Part 2: Sa iisang silong

2282 Words
The Soldier And I Book 3 AiTenshi July 28, 2020   Part 2: Sa Iisang Silong "Kamusta lakad niyong mag ama?" tanong ko noong dumating sina Bryan at Angelo galing sa pag lilibot. Masayang masaya ang aming anak habang hawak ang makulay na baril na shot gun at naka suot pa ng pansundalong sapatos at pantalon.  Sobrang iniidolo talaga nito ang kanyang ama. "Alam mo ba tuwang tuwa sa kanya yung mga bagong sundalo sa kampo. Nakaipon ng maraming pera iyan dahil lahat ay binibigyan siya. Ang sabi nila pag dating daw ng 18 years old ni Gelo ay pwede na itong itrain sa Cambodia para maging miyembro ng SF unit" ang wika ni Bryan habang nag aalis ng sapatos. "Miyembro ng SF unit? Hindi pwede. Mag aaral si Angelo at tatapusin niya ito. Magiging isa siyang propesyonal na Engineer, abugado o kaya ay doktor." "Adel, paano kung gusto talaga ni Angelo na maging sundalo kagaya natin? Kokontrahin mo ba yung pangarap ng anak mo?" "Gustong maging sundalo at ilagay sa alanganin ang buhay niya katulad ng nangyari sa atin ng ilang beses? Doon sa Syria ang akala ko ay patay kana! Doon sa Metal Island ay nabihag kayo ay ginawang parang robot! Ayokong maranasan ni Gelo ang ganoong uri ng misyon. Mag sundalo siya pero hindi sa SF." ang masungit kong tugon. Naupo si Bryan sa akin tabi. "High blood kana naman. Ganito lang kung anong gusto ni Angelo ay iyon ang sundin natin, ayos ba iyon?" tanong  nito. Tumango ako bilang tugon. Habang nasa ganoong posisyon kami ay biglang lumapit sa akin si Angelo at saka ako sinuntok sa tiyan. "Bawal mag away!" ang wika nito. "Arekup, hindi naman kami nag aaway." ang tugon ko sabay yakap sa kanya. "Sino nag turo sayo para manuntok?" tanong ko. "Si Papa at sila tito Francis." ang wika nito. "Naku, bad iyon ha, huwag kang manununtok ng mga classmates at mga friends mo ha. Ayos ba iyon?" tanong ko habang naka ngiti. "Ang sabi ni papa kapag inaapi ka at parating binubully ay lalaban ka at uupakan silang lahat. Kaya yun po ang gagawin ko." ang sagot nito. Siniko ko si Bryan "mag uusap tayo mamaya Bry." ang bulong ko habang naka kunot noo. Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pag bukas ng pinto at dito ay dumating sina mama at papa dala ang maraming grocery at kung ano ano pang shopping bags. "Nasaan ang apo ko?" ang bungad nila, noong makita ito ni Angelo ay agad itong nag tatakbo para salubungin sila. Samantalang kami naman ni Bryan ay tumayo at nag mano kaya mama. Sumaludo rin kami kay papa. Tumayo rin si Angelo sa harap ng aking ama at sumaluro rin ito dahilan para matawa kami.. "Ma, ginagabi yata kayo?" tanong ko. "Galing kami sa meeting ng papa mo, doon sa kapatiran. At naparito kami para sunduin si Angelo. One week kami sa bahay at napaka boring doon pag wala ang aking apo." sagot ni mama. "Pero ma, maraming nakaline up na activity si Angelo sa mga susunod na araw." ang tugon ko. "Pag bigyan niyo ang kaligayahan ng mama niyo. Minsan lang namin hiramin si Angelo." wika ni papa sabay buhat sa bata. "Gusto mo bang sumama sa amin ni Lola? Maraming toys doon tapos maraming cars. "Opo, gusto po lolo, ayaw ko dito kasi nag aaway sila papa e. Lagi lagi silang away away." ang pag susumbong ng bata. Napakunot noo si mama. "Tingnan niyo, pati bata ay nakikita ang pag aaway ninyong dalawa. Kapag mag tatalo kayo ay lalayo kayo para hindi na ririnig yung mga sagutan ninyo." "Ma, hindi kami nag aaway, mayroon lang mga bagay na hindi namin mapagkasunduan kaya kami nag kakainisan." katwiran ko. "Oo, saka yung simpleng pag aaway na iyon ay patunay lang na nag mamahalan kami. At dahil nag mamahalan kami ay kailangan naming mag away." ang dagdag ni Bryan "Bakit ba kasi kailangan niyo pang bumukod. Pwede naman kayong bumalik doon." wika ni papa "Mas malapit po ito sa kampo pa, at mas malapit rin sa work ni Adel. Malapit rin sa school ni Angelo." sagot ni Bry. "Oh siya, pumayag naman na itong apo ko, doon muna siya sa bahay at para sa inyo itong mga groceries at mga gamit para hindi na kayo gumagastos. Sunduin niyo na lamang si Angelo doon sa susunod na araw." ang wika ni mama sabay yakap sa bata. At iyon nga ang set up, alas 6 ng gabi noong sunduin si Angelo at isama nila papa pauwi sa aming bahay dati. Kami ni Bryan ang naiwan sa unit. Habang abala ako sa pag luluto ay yumakap ito sa aking likuran at bumulong. "Wala si Angelo, solo kita ngayong gabi." Hinalikan ko siya sa labi. "Kumain na tayo tapos ay maligo kana Mr. Turalba dahil amoy kili kili kana." sagot ko sabay halik sa kanyang labi. "Teka, okay lang kaya si Angelo doon?" "Oo naman, alam mo naman na lola's boy iyon. Sina mama at papa kasi ang nag alaga sa kanya noong nasa misyon tayo." "Kaya nga umiyak si mama at nag tampo sa atin noong kunin natin yung bata para iuwi dito. Feeling ko tuloy ay ang sama sama ko noong mga oras na iyon." ang tugon ko. "Kaya nga kapag hinihiram nila mama si Angelo ay huwag kana mag dadamot. Gusto rin ng mga bata doon. Paano ay natatakot na siya sa bibig mong masungit at walang humpay sa pag sesermon sa aming dalawa." naka ngisi niyang tugon. "Mag sisimula kana naman e. Huwag kang tatabi sa akin mamaya." "Iyon ang hindi pwede." ang tugon niya sabay halik sa akin. Alas 9 ng gabi noong mahiga kami ni Bryan sa aming silid. Napaka tahimik sa buong bahay, kasanayan na kasi naming nandito si Angelo at madalas silang nag kakaladyaan ng kanyang ama na si Bryan dito sa silid. At madalas rin ay mainit ang ulo ko dahil ang trabaho ko ay pulutin ang kalat nilang dalawang mag ama habang nag lalaro. Pero nakaka miss ang ganoon bagay, kasarapan ng pag laki ni Angelo, makulit ito at talagang nakakatuwang alagaan. Tahimik kaming naka upo ni Bryan sa kama habang nanonood ng telebisyon. Habang nasa ganoong panonood kami ay siya namang pag bulaga ng malaking mukha ng reporter na si Cherry Mae sa screen na aming kinagulat. “Alam mo tumataba yata iyang si Cherry Mae. Noong isang araw ay nag live iyan sa f*******: at halos kalahati nalang ang nakikita sa screen ng video niya, ang ending ay binabash tuloy siya ng mga fans niya dahil may triple chin na daw ito.” ang wika ko habang napapangiwing pinapanood ito.   “Maganda yung medyo may laman ng kaunti, mas gusto ko yung katawan mo noong nag karoon tayo ng misyon sa Heat Island, medyo may laman ka pa noon at medyo chubby, masarap yakapin at romansahin. Hindi katulad ngayon napaka payat mo, diba sinabi ko naman sa iyo huwag kana tatanggap ng modeling contract bilang sideline job dahil papa payatin ka lang ng mga iyan. Papakainin ka ng limang pirasong mani sa loob ng kalahating araw, kaya ka hinimatay noon.” ang wika ni Bryan sabay lingkis ng braso sa aking likuran.   REPORT:   “Love and peace! Iyan ang bagong tema ng SF unit noong buksan ang recruitment event kaninang pasado alas 12 ng tanghali. Sadyang hindi biro ang pag hahanap ng mga bagong miyembro ng unit lalo’t mga legend ang kanilang mga papalitan katulad nina Allandel Ramirez at Bryan Turalba. Ang bawat platoon sa iba’t ibang lugar ay ipinadala ang kanilang best of the best soldier para maging miyembro ng bagong circle ng Special Task Force Unit. Ang temang “love and peace” ay isang tribute para mga sundalo at alagad ng batas na nag mamahal at nag papanatili ng kapayapaan para sa bayan.   Samantala kasama natin ang bagong commander ng SF unit na si Sarge Agaton para makapanayam. “Sarge, paano ang preparation na ginawa ng organization para mas mapaganda ang training ng bagong members? Mayroon bang pressure sa organization dahil mahuhusay ang mga nakaraang miyembro?”    “Bilang bagong commander ng SF unit ay nag decide kami na ilevel up ang mga task at challenges ng mga bagong recruit.  Ang mga test ay mahahati sa dalawang aspeto, ang mental at pisikal na siyang susukat sa tunay kakahayan ng isang member. Alam niyo kasi, mayroon mga skill na sundalo na magaling sa hand to hand combat o sa pag hawak ng mga armas at the same time, mayroon rin namang mga members na mahusay sa mga strategical planning at sa pag iisip ng mga taktika para manalo. Iyon ang dalawang mahalagang bagay na hinahanap ng Special Task Force o SF unit. At para naman sa ikalawang tanong mo Cherry Mae, ang sagot ay YES! Malaki ang pressure na kinakaharap ng organisasyon lalo’t ang mga orihinal na miyembro ay talagang mahuhusay katulad nalang ni Sarge Allandel na tinuguriang super sniper, at yung sikat na event kung saan pinasabog niya ang metal tower sa Heat Island. Iyon lang ang ilan sa mga pressure na kinakaharap sa pag hahanap ng new members.” ang paliwang ni Agaton   “Ang gwapo gwapo mo, nakaka inis ka naman!” ang malanding sagot ni Cherry Mae na parang nawala sa sarili sabay tapik sa braso ng commander. “Last question, totoo ba ang usap usapan na kaya tinaasan ang standard ng SF unit ay dahil sasabak na kayo sa mga high rank mission?”   “Sa ngayon ay hindi ko pa masasagot iyan, wala pang inilalabas na order na organization tungkol sa pag tanggap ng mga elite na mission. Pero ang dapat malaman ng mga nonood, ang high rank mission ay malaki ang kaibahan sa ordinaryong misyon lang na pag resolba sa mga gera at simpleng krimen na nagaganap sa paligid. Ang High Rank ay involve ang supernatural phenomenon at ginagawa ito bilang TOP SECRET.” ang paliwanag ni Agaton   “Nakaka inis ka ang gwapo gwapo mo talaga!” ang kinikilig na wika ng reporter dahilan para matawa si Agaton. “At iyan po ang mga nag babagang balita sa mga oras na ito. Ako po ang super reporter na si Cherry Mae Lawit ng ADS CGN! News live! Back you Liza.”   END OF REPORT   “Wow ha, star na star ka kay Agaton buddy ha. Ilang beses niyang binabangit ang pangalan mong Allandel, Yung gagong iyon parang hindi maka move on ah.” ang wika ni Bryan sabay patay ng telebisyon.   Natawa ako. “Binanggit rin naman kayo ni Ed at yung iba pa, huwag mo nang bigyan ng ibang kaluhugan iyon.” ang sagot ko naman sabay kurot sa kanyang ilong na noon ay halatang nag seselos nanaman. “Ang mabuti pa ay huwag na natin pag usapan si Agaton at ang SF matagal na tayong nag quit doon kaya’t mapayapa na ang lahat. Teka, kamusta naman yung mga pinadala mo sa platoon niyo? Sa palagay mo ba ay makaka pasa sila?” tanong ko naman para maiba lang ang usapan.   “Kami ni Francis ang nag training sa kanila, siguro ay malaking edge na malaman nila Agaton na ang nag training sa mga pinadala ng Platoon D ay ex member mismo ng SF, tiyak na may point iyon. Sampu ang pinadala namin, sana ay makapasok sila.” ang sagot ni Bryan sabay bitiw ng malalim na buntong hininga.   “Bakit? May problema ba?” tanong ko sa kanya.   “May narinig ako usapan kila commander general kanina na kapag nabigo ang SF unit na humanap ng bagong miyembro ay sapilitan nitong pababalikin ang mga lumang miyembro, ang pag tanggap sa high rank mission ay hindi lang basta haka haka o tsimis na umiikot sa buong organization. Sa palagay ko ay totoo ito dahil napag alaman ko kay Jack na mayroong bilyong investment at budget ang SF unit sa pag uupgrade ng mag bagong sandata na gagamitin para sa mga high ranking assignments. Sa makatuwid noong mga taong mawala tayo ay ito na ang pinag kaka abalahan nila.” ang paliwanag ni Bryan.   “Hindi ko maunawaan, ano bang mayroon sa mga high rank mission na iyan? Yung civil war sa Syria, yung Heat Island, hindi ba’t iyon ay mga high rank na?” tanong ko na parang naguguluhan.   “Yung Civil War na unang misyon ninyo sa Syria noon ay isang ordinaryong misyon na. Yung Metal War sa heat Island ay maaaring iconsidered bilang isang high rank mission dahil saklaw nito ang mga super natural na ganapan, Sa makatuwid ang HR mission na ito ay saklaw hindi ordinaryong kalaban katulad ng mga makina, mga nilalang na gumagamit ng enhancement sa katawan para maging mga super human o yung mga kaganapan na mahirap hanapan ng solusyon. Ang mga ito ay maaaring ihanay sa HR mission. Alam mo, maraming mga organisasyon sa iba’t ibang bansa ang tumatanggap ng ganitong uri ng misyon, lalo na sa bansang Japan na ang mga members ay mga skilled ninja at mga samurai, sa China naman ay mga skilled kung fu master na nag aaral ng pinaka mataas ng karate at hand to hand combat. Sa United States, sobrang high-tech na ng kanilang mga kagamitan kaya naroon na ang lebel na ang pinag aaralan na nila ay ang humanap ng panibagong Earth para i-terraform. Lahat ng ito ay kabilang sa mga High Rank.” ang malinaw na paliwanag ni Bryan habang ipinapakita sa akin ang mga larawan ng iba’t ibang organisasyon na tumatanggap ng HR mission sa iba’t ibang bansa.   Natahimik ako at napaisip. “Kung ganoon ay swerte ba ang mga bagong recruit na members? O malas sila dahil isasabak sila sa ganito uri ng misyon? Ano sa dalawa?” tanong ko naman.   “Bago sumabak ang mga tauhan ko sa training nila ay ipinaliwanag ko na ang tungkol sa maaaring pag tanggap ng High Rank mission ng SF unit, marahil aware na sila at nakapag handa sa mga posibilidad na maaaring maganap sa kanila.” sagot niya sabay bitiw ng malalim na buntong hininga.   “Paano kung pabalikin tayo?” isa ko pang tanong na may halong pangamba.   “Hindi ko alam ang sagot, basta kung ano man ang mangyari ay dapat naka handa tayong dalawa.” ang tugon ni Bryan sabay yakap ng mahigpit sa akin.   Itutuloy..                                  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD