Mavis Nhea's P. O. V.
Nanginginig ang dalawa kong kamay, malakas ang t***k ng puso ko. Lahat kami ay narito sa dance room, nakaupo kaming bawat grupo sa lapag habang ang grupo na magpe-perform ay nakatayo sa harapan. Nanonood kami sa kanila.
"Sobrang effort naman nila," bulong ng katabi ko.
Napayuko ako. Kinakabahan ako, kami na ang susunod na magtatanghal. Kapag nagkamali ako, baka tuluyan na nila akong pagtawanan, i-bully at pagsabihan na tanga ako. Simple lang naman ang gagawin ko pero parang hihimatayin ako lalo na at si Ardel ang kasama ko sa harap mamaya.
"Nice performance!" ani Sir.
Pumalakpak ang lahat. Nanginginig ang kamay kong nakipalakpak sa kanila. Nakangiti si Beatrice sa aming lahat, siya ang kalaban ni Gale sa top 1, running for honor rin siya pero sobrang famous niya kaysa kay Gale.
"Next group, leader is Ms. Gale Ogaña."
Halos sumabog ang puso ko sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko ngayon. Parang konti na lang mahihimatay na ako. Tumayo ako, dahil sa panghihina ay nasagi ako ng nasa likod ko na si Kenneth.
Natumba ako sa harapan nila, napadapa ako. Sa sobrang sakit ng beywang ko ay hindi agad ako nakakilos.
"Ms. Melendez!" sigaw ni Sir.
"Lampa talaga," bulong ni Faith na kagrupo namin.
Napatingin ako sa tapat ko, nanlaki ang mga mata ko nang makita ang sapatos ni Ardel. Lumuhod ito at akala ko ay tutulungan akong tumayo. Pinagpagan niya lamang ang kaniyang sapatos sabay lakad patungo sa gitna.
Hinawakan ni Sir ang braso ko kaya napatayo ako. Nadumihan ang salamin ko at napuno ng alikabok. Hinubad ko ito saka pinunasan gamit ang dulo ng aking blouse.
"Bilis na, line up. Ito yung props mo," ani Gale at inabot sa akin ang ilang libro nila.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang ipatong nila Faith sa akin ang lima pang libro. Halos manghina ang mga kamay ko sa ngalay dahil sa bigat.
"Ready na ba kayo?" tanong ni Sir.
"Wait lang po, Sir."
Nanlaki ang mga mata ko. Anong wait lang? Ang dami kong hawak na libro!
"Game na, sir!"
"Okay, you may start."
"Our first scene, for the values that we had discussed, it includes helping."
Lumakad si Gale patungo sa gilid hudyat para simulan ko ang gawian ko. Lumakad ako ng dahan-dahan. Mukhang totoo na mabibitawan ko ang mga hawak ko.
Pagdating ko sa gitna, hindi pa ako nakakalapit kay Ardel ay nawalan ako ng pakiramdam sa braso ko dahil sa bigat ng dala ko. Tumapon lahat ng libro na hawak ko. Agad akong lumuhod kagaya ng napag-usapan.
"Okay ka lang ba, Miss?" tanong ni Ardel.
Lumuhod siya at pinulot ang mga libro. Nanlaki ang mga mata ko at napatigil sa ginagawa kong pagpulot sa libro. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha.
Wala iyon sa script.
"O-Okay lang... Salamat," bulong ko.
Kinuha niya lahat ng libro. Halos matunaw ako nang tumingin siya sa aking mga mata.
"Tulungan na kita," aniya sabay ngiti.
Napalunok ako ng ilang beses.
"S-Salamat..." tangi kong nasabi at naglakad na siya kaya sumunod ako.
"Nex scene is about...."
**********************
Kumakain ako ng lunch mag-isa sa aking table. Naririnig ko ang malakas na kwentuhan at tawanan ng mga kaklase ko, sobrang saya ng lahat habang ako ay nakaupo lamang dito at tahimik na kumakain.
"Bibili ka ba ng isang kaha mamaya?" narinig ko ang boses ni Ardel kaya agad akong napalingon sa kaniya.
"Oo, sasabay ka ba?" tanong ni Peter.
"Babayaran kita mamaya, itakas mo."
Napabuntong hininga ako. Maninigarilyo na naman siya, naiisip ko kung ano kayang ginagawa ng magulang niya, alam ba nila na naninigarilyo at umiinom ng alak si Ardel?
Kilala ko ang magulang ni Ardel sa pangalan pero sa ilang taon na nag-aaral siya dito ay hindi ko kailan man nakita sa personal ang magulang niya, hindi rin sila uma-attend sa family day or distribution of cards. Ang alam ko lang ay galing sa marangyang pamilya si Ardel.
"Excuse me, class. I want all of you to go out, aayusin na ng electricians ang aircon ninyo."
Napatingin ako sa pinto, naroon ang principal ng school kasama ang dalawang lalake na naka-uniporme.
"Salamat!"
"Mabuhay ang aircon!"
"Hindi na mainit, sa wakas!"
Napakadaming kumento ang nanggaling sa mga kaklase kong sabik na sabik sa lamig ng aircon kahit ako ay naiinitan rin naman. Dinala ng lahat ang kanilang lunch box at lumabas. Ako naman ay dinala rin ang aking pagkain saka lumabas.
Naunang maupo sa bricks ang mga kaklase ko. Wala akong nagawa kundi ang tumayo saka sumandal sa bintana ng class room. Tahimik akong kumain habang ang lahat ay muling nag-ingay.
"Haba ng hair ni Sofia, may bago siyang boyfie, nag-aaral siya sa ibang bansa!" ani Patricia.
Napayuko ako. Minsan ko ring naisip, kailan kaya ako makakaranas ng pagmamahal kagaya sa mga nababasa kong nobela. Madami namang panget na minamahal ng mga lalake kahit masama ang ugali nila, gaya ni Ardel. Hindi ba kami mapupunta sa isang nobela kung saan ang isang katulad ko ay magugustuhan niya.
Akmang isasarado ko ang lunch box ko pero bigla na lamang may sumagi sa balikat ko dahilan para mabitawan ko ito.
"S-Sorry--" bulong ko at agad na yumuko para kuhanin ang nahulog kong lunch box.
"Bakit kasi haharang-harang ka sa daan, kanina ka pa," iritang sambit ng bumunggo sa akin.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang malaman ko kung kaninong boses iyon.
"Huwag mo na pansinin 'yan, Ardel."
Dahan-dahan akong tumayo at napayuko.
*****************
Nakahiga ako sa kama ko. Nakaka-ilang ulit na ako sa paborito kong kanta, hindi pa rin ako makatulog. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung saan na ba hahantong ang buhay na 'to?
Sa araw-araw na nabubuhay ako, paulit-ulit lang ang nangyayare. Kung hindi ako ma-bully, napapahiya ako. Higit sa lahat ay si Ardel pa talaga ang nakakakita ng mga kahihiyan ko. Minsan parang ayoko na pumasok sa school pero hindi pwede dahil malalagot ako kala Mommy.
"Dear God, give me a sign. Baka naman pong ibigay niyo na sa akin yung purpose ko sa mundo na 'to, kasi hindi ko pa rin po talaga alam," bulong ko at napaluha.
*************