CHAPTER 15

1434 Words
”AT last, you’re back.” Napailing si Zander sa bungad na iyon ng kanyang ina.dapat yata hindi muna siya umuwi. Pero wala naman siyang maisip na ibang puntahan pagkatapos niyang ihatid si Erica sa bahay ni Tita Sally. Hindi talaga umalis ng unit niya ang kanyang ina. Hindi niya ito pinansin at nagtuloy-tuloy na pumasok sa silid niya. Bago pa niya iyon maisara ay nakita na niya itong nakasunod. Pabalabag niyang inihagis ang bag na dala sa kama. “Madaming reporter ang gusto kang kausapin tungkol sa pag-alis mo.” anito. He sighed. No how are you’s but straight to the point business. O well, that’s his mother. But now that he got fresh air ay kahit papaano naman ay nawala na ang galit niya rito. Being with Erica’s parents made him realize that his mother is a very important person in his life. Kahit wala itong inatupag kung hindi ang manipulahin ang buhay niya. “What will you really gain if I become very famous Khun mae?” tanong niya rito. Natigilan ito. “Marami.” Pagkuwa’y sagot nito.  “Like what?” Itinaas nito ang noo. “Fame, respect, wealth.” Sagot nito. “Is that what you really want? Hindi pa ba sapat sa inyo ang kung anong mayroon tayo ngayon?” Her looks became defiant. “No. And this is the end of this conversation.” Napailing siya. “Those things that you said, it’s not important to me. There are things more important that fame Khun mae.” he calmly said. “Ano na naman bang nangyayari sa iyo Alexander? Saan ka ba nagpunta at nagkakaganyan ka? I don’t recognize you anymore.” manghang tanong nito. Napailing siya. “You don’t really know me khun mae. In fact I don’t know myself either. But that was before. Now, I know who I am. I know what I want.” “Why are you saying weird things now?” naguguluhang tanong nito. Sinalubong niya ang tingin nito. Gusto niyang maging malinaw dito ang lahat. Alam niyang maliit lang na porsiyento ang tsyansang mayroon siya, but he wish he can change her mind. “Because I found something far far more important than fame Khun mae. I found happiness. “ he said quietly, BALIK trabaho na naman si Erica. Mukhang na-miss siya ng mga tao sa Timeless dahil sa tambak na trabahong ibinigay ng mga ito sa kanya. Bukod sa mga dapat tawagan at papeles na i-fafile ay siya din ang pinag-assist ng mga ito sa vtr ng araw na iyon. Ayos lang naman sa kanya. Nag-eenjoy kasi siyang makipag usap sa mga aspiring models.at kung siya lang ang masusunod ay tatanggapin niya silang lahat kaso nga hindi pwede. Tanghali na ng lumabas siya sa silid kung saan ginaganap ang vtr. Madami-dami ng tao sa agency. Papalabas siya upang bumili ng kape ng makasalubong niya si Alex. Nagkatinginan sila. Napabagal tuloy ang paglakad niya hanggang sa tuluyan na siyang napahinto sa paglakad. Huminto ito sa harapan niya. Bigla siyang nailang. Hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan nang hindi magtataka ang mga tao sa paligid nila. “Hi.” bati nito “Hello.” sagot niya. Muli silang nagkatinginan pagkuwa’y sabay na mahinang natawa. “Para tayong ewan.” komento niya. “Yeah.” Tumitig na naman ito sa kanya. “Alex...” “What?” “Nakatingin sila satin.” aniya. Nakikita niya sa peripheral vision niya ang mga matang nagtatakang nakatingin sa kanila. Nagkibit balikat ito. “Let them be.” “Erica.” tawag ng tita Sally niya. Mabilis niya itong nilingon. Lumapit ito sa kanila. Tumingin ito kay Alex. Tumingin din siya rito. Muling nagsalubong ang mga mata nila at halos sabay pa silang nag-iwas ng tingin. Bumaling sa kanya ang tita niya. “Samahan mo ko. At ikaw Zander, hinahanap ka ni Nicolo.” “Yes tita.” sagot nito. Hinatak na siya ng tita niya palayo. “Ano yon ha?” usyoso nito. “Ang alin tita?” patay-malisyang tanong niya. “Kung magtinginan kayong dalawa.” “Hindi naman ah.” “Tumigil ka. Gagawin mo pa kong bulag. Don’t get involved sa g**o ng buhay niya okay” babala nito. “Tita, imagination mo naman sobra.Teka ano po ba ang ipapagawa niyo?” paiwas na sagot niya. “Wala. Inilayo lang kita sa kapahamakan.” anito at inginuso ang opisina ni Nicolo. Tiningnan niya ang itinuro nito. Nakasilip mula sa bintana niyon ang mama ni Alex. At kung hindi siya nagkakamali ay masama ang tingin nito sa kanya.”See? Lumayo-layo ka kay Zander. You don’t know what that evil woman can do.” babala nito at lumayo na sa kanya. Hindi siya nakaimik. Huminga siya ng malalim bago ipinagpatuloy ang paglakad. Kailangan niya talaga ng kape. “Uy.” Napahinto siya ng may mahinang bumungo sa kanya. Nilingon niya ang isa niyang katrabaho. “Anong ginawa mo kay Zander at napatawa mo siya ng ganoon?” “ha? Wala akong ginawa. Normal lang naman sa taong tumawa.” “Hindi yun normal kay Zander. Ikaw ha.” panunudyo nito. Inasar siya nito hanggang sa makarating sila sa coffee vending machine. “Anong ako?” naiiling na tanong niya. She focused her attention to the vending machine.”Wala akong ginagawa. Siguro ganoon talaga ang tunay na siya. Ngayon niya lang ipinapakita ang totoong siya.” “My son is not like that.” Hindi niya naituloy ang pagpindot. Lumingon siya sa likuran niya. Wala na ang empleyadong kanina lang ay kausap niya. Ang nasa harapan niya ay walang iba kung hindi ang ina ni Alex. Masama ang tingin nito sa kanya. Bigla siyang kinabahan. “O, why do you look so scared?” Hindi siya makasagot. Umismid ito. “kung ganyan ka katakot sakin dapat una pa lang ay hindi mo na tinangkang akitin ang anak ko. O well, wala naming kaakit-akit sayo.” Huminga siya ng malalim bago lakas loob na nagsalita. “Wala ho akong ginagawang masama. Nagkataon lang na mahalaga sa akin si Alex. But it doesn’t mean na inaakit ko siya or whatever.” Pinanlakihan siya nito ng mga mata. Bumakas ang galit sa mukha nito. “He’s not Alex. Matagal ng wala is Alex. He is Zander now. Don’t call him that.” Saglit itong natigilan na para bang may naalala. “Ah, now I know why he has a soft heart to you.” Nalilito niya itong tiningnan. “He used to be called Alex. Especially by his father. He’s no good father.” “Pero sa pagkakaalam ko ho’y mahal na mahal siya ng ama niya. At hindi siya pinipilit gawin ang hindi niya gusto.” she answered defiantly. Hindi niya mapigilang hindi ipagtanggol ang taong iniidolo ng lalaking mahal niya. Bumakas ang galit sa mukha nito. “At ang lakas din naman ng loob mong magsalita ng ganyan? I’m telling you, layuan mo ang anak ko.He has a bright future ahead of him at hindi ka kasama don” Nasaktan siya sa sinabi nito pero alam niyang tama ito. “Alam ko po yon.” tanging nasabi niya. “khun mae.” Sabay silang napalingon ng magsalita si Zander. Madilim ang mukha nito. Mabilis siyang tiningnan ng babae “Dont try to mess with me. You don’t know what I can do to you”  anito at dere-deretsong umalis. Naiwan siyang walang masabi. Hindi niya namalayan na nakalapit na pala sa kanya si Zander. “I’m sorry. Kung ano man ang sinabi niya sa iyo, I’m sorry.” “Wala ka naming kasalanan.” aniya at bumuntong hininga. “Erica…” Nilingon niya ito at malungkot na nginitian. Alam niya na wala naman na siyang maitatago pa rito. “Marunong akong lumugar Alex.” Matagal siya nitong tiningnan. Napasinghap siya ng kumilos ito upang yakapin siya. “Ano ka ba, baka may makakita sa atin. Hindi ito makakabuti sa career mo.” saway niya. Huli na ang pag-aalala niya dahil may ilang empleyadong lumabas mula sa elevator. Natutok agad ang atensyon ng mga ito sa kanila. “Alex…” “I don’t care.” anito. Kumalas ito at hinawakan siya sa magkabilang balikat. “Forget everything she said okay?” Tumango siya. At least he cares for her feelings. Nginitian niya ito. “Thank you Alex.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD