“PERO MA’AM, wala po talagang nagtatrabaho rito na nagngangalang Aleron Silva. ‘Wag nyo na pong ipilit kundi ay wala akong magagawa kundi ang ipa-assist kayo sa mga kasamahan kong security guards.” Napaawang ang bibig ni Holly sa pagkabigla. Sa mall kung saan nag-proposed sa kanya si Aleron sila tumuloy ni Cedrick dahil doon ang binanggit noon ni Aleron na lugar kung saan ito nagtatrabaho. Nang matapos umano ang construction niyon ay doon na ito nanatili sa opisina roon para pamahalaan iyon. Nakakatawang isipin na ni hindi siya nakarating sa sinasabi ng binata na opisina nito. Parang gusto ng sumabog ng ulo ni Holly sa dami ng mga bagay na hindi niya pa pala alam tungkol kay Aleron. Dahil tanging pagmamahal at tiwala niya lang rito ang pinanghawakan niya noon. Hanggang first floor lang