Part 3: Lola's Boy

2249 Words
The Soldier And I Book 3 AiTenshi Part 3: Lola's Boy "Ganon? Eh kung ganyang kadugo ang mga high rank mission, hindi dapat SF unit ang tawagin nila kundi yung mga Avengers! Pwede rin yung League Of Angels o Justice League. Alam mo friend hindi ko pinangarap na humarap sa mga ganyang uri ng misyon. Okay na yung naging robot ako sa metal war at naging muse sa Cival War sa Syria. Ayoko ng ganyang mga kababalaghan dahil baka mabuang na ako ng todo." ang wika ni Ed habang abala ito sa pag ddrive. "Itong malaking peklat ko sa tiyan ay remembrance ng misyon natin sa metal war. Sadyang sinuwerte lang tayo doon kaya buhay pa tayo hanggang ngayon. Ang sabi sa akin ni Bryan ay considered iyon as High Rank Mission." ang sagot ko sa kanyang habang nakatanaw sa paligid ng siyudad. "Tingnan, doon pa nga lang ay halong matigbak na tayong lahat. Ah basta kawawa yung mga bagong recruit sa SF unit ngayon. "Love and Peace" pa kuno ang theme nila e isasabak lang naman sila sa deadly na misyon. Dapat palitan iyon, dapat gawin "Rest in Peace!", Iyon ang tama." ang sagot ni Ed dahilan para matawa ako. "Sira, wag mo ngang babuyin yung SF unit dati tayong parte noon." "At wala na sa ating ang babalik! Ikaw Adel ha, kapag bumalik ka don, naku ewan ko nalang sayo." ang wika nito na gigil na gigil. "Eh teka nga, saan ba tayo pupunta? Dont tell me seryoso kang sunduin iyang anak mo? Hindi kaya magalit yang nanay mo dahil kagabi lang nila hiniram si Angelo tapos ay kukunin mo na agad? Atat kang mother ha." ang pang aasar ni Ed. "Hindi ko naman kukunin si Angelo, ipapasukat ko lang itong bagong uniform niya at kung maliit ay pwede nating ipa repair." ang sagot ko. Alas 10 ng umaga noong makarating kami sa aming bahay, i mean sa bahay ko dati noong di pa kami bumubukod ni Bryan. Naalala ko pa noong nag decide ako umalis ay halos isumpa ako ni mama dahil ayaw niya kaming umalis. Isang linggo rin itong umiiyak at tawag ng tawag sa akin na umuwi na ako dahil hindi raw maganda ang pakiramdam niya at para siyang mag kakasakit. "Alam mo naman yang nanay mong look a alike ni Gloria Diaz ang gusto niya ay dito lang sa kanya itong si Angelo. Im sure hindi niya magugustuhan na makita ang mukha natin dito." ang bulong ni Ed bago kami bumaba ng sasakyan. "Oh, you're here! Thursday ngayon Adel, wala ka bang pasok?" ang bungad ni mama noong makita namin itong nakaupo sa labas habang kumakain ng lansones. Humalik ako sa kanyang pisngi at si Ed naman ay nag mano. "Looking good tita ha, saan po ang kasal?" biro ni Ed dahil naka bestidang puti mama na may mga burda. "Pambahay ko lang ito mga bes, teka ba kayo nandito?" tanong ni mama. "Ah ma, kasi dala ko itong uniform ni Angelo, idadaan ko kasi sa repair shop kung sakaling maliit na." ang tugon. Kinuha ni mama ang mga uniform at sinuri ito. "Malaki pa to, alam niyo kung bakit? Dahil yung apo ko ay namamayat dahil hindi niyo siya pinapakain ng masasarap na pag kain puro gulay at kung ano anong isda ang pinapakain niyo. Nakaka awa talaga ang apo kong iyan dahil sabik na sabik sa mga masasarap na foods. At iyang si Bryan ha, mag tutuos kaming dalawa." ang masungit na wika ni mama. "Frenny sabi ko sa iyo e beast mode si mudrabels mo kapag si Angelo na ang usapan. Di mo siya masisisi dahil palaking lola iyan." ang bulong ni Ed. "At anong binubulong bulong mo dyan Emilio? Para kang bubuyog." ang masungit na puna ni mama. "Ay wala po tita, naisip ko lang po na mas maganda kung may pink na shoul yang dress niyo at dapat medyo naka tumpok ng kaunti ang buhok niyo." ang sagot ni Ed. "Huwag mo nga akong lokohin. Lalong lumalaki ang katawan mo at nag mumukha kang wrestler." pag basah ni mama sa kay Ed. Literal na nabasag si Ed na parang salaming binato ng matigas na bagay. "Ouchh, ikaw tita ha may baon kana ring ganyan ngayon." pag mamaktol nito. At habang nasa ganoong posisyon kami ay nakita ko si Angelo na palabas ng sala, hinahabol naman siya ni Papa at parang masaya silang nag lalaro. Halos si papa noon ay napaka seryoso sa buhay ngayon ko lang siya nakitang masayang masaya at naka ngiti. Kaya naman halos malibang ako habang pinag mamasdan ko sila. Walang kumakausap kay papa noon lalo kapag naka suot siya ng uniporme ng sundalo. Kahit ako ay natatakot rin pero ngayon ay iba ang sitwasyon dahil pareho na silang masaya ni mama. Habang palapit ng palapit si Angelo ay nakikita ko ang dusing nito ito sa mukha, ang bibig ay para isinubsob sa chocolate cake at habang tumatakbo ay may hawak itong baril sa kaliwang kamay at isang mahabang tobleron sa kanang kamay na kanyang kinakagat humahakbang. Ang tiyan ay malaki na parang bundat na bundat na hindi mo malaman. "Alam mo kung hindi lang gwapo yang anak niyo, iisipin ko butete iyan na tumatakbo sa isang magandang bahay na may malaking swimming pool." "Papa!" ang pag tawag ni Angelo kaya naman ngumiti ako at agad na niyakap ito. "Bless po ninong." ang wika ng bata sahod ng kamay kay Ed. "Jusko, iba ang turo ni Bryan sa mga anak niya ha, pag ka bless matik na pera agad." ang bulong ni Ed sabay dukot ng pera sa bulsa. "O ayan, 20 pesos, ang bata hindi nag pepera ng malaki okay." "Kuripot talaga si Ninong." ang bulong nito dahilan para matawa kami. Agad kong kinunasan ng tissue ang kanyang bibig. "Ano bang kinain mo?" ang tanong ko. "Cake po, madaming madaming cake." ang mamalaki ng bata kaya napa ngiwi ako at napaharap kay mama. "Ma, Pa. Bakit pinapakain niyo ng madaming cake at matatamis si Gelo? Baka masira ang ngipin niya. Ayaw ni Bryan na pinapakain siya ng sobrang sugar." ang wika ko. "Yan nanaman asawa mong magaling ang masusunod? Sabihin mo sa kanya ay mag haharap kaming dalawa. Saka kaya naman pala parang ngayon lang naka kita at nakatikim ng cake si Angelo ay hindi niyo pala pinapakain nito. Napaka inosente at halos iwan na iwan sa ibang bata. Awang awa ako sa apo ko na iyan dahil sa pag hihigpit niyo ay hindi na kompleto ang pagiging bata niya." ang naiiyak na wika ni mama. "Pa, bakit hinahayaan mo si mama na pakainin ng cake si Angelo? Baka lalong sumakit ang ngipin niya." "Ang papa mo ang bumili ng cake at naaawa sa bata." ang sagot ni mama. Samantalang si papa ay pumito lang na kunwari ay walang alam. "Aba, labas ako dyan." ang inosenteng pag tanggi niya. “Ma, ang laki laki ng tiyan ni Angelo, nabundat yata kaka kain. Baka naman pinapabayaan niyo siya sa kusina.”  ang reklamo ko dahilan para mapakunot ng noo si mama. “Tumigil ka ng Adelito, noong bata ka ay pinapabayaan kita kumain ng kahit ano, gabi gabi kang inuuwian ng papa mo ng cake at chocolate dahil ayaw naming maging mangmang ka sa lasa nito. Noong bata ka ay hindi kita tinitipid sa pag kain kaya wala rin kayong karapatang tinipirin ang bata, kinakawawa niyo lang siya at pinag mumukhang inosente sa lahat ng bagay. At paki dyan sa asawa mong si Bryan na huwag niya ako hahamunin..” ang galit na sermon ni mama.   Napabuntong hininga nalang ako at napatingin kay Ed. “Ano ka ba, umispluk na tayo, baka maya maya ay lalo pang maging beast mode yang nanay mo.” ang bulong nito.   “Eh, pwede ko na ba isama si Angelo pauwi?” tanong ko habang na naka ngiti. “Hindi dahil may lakad kami mamaya ni Angelo, ipapasyal ko siya sa Toy Palace at mamimili kami ng maraming laruan at maraming damit. Go ahead Angelo, tell your papa to leave na.” ang wika ni papa.   “Bye papa. Dito muna po ako kila lola e.” ang sagot nito dahilan para mapangiwi ako na siya naman inginiti ni mama na parang isang kontrabida sa telenovela. “Ano ka ba frend, lola’s boy yang anak niyo. Wala kang laban diyan. Ang mabuti pa ay umispluk na tayo.” ang bulong naman ni Ed   At iyon nga set up, umalis nalang kami ni Ed at hindi ko rin nagawang bawiin si Angelo kila mama. Kung sa bagay kapag nasa misyon kami ni Bryan ay talagang sina mama at papa na ang nag alaga sa kanya kaya’t talagang magiging malapit ang loob niya dito. Wala tuloy akong nagawa kundi idaan nalang ang uniform ni Angelo sa kaibigan kong mananahi at palakihan ito. “Nga pala, kamusta naman yung anak mo?” tanong ko kay Ed.   “Ayos naman, iyakin, ayaw tumigil sa pag iiyak hanggang di nasusunod ang gusto. At ang nakapag tataka ay natutuwa ito kapag nakikita niya yung mga baril ko sa SF unit. As in galak na galak siya tapos kapag naman nakikita niya yung mga collection ko ng Barbie at brats girl ay naiinis niya at sinisipa niya ang mga ito. Alam mo friend ayokong itanong sa iyo ito kasi mag dadala itong too much confusion sa isip nating dalawa.” ang wika niya habang nag lalakad kami.   “Confusion? Ano namang tanong iyan?” pag tataka ko.   “Alam na kaya ng baby kung tomboy sila o bakla ang kalalabasan nila pag laki?” wirdong tanong niya dahilan para mapakunot ako ng noo. “Wala pang mga isip iyon kaya hindi nila alam iyon. Ikaw nga diba? Grade 3 mo na nalaman na nahindi ka mahilig sa babae. Na gusto mo lang silang gawing muse sa laro niyong sagala-sagalahan. At grade 4 ka noong madiskubre mong may crush ka kay Totoy na nakasabay mong maligo sa ilog ng hubot hubad. So meaning noong baby ka palang ay wala kang kamalay malay.   Teka nga, bakit ba kasi? Anong mayroon sa tanong mo?” pag tataka ko. “Eh bakit mas gusto ni Quinn ang baril kaysa doon sa Barbie collection ko?” tanong ni Ed   “E siguro kanya kanyang hilig ang mga bata. Bakit si Angelo mas gustong pag laruan ang mga baril kaysa sa mga educational tools na ibinibigay ko sa kanya? Alam mo huwag mo na ipressure at isstress ang self mo sa mga bagay na wala naman tayong control. Hayaan mo silang maging bata at gawin ang lahat ng gusto nilang gawin.” ang wika ko habang naka ngiti. “Kung pangarap ni Quinn na maging sundalo ay pabayaan mo siyang tuparin ang gusto niya. “NO! Si Quinn itinadhana para maging isang Beauty Queen at gagawin ko lahat para matupad iyon.” ang pag pupumilit niya sabay tapak ng sasakyan kaya tumakbo kami ng mas mabilis pauwi.   KINAGABIHAN..   “O, kamusta ang lakad niyo ni Ed? Kasya pa ba kay Angelo yung uniform niya?” tanong ni Bryan sabay abot ng sobre sa akin para sa gastusin sa bahay. “Medyo maliit na yung uniform kaya idinaan ko nalang doon sa sastre para mairepair. Okay naman si Angelo doon, masyado lang iniispoiled nila mama at papa.” ang sagot habang nag hahanda ng hapunan.   “Mabuti naman kung ganoon, nakaka pagod. Buti nalang day off bukas.” Tugon niya sabay bagsak ng katawan sa sofa. “Nakatanggap ako balita mula sa mga nag ttraining under SF unit. Start na daw kahapon pa ang pag susulit at medyo madugo ito. Dalawa sa sundalong pinadala namin ni Francis ang bumagsak dahil hinimatay ang mga ito.”   “Hinimatay saan?” tanong ko naman na naka kunot noo.   “Wala naman kasi nag expect na ang unang pag susulit ay sky diving.” ang wika ni Bryan. “O, masarap mag sky diving, kami nga ni Ed nag share pa sa isang parachute. Naalala mo iyon? Para tayong cast ng Kings Man doon.” ang tugon ko habang inaalala ang team building ng SF unit.   “Sky Diving sila pero glider ang gamit. Isang espesyal na glider daw iyon na nakabit sa suit na design ni Jack at Agaton. Mula sa 143 na tumalon ay 80 lang pumasok at naka land sa tamang mark. Lima lang sa kampo natin ang pumasa. Ngayong araw naman daw ay underwater ang kanilang gagawin kaya’t nag hahanda na sila.” Paliwanag ni Bryan na parang na stress.   “Hala, bakit naman gagawa ng ganoon kapanganib na examination sina Agaton?” ang pag tataka ko   “Kasi abnormal si Agaton, anong aasahan natin wala naman alam iyan dahil hindi naman siya dumaan sa proper training bilang sundalo. Dating high class  na terorista lang iyan na naging bayani kuno sa Heat Island kaya hinawakan ng SF.” ang asar na wika ni Bryan   “Alam mo huwag mo na isipin iyon, sasakit lang ang ulo mo. Sandali ikukuha kita ng tsinelas.” Tugon ko sabay lingkis ng aking kamay sa kanyang braso. “Okay ka lang ba? Alam niyo, na p-pressure lang kayo ni Francis dahil gusto niyong patunayan kay Agaton na best pick ang mga nasa kampo natin. Pero hayaan mo na iyon dahil labo labo na iyan kapag nag pilian. Medyo tumaas lang kasi ang standard ngayon lalo’t high rank mission ang pinag hahandaan ng SF unit. Kung ordinaryong giyera o terorismo lamang iyan ay baka lahat ng entry ng camp natin ay nakapasok.” ang wika ko habang na ngiti.   Alam ko naman yung pressure nina Bryan at Francis dahil silang dalawa ang pinaka mahusay na member ng SF unit noon.  Si Francis ang madalas rank 1 sa lahat ng examination at saksi ako dito. Samantalang si Bryan ay magaling sa lahat ng bagay kaya’t automatic na mataas agad ng rank niya sa squad. Halos marami rin kaming napag tagumpayang misyon at assignment sa mga nag daang taon, siguro panahon para mag pahinga kami at iasa ang aming seguridad sa mga bagong members ng SF unit.   Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD