng upuan nito at kumuha ng inumin nito. Kung marunong lang siyang mag maneho ay malamang ginawa na rin siya nitong driver. Sigurado siya dahil itinanong nito kung marunong siyang mag drive.
Subalit kahit naiinis ay hindi naman niya maiwasang pagmasdan ito. Bakit naman kasi napakaganda ng pangangatawan at ng mukha nito? Tuloy hindi niya maiwasang titigan ito. At bakit ba napaka senswal ng posing ng mga ito? Kanina pa nakapulupot ang braso ni Alex sa beywang ng kapareha nito. Kailangan magkunwang hinahalikan ng lalaki sa leeg ang babae na mage emote naman.
Naiinis siya kasi pakiramdam niya kanina pa tinetake advantage ng babae si Alex. Pakiramdam niya sinasadya nitong hindi ayusin para mapatagal ang shoot. E ang dali dali lang naman ng gagawin nito.
Nang sa wakas ay nakuntento na ang photographer ay nagbigay ng break. Napansin niyang kahit tila nais pa ng babaeng modelo na kausapin si Alex ay tuloy tuloy pa rin itong lumakad patungo sa upuang nasa tabi niya. Nang mga oras na iyon lamang siya natuwa sa kasupladuhan nito.
Pabagsak itong umupo. Napansin niya kaagad ang pawis nito sa mukha at dibdib. Agad siyang kumuha ng mineral water at tuwalya at iniabot iyon. He took the bottle but not the towel. Nagtatakang tiningnan niya ito.
“Hindi mo ba ko pupunasan?” patanong na utos nito.
Trabaho niya ba iyon? Hindi na niya iyon isinatinig at pinunasan ito. Pinipigilan niya ang panginginig ng kamay niya sa tuwing lumalapat iyon sa balat nito. t*****e. Nararamdaman niya rin ang tingin ng ilang mga staff sa kanila. Narinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito kanina. Na ang swerte niya raw na alalay siya ni Zander. Na willing silang makipagpalit sa kanya. Kung alam lang nila kung gaano kaganda ang ugali ng lalaking ito.
“Are you hungry?” kunot ang noong tanong nito.
“Hindi pa naman.”
“Then why is your hand shaking? It’s irritating.”
Bahagya niyang idiniin ang twalya sa mukha nito. Hindi siya nakatiis, hinawakan niya ang noo nito at pinlansta ang kunot niyon. “Baka magka wrinkles ka sa kaka-kunot noo mo, mapapagalitan ako ni Tita.”
“You’re weird.”
“And your so sungit.”
Naiiling na tumayo ito. “Where’s my glasses?”
“Bakit? Hindi mo naman kailangang mag disguise dito ah?
“What are you talking about? Malabo talaga ang mga mata ko.”
Ikinagulat niya iyon at walang masabing iniabot niya ang salamin nito. “Wait, where are you going?”
“Restroom.” Nakatalikod na tugon nito.
Matagal tagal na itong wala ng mag ring ang cellphone nito. Khun Mae ang nakaregister sa screen. Sino kaya siya? Naglakad siya patungo sa restroom. Nakasalubong niya ito.
“Alex! Someone’s calling you.” Inabot niya rito ang cellphone.
Kinuha nito iyon. He stared at her, a weird look on his face. “Why are you still calling me Alex?”
Naitakip niya ang kamay sa bibig. Oo nga pala. “Sorry. Iyon kasi ang una mong pakilala sakin. Hindi ko na uulitin promise.”
“Nevermind.” He dismissively said. He walked away and answered the call.
GABI na ng matapos ang shoot. Kasalanan ng female model. Hanggang sa kahuli-hulihang pose kasi ay hindi ito nag-ayos. Naturingan pa namang professional. Mabuti na lang at may libreng pagkain kung hindi wala na siyang lakas para magbitbit ng mga gamit. Buong pwersa niyang isinakay sa likuran ng Ford Expedition nito ang maleta. Agad siyang umupo sa passenger seat. Nasa harap na ng manibela si Zander.
“Tatlong pose lang inabot na ng ganitong oras. Sana kasi inayos niya ang trabaho niya hindi kung anu-ano ang inuuna.” komento niya.
“Who are you talking about?”
“Sino pa, e di yung female model na yon. Ang dali dali lang ng gagawin niya hindi pa maayos.”
Hindi ito nagsalita. Nang tingnan niya ito ay saglit siyang natulala. May pigil na ngiti sa mga labi nito. “You’re smiling.” Hindi makapaniwalang bigkas niya. it was the first time she saw him smile.
“You said it as if it is a big deal.” He defensively said.
But it is a big deal. “Hmm.. teka so napansin mo rin palang sinasadya ng female model na iyon na patagalit ang shoot. Tsinatsansingan ka na niya eh.”
“I’ve been used to it.”
“Yabang.” she lightheartedly commented.
“It’s true. It would be rude kung pipigilan ko sila. Besides, it’s perfectly fine with me.”
Hindi siya nakaimik. Oo nga naman. Sino bang lalaki ang ayaw matsansingan ng magandang babae? Isa pa marami siyang naririnig sa tita niya tungkol sa kalakaran ng modeling world lalo na kung male model. Puro parties, bisyo at babae. But she can’t imagine him smoking. Mapula kasi ang mga labi nito. Iniwas niya ang tingin dito. Tuwing inaassess niya ang itsura nito lagi nalang doon bumabagsak ang takbo ng isip niya.
“Where do you live?” he suddenly asked.
“Sa may Magallanes.”
“Malapit kay Tita Sally?”
“No. I live with her.”
“I see. Dumaan muna tayo sa office. May naiwan akong gamit doon.” imporma nito.
Pumayag siya dahil parang gusto niya pa itong makasama. Bagay na gusto niyang pagsisihan ng huminto ang kotse sa building ng Timeless. Madilim na madilim iyon. “Bukas mo na lang kaya kunin ang mga gamit mo?” suhesyon niya.
“No. besides, we’re already here.” Pinatay na nito ang makina.
“Maiwan na lang ako dito.”
Tiningnan siya nito na parang matandang nagpapasensya sa kakulitan ng isang bata. “You’re going to suffocate in here. Come on.”
Nanlulumong sumunod siya rito. Bahagya siyang dumikit dito nang nasa loob na sila ng elevator. Saglit pa lamang ng umangat ito ay bigla itong huminto. Nataranta siya.
“Hala huminto. Paano na yan? Malayo pa naman ‘to kay mamang guard, Baka walang makarinig satin. Baka ma-trap tayo dito hanggang umaga. Ang creepy pa naman ng elevator na ‘to.” Dumikit siyang lalo kay Alex at kumapit sa braso nito. “Ayoko ng ganito!”
Bigla nitong pinukpok ng kamao ang buton ng floor nila. Umugong ang elevator at muli niyang naramdaman ang pag-galaw niyon. Erica sighed with relief.
“You’re watching too much movies. Normal lang na ma-stock up ang elevator na to.” anito. Himbis na marelax ay lalo lang siyang natakot sa sinabi nito. Paano kung siya lang mag-isa?
Nakalabas na sila ng elevator nang marealize niya na nakakapit pa rin siya sa braso nito. Nahuli niya rin ang matamang pagtingin nito sa kamay niya. She abruptly released it.
“Yang elevator na yan talaga ang pinaka nakakatakot dito. Bakit naman kasi nandito ang agency. Ang laki laki naman ng kinikita niyo. It should be on a nicer place. Hindi yung gaya nito na konting lindol lang gigiba na.”
Naubo ito. Concerned na nilingon niya ito. Only to get another shock of her life. Tumawa ito. Another sound of laughter escaped his lips until it became visible in his face. Iyon ang unang tawang nakita niya mula rito. Parang gusto niyang huminto na lang ang oras at panoorin itong tumawa.
“I agree. But we can’t complain. Nandito na ang Timeless even before I became a model. And that was... 12 years ago already.” he said in between laughs.
“You’ve been modeling for that long?” gulat na tanong niya.
“Yes. Don’t you know? Aren’t you reading magazines or watching television back then?”
“E ilang taon pa lang naman ako twelve years ago. Elementary pa lang yata ako non.wala pa kong alam panoorin noon kung hindi anime” nakangising sagot niya.
“That’s not funny. You’re making it sound as if I’m so old already.” seryosong saad nito. Tumalikod ito sa kanya at kinuha ang gamit na naiwan nito.
“Wala akong sinasabi ah.” kaila niya.
“I’m only sixteen then.”
“Oo nga.” nakangiting sang ayon niya.
“Iwan kaya kita dito?” pananakot nito at mabilis na nagpatiuna sa paglabas.
Patakbo siyang sumunod dito. “Huwag! Natatakot talaga ako sa elevator na yan!”
Nakapasok na ito sa elevator kaya patakbo siyang pumasok roon at muling napakapit sa braso nito. When she looked up, she saw a tiny smile on his lips.