“SO?” tanong ni Alex. Umupo pa ito sa tabi niya at tila batang hinihintay na purihin. Another side of him na ngayon niya lang nakita.
Hindi siya nagsalita at muling sumubo ng bistek na niluto nito. Hindi niya naisip na iyon ang iluluto nito. Akala niya kasi pang sosyal lang ang panlasa nito. Pero sabagay, nauubos nga nito ang niluluto ng mama niya.
“Erica.”
“Ngumiti siya. “Sarap! Paano mo naman natutunang iluto ito. Akala ko suki ka lang ng mga restaurant e.”
Ngumiti ito at tila nakahinga ng maluwag. Itinukod nito ang mga braso sa lamesa at pinanood siya sa pagkain. “Dinala ako ni Tita Sally sa isang Filipino Restaurant, nasarapan ako kaya tinanong ko sa kanya. Tinuruan niya ko.”
“Hmm..” tumango tango siya.muli siyang tumusok ng bistek “Kain ka.” alok niya rito.
Umiling ito. “Sige lang. teka, mas masarap yan sa rice.” Tumayo ito. Pinigilan niya ito.
“Huwag na. magluluto din si mama mamaya. Kakain na naman ako. Tataba na talaga ako niyan e.”
Muli itong umupo. “I told you it doesn’t matter kung mataba ka o hindi.”
“Sinasabi mo lang yan kasi hindi pa ko mataba.” nailing na sagot niya. Napabaling siya sa bukana ng kusina, nakatayo roon ang mama niya.
“Ma, sorry pinakielaman naming ang kusina mo.”
“Ayos lang. ikaw talaga. Alex hijo, pwede mo bang tulungan sandali si Ramon? May kalabaw kasing nakasira sa bakod sa may gilid ng bahay?” baling nito kay Alex.
“Sure tita.” Tumayo ito nagkatinginan silang dalawa bago ito tuluyang lumabas ng kusina.
Tumabi sa kanya ang mama niya. May kipkip itong diyaryo. “bago yan ma?” tanong niya
Hindi ito nagsalita. Binuklat nito iyon at inilapag sa harap niya. natigilan siya. Society page iyon at sa pahinang iyon ay ang malaking larawan ni Alex at Odessa. Ayon sa caption ay larawan iyon noong welcome party ng babae. Ang headline ay patungkol sa pag-alis ni Alex ng bansa at ang pagpapakasal nito kay Odessa. Hindi rin siya nakaimik.
“Sana man lang sinabi mo sa amin ng papa mo ang totoo.” Sa wakas ay sabi ng mama niya.
“Totoo naman ang lahat ng mga sinabi ko sa inyo mama.” Dahilan niya. totoo naman iyon.
Bumuntong hininga ito. “Wala lang. akala kasi naming ng papa mo.. pero kasi kahit sinong makakita sa inyo iisipin na may namamagitan sa inyo e. Proud na proud pa naman ang papa mo habang nagkukwento sa mga kapitbahay na nakakilala ka na ng matinong lalaking makakasama mo habang buhay. Ayan nga o pinatulong siya sa pag-aayos ng bakod. Pero sigurado ako dinidisplay niya lang si Alex.”
Bigla siyang nalungkot. Nakalimutan na nga niya na aalis din si Alex at magpapakasal pa sa isang napakagandang babae. “Ang assuming naman kasi ni Papa.” tanging nasabi niya. kunwa’y hindi iyon big deal para sa kanya. Ayaw niya kasing mag-alala ang mama niya.
“Alam mo naman iyon, matagal na gustong magkaanak ng lalaki. At mabait namang bata si Alex. Pero anak, aminin mo, mahal mo siya no.”
Hindi niya alam kung sasagutin niya ang tanong nito. Sa huli ay pinili niyang maging honest sa kanyang ina. Tumango siya.
“Alam mo, pakiramdam ko naman gusto ka din niya anak.”
“Ma, tama ka man o hindi,wala rin naming magbabago. Matutuloy pa rin yang nakasulat dyan sa diyaryo.” mahinang sabi niya.
“Bakit hindi mo siya tanungin, malay mo magdesisyon siyang huwag umalis at mag-pakasal diyan sa kung sino man yan.”
“Imposible naman yang sinasabi mo ma.”
“Anong imposible? Huwag mong lagyan ng tuldok ang kahit anong usaping pag-ibig. Dahil madalas, nakakagawa tayo ng mga bagay na hindi natin aakalaing magagawa pala natin dahil sa pag-ibig. Nakalimutan mo na ba ang mga kinukwento ko sayo dati? May maganda akong future bilang beauty queen sa maynila. Kaso nga nakilala ko ang papa mo at sumama dito. Lahat ng nakakakilala sa akin sinasabing imposible daw na maging masaya ako sa piling ng isang probinsyano. Na sinasayang ko lang ang kinabukasan ko. Pero tingnan mo nga. Hindi naman ako nagsisi sa naging desisyon ko. At hanggang ngayon masaya ako kasi nandyan ka at ang papa mo.”
Nainspire naman siya sa sinabi ng mama niya. “Thank you mama.” Niyakap niya ito. Sinuklian nito ang yakap niya.
“Hmm. O sige na magluluto pa ako. Puntahan mo na si Alex sa labas Baka pinagpipiyestahan na siya ng mga kapit-bahay natin.
Natawa siya sa sinabi nito bago tumayo at sundin ang sinabi nito.
NAKAPANGALUMBABA si Erica habang nakatingala sa langit. Huling gabi na nila iyon. Bukas balik na naman sila sa tunay na buhay. at kailangang sundin niya ang sinabi ng mama niya bago man lang sila bumalik ng maynila. Kailangang magkalakas siya ng loob na tanungin si Alex. She sighed.
“Hey.” pukaw ni Alex sa kanya.
Hindi niya ito tiningnan. Tumabi ito sa kanya. Maya-maya ay hindi siya nakatiis, nilingon niya ito. “Alex.”
Tiningnan siya nito. “What?”
Bigla siyang nagalinlangan. “Wa-wala.” Ikinuyom niya ang mga kamay na nakapatong sa mga hita niya.nararamdaman niya ang matamang pagtingin nito sa kanya. Kahit papaano ay nasanay na siya sa madalas na pagtingin nito sa kanya na para bang inoobserbahan nito ang lahat ng ginagawa niya.
“Mabait ako ngayon. So you can ask any questions.” pagkuwa’y sabi nito.
Matagal bago siya nagkalakas ng loob na magtanong. “Pa-pakakasalan mo talaga si Odessa?” mahinang tanong niya.
Hindi ito agad sumagot. Inakala niya pa na baka hindi siya nito narinig. “That’s the plan.” sagot nito.
“Mahal mo ba siya?” muli niyang tanong.
“I don’t know. What we had in the past three years is actually more on a physical relationship. s*x is the only thing that connects us. And if we get married, well I don’t know what will be our set-up.”
Nakaramdam siya ng pagrerebelde sa sinabi nito. Hindi niya matanggap na ganoon lang kababaw ang tingin nito sa pakikipagrelasyon at higit sa lahat sa pag-aasawa.
“Para sa akin pareho lang ang s*x at marriage. Dapat ginagawa iyon ng may pag-ibig at commitment. Because the very concept of it is to make two persons with intensified feelings with each other become one.”
Sinalubong niya ang tingin nito.Gusto niyang iparating dito ang bagay na iyon.Gusto niya na kahit papaano ay mabago niya ang paniniwala nito.
Ilang sandali ang lumipas na nakatingin lang sila sa isa’t-isa bago ito nagsalita. “You’re so naïve.”
Inirapan niya ito. Akala pa naman niya na gets nito ang sinabi niya. “Naïve na kung naïve.” Tumayo na siya. “Good night na nga.”
Tumalikod na siya nang hawakan nito ang braso niya. Nahigit niya ang hininga. Tiningnan niya ito.
“Erica, don’t think of those things too much.”
“Ang alin? s*x at marriage?”
“No. Of Odessa and among other things.” seryosong wika nito.
Hindi siya makapagsalita. Tumayo ito. Umangat ang kamay nito sa buhok niya. “Okay?”
Tumango siya.
He smiled at her. “Now,matulog na tayo. Maaga pa tayong babyahe bukas.” inakay siya nito papasok. Nakailang hakbang na sila nang may maisip siyang itanong. “Alex, last na talaga.”
Huminto naman ito sa paglakad at humarap sa kanya. “Kung hindi ka masaya sa relasyon niyo bakit hindi mo siya hiwalayan?”
Napatitig ito sa kanya. “I cant.”mahinang sagot nito.
“Ba-bakit?” Bakiiittt!!!
“Because that’s what Khun mae wants.”
“Takot ka sa mama mo?” gilalas na tanong niya.
“I’m not scared of her. What I’m afraid of is what she can do. She’s good at ruining other’s life.” may pait sa tono nito.
Tiningnan siya nito. The look on his eyes made her heart ache. Parang may nais itong ipahiwatig. Na kahit gaano pa sila kasaya sa piling ng isat-isa o kung matutunan man nitong mahalin siya ay hanggang doon lamang iyon. Dahil nakatali na ito sa isang relasyon at sa mga kamay ng ina nito. Gusto niya itong yakapin para hindi na niya makita ang mga nababasa niya sa mga mata nito.
“Alex… yayakapin kita ha.” bago pa ito makasagot ay niyakap na niya ito. Saglit itong natigilan bago gumanti ng yakap. A basta. She will savor every moment.