CHAPTER 17

1438 Words
NANATILING nakaupo sa couch si Zander habang ang kanyang ina at si Odessa ay abala sa pag aayos. He didn’t sleep at all. Because he already made his decision. Mahabang panahon niyang sinunod ang kagustuhan ng kanyang ina. Hindi niya napag-isipan kung ano ba talaga ang gusto niya. But now he knew. Sa totoo lang, Wala sa plano niyang makitang muli si Erica bago siya umalis. But then he saw her. And he can’t take the thought that he will no longer see her again. “O Zander, where’s your things? Bilisan mo na at baka mahuli tayo sa flight.” “I can’t do this Khun mae.” “What are you talking about?” “Hindi ako aalis. And I will not marry her.” “No!” defiant na sagot nito. “Khun mae.” “No! I said no! Have you forgotten. Sinabi ko na sayo, susundin mo ko or I will destroy that woman!” patiling sagot nito. Sinubukan niyang sundin ito. Hindi niya gustong may kahit anong mangyari kay Erica. Kaya nga kahit labag sa loob niya ay napapayag siya ng ina ng madaliin ang pag-alis sa bansa. Her mother discovered his weakness. But he realized there is another way to protect her. To be beside her. “Khun mae! Please.” Tumayo siya at hinawakan ito sa magkabilang balikat. “No! Odessa, ilabas mo ang gamit ni Zander!” sigaw nito. Lumabas sa kwarto si Odessa. Hindi niya ito pinansin. “I want to stay here. I want to stay with Erica.” malumanay na sabi niya. “Why? Bakit mo ko ipagpapalit sa kanya?!” he knew his mother is close to hysteria. “Because she doesn’t see me as Zander Uijleman the supermodel. She just see me as Alex -  as just me. Matagal na panahon ko ng nakalimutan ang bahaging iyon ng pagkatao ko Khun mae. Na kaya ko naman palang maging masaya sa mga simpleng bagay. Na kaya ko palang alalahanin ang mga bagay na nangyari sa akin sa Thailand na hindi ako makakaramdan ng lungkot o galit. Na posible pa lang tumingin ako sa hinaharap kasama ang isang babae na hindi ko iniisip na kaya lang kami magkasama ay dahil may kanya-kanya kaming pakinabang sa relasyon namin. That I can possibly love a woman without anyone telling me to like her. So please stop meddling with my life already.” Mahabang sagot niya. He actually never thought he’s capable of talking that long. But he wants his mother and Odessa to hear him out. To let them understand. “No!” tili nito. “Odessa!” sigaw na naman nito. “Khun mae please.” Tumaas ang boses niya. He’s starting to feel frustrated. “This is the first time that I really felt happy. Please don’t take it away from me.” pakiusap niya. Tumitig ito sa kanya. Pagkuwa’y kumalas ito sa pagkakahawak niya. Nilingon nito si Odessa. “Odessa!” Sa labis na frustration ay ginawa niya on impulse ang una niyang naisip gawin. He kneeled infront of her. Natigilan ito. Maging si Odessa ay hindi natinag. “Im begging you Khun mae. I don’t want us to fight. You’re my only family. But please let me do what I want.” Hindi ito nagsalita. “Let him do what he wants to do Mama Lorraine.” Napalingon siya nang magsalita si Odessa. Nakatingin ito sa kanyang ina. Matagal bago sumagot ang ina niya. “Bahala ka! Pero aalis pa rin kami. Hindi ko alam kung anong ginawa sayo ng babaeng iyon. You will regret this Zander.” Hindi tumitinging sagot nito. “I doubt it Khun mae. Mas magsisisi ako kapag pinakawalan ko siya.” She smirked and went out. Naiwan siyang nakaluhod pa rin. Lumapit sa kanya si Odessa. “Magbabago din ang isip niya.” sabi nito at tinulungan siyang tumayo. “Thank you.” aniya. “it’s the first time I heard you say that to me.” komento nito. “yeah.” “She’s that special huh.”  “Yes.” May pait na bumalatay sa mukha nito. “I never thought I will see you kneeling like that Zander.” Tiningnan niya ito. “Me, too.” tanging naisagot niya.    “Erica, pwede bang ikaw muna ang sumama sa isang alaga ko? May kailangan kasi siyang attendan na event.” bungad ng tita Sally niya. Inangat niya ang paningin mula file ng mga nagpa-vtr at tiningnan ang tita niya. “Sige po tita.” sagot niya.  Napansin niya sa sarili niyang natutuwa siya sa trabaho niya. Sa tuwing nakikita niya ang mga taong araw-araw na nag papa vtr ay naiisip niya na gusto niyang tulungan ang mga itong tuparin ang pangarap ng mga itong sumikat. Pakiramdam niya, mas magandang fulfillment iyon kaysa maging modelo. At siguro dahil kahit papaano ay nakikita niya si Zander sa ilang mga nag pupunta sa agency nila. Gusto niyang maging gaya ng tita niya. “Ngayon na po ba tita?” “Oo. Pero doon na kayo magkita sa venue.” “Okay.” Tumayo siya at inayos ang gamit. “O teka, hindi pwedeng ganyan ang hitsura mo. Umuwi muna tayo at mag-ayos ka.” “Bakit pa tita?” “Siyempre. Ano ka ba naman. Basta huwag ka ng magtanong.” Sumunod na lamang siya dito. Pagkauwi nila ay ito ang pumili ng damit niya, ang nag-ayos ng buhok niya at nag make-up sa kanya. Pagkatapos ay malapad itong ngumiti. “Ang ganda talaga ng pamangkin ko.” puri nito. Tipid siyang ngumiti. Ano namang gagawin niya sa ganda niya kung wala na ang taong mahal niya. “Tita, kapag ba naattendan ko to mapo-promote na ba ko? Pwede na ba kong mag handle ng talent gaya mo?” bigla niyang naitanong. Tama. Himbis na magmukmok ay pag-iigihan na lang niya ang pagtatrabaho. Ngumiti ito. “Konting sipag pa.” biro nito. Natawa naman siya. “O tara na, ihahatid na kita don.” Napakunot-noo siya. “Teka, tita. Kung kaya mo kong ihatid doon, diba dapat ikaw nalang ang pumunta?” “A, e. may lakad ako e kaya ihahatid na lang kita. a basta, tara na nga.” Naiiling na sumunod siya dito. Kahit nagtataka siya sa ikinikilos nito. Inihinto ng tita niya ang sasakyan sa tapat ng isang malaking restaurant. Sinilip-silip niya iyon ngunit hindi siya masyadong maaninag sa loob. “O, baba na.” utos nito. Sumunod naman siya at pinagmasdan ang venue. Maraming sasakyan sa parking lot at may mangilan-ngilang pumapasok sa resto na sigurado siyang miyembro ng media. Papalakad na siya nang may bigla siyang naalala. “Ay tita, sino nga pala ang alaga mo na kailangan kong samahan dito?” lingon niya rito. Ngunit sa halip na sagutin siya ay pinaandar nito ang sasakyan at saka siya nginitian. “Enjoy.” anito at pinaharurot ang sasakyan. Nagulantang siya sa ginawa ng tita niya. “Teka tita!” sigaw niya. Frustrated na bumuntong hininga siya. Hinamig niya ang sarili at muling humarap sa restaurant. Kung gusto niyang mapromote dapat makaya niya ito. “Yosh!” Pagpasok niya sa looby iginala niya ang paningin. Nadismaya siya nang makitang maraming modelo ang naroon. Marami ding press ang abala sa pagkausap niya sa mga ito. Sa isang lamesa ay maraming nakakumpol na press. Marami ding nakatutok na camera doon. Mukhang ang kung sino mang iniinterview doon ang pinakaimportanteng bisita. She sighed. Saan ko naman hahanapin ang alaga ko. Napangiti siya sa naisip.ang sarap naming banggitin... alaga ko. Naglakad lakad siya habang iginagala ang paningin. “Excuse me?” tanong ng isang babaeng reporter. Nilingon niya ito at nginitian. “Yes?” “Hi, I’m Coffee. Anong agency ka? Fresh face ka sa akin.” tanong nito. It was then she realized na napagkamalan siya nitong modelo. “Naku hindi po. Assistant po ako from Timeless Modeling Agency” “Ay talaga. Akala ko kasi model ka. Teka, taga Timeless ka kamo? Naku tamang tama marami akong itatanong sa iyo.” bigla itong nagkalkal sa bag nito. “Ha.. eh…” napasulyap-sulyap siya. Hindi siya handang sumagot ng kahit anong tanong. Hindi sinasadyang napalingon siya sa lamesang maraming tao. May mangilan-ngilan ng lumalayo mula roon.Halos lahat ay iiling-iling. Marahil ay hindi nakuha ng mga ito ang gustong sagot sa kung sino mang tinatanong ng mga ito. Nanlaki ang mga mata niya ng tumayo ang ininterview. “Alex.” Naibulalas niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD