“OY, inagawan mo ako ng pwesto ah,” bati ni Erica kay Alex. Tiningala siya nito. Umupo siya sa tabi nito. Hindi na naman kasi siya makatulog kaya naisipan na naman niyang magtungo sa baitang na nasa labas ng backdoor nila. Hindi niya akalaing makikita niya roon si Alex.
“I can’t sleep.” simpleng sagot nito.
Sinulyapan niya ito. Gumaan ang pakiramdam niya nang mapansing maaliwalas ang ekspresyon ng mukha nito. At least, alam niyang nag-enjoy ito sa araw na iyon. Matapos kasi silang manganghalian ay inilibot niya ito sa manggahan. Natikman din nito ang pinakamatamis at pinakamaasim nilang mangga. She smiled when she remembered how adorable he looks with a sour expression.
Nilingon siya nito ngunit hindi niya itinago ang ngiti. “Why are you smiling?” tanong nito.
“Wala lang. Natutuwa lang ako na mas okay na ang aura mo ngayon. Dati kasi parang lagi kang sasabak sa gulo.” biro niya.
Ngumiti ito. Ah… wala na talagang mas gaganda pa sa ngiti nito. “You have a nice place.” komento nito. Tumango-tango siya. “It reminds me of my home back in Thailand.” dugtong nito.
“Talaga?” gulat na tanong niya.
“Yeah. My father came from a family of land lords. Kaya lumaki ako sa ganito ding lugar.”
“Siguro close kayo ng father mo no?” base kasi sa facial expression nito, ay nahuhulaan niyang hinahangaan nito ang ama nito.
“Yes. I idolize him actually. When I was young, I want to be like him. I want to do the things he do. I also love the farm because he loves it too. But he died early so...” hindi nito maituloy ang sinasabi
Nabagbag naman ang damdamin niya sa sinabi nito. “At least, kahit papaano nakasama mo naman siya at naging masaya kayo noong buhay pa siya.”
“Yeah. He used to call me Alex too. Just like you. Minsan pati ang tono niyo ng pagtawag pareho.” nailing na sabi nito.
Natigilan siya. Kaya pala lagi itong natitigilan tuwing tinatawag niya ito. “Hmm…“ tanging na ireact niya sa sinabi nito.
“Why did you decide to go to Manila and do crazy things? Maganda naman dito.” tanong nito. tila nais na nitong ibahin ang usapan. Napapansin niyang dumadaldal na rin ito. Pero hindi na niya iyon isinatinig
“Bakit mo iniiba ang usapan?”
Nailing ito. “Hindi ako sanay pag-usapan ang nakaraan. Actually, sayo ko lang ito sinabi. No ne is interested to know who I am before I became a model. Ang mahalaga sa kanila kung ano ako ngayon.” bakit tila may bitterness sa tono nito
“Sasagutin ko na nga lang ang tanong mo. Kaya ako nagpunta ng Manila kasi gusto kong i-try ang swerte ko. Tska, Idol ko kasi si tita Sally. Gusto ko siya gayahin.ang cool niya kasi. Pero hindi ko naman gagayahin ang pagiging old maid niya ha.” Natatawang sabi niya.Natawa din ito sa sinabi niya.
“At, medyo lonely dito e.” she said honestly
“Why?” may bahid ng curiousity ang tanong nito.
“Sino ba namang hindi malulungkot dito? Wala akong kapatid. Walang mga kaibigan dahil nagsipag-asawa na ang mga ka age ko. Si mama at papa naman minsan may sariling mundo na para bang plano pa nila kong bigyan ng kapatid. Tapos ang mga tao dito dahil lang 25 na ako e walang ibang tinanong tuwing nakikita ako kung hindi kalian ako mag-aasawa. Ang ganda ng mentality nila diba. Feeling nilang lahat ang pwede lang gawin ng babae e mag-asawa at mag alaga ng mga anak.” naiiling na sagot niya.
“Pero kung ayaw mong magaya kay Tita Sally, dapat yata maghanap ka kahit boyfriend lang.” komento nito.
Medyo nasaktan naman siya sa sinabi nito. Ang sakit pakinggan ng ganoong payo kapag ang nagsabi sayo ay ang lalaking gusto mo. “Hindi ko yan iniisip no. Darating din iyon balang araw.” Nahiling niya lang na sana ay nasabi niya iyon ng walang bitterness. Baka kasi makahalata ito.
Tumayo na siya. “Makatulog na nga.” Bago ko pa maibuking ang sarili ko. Bago pa siya tuluyang makaalis ay nahawakan na siya nito sa braso. Bigla siyang kinilabutan.
“Bakit?” tanong niya.
“Samahan mo muna ako dito. Hindi pa ako inaantok.” Dumausdos ang kamay nito patungo sa kamay niya at muli siyang pinaupo sa tabi nito. Ipinatong nito ang magkasalikop nilang mga kamay sa hita nito. Saglit siyang hindi nakaimik.
“Parang dumadaldal ka Alex. Dati hindi ka nakikipag-usap e. Alam mo ba iyon?” komento niya.
“Wala naman akong kakausapin dati.” sagot nito.
“Madami kayang gustong kumausap sayo.”
“Hindi ko sila gustong kausap”
Dapat ba siyang ma-flatter sa sinabi nito? “E bakit mo ko kinakausap?”
“Ikaw ang kumakausap sa akin.” Sagot nito. She rolled her eyes. Ang taas talaga ng pride nito.
“Bakit mo hawak ang kamay ko?” hindi niya napigilang itanong.
Hinigpitan nito ang hawak sa kamay niya. “Para naman ma-experience mo ang may ka holding hands.”
“Ang yabang mo.”
“Sige na.”
“Anong sige na?”
“I can be your boyfriend habang nandito ako.”
Saglit siyang natigilan bago siya nakaisip ng isasagot. “Hindi ko kailangan yang sinasabi mo. At kung magkaka-boyfriend man ako gusto ko mahal niya ko at mahal ko rin siya.”
Muling humigpit ang hawak nito sa kamay niya. Sinulyapan niya ito. Did he wince or is it just her imagination? Nakonsiyensya naman siya.
“Saka na lang kapag desperada na ko.” bawi niya. At kapag mahal mo na ko... at kaya mo ng iwan si Odessa… teka, imposible na ang mga iniisip niya.
Matagal itong hindi nagsalita bago, “You’re the first woman to reject me.” anito.
Mukhang nasaling niya ang ego nito. “Ang overacting mo naman. Parang iyon lang e. hay, palibhasa nasanay lang pinapaluguran ng lahat kaya konting “No” lang hindi mo na matanggap.” pinagaan niya ang boses na dugtong niya.
“Sobra ka magsalita. May utang ka pa nga sa akin.” sumbat nito.
“Ano? Hindi pa ba sapat na kabayaran ang pagpapatira ko sayo dito?
“Hindi.”
Mabilis niya itong nilingon. Napasinghap siya ng salubungin nito ng halik ang paglingon niya. Kinilabutan siya nang maramdaman ang mga labi nito sa mga labi niya. Napapasinghap siya sa bawat galaw ng mga labi nito. Napahigpit tuloy ang hawak niya sa kamay nito.
Nang pakawalan siya nito ay hindi niya napigilang panlakihan ito ng mga mata. Hinatak niya ang kamay mula rito dahil biglang nag-init ang mukha niya “Ba-bakit mo ko hinalikan?”
“Binabawi ko lang ang halik na ninakaw mo sakin ng una tayong nagkita. Now, wala ka ng utang sakin.”
Namangha siya sa sinabi nito. Ang labo talaga ng lalaking ito. “Hindi naman ganoon yun e.” tanging nasabi niya.
“Of course. Unlike you, I know how to kiss.”