Mavis Nhea's P. O. V.
Nakatitig ako sa activity sheet na binigay sa amin ni Sir, this is about values. Halos maiyak ako sa last question na essay type.
"What is your purpose in life?" pagbasa ko.
How am I supposed to know that kung iyon nga ang iniiyak ko palagi, dahil hindi ko alam. Paano ko masasagutan 'to? Should I cry, iyon na lang ang sagot ko, luha ko.
"Times up! Pass your papers," ani Sir.
Napaawang ang labi ko at nataranta sinumulan kong idikit ang ballpen ko sa papel. Pilit akong umiisip ng pwede ko isulat rito, this is ten points! Wala man lang akong maisulat, values na nga lang babagsak pa ba ako?
"Miss Melendez, ikaw na lang ang hindi nagpapasa," ani Sir.
Napaangat ako ng tingin. Nag-init ang mukha ko nang makitang lahat ng kaklase ko ay nakatingin na sa akin. Nagsimulang manginig ang kamay ko nang lumakad papalapit sa akin si Sir.
"Pass your paper."
Wala akong nagawa. Kinuha ni Sir ang papel sa table ko at isinama sa mga papel ng mga kaklase ko. Lumakad si Sir patungo sa harapan sa tapat ng pisara at ngumiti sa aming lahat.
"This is all for today, see you tomorrow, goodbye."
Tumayo ang mga kaklase ko pero ako ay nanatiling nakayuko habang nakaupo sa aking upuan.
"Ang hindi ko maintindihan, ayaw ni Gale makagrupo si Sofia," rinig kong bulong ni Katherine.
Napaka-chismosa talaga ng mga kaklase ko, kapag naman nag-chismisan ayaw hinaan mga boses nila.
"Si Ardel?"
Napatingin ang lahat nang may isang babae na naka-senior high school uniform ang kumatok sa classroom namin. Mabilis na tumayo si Ardel.
"Miss mo 'ko agad?" ani Ardel dahilan para mag-ingay ang mga kaklase namin.
Sino ang senior high school student na ito? Hindi ko alam kung may bagong girlfriend si Ardel, hindi kaya siya ang bago niyang kalandian?
Pinanood kong lumakad si Ardel papalapit sa babae. Pumamewang ang babae at naglakad, sumunod naman si Ardel sa kaniya hanggang sa tuluyan na silang nawala sa paningin ko. Kinuha ko na lamang ang notebook para sa susunod naming subject.
Pagbalik ni Ardel sa classroom ay nakatingin sa kaniya ang lahat. Nakasimangot si Ardel habang naglalakad siya patungo sa kaniyang upuan.
"Anong nangyare?" tanong ni Kenneth.
"Wala, hindi ko rin girlfriend 'yon, huwag niyo 'ko asarin sa kaniya," ani Ardel.
Napabuntong hininga ako. Mabuti na lang at hindi niya girlfriend iyon.
****************
Lunch break, habang nakapila ako sa canteen para bumili ng lunch ay bigla na lamang sumingit sa harapan ko sila Ardel kasama ang mga barkada niya. Naapakan ni Ardel ang paa ko agad siyang tumingin sa akin. Napalunok ako at umatras.
Hindi man lang siya nag-sorry sa akin.
"Sino ba yung babae kanina?" tanong ni Kenneth.
"Pinsan ko 'yon, sa father side. Huwag niyong gagalawin 'yon, papatayin ko kayo," ani Ardel.
Nakatingin lang ako sa kaniya kahit likod lang ang nakikita ko ay sobrang angas niya tignan. Ang bango rin ng pabango niya, amoy na amoy ko ngayon dahil magkalapit lang kami.
Nang matapos akong kumain ay nag-announce ang una naming subject teacher ng 1 pm na hindi siya makakapasok sa amin today. Lahat ng kaklase ko ay lumabas ng room at naiwan ako sa loob. Bigla namang dumating ang teacher namin sa Values. Nagulat siya nang makitang walang tao sa classroom.
"Miss Melendez?" tawag ni Sir.
Tumayo ako.
"Yes, Sir?"
"Ikaw na ang magpamigay ng mga 'to sa mga classmates mo tutal mga wala sila."
Lumapit si Sir sa akin. Nilapag niya sa lamesa ko ang mga papel.
"Yes po," ani ko.
Ilang sandali lang ay lumabas na siya. Ako naman ay sinumulang ilagay sa mga lamesa nila ang mga activity nila. Ang daming naka-perfect. Sigurado ako na mababa ang score ko dahil hindi ko nasagutan ang last part.
Nang makita ko ang pangalan ni Ardel ay napatingin ako sa score niya.
"20 over 30..." bulong ko.
Tinignan ko ang essay niya. Wala siyang sagot sa what is your purpose in life. Pero lahat ng mga naunang tanong ay tama ang mga sagot niya.
Nang ilagay ko sa lamesa ni Ardel ang activity sheet niya ay bigla kong nakita ang pangalan mo sa papers.
"Magkasunod lang kami?" bulong ko at bahagyang napangiti.
20 rin ang score ko, wala rin akong sagot sa essay. Napansin ko naman na 20 ang lowest. The rest ay 20 na pataas.
Pinagpatuloy ko na ang paglalagay ng mga activity nila sa kanilang mga tables saka ako lumabas ng classroom, nakita ko ang ilan sa mga kaklase ko na nakatambay sa cafeteria.
Naglakad ako patungo sa rooftop ng building, hindi mainit sa taas ng building namin dahil sa building na katabi pa namin na siyang sumasangga sa sinag ng araw. Lumakad ako patungo sa mga sirang upuan na dito tinambak sa rooftop.
Kinuha ko ang isang upuan na sira ang arm table. Naupo ako roon at tumingin sa langit.
"Kailan mo po ba ibibigay sa akin ang life purpose ko?" tanong ko.
"Bawal magdrama dito, lumayas ka."
Mabilis akong napatayo nang marinig ko ang boses ni Ardel. Pagharap ko sa kaniya ay nakita ko siyang may hawak na sigarilyo, humihithit ito habang nakatingin sa akin.
"B-Bawal manigarilyo dito sa school," kinakabahan kong sambit.
"Bawal lang kapag nahuli ka na," aniya.
Napayuko ako. Nagsimulang mamawis ang palad ko, hindi ko na alam ang gagawin ko, matinding kaba ang nararamdaman ko ngayon.
"Subukan mo 'ko isumbong, tatalon ako dito," aniya at biglang lumakad patungo sa railings.
Sa sobrang takot ko ay mabilis ko siyang hinabol. Niyakap ko siya patalikod.
"HUWAG!" sigaw ko.
Nagulat ako nang bigla niya akong tinulak. Napaupo ako sa simento habang siya ay nakahawak sa railings.
"Tanga ba ako para gawin 'yon? Tatalon ako rito dahil sa 'yo? Ang bobo mo talaga."
Binitawan niya ang sigarilyo na hawak niya at saka inapakan ito. Napalunok ako ng ilang beses.
"Sa susunod huwag ka nang aakyat dito."
Naglakad siya at iniwanan akong nakaupo sa simento. Napayuko ako habang paulit-ulit kong naririnig ang boses ni Ardel at ang kaniyang sinabi na masasakit na salita sa akin.
***********************