CHAPTER 4

1765 Words
”MASYADONG maganda para utusan, e siya ang unang nag-utos sakin.” bulong ni Erica sa sarili habang maingat na hawak sa magkabilang kamay ang dalawang iced coffee. It turns out na hindi lang pala basta empleyado ang bading na iyon. Handler din ito gaya ng tita niya. Umungot ng iced coffee ang dalawang Brazilian female model nito at siya na hamak na assistant lang ay buong pusong sumunod at ibinili sila ng iced coffee. After all, it’s her job. Mabuti na lang din may kasabay siyang lalaki sa elevator na sa fourth floor din bababa. Hindi na siya nahirapan pang pumindot. Huminga siya ng malalim. Kinikilabutan talaga siya sa elevator na iyon. Pasulyap sulyap sa kanya ang lalaki, nababasa yata nito ang naiisip niya. Nang tumunog ang elevator ay inunahan siya nitong lumabas at biglang nagsabing “May lalabas na kamay sa likod mo.” Natakot si Erica kaya nagmamadali siyang lumabas. Sa pagkataranta niya bumangga siya sa isang matigas na katawan. Worst, tumapon sa kanya ang mga hawak niya. Saan nagpunta ang lalaking iyon? Malilintikan ito sa kanya! “Asar, bibili na naman ako ng bago.” Ni hindi niya mapunasan ang basang basang harapan niya dahil sa mga hawak niya. Tiningala niya ang nakabangga para humingi ng sorry. “Ikaw?” nagulat siya ng malamang ang nakabangga sa kanya ay walang iba kundi si Alex – the arrogant Demigod. Biglang nawala sa isip niya ang planong pag so-sorry. Nagsalubong din ang mga kilay nito. “What are you doing here?” tanong nito himbis na magpakita ng concern sa nangyari sa kanya. “I work here,” maangas na sagot ni Erica. Bahagya pang nag-echo ang boses niya kasi wala ng tao sa lobby. Tapos na siguro ang pa-VTR. Photoshoot naman ng resident models para sa website ng agency ang ginagawa sa studio. “Since when?” lalong lumalim ang pagkakaunot ng noo ni Alex. “Since – ah! Why are you asking anyway? Palitan mo ‘tong iced coffee ko!” “Bakit ko papalitan ‘yan may utang ka pa nga sakin?” “At paano ako nag-kautang sa’yo?” manghang tanong ni Erica. “I was the one who paid for the food that’s supposed to be your p*****t remember?” “Akala ko ba nagbago ang isip mong singilin ako?” “Noon iyon. But since I saw you again sisingilin na kita uli.” Wala talaga siyang masabi sa ganda ng ugali nito. “Oo na.  Pero wala akong pera dito. Sige na palitan mo na ‘to. Kailangan na ‘to e.” Tumingin sa harapan niya si Alex. “Mas concern ka pa sa iced coffee kesa sa sarili mo? You’re drenched.” “Okay lang ‘yan. Sarili ko naman ‘to. E yung iced coffee hindi naman sa’kin pinabili lang iyon.” Sinulyapan ni Erica ang binata. Nakatingin pa rin ito sa damit niya. Yumuko siya. Nag-init ang pisngi niya. Bakat na pala ang boobs niya sa suot niyang blouse. Bakit ngayon niya pa naisipang mag puti? She crossed her arms around her chest. Masama niya itong tiningnan. Inangat na nito ang paningin. Wala man lang kahit anong emosyon sa mukha nito. “Umupo ka na nga lang ‘don. Ako na ang bibili ng iced coffee,” biglang sabi ni Alex. Aba, nagpapakita ng kabaitan. Nakakatakot. Pero ang sinabi niya ay, “Dapat lang ‘no.” Pagkatapos umupo si Erica sa pinakamalapit na bench. Inilapag naman ni Alex sa tabi niya ang bag na bitbit nito. Binuksan nito iyon at may kinuhang face towel. “Dry yourself up and wait here.” Kinuha nito sa kanya ang mga hawak niya at inabot sa kanya ang tuwalya. Inabala niya ang sarili sa pagpunas sa damit niya nang makaalis na ito. Bakit kaya nasa floor na iyon si Alex? Nag pa VTR din kaya ito? Ang weird. Kahit umaasa siyang makita uli ang binata, alam niyang malabo iyon. Pero ngayon...ah! Hindi siya dapat mag-isip ng kung anu-ano. Nang makabalik si Alex ay hindi pa rin masyadong natutuyo ang damit niya. Nakapagtataka man ang bilis nito, hindi na siya nagreklamo. Agad niyang kinuha rito ang mga iced coffee at mabilis na lumakad papasok sa opisina. Baka mapagalitan na siya sa tagal niya. Nasalubong niya ang tita niya na nanlaki ang mga mata nang makita siya. “Sorry tita, natapon. Pinalitan ko naman ‘e.” Kinuha ni tita Sally ang mga hawak niya. “Wala ka bang extra shirt? Nakikita ko na ang kaluluwa mo.” Umiling si Erica. Naiintidihan niya ito. May kalusugan kasi ang dibdib niya. “Patutuyuin ko na lang muna sa labas tita.” “O sige, ako na ang magdadala nito.” Muli siyang bumalik sa labas. Naabutan niya si Alex na nakaupo pa rin sa kaninang kinauupuan niya. Lumapit siya rito at muling kinuha ang tuwalyang pinahiram nito. Umupo siya sa tabi nito at ipinagpatuloy ang pagpupunas. “Naibigay mo na?” tanong nig binata. “Si tita na lang daw. Nakikita daw ang kaluluwa ko kaya patuyuin ko daw muna ‘tong damit ko. I wish I brought an extra shirt.” Napailing si Erica. “Teka bakit ka nga pala nandito? Nag pa vtr ka?” Alex shrugged. “Kararating ko lang.”  Tumango tango siya. “Ah, so hindi ka na nakaabot kaya ba pababa ka na uli kanina? Hmm…gusto mo palang maging model ha. Sabagay may potential ka. Alisin mo lang ‘yang salamin mo at magbawas ng konting damit okay na.” Mas marahas na ang pag kuskos ni Erica sa damit niya. Kailangang matuyo iyon agad. Malagkit kasi iyon sa balat. “Kahit matuyo iyan, it will still look the same. Noticable na ‘yang mantsa na ‘yan,” hindi nakatiis na komento ni Alex. “Alam ko. Pero malay naman natin.” “You said you’re a copywriter. What are you doing here then?” maya-maya ay tanong nito. Natuwa naman si Erica na natatandaan pa nito iyon. “He fired me.” “Why?” “Because he realized na wala siyang pag asa sa akin.” “He’s an asshole.” “Ahuh.” Patuloy pa rin siya sa pagkuskos. Kumilos si Alex at hinubad ang suot na sweater. Inabot nito iyon sa kanya. “Wear this.” Tumitig siya dito. “Ang bait mo naman,” na-touch na nasabi niya. “Naiirita ako sa kakakuskos mo hindi naman mawawala yan,” he said arrogantly. Umingos si Erica pero tinanggap ang sweater. Hindi man lang ito nagkunwaring concern. Kung hindi niya lang talaga kailangan, she will never accept it. Isusuot na lang niya ang sweater nang marealize na kumakapit pa rin ang basang tela sa balat niya. “Tanggalin ko na kaya ‘tong damit na ‘to? Nakakabother e,” kausap niya sa sarili. “That’s a good idea.” Matalim niya itong tiningnan. “p*****t. Sa banyo ako magpapalit hindi dito.” Sumimangot si Alex. “I’m not interested to see you naked.” Inirapan niya ito. Tumayo siya at nagtungo sa banyo. Mabuti na lang at nasa loob ng studio ang lahat dahil sa pictorial kaya walang nakapansin sa kanya. Mabilis siyang nagbihis. Masyadong malaki ang sweater ni Alex pero mabuti na iyon kaysa wala. Komportableng lumabas na siya ng banyo at isinilid sa bag ang maruming damit. Dumeretso na si Erica sa studio kung saan nagkalat ang halos lahat ng resident models ng Timeless. Bahala na si Alex sa buhay nito. Nakita niya agad ang tita niya. “O, saan mo nakuha iyan?” May kakaiba sa tono ng pagtatanong nito. Kakaiba rin ang tingin ni tita sa sweater na suot niya. Obvious naman kasi na panlalaki ‘yon. “May nagpahiram sakin tita. Naawa yata sakin,” pagdadahilan niya. Tumango si tita Sally pero parang may gusto pa ring sabihin. “Para kasing pamilyar sakin yan e.” Matagal bago nito inilayo ang pansin sa suot niya. Pagkatapos lumampas kay Erica ang tingin ni tita, may nakita. Relief registered on her face. “Zander, we’ve been waiting for you. Make-up! Pakiayusan na si Zander.” Nilingon niya ang kausap nito. She frowned. What is Alex doing inside the studio? And why is her aunt calling him Zander? Halos lahat ng modelo lalo na ang mga babae ay lumapit o kaya naman ay bumati dito. Tango lang ang isinusukli ng binata. Inakay ito ng make-up artist sa isang upuan. Inalis nito ang baseball cap at eye glasses. It was then that something registered on Erica’s mind. Alex, Alex is Zander Uijleman. The number one male model not only in the Philippines but also in Asia. Bakit nga ba hindi niya ito nakilala agad? E araw-araw siyang natatameme sa higanteng billboard nito sa Edsa para sa isang international brand ng pabango. The image was of him almost done taking his shirt off, baring his n***d upper body. His eyes and lips sensually curved, speaking of words unsaid. It was that same billboard she fell in love with. Pero malayo ang na-imagine niyang Zander tuwing tumititig siya sa billboard nito sa Zander na nakilala niya. He imagined the man on the billboard gentle and sensual. Hula niya rin noon na hindi nito gusto ang ginagawa nito na kapansin-pansin sa boredom na makikita sa mukha nito. That same expression is the reason why women are swooning over that billboard, kabilang na siya. Pero ang Zander na nasa harap ni Erica ay walang ka gentle gentle sa pagkatao. Ang talas pa ng dila. He’s rude. As in super duper rude. Pero at least nalaman niya na hindi lang sa kanya masama ang ugali ng binata. Although maayos nitong kinakausap ang mga kasama ay hindi pa rin naman ito ngumingiti. Paano niya pa tititigan ang billboard na iyon ngayong gumuho na ang imaheng binuo niya sa isip niya? Hay, ‘yun na nga lang ang nagpapasaya sa bawat araw niya! Nang matapos na ayusan tumayo na si Alex at hinubad ang t-shirt na suot, baring his perfect body. Pakiramdam niya naglalaway ang mga babae at bading na nakatingin dito. Tumayo ito sa harap ng photographer. Now all eyes are on him. Bago pa mapigilan ni Erica ang sarili ay pati siya nakatingin na lang din dito. Then he suddenly glanced at her. She saw a victorious glint in his eyes. Natauhan siya. Iningusan niya ito. Pagkatapos tumalikod na siya at lumabas ng studio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD