CHAPTER 2
Ardel Jake's P. O. V.
Pag-uwi ko sa bahay ay sinalubong ako ni Yaya Wendy. Nagmamadali ito at halatang natataranta. Alam ko na kaagad ang ibig sabihin nito. Paulit-ulit na lang.
"Nasa telepono ang Mommy mo," ani Yaya.
Lumakad si Yaya patungo sa salas kung saan nakalagay ang landline phone. Kinuha niya ito at inaabot sa akin.
"Tell her that I don't want to talk to her," walang gana kong sabi.
"Anak, isang buwan mo nang hindi kinakausap ang Mommy mo," ani Yaya.
Nakatitig lang ako sa kaniya. Alam niya ang pinagmulan at pinagdaanan ko, siya ang kasama ko mula bata ako, hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon ay natitiis niya ang ugaling mayroon ako.
"Ayoko, alam mo kung bakit, huwag ka na makulit, Yaya."
Akmang tatalikod ako pero nagulat kami ni Yaya nang marinig ang boses ni Mommy sa telephono, sumigaw ito ng malakas para makuha ang atensyon ko, naririnig niya pala ang mga sinasabi ko, dapat lang.
"Magpapahinga na ako--"
"Ngayon lang, anak," ani Yaya at kinuha ang kamay ko.
Napatitig ako sa telepono na nasa kamay ko.
"Sige na, Ardel."
Napabuntong hininga ako saka itinapat sa aking tenga ang telepono.
"What?" irita kong tanong.
"Ardel, kailan mo ba ako kakausapin? Gusto mo ba talagang umuwi na ako diyan sa Pilipinas? Can't you appreciate what I am doing for your future--"
"Gusto mo akong ma-guilty para sa pagkukulang mo? Then, why can't you accept it, Mrs. Vicente," ani ko.
"I have to save his reputation--"
"Save him and not me? It's clear, Mrs. Vicente, you're choosing a dead person that a living one."
Nangigigil akong ibinaba ang telepono. Hindi ko na tinignan si Yaya at mabilis akong naglakad papaakyat ng hagdanan patungo sa kwarto ko.
"Ardel!" tawag ni Yaya.
Malakas ang pagkakasarado ko ng pinto sabay lock dito. Inihagis ko sa couch ang bag ko at padapa na humiga sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko saka nag-browse sa aking inbox.
Napakadaming message requests ng mga babaeng nagkakandarapa sa akin. Kahit papaano ay sumasaya ako sa ganito. Pero pili lang ang mga babaeng pinapansin at pinapatulan ko. Kagaya nitong nakita kong litrato ng isang magandang babae na kita ang cleavage nito.
"Automatic heart react," bulong ko.
"Ardel? Kumain ka na, 'nak!" sigaw ni Yaya.
Nakaramdam naman ako ng gutom kaya agad akong bumangon. Napatingin ako sa napakalaki naming bahay, tahimik ang bawat sulok ng aming bahay. Tila ba nabibingi ako sa katahimikan.
"Anong gusto mong ulam? Marami akong niluto," ani Yaya.
Naupo ako sa hapag. Napatingin ako sa mahaba naming lamesa na puno ng madaming iba't ibang putahe ngunit nag-iisa lamang akong nakaupo rito.
Everyday, walang pinagbago, it feels so empty. Mas gusto ko pang makasama ang mga tropa ko sa school. Ayaw na ayaw kong umuuwi rito sa bahay.
"Wala na akong gana kumain, aalis na lang ako--"
Nang tumayo ako ay agad akong hinarang ni Yaya.
"Saan ka na naman pupunta? Nag-aalala na sa 'yo ang Mommy mo, lagi kang umaalis, uuwi ka ng umaga na. Ayaw na ng Mommy mong umalis ka sa gabi."
"Yaya, may gana pa pala siyang mag-alala sa akin?" inis kong sambit.
"Huwag ka na uminom, intindihin mo na lang ang sitwasyon ng Mommy ko, mag-isa na lang siya dahil wala na ang Daddy mo--"
"Yun na nga, wala na nga si Daddy, pakiramdam ko pati si Mommy namatay na rin!" sigaw ko.
Lumabas ako ng bahay at hindi ako nagpapigil kay Yaya. Dinala ko ang motor ko dahil ayaw na naman nilang ipagamit ang kotse dahil ginamit ko sa racing last week at nahuli kami ng pulis.
Nag-drive ako patungo sa isang club na palagi naming pinapuntahan ng barkada ko. Pagdating ko sa club ay wala pang masyadong tao dahil padilim pa lang ang langit. Umupo ako sa second floor kung saan may mga magagandang upuan.
"Sir, same order?" tanong ng waiter na kilala na kaming magbabarkada na palaging umiinom dito.
"Oo, pre. Padala na lang dito," ani ko at ngumiti sa kaniya.
Naupo ako sa malambot na upuan dito sa bar. Nakita ko namang nagsisimula nang pumasok ang mga tao dito sa bar. Kinuha ko ang cellphone ko para i-text ang mga tropa ko na pumunta sila dito.
Nakita ko ang wallpaper ko sa lockscreen, it's me and my father. Napayuko ako nang muling maalala ang masaya naming mga ala-ala. Siya ang tipo ng magulang na gagawin at ibibigay ang lahat sa anak niya, sa akin. Sobrang saya ko noong bata pa lang ako. Nakakasama ko sa lakad si Mommy and Daddy, outing sa beaches, amusement park, and on my eighth birthday. Pumunta kami sa Disneyland, and I didn't imagine that it will be the most traumatizing birthday that I had.
Pauwi na kami galing sa Hong Kong, we are peacefully sleeping in flight nang biglang pumutok ang isang Turbine Engine dahilan para mag-crash ang sinasakyan naming eroplano. Sinuot sa akin ni Daddy ang life vest, dahil magkatabi kami, sa sobrang bilis ng pangyayare ay hindi na niya nasuot ang kaniya. We landed in the ocean but when the rescue came. I was lost, Mom was hurt and I had scars on the back because of the accident. Pagkatapos noon, inanunsyo na lamang na wala nang buhay si Daddy. I was alone, crying beside my Mom whose lying in a hospital bed. Nang magising si Mommy, sinabi na lang ng doctor na nagkaroon ng miscarriage si Mommy dahil sa aksidente. She was 1 month pregnant.
Since then, nawalan ng kulay ang mundo namin ni Mommy. She once blamed me, kasalanan ko raw dahil gustong-gusto kong pumunta sa Disneyland. I was only eight years old, pinabayaan niya ako dahil sa galit niya at pagkamatay ni Dad. Si Yaya ang nag-alaga sa akin, nagpakain, nagbihis. Hanggang sa nagpasyang umalis si Mommy ng Pilipinas para ipagpatuloy ang naiwan ni Daddy na business na balang araw ay ako rin ang magha-handle. It was rough, living alone.
Simula noon, pakiramdam ko lahat ng gusto ko ay mawawala sa akin. Like, my life was meant to be sad. Ngayon, ako mismo ang naghahanap ng saya. Kahit sa maling paraan pa, basta makaramdam lang ako ng ligaya.
*********************