CHAPTER 18

1019 Words
 Lumingon sa direksiyon niya si Alex. Nagtama ang mga paningin nila. Tama ba ang nakikita niya? Hindi ba dapat wala na ito sa bansa?  “Asan na ba yung recorder ko? May itatanong kasi ako sa iyo tungkol kay Zander Uijleman,” sabi nang nagpakilalang Coffee. Nag-umang na ito ng tape recorder. Umatras si Erica ng isang hakbang nang makita niyang lumakad papunta sa kanya ang binata. Napasinghap siya nang tuluyan na itong nakalapit sa kanya. Kahit ang katabi niya ay napa Oh din. “Alex? Anong ginagawa mo rito?” naguguluhang tanong niya. Pero ang pagkalitong iyon ay nahahaluan ng kakaibang emosyon. Saya, kaba at maging ang labis na pagmamahal niya rito. Pakiramdam niya matagal na panahon na niya itong hindi nakikita. Imbes na sumagot ay hinawakan ni Alex ang kamay niya. “Ang tagal mo,” sabi nito at hinatak siya papunta sa lamesang inookupa nito. Nararamdaman niya ang tinging ipinupukol ng mga tao sa kanya. Hindi niya iyon masyadong pinansin. Nasanay na siyang tuwing kasama si Alex ay pinagtitinginan sila. Tuwing naiisip niya ang mga pagkakataong iyon ay hindi niya alam kung matutuwa siya o malulungkot. “Alex, hindi ba dapat wala ka na?” nalilitong tanong ni Erica. “Hindi ako sumama sa kanila.” “Ha?” Huminto ito sa paglakad at humarap sa kanya. Napaatras na naman siya nang tumitig ito sa mga mata niya. Mabilis na pumipintig ang puso niya. “Hindi na ko aalis.” “Bakit?” tanging nasabi niya sa kabila ng kung anu-anong emosyong nararamdaman niya. Masuyong ngumiti si Alex. “I realized I can’t leave this country. And that I can’t leave you.” Iniabot nito ang isa pa niyang kamay at sabay iyong pinisil. “Pero- pero hindi ba hindi mo pwedeng suwayin ang Khun mae mo. At.. at.. ikakasal ka na kay..” hindi niya matapos ang gusto niyang sabihin. “Odessa is just a part of my meaningless past. Because in front of me is my future. At ikaw iyon Erica.” “Pero.. ang mama mo,” she still argued. Para kasing hindi totoo ang mga nangyayari. Baka panaginip lang iyon. O kaya naman ay prank na gawa ng kung sinong walang magawa. “She already gave me my freedo,” sagot ni Alex, bahagyang inilapit ang katawan sa kanya. Hindi na niya alintana ang pagkikislapan ng mga kamera sa paligid nila. “Imposible.. she will never do that.” “I thought so too. In fact, kaya niya ko napapayag na umalis ay dahil sinabi niya sa aking gagawin niya ang lahat para masira ka. That is something I cannot take. Pero.. hindi ko pala kayang mawala sa akin ang taong nagturo sa akin ng maraming bagay at nagpaalala s akin ng ako bago ko pasukin ang pagmomodelo. So, I begged her.” Erica’s heart melted. Hindi niya akalain na kaya nitong gawin iyon at kaya nitong sabihin ang mga salitang sinasabi nito. Wala kasi iyon sa karakter nito. “Hindi mo dapat sinasabi yang mga yan. Makakasira yan sa career mo,” tanging nasabi niya. Natawa ito. “At huwag ka ring masyadong tatawa. Hindi yan maganda sa career mo.”  “Para ka ng handler magsalita. I did it for you.” “Ayos lang naman ako kaya huwag mo akong masyadong intindihin.” “I can’t. Because I love you.”  Natulala si Erica. Para siyang nabingi sa kabila ng maingay na bulungan ng mga tao sa paligid. “You.. you do?” kahit narinig niya ng malinaw ay gusto niya pa ring itanong. Tuluyan nang nagkalapit ang kanilang mga katawan. Binitiwan ni Alex ang isa niyang kamay. Umikot ang braso nito sa beywang niya. He gave her that wonderful smile of his. “Hindi ba halata? Sorry. I never felt it before so I don’t really know how to express it properly. Actually, this is the first time that I said I love you,” parang nahihiya pang sabi nito. At siyang hamak na mortal lang na matagal ng malambot ang puso sa soft side ni Alex ay nabagbag ang damdamin sa mga sinabi nito. “No. Sapat na ang presensya mo para sa akin. Sapat na ang lahat ng ginawa mong pagliligtas sa akin sa mga alanganing sitwasyon. Promise, naramdaman ko naman na mahal mo ko. Medyo, in denial lang ako kasi ikaw si Zander Uijleman. Samantalang ako, ngayon ko pa lang narerealize kung anong gusto kong gawin sa buhay ko. Wala akong kalaban laban sa lahat ng babaeng nagkakagusto sayo.” Ngumiti ito. “I never fought for what I really wanted until I met you. Now, hindi pa  ba sapat na patunay iyon na ikaw lang ang babaeng minahal ko sa buong buhay ko?” tanong ni Alex. Unti-unting kumakalat ang init sa katawan ni Erica dahil sa sinabi nito. Nawawala na ang ibang emosyong nararamdaman niya. Mahal siya ni Alex. Ang saya. “Hindi,” pigil ang ngiti at luhang sagot niya. Kumunot ang noo nito. “Hindi?” Ah, gustong gusto niya rin kahit ang naka kunot-noong Zander. Hindi yata talaga siyang magsasawang tingnan ang mukha nito kahit anu-ano pang ekspresyon niyon. “Sobra sobra pa iyon.” Muling umaliwalas ang mukha nito pagkuwa’y naging malamlam ang mga mata. “I really love you Erica, I really do.” Then his head bowed to kiss her. Iniangat niya ang mga braso at ipinulupot iyon sa leeg nito. Lalong dumami ang flash ng mga camera pero wala na siyang pakielam pa. Nang pakawalan siya nito ay masuyo niya itong nginitian. “I love you too Alex.” Gumanti ito ng ngiti. “I know. Kaya nga malakas ang loob kong kontratahin si Tita Sally.” Natawa siya. “Nagkakasense of humor ka na ngayon ha,” biro niya. Tumawa na naman ito. “It’s all thanks to you.” Then, he held her hand once again and faced the crowd. “For all the questions that you’re asking me a while ago, she’s the answer.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD