PARANG nais pagsisihan ni Erica na pumasok pa siya ng araw na iyon. Wala pa naman ang tita Sally niya kaya nag-iisa siyang pumasok. Pagdating niya sa Timeless ay napansin na niya agad ang kakaibang tinging ipinupukol sa kanya ng lahat. Isang tingin pa lang ay siguradong na ichismis na siya ng ilang nakakita sa kanila ni Alex kahapon. Pilit niyang inignora ang mga ito at kumilos ayon sa nakasanayan niya.
Hindi pa siya tumatagal sa pagkakaupo ay nilapitan na siya ng sekretarya ni Sir Nicolo. “Erica, gusto ka daw makausap ni Sir Nicolo.”
“Bakit po?” nagtatakang tanong niya.
“Hindi ko alam e.”
Nagtaka siya nang makitang tila nakikisimpatya ang tingin nito sa kanya. Bigla siyang kinabahan. “A-aalisin na ba niya ko sa trabaho?” nag-aalalang tanong niya.
“Ha? Bakit mo naman naisip yan?” tanong nito.
“Kasi.. kung makatingin ka parang naaawa ka sakin.”
Muling bumalik ang nakikisimpatyang ekspresyon nito pagkuwa’y bumuntong hininga. “Basta, pumunta ka na doon. Pagkatapos niyong mag-usap saka tayo mag-uusap okay?”
Kinakabahan man ay tumayo na siya. Lumapit sa kanya ang bading na handler na bwena mano niya noong unang araw niya sa trabaho .Nalaman niyang Andi pala ang pangalan nito. “Basta, hindi ka namin pababayaan. Bunso ka namin e. Isa pa magwawala si Sally kapag hindi ka naming inalalayan.”
Lalo siyang kinabahan sa sinabi nito. At lalo siyang kinakabahan sa tinging ipinupukol ng mga empleyado sa kanya. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Huminga muna siya ng malalim bago pumasok sa opisina ng boss nila.
Naabutan niya si Sir Nicolo na nakaupo sa likod ng lamesa nito at tila malalim ang iniisip. Lumapit siya rito.
“Sir? Tawag niyo daw po ako?”
Nag-angat ito ng tingin. “Erica.” Naiiyak na siya sa kaba. Ano ba talagang gusto nitong sabihin. “I heard, you’re extra close with Zander.”
Hindi niya alam kung anong isasagot. Sesesantehin ba siya dahil don? “Hindi ko naman po masasabing close kami. Siguro, ahm, friends?”
He sighed. “You don’t have to make excuses Erica. We all know it. Halata naman sa kilos niyong dalawa. However, there are circumstances na wala akong control. And since I know you’re special for each other kaya naisip kong dapat kong sabihin ito sa iyo ng personal since wala si Sally ngayon para sabihin ito sayo.” tuloy-tuloy na sabi nito.
“A-ano po ba talaga iyon sir?”
Tiningnan siya nito. “Actually, Zander decided not to finish his contract. Aalis na sila ng bansa within this week. Willing si Lorraine na bayaran ang kahit na anong kailangang bayaran for breach of contract.”
Natigilan siya. Oo nakakagulat iyon. But somehow she expects it to happen. Napabilis lang. Tama, ineexpect na niya iyon. Pero bakit parang nanghina ang mga tuhod niya? Bakit parang gusto niyang umiyak. “A, okay.” tanging nasabi niya.
“I’m sorry to break this news to you.” nakikisimpatyang sabi nito.
Nginitian niya ang mabait niyang Boss. “Okay lang po. I know this will happen. Thank you po sa concern.” nagpaalam na siya at lumabas ng silid.
Nang makalabas siya ay naabutan niya ang mga empleyadong tila hinihintay siya sa labas ng opisina ni Nicolo.Hinihintay niyang i-bully siya at tawanan ng mga ito. But instead, isa-isang lumapit ang mga ito sa kanya. Ang iba ay tinapik siya sa balikat ang iba ay niyakap siya at binigyan siya ng mga consoling words. Lahat halos pare-pareho ng sinasabi.
“Sa tagal ko dito sa Timeless, lately ko lang nakitang madalas pumupunta dito si Zander. Nagyon ko lang din siya nakitang nakikipag-usap ng matagal at tumatawa. Dahil iyon sa iyo. Kaso nga, aalis pa rin siya.”
Masaya siya kahit papaano. They actually care for her. “Salamat. Pero huwag kayong mag-alala. I’m okay.”
Ginawa ni Erica ang lahat para mapanindigan ang sinabi niyang ayos lang siya. Katunayan, dinoble niya ang effort niya sa opisina. Katulad na lamang ng araw na iyon na ginabi na siya sa Timeless. Kung hindi pa siya sinabihan ng tita niya na umuwi na sila ay hind ipa siya titigil. Ngayon alam na niya kung bakit may mga taong workaholic.
Bahagya pa lamang na nakakaalis ang sasakyan nila nang maalala niyang may naiwan siyang folder sa Timeless. “Wait tita, naiwan ko yung file ng mga nag pa vtr kanina.”
“Bukas mo na lang iyon ayusin.” balewalang sagot nito.
Alam niyang tama ito. Pero parang may nagsasabi sa kanyang balikan niya iyon ngayon. Hindi niya alam kung bakit. “Saglit lang talaga tita. Promise.”
Bumuntong hininga ito at huminto. “Bilisan mo ha.”
“Opo.” sagot niya at mabilis na bumaba. Lakad takbo na ang ginawa niya para makabalik sa building. Hindi na rin niya inalintana ang nakakatakot na aura ng elevator. Madilim na sa Timeless ng dumating siya. Hindi pa siya tuluyang nakakalapit nang may maaninag siyang pigura nang taong lumabas ng pinto ng Timeless. Hindi siya nakagalaw. Not because of fear but because the man’s presence is so familiar to her. Nakumpirma niya iyon ng pindutin nito ang switch ng ilaw ng lobby.
Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya ngayong nasa harapan niya si Alex- ang lalaking mahal niya. Ang lalaking bitbit na ang lahat ng gamit at tuloy na tuloy na ang pag-alis sa bansa.
“Aalis ka na talaga.” tanging nasabi ni Erica kay Alex. Tila bitbit na nito ang lahat ng gamit na naiwan nito sa Timeless.
Nakatingin lamang ito sa kanya pagkuwa’y tumango. Huminga siya ng malalim at pilit pinasigla ang tinig.
“Well, good luck! I know you will be famous and… good luck din sa married life mo.”
Nang hindi ito sumagot at nanatiling nakatingin sa kanya ay nag-iwas siya ng tingin. “Sige, bye.” nilampasan na niya ito.
“Erica.” Napahinto siya nang tawagin nito ang pangalan niya. he sounded so concerned. Huminga siya ng malalim at pinilit ngumiti bago niya ito muling nilingon.
“Bakit?”
Hindi na naman ito sumagot. Ano bang gusto nitong sabihin? Ipinagpatuloy niya ang paglakad hanggang sa nakuha na niya ang folder na naiwan niya.
Nang makabalik siya ay nakatayo pa rin ito. But this time, nasa sahig na ang mga gamit nito.
Pilit na naman siyang ngumiti. “Uy, bakit nandito ka pa?”
“I’m sorry.” anito.
Nawala ang ngiti niya. Nag-iwas siya ng tingin. “Bakit ka naman nag so-sorry? Para kang ewan.” Nilangkapan niya ng tawa ang sinabi. Wala na siyang pakielam kung nagmumukha siyang tanga.
“Look at me.”
Sinunod niya ito. Bagay na pinagsisihan niya. Bakit ba ganoon ito makatingin? Ganoon din ang tinging ibinigay nito sa kanya nang huling gabing nag-usap sila. Iyon ang tingin nakapagpaparamdam sa kanya na gusto niyang umiyak.
“Ano ka ba? Huwag mo kong tingnan na parang naaawa ka sa akin.” Bahagya siyang nainis dahil sa nararamdaman.
He sighed. Sinuklay nito ng mga daliri ang buhok nito. “Bakit hindi ka nagagalit sakin?” tanong nito.
Nalito siya. “Bakit naman ako magagalit sayo?”
Nag-iwas ito ng tingin. “Kahit na sino, iisiping pinaglaruan lang kita sa dalawang araw na magkasama tayo. Since I know na ganito pa rin ang mangyayari sa huli.”
Nagyuko siya ng ulo. “Dapat nga yata. Kaso, alam ko din naman na ganito ang mangyayari.” Niyakap niya sa dibdib ang folder na hawak niya.
“But you should at least --”
Nag-angat siya ng tingin at ngumiti. “hindi ako galit ano ka ba? Naging masaya naman ako e. Basta okay lang ako. Ikaw, hindi ka dapat nag-iisip ng kung anu-ano. Para ka talagang ewa –”
Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin ng lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya. Bakit? Bakit kailangan pa siya nitong halikan?`
“Farewell kiss ba yan?” tanging nasabi niya ng pakawalan siya nito.
“Erica.” Bakit ba tila nahihirapan ito sa paraan ng pagsasalita nito?
“O siya. Hinihintay ako ni tita.” Pamamaalam niya.
Himbis na sumagot ay niyakap siya nito. “I’m really sorry.” Hinging paumanhin nito. Lalong humigpit ang pagkakayakap nito.
Gumanti siya ng yakap dito. “Oo na.”
“Always remember that your special to me Erica. Always remember that.”
Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi iyon ang gusto niyang marinig pero may magagawa pa ba siya? Isa pa kahit sabihin nito ang mga salitang gusto niyang marinig mula rito ay wala rin naman iyong halaga.
“Tama na. kapag hindi ka pa tumigil maiiyak na talaga ako.” saway niya rito. Talagang iiyak na siya anumang oras.
He reluctantly freed her. Matagal siya nitong tinitigan pagkuwa’y binitbit ang gamit sa isang kamay at hinawakan ang isa niyang kamay. “Bumaba na tayo. I know you’re scared of this place at night. Baka masira ang elevator. Next time.. I – I would not be here para paandarin uli yon.”
“Sinabi ng tama na e.” mahinang saway niya rito. Pinisil nito ang kamay niya at hinatak siya paalis.
Hindi niya alam kung paano siya nakabalik sa sasakyan ng tita niya nang hindi nag be-break down sa harap ni Alex.
“O, nakuha mo ba.” tanong ng tita niya.
Tumango siya.
“Oy, anong nangyayari sayo? Erica?”
Hindi na niya kinaya. Napahagulgol siya. Para siyang batang umiyak ng malakas.
“Erica.” nag-aalalang tanong nito.
“Sorry, tita. Dapat talaga nakikinig ako sayo.”