CHAPTER 2

1287 Words
NAGULAT and Demigod. Sinuklian naman ni Erica ang reaksiyon nito ng pagkatamis- tamis na ngiti. Kahit sa totoo lang mabilis ang kabog ng dibdib niya. Ang lambot ng lips niya! Huwag niya sana ako idemanda ng s****l harassment. Sorry na, matindi lang ang pangangailangan ko, pogi.  “Hon, sorry na talaga kung medyo na late ako. Nakasalubong ko kasi yung boss ko kaya medyo natagalan ako. Actually he wants to meet you,” malambing at tuloy-tuloy na drama niya habang nagpapaawa ang titig niya sa mga mata nito. Tumikhim ang boss niya. Sabay silang lumingon. Hindi nakaligtas sa pansin ni Erica ang paraan ng pagkakatingin ni Sat sa katabi niyang lalaki. Lihim siyang nagbunyi. Fear, uncertainty and envy are written all over his face. Now, kung maaawa lang sa kanya ang lalaking ito at makikisama. “Hon, this is my boss nga pala, Mr. Sat Caro. Bo-Sat, this is my boyfriend ahm.” Sinulyapan niya ang guwapong lalaki. Hindi niya pa naitatanong ang pangalan nito. Seryoso ang mukha nito at hindi siya tiningnan. Lagot na siya. Ilalaglag pa yata siya. Humigpit ang hawak ni Erica sa braso nito. Napasulyap tuloy ito sa mukha niya. Sulyap na naging titig. Parang may binabasa sa mukha niya. Kung ano, ewan niya. Ang mahalaga, ibinalik na nito ang tingin sa boss niya. “Alex,” sabi nito sa wakas. Inilahad pa ang palad para makipag-shake hands. Relieved akong napabuntong hininga. Inabot ni Sat ang kamay nito. “Hi Alex, nice to meet you. Now I know kung bakit laging nagmamadaling umuwi si Erica.” Actually, ang totoong rason kaya siya palaging nagmamadaling umuwi ay para iwasan ang boss niya. “She always misses me that badly.” Alex shrugged as he said that. Gusto niya itong awayin sa sinabi nito pero mas pinili na lang niya ang ngumiti. After all, siya ang humihingi ng pabor. Tumikhim uli ang amo niya. “Well, nice to meet you again. I need to get back to my friends sa restaurant. Bye Erica,” paalam nito. Pilit niya itong nginitian at bahagyang kinawayan hanggang sa mawala na sa kanyang paningin. Relieved na bumuntong hininga si Erica. Medyo nabawasan na ang kaba. Pagkatapos ngumiti siya at kinausap ang sarili. “Hindi na siguro niya ako guguluhin. Finally.”  “You said he’s a stalker,” malamig na akusa ni Alex. “Oo nga.” Tiningala niya ito. Ang mga labi ng binata ang una niyang napansin. Nang maalala niya ang ginawa niyang paghalik sa mga iyon kanina, napababa uli siya ng tingin. Kunwari sinisilip niya ang title ng mga librong nasa malapit.  “He is your Boss.” “Oo nga. Boss ko siya pero stalker din. Lagi niya ‘kong tinitingnan. Dikit siya ng dikit at muntik pa kong atakihin ng nerbiyos kasi akala ko kung sino nang sumusunod sa’kin. Nagkaka-allergy na nga ko kapag malapit siya. Hay buti na lang.” Nginitian ni Erica si Alex. “Thank you.” Matagal na tinitigan nito ang mukha niya. Pagkatapos biglang nagsalita ang binata,  “Thank you? That’s it? You made me do something I don’t want to do. Paano ang talent fee ko?” Tinitigan ito ni Erica. “Nag jo-joke ka ba?” “I don’t joke around.” Seryoso ang mukha at tono ni Alex. Mukhang hindi nga mahilig magbiro. Kaya naman pala makinis at walang laugh lines sa mukha nito. Hindi tumatawa o ngumingiti man lang. “Ano bang gusto mo? Huwag mong masyadong mahalan, poor lang ako.” “I’m hungry.” “Babae ang pagbabayarin mo ng kakainin mo?” Saang planeta ba ito nanggaling? “Alangan namang ako pa ang manlibre sa’yo? You’re the one who asked for my help.” Pinigilan niya ang sariling irapan si Alex. “Fine. Tara sa McDonalds.” Nagsimula na siyang lumakad. “I don’t eat fast foods. I want to eat in an American restaurant.” “American Restau – ang mahal don e,” reklamo niya. “I don’t come cheap. Mahal ang talent fee ko. In fact, I’m worth a franchise of a resto. Ang laki na nga ng discount mo.”  Ayaw na patulan ni Erica ang kayabangan ni Alex. Mabuti na lang at sweldo niya ng araw na iyon. “Oo na, oo na. Halika na nga.” “Good.” Good. Gudgurin kay kita dyan. Ang ungentleman, kaasar!   “WHAT are you doing?” nagtatakang tanong ni Alex pagkatapos lunukin ang pagkaing kakasubo pa lang. Nag-angat ng tingin si Erica habang ang dalawang kamay niya nasa loob pa rin ng bag na nakapatong sa hita niya. “Nag-aayos ng gamit.” “Why don’t you eat first?” “Sige lang. Kumain ka lang. Ikaw ang gutom na gutom e.” He shrugged his shoulders and continued eating. Ipinagpatuloy naman niya ang ginagawa – ang pagbibilang ng pera. Napangiwi siya. Ang dami inorder ni Alex. Hindi naman siya makareklamo kasi nahiya siya sa waiter na mabilis na sinusulat ang lahat ng sinasabi nito. Lilimasin yata ng lalaking ito ang sweldo niya. Nanghihinang isinara ni Erica ang bag at ipinatong sa katabing bakanteng silya. “What’s your name again?” biglang tanong nito. “Erica.” “Erica. Kumain ka na or else uubusin ko ‘yan.” Tumalima siya. Naniniwala siya sa banta ni Alex. At dahil siya ang magbabayad hindi siya papayag na walang matira sa kanya. “What do you do?” muling tanong ng binata. “I’m a copywriter.” “For what?” “For a small advertising agency na pag-aari nga ng Boss ko.” Bahagya itong tumango at ipinagpatuloy ang pagkain. “E ikaw, what do you do?” balik-tanong ni Erica. Nagkibit balikat si Alex. “Nothing interesting.” “Para namang interesante ang trabaho ko.”  “I didn’t force you to answer my question.” Inirapan niya ito. “Ang bait mo grabe,” bulong niya. Hindi na siya nagsalita pa. Mukhang wala na rin itong balak na magsalita pa. Gusto na ni Erica ibalik lahat ng kinain niya nang makita ang bill nila pagkatapos. Mauubos nga yata ang sinuweldo niya. Nagbukas na siya ng bag nang biglang kunin ni Alex ang kinalalagyan ng bill nila. Tinawag nito ang waiter at nag-abot ng card.  “Akala ko ba ako ang magbabayad?” nagtatakang tanong niya. “I changed my mind,” simpleng sagot ni Alex. Kumunot ang noo ni Erica. “Ang labo mong kausap.” He shrugged his shoulders. Something she noticed as his habit. Nang makabalik ang waiter para isaoli ang card nito ay agad na itong tumayo. “Let’s go.” Naguguluhan parin siyang sumunod kay Alex. Saglit silang tumigil pagkalabas sa kainan. “Where are you heading to?” “MRT” “You don’t have a car?” tanong ni Alex. “I told you, poor lang ako.” “You must hurry then.” “Oo nga. Sige, thank you.” “It’s nothing.” Pero hindi sila kumilos. Nakatayo lang sila roon, nakatitig sa isa’t isa. Tumaas ang mga kilay niya. “Akala ko uuwi ka na?” Uminit ang mukha ni Erica at tumikhim. “Ito na nga eh. Bye,” paalam niya. Pagkatapos tumalikod na siya at naglakad. Malayo-layo na siya nang hindi nakatiis. Lumingon siya. Likod na lang ni Alex ang nakita niya. Gwapo rin pati likod nito. Walang pagmamadali itong naglalakad. Alam niyang malabo nang makita niya pa itong muli. Pero mukhang hindi magiging madali sa kaniya na kalimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD