“TEARS are prayers, too. They travel to God when we can’t speak. That’s psalm fifty-six verse eight. Natutunan ko iyon sa support group na sinalihan ko sa Los Angeles.” Mula sa papalubog na araw ay napasulyap si Holly sa katabing si Hailey. Sinundan siya nito sa dalampasigan. Hinatid ito ng nurse nito roon. Kanina pa ito nagkukwento pero hindi tuluyang tumatagos sa isip niya ang mga sinasabi nito maliban na lang sa huling mga linya nito. Siguro ay dahil nalimutan niya na kung paano ang magdasal. Nalimutan niya na kung paano ang lumuha. Kahit kailan ay hindi pa siya dumating sa puntong kinuwestiyon niya ang mga nangyayari sa buhay niya maliban na lang nang mga sandaling iyon. Ang dami niyang tanong. Gusto niyang malaman kung bakit parang pinapaikot ng mundo hindi lang siya kundi pati ang