Chapter 1

1012 Words
CHAPTER 1 Mavis Nhea's P. O. V. Nakatingin ako sa sarili ko mula sa whole body size mirror na nasa kwarto ko. Hawak ko ang aking tumbler. Pakiramdam ko ay nagkakalaman na ang pisngi ko, gusto ko sana mag-exercise kaso tinatamad ako. Nagtungo ako sa kusina para ibalik ang tumbler ko. Sa paglalakad ko ay muli kong naalala ang nangyare kanina, sobrang nakakahiya, nakita 'yon ni Ardel, nakitawa kaya siya? Pinagtawanan niya rin kaya ako kanina? Napabuntong hininga ako bago buksan ang refrigerator. "Mukhang malalim ang problema mo, 'nak, kasing lalim ng paghinga mo," biro ni Daddy. Hindi ko namalayan na nasa likod ko pala siya. Kumuha ito ng kutsara saka binuksang muli ang refrigerator para kumuha ng yogurt. "Gusto mo?" tanong niya. "Dad, mag-exercise na ba ako? Sa gym, kagaya mo?" tanong ko. "Hindi ka naman mataba, sexy ka na sa paningin ko, anak. You don't have to do that, bata ka pa naman. Mapapagod ka lang," aniya at kumain. Napabuntong hininga ulit ako. "Bakit? May nagsabi bang mataba ka? Sino nang-away sa 'yo?" tanong ni Dad. "W-Wala po..." pagsisinungaling ko. "Daddy! Maglaro na po tayo sa tablet ko!" sigaw ni Faith. Napatingin ako sa kapatid kong hawak ang bago niyang tablet, early birthday gift daw nila Mommy at Daddy sa kaniya. "Oo, anak. Pupunta na ako sa kwarto mo," sabi ni Daddy kay Faith. Muli akong nilingon ni Dad, "Tell me kapag may nam-bully sa 'yo, papatalsikin natin 'yan," aniya. "Daddy naman..." Ngumiti lang ito at umalis na. Napasandal ako sa refrigerator. Malungkot ako ngayon, parang gusto ko bumili ng bagong libro. Gusto kong magbasa ng pocketbooks, para makatakas sa reyalidad, sa masakit na katotohanan ng mundong ito. ************** Kinabukasan, nag-aayos ako ng mga notebook ko para ihanda sa table ko. Ang unang subject namin ay Edukasyon sa Pagpapakatao. Nilagay ko na ang libro sa table ko. Sinabi ni Sir na mayroon kaming activity. "Good morning, class," ani Sir. Tumayo kami at nag-good morning kay Sir. Nakatingin ang lahat kay Ardel, hindi ito tumayo at nakadukdok pa rin sa lamesa. "Pakigising si Mr. Vicente, maaga pa para matulog siya," ani Sir. Ginising si Ardel ng kaniyang seatmate, nang i-angat ni Ardel ang mukha niya ay hindi man lang siya nagulat o natakot na nasa harapan na ang teacher namin, nag-inat pa ito at itinaas ang dalawa niyang kamay. "Show some respect, Mr. Vicente. I said, good morning." Bakas ang pagka-inis sa mukha ni Sir. Walang ganang tumayo si Ardel. "Good morning, sir." "Kapag magpupuyat kayo, panindigan niyo, huwag kayo matulog sa oras ng klase. You may take your seats," ani Sir. Naupo ang lahat. "I want you to group yourself, four groups, 9 members may isang mag-ten." Lumakas ang ingay at bulungan ng mga kaklase ko dahil sa sinabi ni Sir. "Kumuha kayo ng leader, ilista sa 1/4 sheet of paper ang members. I-pass sa akin." "Sir? Ano pong gagawin?" "May reporting po ba?" "Sir? Para saan po ito?" Sunod-sunod ang tanong ng mga kaklase ko pero nanatili akong nakatingin sa kanila at nanonood. "This is your activity for this week. Mag-ro-role play kayo about sa good deeds na na-discuss natin kahapon. Kayong bahala kung anong gagawin niyo basta nagpapakita ng kabutihan. I will give you the whole week to practice on my time, on friday, performance sa dance room." Lumakas ang bulungan ng lahat dahil sa sinabi ni Sir. "Group yourself, now. Ipabilog niyo ang mga upuan niyo para makapag-usap kayo tungkol sa gagawin ninyo, ayoko ng sumisigaw, lower your voices, wala kayo sa bundok." Nagulat ako nang lahat sila ay inurong ang kanilang upuan. Ako lang ang hindi kumilos. Kinakabahan ako, wala akong kagrupo. "Group 1, 2, 3 and 4," ani Sir sabay turo sa mga nakapabilog. "Kulang kami ng isa, Sir," ani Gale. Napatingin sa akin si Sir. "Do you have a group, Ms. Melendez?" tanong nito. "W-Wala pa po, Sir." Tinuro ni Sir ang grupo nila Gale. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang naroon si Ardel. "Ilista niyo na sa inyo si Ms. Melendez." Binuhat ko ang upuan ko papunta sa kanila. Nang makaupo ako ay narinig ko ang bulungan ng dalawa kong babaeng kaklase. "Bakit sa atin 'yan? Anong matutulong niyan?" "Kaya nga, hindi nga marunong um-acting 'yan." Napayuko ako, alam kong ako ang pinag-uusapan nila. "So, ganito ang naisip ko, mayroon tayong three scenes na gagawin," ani Gale dahilan para makuha ang atensyon namin. Mukhang siya ang leader, isa siya sa running for honors. Matalino sila, matalino rin naman ako pero sa written works lang, hindi sa ganito. "Basketball tayo mamaya, practice para sa laban--" ani Ardel kay Jayson na katabi ko. "Tumahimik ka nga, Ardel. Makinig ka naman," iritang sabi ni Gale. Dumukdok muli si Ardel sa arm chair niya at nagpatuloy sa pagsasalita si Gale. "May scene tayo about sa, isang student na madaming dala tapos mahuhulog lahat ng dala niyang books, then may tutulong sa kaniyang mga estudyante. Sinong bubuhat ng madaming libro at ibabagsak?" tanong ni Gale. Lahat sila at tumingin sa akin. "Si Mav, mukha naman siyang mahina e'," ani Cyril. Napatingin ako sa kanila. Napalunok ako ng ilang beses dahil sa kaba, sanay naman akong minamaliit nila pero may kurot pa rin sa puso ko. Simula't sapul, mahina ang tingin nila sa akin. "Okay, noted. Role na ni Mavis ang pagbuhat. Kailangan ko ng isang tutulong sa kaniya---" Nagulat ako nang itaas ni Ardel ang kamay niya. Napatingin ang lahat kay Ardel at tila ba gulat ang mukha ng mga ito. "Pupulutin lang naman yung libro, 'di ba? Wala akong sasabihin?" tanong ni Ardel at inangat ang kaniyang mukha. "W-Wala naman--" "Okay na sa akin 'yon. Walang aagaw, ayoko ng madaming gagawin at sasabihin, nakakatamad," aniya at naghikab. "O-Okay, so let's proceed. Next na naisip ko is about sa pagbe-bless, sinong gaganap na matanda then may mga students na magmamano." Nagtaas naman ang ilan kong kagrupo, napayuko ako. Mukhang hindi ko magagawa ng maayos ang scene ko kung kasama ko si Ardel. Naalala ko pa noong nakagrupo ko siya sa reporting, halos maihi ako sa kaba. ****************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD