The Soldier And I
Book 3
AiTenshi
July 29, 2020
Part 6: Tawag ng Kapalaran
"Ma, susunduin namin si Angelo ngayon." ang bungad ko noong tawagan ko si mama sa messenger via videocall.
"Anak, 2 days palang sa amin si Angelo. Saka hindi naman namin siya pinapayabaan. 4 na katulong ang naka bantay sa kanya 24 hours at kasama pa kami ng papa mo. Teka ganyan na ba katanda ang tingin mo sa amin ng papa mo at iniisip mong hindi na namin kayang mag alaga? Napalaki nga kita diba?" ang sagot ni mama.
"Ma, hindi naman sa ganoon. Syempre hinahanap na kami ni Angelo. Saka sabi niyo mag aaout of town kayo ni papa?"
"Hindi kayo hinahanap, enjoy na enjoy siya dito kalaro yung mga bata dito sa subdivision, paano magiging ganap na bata si Angelo kung naka kulong lang siya diyan sa unit niyo? Dito pwede siyang mag basket ball, pwede siyang mag bike, binilhan ko pa siya ng sarili niya complete set ng army toys. At yung papa mo naman bumili pa ng isang malaking kiddie pool para sa kanya. Hindi kami natuloy sa out of town kaya huwag mo kaming alalahanin dito, at kung kagustuhan ng asawa mong pauwiin si Angelo ay hindi kami makakapayag. Paki sabi dyan kay Bryan na mag tutuos kaming dalawa." ang sermon ni mama sabay patay sa call.
Yumakap sa akin si Bryan mula sa likuran. "Anong sabi nila mama?" tanong nito.
"Huwag daw muna kuhanin ni Angelo, pati si papa ay nagagalit daw ipag kakait daw natin sa kanila yung bata na parang hindi sila ang nag palaki nito."
"O sige, sa susunod na araw nalang natin kuhanin si Angelo." ang bulong niya sabay halik sa aking labi.
"Nga pala, balita ko ay nag simula na ang training ng mga bagong recruit na sundalo para makasali sa Special Unit as in yung final examination na. Kamusta sila?" tanong ko.
"Oo, tapos na kahapon ang final examination. 10 sa 4 na sundalo na pinadala ng aking aming camp ang nakalusot pero hindi sila nag qualified para maging front liner sa SF."
"Bakit daw?" tanong ko.
"Dahil tumaas masyado ang standard ng examination na inihanda ni Agaton at Jack. Kaya ang 15 naka pasa ay back liner lamang o yung mga back up lang."
"Bakit naman masyadong tinaasan ni Agaton ang standard? Sira ba siya? Paano sila makakakuha ng bagong member?" tanong ko
"Aba ewan ko, hindi ko kilala iyang si Agaton, hindi bat kayong dalawa ang nag sama sa isla ng Checup noon. Ilang linggo na nga kayo doon?"
"O bakit ganyan naman ang tanong mo Mr. Turalba? Saka tuwing si Agaton ang usapan natin ay para iyan ang issue mo?" tanong ko.
Hindi kumibo si Bryan, umirap lang ito sa akin at nag tungo sa kusina para mag timpla ng kape. Iyan ang hindi ko lubos maunawaan sa ugali niya, pilit niyang inaalam kung ano ang ginawa namin sa isla noon. At hanggang ngayon ay iyon pa rin ang issue niya. Kaya nga may pag kakataon na hindi ko na lang ito pinapansin upang hindi na kami mag kaasaran pa. "At bigla nalang nag babago ang mood niya kapag iyon ang usapan namin." ang wika ko habang nag kakape kami ni Ed sa harap ng bakuran ng aming unit.
"Hindi mo ba nahahalata nag seselos iyang asawa mo. Malaking selos niya kay Agaton, kasi naman halos pareho silang gwapo, matangkad, papabols ang dating at pareho silang may skills sa combat at sa pag hawak ng mga armas. At kaya naman tanong siya ng tanong tungkol sa doon sa isla kung saan kayo nag kakilala ay upang makasigurado na hindi ka inahas o chinurva ni Agaton. Teka tapatin mo nga ako Adel, nachenilyn ka ba ni Agaton doon?" tanong niya Ed
"Anong na chenilyn?" tanong ko yun
"Yung parang na Andrew, Andrew sige pa, sige pa, ummm ahhhhhh ummm ahhhh." ang tugon nya na gumigiling habang tumitirik na mumuti ang mga mata.
"Hindi ah, hindi kami nag ddrugs doon. Saka hindi kami nag paka bangag doon na katulad ng ginagawa mo ngayon."
"Langya naman e! Ang slow mo naman frend e. Hindi drugs yung ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin ay kung na eutification ka ni Agaton doon."
"Sira, nandoon ka rin diba? Walang nangyaring ganoon."
"O baka naman sadyang nag seselos lang si Bryan kay Agaton dahil mas naging star ng pasko si Agaton noong last mission sa Metal Island. At feeling ko ha 3rd runner lang talaga ang beauty ni papa Bry doon." ang hirit ni Ed.
"Ginawa natin yung best natin para manalo doon sa misyon na iyon. Halos ngayon ay naalala ko pa rin yung pag kahulog ko sa gusali na parang epic scene sa isang film." tugon ko at dito ay nag balik sa aking isipan ang mga eskenang iyon.
FLASH BACK
Ang sound wave ng kanta ay unti unti ishinutdown ang power supply ng buong base at kasabay nito ang pag kawala ng kulay pula at berdeng ilaw sa itaas ng tore hudyat na pansamantalang nawala ang harang at security system ng buong base. Mukang tama nga si Aga, ang sound wave ay nag tataglay na virus na pansamantalang nag pahinto sa system ng kalaban. Hindi ko alam kung anong uri ng utak mayroon ang mga taong ito ngunit sila ang nabibilang sa mga tinatawag na gifted at genius. Labanan ng talino at kakayahang makalikha ng bagay gamit ang teknolohiya, mga bagay na comics at pelikula ko lamang nakikita.
Hindi na ako nag aksaya ng pag kakataon. Sinipat ko ang tore gamit ang espesyal sa rifle.
Tuloy pa rin ang musika sa paligid..
Tagaktak ang aking pawis habang ang aking dibdib ay kumakabog sa pangamba na ako ay mag mintis.
"Target Lock." ang bulong ko sa aking sarili sabay kalabit sa katilyo ng baril.
Nag liwanag ang bunganga nito at mabilis na sumibat ang balang kulay pula na animo kumetang gumuhit sa ere..
"BOOM BOOM!!"
Isang malakas na pag sabog ang umalingawngaw sa buong paligid at kasabay nito ang pag sabog rin ng tore..
"Yes!" ang sigaw ko sa aking sarili..
Naputol ang ibabaw ng tore at kasabay nito ang pag tunog ng emergency alarm sa buong paligid..
Ang sumabog na tore ay nag labas ng kakaibang pwersa na tumulak sa akin para mawala sa balanse. At kasabay nito ang pag liliparan ng mga bala na nakaimbak sa loob dito sa ibat ibang direksyon.
Dahil sa lakas ng impact ng pag sabog ay tumilapon ang aking katawan at nahulog ako mula sa gusali. At mula sa aking taas ay umulan ng bala na tumama sa aking braso, balikat, tiyan kung saan saan pa.
Ang aking dugo ay umangat sa ere ngunit hindi ako nag padaig sa kirot. Ginamit ko ang baril na may pang hook upang masuportahan ang aking pag bagsak.
Tuloy pa rin ang musika habang ako ay marahan nalalaglag sa ere..
End of Flashback (Scene from Book 2)
"Ah basta ako, ang hindi ko makakalimutan ay yung exam natin sa Cambodia, doon kasi nag simula ang lahat. Tingnan mo, ayaw na natin maging parte ng SF pero natagpuan nating dalawa ang ating mga sarili na patuloy nag rereminisce ng mga magagandang.ala-ala."
FLASH BACK
Kinabukasan, alas 4 ng umaga noong pumutok ang kwitis sa kampo. Hudyat na ng pag bangon at pila sa ground. Lahat kami nag jogging paikot sa buong kampo at bago pa man tuluyang sumikat ang araw ay naganap ang unang pag susulit ng mga recruit. Hindi namin ito inaasahan kaya't ni warm up ay hindi namin nagawa.
COMMANDER: Ngayon ay ang unang araw ng inyong pag susulit, marahil ay hindi kayo handa ngunit dito natin malalaman kung gaano katatag ang inyony pisikal na pangangatawan. Tatawirin ninyo ang mahabang obstacle course na iyan, mula sa wall climbing, pag kapit sa lubid, baras, pag gapang, pag talon at pag langoy. Basic lamang ito ng inyong training kaya't patunay ninyo na kayo ay karapatdapat.
Ang inyong ranking ay depende sa oras kung gaano ninyo kabilis natapos ang mga buong course. Sa dulo nito ay may mga nag aabang na timer kaya't hindi magiging problema ang total ng inyong oras.
HANDA NA!!!!! SIMULAN NA!!!
Sabay putok ng kwitis hudyat ng pag sisimula ng unang challenge.
Nag simulang mag takbuhan ang mga recruit, kanya kanyang deskarte ang lahat.. Hindi maaring mandaya kasi ay maraming nakabantay na sundalo sa bawat courses kaya't walang ibang pamimilian kundi ang bumitin, gumapang, at tumulay sa kawayan. Sanay naman kami ni Ed sa mga course na ganito dahil kapag isinasama kami ni Bryan sa kampo ay sinusubukan namin ang mga courses doon, iyon nga lang ay mas triple ang haba at luwang nito kaya't nakakahingal.
Basic lamang ito ngunit pakiramdam ko ay kakapusin na akong pag hinga. Gayon din ang iba na nag kakalaglag pa sa pag aapura. Ginagawa ko ang best ko at syempre ay ganoon din si Ed. Wala kaming paki alam kung mag paltos ang aming mga kamay basta ang mahalaga ay hindi mangulelat.
Ang pinaka huling course ay ang pag langgoy, daig pa namin ang challenger ng wipe out dahil sa tindi ng mga obstacle sa paligid. Marunong akong mag langgoy at im sure na langgoy lalaki ito, kaibahan kay Ed na naka lubog sa tubig ala Dyesebel kaya naman halos madapurak na ito ng ibang recruit.
BUZZZZZZ
natapos namin ng ligtas ang challenge. Nauna ako kay Ed kaya tiyak na mas mataas ang rank ko sa kanya.
Halos inabot ng ilang oras ang unang training kaya naman late na rin ang pag kain namin ng agahan.
Matapos naman ang almusal ay isa isa kaming pumila sa pagupitan upang mag pa army cut. Kaya goodbye na sa buhok kong mala Thai ang dating. Nag iba tuloy ang aking itsura at pakiramdam ko ay gumaan ang aking pakiramdam. Nawala rin ang pagiging feminine ng aking anyo at talaga naging barako na ako LOL. Si Ed naman ay ganoon pa rin, may kaunting mahabang parte ito na itinira dahil kabitan daw ng hair extension ngunit gayon pa man ay hindi na sya mukhang beki dahil sa kanyang lalaking anyo. Wag lang mag sasalita at kakausapin.
Kinahapunan..
Nag kagulo sa buong kampo noong ipost sa pader ang resulta ng unang exam. Ang ranking ay batay sa pag kakasunod sunod ng pinaka mabilis at pinaka mabagal. Sa makatuwid, kung ikaw ay 70 ikaw ang weakest link.
OBSTACLE CHALLENGE
EXAMINATION 1
Ranking
1 Gabres Hence
2 Smith Francis
3 Santos Kevin
-
-
-
-
-
56 Dela Rosa Alandel
-
-
-
66 Bonifacio Emilio Diego
End Of Flashback (Scene from Book 1)
"May mga alalang gusto mong balikan pero ayaw mo nang maulit pa. Ito ay mananatiling ala-alang nalang sa ating mga isipan." ang tugon ko at habang nasa ganoong posisyon kami ay biglang may malakas na ingay na naming narinig mula sa itaas.
Palakas ito ng palakas..
Hanggang sa bumulaga sa amin ang helicopter ng SF unit sa mababang pag lipad. Sobrang hangin sa paligid, nawasak ang mga halamang tanim sa unit, nilipad ang mga wind chime at sumampal kay Ed ang dyaryong kanyang binabasa. Pumakat ito sa kanyang mukha kaya nag sisigaw ito. "Aaahhh help! Ginagahasa ako ng dyaryoooo! Helpppp!" ang sigaw niya.
Ako naman ay nakatingala lang, masakit tainga at sa mata ang hangin kaya halos hindi ako makadilat ng maayos. Nag baba ng hagdan ang naturang helicopter at dito ay bumaba ang dalawang sundalong naka suot ng pinag halong pula at asul na suit.
"Agaton? Jack? Anong ginagawa niyo dito?" ang tanong ko, sumampal rin sa akin ang mga dyaryong lumilipad sa paligid. "Arekup! Sana nag taxi nilang kayo, tiyak na magagalit yung management ng unit dahil nawasak ang garden niya. Mag babayad pa tayo!" ang sermon ko.
Agad naman lumapit si Jack kay Ed at inalis ang Dyaryo sa mukha nito. "Ayos ka lang ba pare?"
"Tse! Kasalanan niyo! Hindi ko akalaing dyaryo lang ang makakapag pasigaw sa akin ng ganun bukod sa pag f**k sa akin ng nakatrip ko sa BabyBlued apps last week!" ang wika ni Ed
"Pasensiya na, galing pa kasi kami sa Taiwan kanina para imbestigahan yung mga nag tatagong terorista doon." ang wika ni Agaton.
"And so? Kung naparito kayo para kunin ang mga lumang uniform namin sa SF unit ay wala na ito. Nasa museyo na ito ng mga bayani. Yung baril ko? Iyon na ang ng istatwa si Bonifacio ngayon bilang sagradong sandata." ang wika ni Ed.
"Hindi naman iyon ang kailangan namin." ang wika ni Jack. Samantalang naka ngiti naman sa akin si Agaton. "Lalo ka yatang gumwapo ha Banker?" wika nito sa akin.
"Kasi wala akong stress, ineenjoy ko nalang ang buhay. Upo muna kayo, gusto niyo ba ng makaka kain?" tanong ko.
"Ako oo, saka kung mayroong beer pahingi na rin." ang wika ni Jack
"At ikaw naman papa Aga lalo kang naging borta, ang laki laki ng mga muscles mo ngayon. Ummmmpphhh, yummy!" ang malanding wika ni Ed.
"Sandali pare bawal hawakan ang suit kasi baka may virus pang nakadikit."
"Maka pare naman to." pag mamaktol ni Ed.
Ipinaghanda ko ng makakain sina Aga at Jack, pinahiram ko rin sila ng extrang sando dahil naka init ng suot nila suit. Gutom na gutom na ang dalawa dahil halos naubos nila yung pasta na naka lagay sa isang malaking lalagyan. Parang si Bryan rin sila kumain, magulo ang plano, mabilis sumubo at ngumuya. Barakong barako ang mga datingan na kahit halo halo ang ulam sa plato ay ayos lang. "Ilang weeks kayo di kumain?" tanong ni Ed.
"Kahapon lang naman. Medyo naipit kami sa gulo doon sa Taiwan kaya hindi agad kami naka alis." sagot ni Jack
"Kaya naman pala para kayong mga dinosaur." hirit ni Ed sabay tungga sa bote ng alak.
"Teka, bakit ba kayo naparito? Hindi naman siguro kayo sumadya dito para kumain lang diba?" tanong ko.
"Hindi, pero parte na rin ng pag punta namin dito ang pag kain. Pero ang totoong dahilan ng pag parito namin ay.. Gusto naming bumalik kayo sa SF unit." ang naka ngiting wika ni Aga
Nasamid si Ed at nabuga sa buka ni Jack ang alak sa bibig..
"Pinepetisyon kayo ng Task Force ng bansang Cambodia, Singapore at Pilipinas, nais bumalik kayo at muling mag lingkod bilang member ng squad. Final Mission na ito, kaya kailangan niyong bumalik." wika ni Aga.
Natawa ako. "Nag resign na kami diyan. Tahimik na ang buhay namin ngayon. Tiyak kong hindi papayag sina Bryan sa nais ninyo." tugon ko.
"Talaga bang gusto niyo kaming mamatay? Bakit kami nanaman? Pwedeng iba naman? Ayaw na naming ilagay sa alanganin ang mga buhay namin. May mga anak kami na dapat alagaan. Kabaliwaan ang nais niyo." ang wika ni Ed.
"Sina Bryan at Francis ngayon ay pinatawag ng mga commander ng task force para kausaping bumalik." tugon ni Jack
"Eh bakit kailangan pa kami? Nasaan na yung nakapasa sa examination last week?" tanong ko.
"Nandoon pa sa Cambodia, walang pumasa sa kanila para maging front liner." ang tugon ni Agaton.
"Dahil masyadong mataas ang standard na sinet mo." ang sagot ko.
"Hindi, nag kataon lang na mahina ang batch na iyon. Kung bababaan ko ang standard ay paano sila makaka survive? Baka simpleng engkwentro lang ay patay na ang mga iyon. Ang kailangan ng SF ay ang kakayahan ninyo, yung mga talento ninyo, yung tatag ng isipan at kalooban ninyo. Iba ang generasyon ngayon simpleng dipresyon lang ay natatalo sila, simpleng sakit lang ay bumibigay sila." ang sagot ni Agaton
"Katulad na lamang ng isang sundalong nag ttraining sa aming kampo, iniwan siya ng GF niya at dahil sa lungkot nag pakamatay dito mismo sa field. May isang insidente pa na bumagsak sa isang pag susulit sa SF ang isang trainee, nag pakamatay rin ito at nawalan ng pag asa." ang dagdag ni Jack.
"Para iyon lang? Kami nga ni Adel no, 3x kaming kulelat sa mga examination!" ang hirit ni Ed
"Dahil iba kayo ni Adel, iba ang mindset ninyo kumpara sa kanila. Ang henerasyon ngayon ay masyadong sensitibo." saad ni Aga.
"Sila Manong Henz? Nasaan sila?" tanong ko.
"May karamdaman si Manong Henz, minabuti namin na huwag na siyang gambalain pa." ang wika ni Jack
"Pero may karamdaman ni ako, may cancer ako.. yata." ang tugon ni Ed.
"Ang front liner ng SF ay ako, si Jack, kayong dalawa, si Bryan at si Francis. Anim lamang tayo sa grupo pero sapat na iyon para maging malakas." ang seryosong wika ni Agaton habang naka tingin ng tuwid sa aking mata.
Itutuloy..