CHAPTER 11

1596 Words
 Tumigil sa pag function ang isip ni Erica sa biglang tanong ni Alex. “Anong sabi mo?” “Kung liligawan kita ngayon, sasagutin mo ba ako?” Ang loko, inulit nga! Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito? Tiningnan niya ito. Deretso itong nakatingin sa kanya na para bang seryoso ito sa tanong nito. Pero alam niyang hinahamon lang nito ang paniniwala niya. He’s not seriously asking him that for sure. Nag-iwas siya ng tingin. “Hindi no.” Pilit niyang binalewala ang biglang pagbilis ng pintig ng puso niya. Mabuti na lang at madilim. Kung hindi siguradong mapapansin nito ang reaksyon niya sa tanong nito. Ilang segundo bago sumagot si Alex. “See, it’s not true.” “Noong panahon nga lang nila effective iyon. Kulit,” pabulong na sagot ni Erica. “At as if naman marunong kang manligaw,” dugtong niya. Hindi ito sumagot. Maya-maya naramdaman niyang tumayo ito. Tiningala niya si Alex. Medyo nagrereflect ang liwanag ng buwan sa salamin nito sa mata. Matikas ang pagkakatayo nito. Kahit madilim, mukha pa rin itong ang Demigod na una niyang nakita. “It’s late. Matulog na tayo,” sabi ng binata bago tumalikod at tuluyang pumasok sa bahay. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa hindi na niya ito makita. Sa isang iglap lang ay naging distant na naman ang pakitungo nito sa kanya. Nalalabuan talaga si Erica sa ugali nito. Pero kahit gaano naman niya makita ang negative side nito ay hindi naman iyon nakakabawas sa pogi points nito sa kanya. Malabo din talaga siya. Imbes na sundin niya ang sinabi nito ay niyakap niya ang mga tuhod niya at isinubsob ang mukha roon. Mariin siyang pumikit at bumuntong hininga. “Mahal ko na nga yata siya.”   “YOU always say you’re poor. Walang mahirap na anak nang ganito kalawak na lupain,” Zander said in amazement. Dinala siya ni Erica at ng mga magulang nito sa Pontejos mango farm – ang ekta-ektaryang manggahan na pag-aari ng mga ito. Hitik na hitik sa bunga ang mga puno. May mga tauhan pang abala sa pagkuha ng mga bunga. Napailing siya. Palagi talaga siyang ginugulat ni Erica. “Meron no. Ako.” sagot nito at mabilis na nagpatiuna sa paglakad. Halos tumatakbo na nga ito. “Pasensya ka na dyan sa anak namin. Kahit kami naguguluhan sa mga sinasabi at ginagawa niya.” ani ama nito sabay tapik sa balikat niya. Kagabi, ininsist nitong tawagin niya itong Tito Ramon. Inakay naman siya ni tita Felicia – ang ina ni Erica upang lumakad patungo sa kubo kung saan sila mananatili. Sinusundan niya ng tingin si Erica habang tinatahak nila ang daan papunta sa kubo. Dere-deretso itong nagpunta sa isang puno ng mangga kung saan may dalawang trabahador na abala sa pagkuha ng mga bunga. “Pasensya ka na dito sa amin. Wala ka talagang makikita ditto kung hindi palayan at taniman. Kaya nga yang si Erica ay naiinip dito,” hinging paumanhin ni Tita Felicia. Inalis niya ang pansin kay Erica at humarap dito. Tipid siyang ngumiti. “It’s okay. Kailangan ko rin naman ho ng new environment,” he assured. Ngumiti ito. Parang may humaplos sa puso niya. Ibang- iba ito sa kanyang ina. Kung gaano katipid ngumiti at magpakita ng emosyon ang kanyang ina ay ganoon naman ka affectionate ang babaeng kaharap niya. Malambing din ito sa asawa. Muli niyang nilingon si Erica na kinakausap ang dalawang trabahador. So, she grew up with this environment. Kaya pala para din itong ang malakas na hangin na mayroon sa lugar na iyon. “Ayos lang po ba sa inyong magpunta siya sa Maynila ng nag-iisa?” hindi niya napigilang itanong. “E kahit naman pigilan namin yan gagawin pa rin niya ang gusto niya. Isa pa’y alam naman namin na kahit mahal niya ang lugar namin ay iba talaga ang gusto. Advertising pa nga ang kinuha niya noong kolehiyo kahit ang gusto sana nami’y kursong maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng mga lupain namin,” sagot ng ama nito. Tiningnan niya si Erica na kinukulit ang tauhan ng manggahan ng mga ito. Nasa taas ng puno ang isang tauhan habang si Erica naman ay turo ng turo sa mga manggang gusto nito. Ilang beses din nitong tinangkang akyatin ang puno pero napipigilan ito. Yes. She’s so carefree. Nakita na niya ang katangiang iyon noong nasa maynila pa lang sila. It is so evident with the way she acts and speaks. Wala itong alinlangang sabihin ang gusto nitong sabihin. She always does what she wants to do no matter how crazy it is. And he cannot do anything but to follow her whims. Hindi niya alam kung nasanay na siya sa manipulasyon ng kanyang ina or he just cannot resist her charm. Siguro dahil sa loob niya ay nais niyang maging gaya nito. Malaya. Iyon lang ang tanging eksplanasyong naiisip niya kung bakit magaan ang loob niya rito. Nasalo nito ang isang bungkol ng mangga. Lumingon ito sa kanila. Itinaas nito ang hawak at malawak na ngumiti. Hindi niya napigilang suklian ito ng tipid na ngiti. “Eherm.” Muli niyang ibinalik ang pansin sa mga magulang nito. Parehong nakatingin ang mga ito sa kanya at may kakaibang ngiti sa mga labi. He suddenly felt uncomfortable. Inayos niya ang salamin niya sa mga mata at nag-iwas ng tingin.   MUNTIK nang mabitawan ni Erica ang mga manggang hawak nang ngumiti si Alex. Saglit siyang natulala bago siya muling napangiti. Mabuti na lamang at hindi na ito nakatingin sa kanya. Tiningala niya ang tauhan nilang pababa ng puno. “Manong, salamat sa mangga! I love you!” ani niya rito. Natawa ang ilang tauhang nasa baba. Ito naman ay napailing lang. Hindi niya mapigilang bumungisngis. Lumakad na siya palayo roon at papunta sa kubo. Natanaw niyang nag-uusap si Zander at ang mga magulang niya. Natutuwa siyang makitang nagkakasundo ang mga ito. Sabagay, siya lang kasi ang anak ng mga magulang niya at ayon sa kwento sa kanya ng mama niya ay gusto talaga ng papa niya ng anak na lalaki. Kaso hindi nga nangyari. Nang makalapit siya sa mga ito ay sabay sabay pa siyang nilingon ng mga ito. “O mabuti naman at tapos mo ng guluhin sina manong Insyong. Kakain na tayo.” baling ng mama  niya sa kanya. Lumapit na ang mga ito sa lamesa. Siya naman ay nagpatiuna ng umupo doon. Ipinatong niya ang mga mangga niya at hinanap ang pantalop. “Kumain ka muna Erica ha bago mo lantakan yan.” saway ng papa niya. “Kumain naman na ko papa e.” dahilan niya. Tumabi sa kanya si Alex. Binalingan niya ito. “Gusto mo Alex?” Tulad ng dati ay napatagal na naman ang pagtingin nito sa kanya bago sumagot. “Mamaya na.” nagkibit balikat siya. Napansin niyang lagi itong natitigilan tuwing tinatawag niya itong Alex. Pero sabi naman nito ayos lang naman na tawagin niya itong ganoon. Naiilang kasi siyang tawagin itong Zander. Pakiramdam niya hindi si Zander ang kilala niya kung hindi si Alex. Narealize niya na mas gusto niya ito sa personal kaysa kapag nakikita niya ito sa EDSA. Habang inilalabas ng kanyang ina ang baon nilang pagkain ay inabala niya ang sarili sa pagbabalat ng mangga. Kanina pa kasi siya natatakam. Kakagatin na lamang niya iyon ng kuhain iyon ni Alex sa mga kamay niya. “Uy,” saway niya rito. “Follow your mother. Kumain ka muna.” sabi nito sa kanya. Hindi siya nakahuma ng kumuha ito ng plato at ilagay sa harap niya. Ito na rin ang naglagay ng pagkain sa plato niya. “Alex, ang dami mo namang nilagay. Huwag mo naman akong idamay sa appetite mo. Hindi mo ko katulad na hindi tumataba kahit kain ng kain.” sabi niya rito. Natigilan ito at nakakunot-noong tiningnan siya. “How did you know that?” “Sinabi ni tita.” Nagkibit balikat ito at ipinagpatuloy ang paglalagay ng pagkain sa plato niya. “Hoy, tama na yan,” muli niyang saway. “Ano naman kung tumaba ka. Kumain ka na nga.” Binalingan naman nito ang pagkain nito. “Ano ka ba? Hindi ba ang gusto ng mga lalaki ay mga babaeng sexy o kaya skinny. Di ba mama?” baling niya sa ina na nakamasid lang sa kanila ni Alex. “Ewan ko. Tanungin mo ang papa mo,” sagot ng kanyang ina. Bahagya namang nahirinan ang papa niya. “A basta. Alam ko ganoon ‘yon. Tama naman ako hindi ba?” baling niya kay Alex. Medyo inilapit pa niya ang mukha dito. Bigla siyang napalayo ng dumeretso ito ng upo. Tiningnan siya nito. Nagulat siya ng bigla nitong kunin ang tinidor niya at itusok sa adobong baboy. Iniumang nito iyon sa bibig niya. Saglit siyang napatingin doon bago niya ibinuka ang bibig. “Kumain ka na nga lang. And you’re wrong. Hindi lahat ng lalaki ganoong babae ang gusto. Mataba ka man o payat ikaw pa rin si Erica,” sagot nito at ipinagpatuloy ang pagkain. Saglit siyang hindi nakakilos. “Ahm, pinuri mo ba ako?” tanong niya. “Eherm.” Napabaling siya sa mga magulang niya. Hindi niya mahulaan kung sino sa mga ito ang nahirinan. May kakaiba sa ekspresyon ng mga ito. “Bakit ganyan kayo makatingin?” hindi siya nakatiis na itanong. “Wala lang.” halos sabay pang sagot ng mga ito. Nagkatinginan ang mga ito at napabungisngis. Para na namang mga teenager ang mga magulang niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD