CHAPTER 13

1167 Words
SA TOTOO lang, hindi gustong bumangon ni Erica ng araw na iyon. Dahil pagmulat niya ng mga mata ay agad niyang naalala ang nangyari nang nagdaang gabi. Sa sobrang hiyang naramdaman niya ng mga sandaling iyon ay mabilis siyang nakatayo at pumasok sa loob ng bahay. Iniwan niya si Alex dahil hindi niya alam kung paano ito kakausapin kung hindi naman normal ang t***k ng puso niya. Baka lalo lang niyang maipahiya ang sarili. Kung bakit naman kasi ang hirap intindihin ng lalaking iyon. Tuloy hindi niya alam kung ano ang iisipin sa ginawang paghalik nito sa kanya. Bayad utang nga lang iyon. She sighed. Mabigat ang katawang kinuha niya ang tuwalya at bihisan at lumabas ng kuwarto. Isa lang kasi ang banyo sa bahay nila. Pupungas pungas pa siya nang makarating doon. Bago pa siya tuluyang makalapit sa banyo ay bumukas na iyon at iniluwa si Alex. Nawala ang antok niya. Naka-shorts lang ito at puting t-shirt. Pinupunasan pa nito ng tuwalya ang basang buhok. Hindi rin nito suot ang eye glasses nito. Umaalingasaw ang bango nito sa parteng iyon ng bahay nila. Bigla siyang ninerbiyos. Napaatras pa siya nang tumingin ito sa kanya. Nang muli niyang maalala ang nangyari kagabi ay mabilis siyang tumalikod at tinangkang bumalik sa kuwarto. “Saan ka pupunta? You’re going to use the bathroom right?” sabi nito. Muli siyang humarap. Nilampasan na siya nito nang marinig niya itong magsalita. “You’re always running away.” Frustrated na sinundan niya ito ng tingin. “Hindi mo kasi nararamdaman ang nararamdaman ko.” bulong niya. Huminto ito sa paglakad. Kinabahan siya. Narinig niya ba ko? Tanong niya sa sarili niya. ngunit hindi naman ito lumingon. Saglit lamang ay nagpatuloy na ito sa paglakad hanggang sa makapasok na ito sa silid na inookupa nito. She sighed. Palagi na lang niya itong sinusundan ng tingin. Naiiling na pumasok na siya sa banyo.   “WALA na tayong imbak na karne. Mamalengke ka pagkakain Erica ha.” Bilin ng mama niya habang nag-aalmusal. “Opo mama.” sagot niya “Tamang tama isama mo si Alex nang makita niya ang pamilihang bayan natin.” dagdag ng papa niya. Alex din kasi ang pakilala nito sa mga magulang niya Sinulyapan niya si Alex na tumingin din pala sa kanya. “Gusto mo bang sumama?” tanong niya rito. “Why not.” tanging sagot nito habang mataman pa ring nakatingin sa kanya. “Sigurado ka?” paniniyak niya. Umayos ito ng upo. “Yes. The question is whether you want me to come or not.” “Oo nga naman Erica. Kung makapagtanong ka parang ayaw mo siyang isama.” sabad ng mama niya. At kayo naman kung makapag suggest kayo para ninyo kaming ipinapartner sa isa’t isa. “Hindi ah. Naniniguro lang.” sagot niya. “Gamitin niyo na lang ang sasakyan natin. Alex, ikaw na ang bahala ah. Hindi marunong magmaneho ang batang yan eh.” sabi naman ng papa niya. “Don’t worry tito. Akong bahala.” sagot nito. Sinulyapan niya ang mga ito. Mukhang close na ang mga magulang niya rito. Nang sumulyap ito sa kanya ay nagtama ang paningin nila. .Bigla siyang napayuko. Ang hirap naman nito Mahigit tatlumpung minuto ang biyahe mula sa kanila hanggang sa pamilihang bayan ng San Jose. Nag-uusap naman sila ni Alex kahit papaano habang bumibiyahe. Bukod sa pagtatanong ng direksyon ay nagtatanong din ito ng kung anu-anong bagay. Walang sinuman ang nagbukas ng usapan tungkol sa nangyari nang nagdaang gabi. Siguro dahil balewala naman iyon dito.             Pagdating nila sa palengke ay dumeretso kaagad siya sa mga suki nila. Inuna niya ang bilihan ng karne ng baboy. “Manang, yung dati pa rin.” bungad niya. Habang nagkikilo si Manang ay nilingon niya si Alex. Inililibot nito ang paningin sa palengke. Hindi man ito nagsasalita ay sigurado siyang ngayon pa lang ito nakapunta sa palengke. Hinawakan niya ito sa braso at pinalapit. “Baka mawala ka hijo, mahirap na.” biro niya rito. Mahina itong tumawa. “Ang sweet niyo naman. Kailan ka pa nag-asawa Erica? Hindi mo man lang ako inimbitahan.” singit ni manang. Nag-init ang pisngi niya sa sinabi nito. “Manang naman. Hindi ko po siya asawa. Kayo naman.” saway niya rito. “Talaga?” tanong nito pagkuwa’y bumaling kay Alex. “Aba’y bakit hindi mo pa niyayaya ang nobya mo? Mabait na bata yan si Erica. Ahm… medyo makulit nga lang.” biglang bawi nito. “Manang naman, Ayos na sana bakit siningitan niyo pa ng ganon?” angal niya sabay sulyap kay Alex. Napangiti siya nang makitang nakangiti ito. “Totoo naman ang sinasabi niya. Makulit ka.” komento nito. “Dapat man lang ipagtanggol mo ko.” sagot niya. Ngingiti-ngiting inabot ng Manang ang binili niya. Inabot niya ang bayad. Paalis na sila ng tila hindi ito nakatiis na hindi magsalita. “Bagay na bagay kayo. Para kayong yung mga bida sa teleserye.” Naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi niya. “Ikaw talaga manang.” inakay na niya si Alex palayo. Yung mga bida sa teleserye nagkakatuluyan no. Bago magpananghali ay nakauwi na sila ni Alex.Tinulungan pa siya nito sa pag-aayos ng mga pinamili nila sa kusina. Ang totoo wala naman talaga siyang nagawa dahil pinaupo lang siya nito. Pagod daw siya sa pamamalengke ayon dito. Kaya halos ito rin ang nag-ayos. “May alam ka pala sa kusina kahit papaano.” komento niya. “I live alone that’s why.” Oo nga pala. Bigla itong bumaling sa kanya. “I can cook you know.” “Wee? Hindi nga” “Yes. Well, hindi nga lang iyon kasing  sarap ng luto ng mama mo. Gusto mong tikman?” sagot nito. Saglit siyang hindi nakaimik. “Alex, parang bumabait ka talaga.” Tila naman natauhan ito. “Huwag na nga lang” isinara nito ang refrigerator at nagsimulang lumakad palayo. “Eto naman. Wala ng bawian. Nagtataka lang naman ako. Dati kasi wala ka namang pakielam sakin.” Matagal bago ito sumagot. “It’s not that I don’t care about you. I just don’t care about anything before. But now it’s different” Nabagbag ang damdamin niya sa sinabi nito. “Bakit iba na ngayon?” malumanay na tanong niya. “I don’t know.” Hindi siya nakatiis. Lumapit siya rito at hinawakan ito sa kamay. Pinisil niya iyon. “A basta. Mas okay ka na ganyan kesa sa dati.” Pinasaya niya ang tinig. Nilingon siya nito at ngumiti. Gumanti ito ng pisil. “It’s all thanks to you.” Her heart melts with his words. Nag-init ang gilid ng mga mata niya. Ah, I love you Alex.  “So, anong iluluto mo? Yung mabilis lang gawin ha. Baka dumating si mama. Magagalit yun kapag nalaman niyang pinakielaman natin ang kusina niya ng hindi nagpapaalam.” Nakangiting tanong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD