CHAPTER 3

1707 Words
PATAMAD na nakaupo sa sofa si Erica. Yakap-yakap niya ang isang throw pillow at nakatulala. Life is really unpredictable. She’s supposed to be at the office at that time pero heto siya at nakatambay sa bahay. “Bakit ngayon pa?” himutok niya sa sarili. Naramdaman niya ang pagpihit ng seradura ng front door pero hindi siya tuminag. Kahit yata magnanakaw pa iyon wala na siyang pakielam. Bumukas ang pinto at pumasok si tita Sally. Halatang nagulat ito nang makita siya. “O Erica? Bakit hindi ka pumasok ngayon? May sakit ka ba?” tanong ng tiyahin niya pagkaupo sa sofa. Kay Tita Sally niya ang bahay na iyon. Dito na nakitira si Erica mula nang pumunta siya ng Maynila. Maganda ang bahay. Hindi man iyon masasabing mansion pero halatang may sinasabi sa buhay ang may-ari. Patunay na maganda ang kinikita ng tita niya bilang handler ng mga model na in-demand hindi lang sa Pilipinas pero maging sa labas ng bansa. Sampung taon na itong nagtatrabaho sa Timeless Modeling Agency na numero unong modeling agency sa bansa. Timeless lang ang agency na halos lahat ng modelo ay sikat. Nahawakan na yata ni tita Sally ang mga pinakasikat at pinaka naging successful na mga modelo. Ang iba naging mga artista pa. Dahil doon kaya madalas na wala sa bahay ang tita ni Erica. Kung minsan naman alanganin ang uwi tulad ngayon. Kaya yata single pa si tita sa edad na forty. “Tita.” “Bakit?” “Wala na kong trabaho.” “What? Bakit?” gulat na tanong ni tita Sally. “My boss fired me yesterday,” sumbong ni Erica. Wala kasi ito kahapon at hindi naman niya ito matawagan. May out of town shoot kasi ang isa sa mga modelong hinahawakan nito. “Don’t tell me may nagawa kang kapalpakan sa trabaho mo?” “Wala po tita!” mariing tanggi niya. “O e bakit ka natanggal?” She sighed. “Binasted ko siya.” Tumaas ang kilay ni tita Sally. “Ang babaw naman.” “Sinabi niyo pa.” Padausdos na humiga sa sofa si Erica. Masaya pa siyang pumasok sa trabaho kinabukasan after nang gabing ipakilala niya kay Sat ang “boyfriend” niya. Pero nang dumating ito at ipatawag siya ay nakumpirma niyang tama siya ng basa dito- masama talaga ang ugali nito. Patunay niyon ang basta na lamang pagsibak nito sa kanya sa trabaho dahil nalaman nitong wala na itong pag-asa sa kanya. Pinagbintangan pa siya nito na mapaglaro at nagpapaasa. Ang kapal talaga. Dahil doon hindi na nagmakaawa pa si Erica sa ex-boss niya. Agad niyang kinuha ang iilang mga gamit niya roon at taas noong umalis. Inismiran niya pa ito bago tuluyang makalayo. Pakiramdam niya napahiya lang si Sat kasi malayong malayo rito ang boyfriend niya. Ni hindi ito papasang talampakan ng ubod ng gwapo at machong boyfriend niya. She stopped herself from saying more compliments. Bakit para yatang nag-e-enjoy siyang i-claim na boyfriend niya si Alex? Kunwari lang naman ang lahat. Napilitan lang itong sakyan ang ka desperadahan niya. Then his handsome face materialized in her mind. His eyes, his lips… Biglang nag init ang pisngi ni Erica nang maalalang lumapat ang labi niya sa mga labing iyon. Ni hindi niya nga alam kung anong espiritu ang sumanib sa kanya at nagkalakas loob siyang halikan ito. Lalong uminit ang pakiramdam niya nang marealize na si Alex pa pala ang kanyang first kiss. Diyahe. “Bakit nagkukulay kamatis ka? May lagnat ka yata e,” nagaalalang puna ni tita Sally. Mabilis niyang itinakip ang throw pillow sa mukha niya. “Okay lang ako tita. Nag-iinit lang talaga ang ulo ko kapag naaalala kong wala na kong trabaho.” “Mabuti na rin yan nang malayo ka na sa lalaking ‘yon. Pakiramdam ko maniac yun e.” Nakita na kasi nito ang boss niya minsang magpumilit ang huli na ihatid siya. Mabuti na nga lang at nasa bahay ang tita niya nang gabing iyon. “Maniac talaga,” sang-ayon ni Erica. “At kapag tumagal ka pa don ay baka ma r**e ka pa.” “E tita, kailangan ko ng trabaho.” Hindi ito nakaimik. “Bigyan mo ako ng trabaho tita,” pakiusap niya. “Mag pa VTR ka,” suhestiyon ni tita Sally. “Ayoko ‘non tita. Kahit anong work huwag lang yan.” Malabong pumasa si Erica na maging modelo. Bukod sa average lang ang height niya, naninigas siya kapag nakaharap sa camera. Ni hindi nga niya kaya mag selfie kasi hindi siya marunong umanggulo at mag project. Palagi tuloy awkward ang kinalalabasan ng picture niya.  “Ano namang ibibigay kong trabaho sayo?” “Kahit ano tita gagawin ko, promise kahit ano.” She sat straight to emphasize her willingness to do anything. “Naku umuwi ka na nga lang sa inyo.” Tumayo si tita Sally at naglakad patungo sa kusina. Sumunod siya rito. “Ayokong umuwi ng probinsya. Ang boring dun e,” angal niya. “Hindi ka mabo-bore kung tutulong ka sa parents mo. Kahit magbantay ka man lang sa kiskisan niyo ng palay.” “Boring nga po don. Feeling ko talaga hindi ako pang probinsya. Wala pa akong kausap.” Patamad na umupo si Erica sa dining chair at pinanood ang tita niya sa paghahalungkat sa refrigerator. “Meron naman ah.” She rolled her eyes. “Meron, e ang kasama ko lang naman don si Papa, si Mama, ang mga palay, mga mangga, d**o at lupa.” Natawa ang tita niya at humarap sa kanya. “Kapag narinig ka ng parents mo lagot ka. Dahil sa mga ‘yon kaya nabuhay ka ng masagana.” “I have nothing against them naman tita. Hindi ko lang talaga kaya ma-bore. Napapraning ako.” Muli itong natawa. “Ano tita, bibigyan mo na ba ako ng trabaho? Tutal naman tita, pangarap ko maging manager  ng talent dati e. Pagkakataon ko na para matupad ko iyon.” “Liar. Hindi mo nga kilala ang mga alaga ko eh. Wala ka rin kaalam-alam sa mga artista kasi hindi ka naman pala-nood ng TV.” Ngumiwi si Erica. Bisto siya. “Kikilalanin ko na po sila mula ngayon. Manonood na po ako ng TV at susubaybayan ang mga sikat na celebrity. Promise!” Napailing ang tita niya. “Hay, oo na nga. Pero mababang posisyon lang iyon ha. Utusan ka ng lahat,” pananakot nito. “Ayos lang tita. Hindi naman ako mapili sa trabaho.” “Bahala ka nga. Bakit ba tinangap tanggap pa kita?” reklamo ni tita Sally. Lumapit siya rito at niyakap ng mahigpit. “Kasi love mo ko tita.”   NAPAKAGAT labi si Erica. Nahiling niya na sana sumabay na siya sa tita Sally niya nang pumasok ito kaninang umaga. Pakiramdam niya kasi naliligaw siya. But no matter how many times she recheck the address that her aunt gave her, bumabagsak pa rin siya sa kung nasaan siya ngayon. Tiningala niya ang lumang building. Imposible. Imposibleng ang modeling agency na may hawak sa pinakasikat at pinaka in-demand na mga modelo ay matatagpuan sa isang building na mukhang anumang oras ay guguho na sa kalumaan. It even looks like an empty building on the outside. Hindi niya napigilang kunin ang cellphone at tawagan ang tita niya. Nakailang ring muna iyon bago nito sinagot. “Tita, naliligaw lang ba ako o nag oopisina talaga kayo sa building na mukhang pinamamahayan ng mga multo?” bungad niya na ikinatawa nito. “Oo. Umakyat ka na. Marami tayong gagawin ngayon. Nasabi ko pa naman kay Nicolo na punctual at masipag ka,” tukoy nito sa owner ng agency. “Magtanong ka sa guwardya para hindi ka maligaw.” Pinutol na ni tita Sally ang tawag. Hindi na siya nito binigyan pa ng pagkakataong mag react. Pumasok si Erica sa building at nagtanong sa guwardya. Napagkamalan pa siya nitong mag papa vtr. Lumiko siya sa direksyong sinabi ng matanda. Natigilan siya at bahagyang nakaramdam ng takot. Dalawang elevator lang ang naroon. Luminga linga siya upang humanap ng kasabay. But the corridor is depleted. Lakas loob siyang pumasok sa bukas na elevator. Tinitigan niya ang mga button ng numero. Sa sobrang luma, faded na ang printed numbers. Nasaan ang four dito? Nanghuhulang pinindot niya ang huling buton sa ibaba. Nagulat siya nang biglang sumara ang pinto. Matagal bago niya naramdaman ang pag-angat niyon. Napakapit siya. Pagkabukas nito ay agad siyang lumabas. Napailing si Erica. Saka niya pinagtuunan ng pansin ang floor na binabaan niya. It is a spacious floor na may malawak na waiting area. May tig-isang pinto sa magkabilang panig. Ang isa ay pinto ng isang silid na salamin ang pader. Kitang kita niya ang loob niyon. Walang kahit na ano sa loob. Bukod sa mahahabang bench ay isang coffee vending machine lang ang makikita sa lobby na kasalukuyang masikip at maingay dahil sa dami ng taong sa hula niya ay mag papa vtr. Lumapit siya sa kabilang pinto at sumilip. Napaatras siya. Nagkalat sa loob ang mga Adonis at Diyosa. Hindi niya matanaw ang tita niya. Sumilip-silip pa siya bago niya ito nakita na abala sa pakikipag-usap sa isang modelo. Pumasok na siya sa loob. Hindi siya pinansin ng mga taong nadaanan niya. “Tita,” tawag ni Erica. Nilingon siya nito. Lumayo na rito ang kausap. “Hay salamat nandito ka na. Guys pamangkin ko. From now on magtatrabaho na siya rito as an all around assistant,” anunsyo ni tita Sally. “Ibig sabihin ‘non, pwede kang utusan ng kahit na sino,” baling nito sa kanya. “Sally, masyado namang maganda ang pamangkin mo para utusan. Pag modelin mo na lang yan,” biro ng isang bading na empleyado. Nginitian niya ito. “Ayaw niya e,” maiksing sagot ng tita niya. Pagkatapos inikot siya nito sa opisina habang dere-deretsong nagsasalita. Ipinakilala din nito si Nicolo. Sinabi rin ng may-ari ng Timeless ang kinomento ng empleyado. Iyon nga lang may kasamang lait sa hairstyle niya, pananamit niya at kung anu-ano pa. Nang makalayo na siya rito ay iginala niya ang paningin sa paligid. Erica noticed that some of the models are now looking at her. Ipinagkibit balikat niya iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD