Mavis Nhea's P. O. V.
Pag-uwi ko ng bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko para magbihis na. Nagtanggal ako ng sapatos at naupo sa dulo ng kama ko, kinuha ko ang aking cellphone saka binuksan ang social media accounts ko para mag-check ng balita.
"ATE MAVIS!" sigaw ng kapatid kong si Faith.
"Oh? Pasok ka," ani ko sa kaniya.
Pumasok siya ng tuluyan sa kwarto ko at bakas ang ngiti sa kaniyang labi, tila ba excited ito ngunit hindi ko alam ang dahilan. Naupo siya sa tabi ko at hinila ang braso ko.
Yumuko ako ng bahagya, dinikit niya ang bibig niya sa tenga ko.
"May secret sila Mommy," aniya.
Napakunot ang noo ko, ang kulit talaga ng batang ito. Kung ano-ano naririnig kala Mommy.
"Ano naman?" tanong ko dahil curious din ako kung anong narinig niya mula kala Mommy.
"Buntis si Mommy, magkakaroon na tayo ng new sibling," aniya at napatakip ng bibig sabay tawa ng mahina.
Napakunot ang noo ko, may parte sa akin na ayokong maniwala. Wala naman na sa plano nila Mommy na sundan kami pero hindi imposible na magkaroon pa kami ng kapatid.
"Paano mo nalaman 'yan?" tanong ko.
"Narinig ko si Mommy, nasa kitchen sila ni Daddy ngayon. Mommy wants manggo, kumain nga po kami kanina."
Napatakip ako ng bibig. Posible nga ang sinabi ni Faith, naglilihi na si Mommy? That's why they tried to have pregnancy test?
"Kailangan ko ng assurance, tara."
Tumayo ako at nilahad ang kamay ko sa kaniya. Kinuha niya ang kamay ko at nakangiti ito habang naglakad kami palabas ng kwarto.
Habang naglalakad ako kami pababa sa hagdanan ay narinig ko ang tawa ni Daddy. Binilisan pa namin ang pagbaba sa hagdanan dahil na-excite ako sa surpresa nila.
"Huwag muna natin sabihin kay Mavis, mabibigla 'yon. Matagal pa naman."
Napahinto ako sa paglalakad, gayon din si Faith. Nagkatinginan kami ni Faith dahil narinig namin ang sinabi ni Mommy. Tungkol ba iyon sa pagbubuntis niya?
"Wait lang, dito ka lang," ani ko kay Faith.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pinto ng kitchen. Nakabukas ito kaya sumandal ako sa pader, sapat para marinig ko ang boses nila.
"If we tell her, mas magiging ready siya," ani Dad.
"What if mag-disagree si Mav?" tanong ni Mommy.
"Well, wala siyang choice. If we told her right away, maybe mapo-process ang pagtanggap niya," ani Dad.
Why are they talking about me?
"I hope so she'll understand..." bulong ni Mommy.
"What if no? Sino ba namang may gusto ikasal ng maaga," ani Dad.
Nanlaki ang mga mata ko. Bakit kasal ang pinag-uusapan nila?
"We can't keep a secret like that to her, but we also don't have a choice."
Nakarinig ako ng tunog ng upuan, ilang sandali lang ay natahimik sila. Bigla na lamang lumabas si Mommy sa kitchen. Halos mapatalon pa siya sa gulat nang makita niya ako.
"A-Anak? Nandito ka na pala?" tanong niya.
"Nandito na si Mavis?" gulat na sambit ni Daddy at lumabas rin ng kitchen.
Gulat ang dalawa na napatingin sa akin. Hindi ata baby ang secret nila kundi ang kasal, o parte doon ang baby?
"M-Mav... N-Narinig mo ba?" tanong ni Daddy.
Tumango ako.
"We must tell her," ani Mommy.
"Yes, Mommy. Dapat niyo pong sabihin sa akin lahat," ani ko.
"We're so sorry, anak... It's about the promise, the deal we made due to our friendship. Noon pa man, napag-usapan namin ni Camille na ikakasal namin ang magiging anak namin, but things got rough at nawalan kami ng contact sa isa't isa. She's now asking for it, she called us. Uuwi raw siya ng Pilipinas para i-settle ang plano. Namatay ang asawa niya, ilang taon na ang nakakalipas, she's now managing their business alone and she needs help."
Napatitig ako kay Mommy habang nagku-kwento ito.
"Ano pong ibig sabihin ng deal, papayag kayo na ikasal ako sa anak niya?" tanong ko.
"Anak, they are good persons--"
"Mommy, alam ko po 'yon pero hindi po ba may rights ako pumili?" tanong ko.
"Yes, pero baka naman magustuhan mo rin ang anak niya, I swear, gwapo ang anak ni Camille. I know his name, it's Ardel Jake Vicente," ani Dad.
Para bang nanindig ang tenga ko sa pangalan na narinig ko. Nanlaki ang mga mata ko. Kahit kailan ay wala akong alam sa magulang ni Ardel.
"Kilala niyo ang magulang ni Ardel Jake Vicente?" tanong ko.
"She's my bestfriend, anak," ani Mommy.
"Kilala mo ba si Ardel Jake?" tanong ni Dad.
Dahan-dahan akong tumango.
"That's good! How did you know him?" tanong ni Dad.
"He's my classmate," bulong ko.
Agad na napangiti sila Mommy at Daddy.
"That means close kayo?" tanong ni Mom.
Umiling ako.
"It's okay if not. But will you please accept the marriage?" tanong ni Dadd at hinawakan ang balikat ko.
"I wholeheartedly accept it, Dad."
*****************
Ardel Jake's P. O. V.
Nakatitig lang ako sa gate ng bahay namin. Ayokong pumasok sa loob dahil alam kong naroon ang taong kinaiinisan ko. Kinausap ako ng pinsan kong si Vhinina, mas matanda siya sa akin ng dalawang taon, senior high school na siya. Sinabi niya sa akin na uuwi si Mommy, nabanggit daw iyon ng Mommy niya sa kaniya kaya agad niyang pinaalam sa akin. Mabuti na lang at mabait si Vhin sa akin.
Ayoko siyang makita, limang taon si Mommy sa ibang bansa at noong narito siya sa Pilipinas ay walang nangyare kundi ang magbangayan kami, pagalitan niya ako, saktan. Ako naman ay walang ginawa kundi takasan siya. Pero kahit anong takas ang gawin ko, narito pa rin ako sa poder niya. Aaminin ko naman na hindi ko kayang tumayo sa sarili kong paa, wala akong pera.
"Sir Ardel!" sigaw ni Yaya nang makita niya ako sa labas.
Yumuko ako at akmang lalakad na pero narinig ko ang boses ng babaeng kinamumuhian ko.
"ARDEL JAKE!"
Nilingon ko siya. Tumatakbo ito palabas ng bahay. Lumakad ako at hindi siya pinansin.
"Bumalik ka dito, Ardel!" aniya.
Dahil naka-heels ito ay hirap na hirap siya sa pagtakbo. Bigla kong narinig ang sigaw niya.
"Ma'am Camille!" sigaw ni Yaya.
Paglingon ko sa kaniya ay nakaluhod na ito sa kalsada. Napapalingon sa amin ang ilang motor na dumadaan. Tinitigan ko siya.
"Kung hindi ka umuwi, hindi ka madadapa," ani ko.
"Kung hindi ka nagpapahabol! Hindi kita hahabulin!" sigaw niya.
Napabuntong hininga ako. Magsisimula na naman kami, nakakasawa na.
********************