Part 5: Si Ed bilang ama

1922 Words
The Soldier And I Book 3 AiTenshi July 29, 2020   Part 5: Si ED Bilang Ama Kinabukasan pag gising ko ay natagpuan ko ang aking sarili sa kama, nakatali ang mga kamay at paa na animo karneng baboy. Ibayong sakit ng ulo ang aking naramdaman ngunit mas matindi ang kirot sa aking likuran. Parang bang nabugbog ng husto ang aking butas na kahit pag kilos ay hindi ko magawa ng maayos dahil namamaga ito. Nasa ganoong posisyon ako noong makita kong lumabas si Bryan sa banyo, kakaligo lang nito at nag pupunas ng katawan suot ang boxer shorts kulay itim at sandong hapit sa katawan. "Gising kana pala." ang wika nito. "Bakit mo ba ko tinali?" tanong ko. "Dahil umabot sa 200 porsiento ang kalibugan mo kagabi. Ilang beses mo rin akong sinampal kaya pulang pula ang mukha ko. Bukod pa doon ay nag kagasgas rin ang ulo ng junior ko dahil sa kahayukan mo." ang wika niya. "Wala akong alam sa sinasabi mo! Napaka sakit ng likuran ko! Ginamit mo ako ng husto!" ang reklamo ko. "Hindi ah. IKAW ang nang gamit sa akin ng husto. Ginamit mo lang ang pag kalalaki ko! Kaya nga kita tinali ay dahil ayaw mong tumigil at habang tumatagal ay nagiging sadista ka pa."  ang wika niya. "Kalasan mo na nga ako! Hindi na ako natutuwa Bryan! Ialis mo na yung mga gamot doon sa medicine box dahil baka ikamatay ko na sa susunod na makainom ako ng tableta mo." ang pag mamaktol ko. "Mag tatanong ka kasi sa susunod. Inom ka ng inom e." ang sagot ni Bryan habang kinakalasan ako. Pag katapos noon ay inalalayan niya akong mag tungo sa banyo para mag linis ng katawan. Pag upo sa bowl ay napaiyak nalang ako at napasigaw sa matinding hapdi lalo na noong mabasa ang aking butas. Sa palagay ko ay mahihirapan ako mag lakad ng maayos nito. Habang nasa ganoong pag iyak ako ay kinatok na ako ng Bryan. "Adel, bilisan mo nga dyan, yung kaibigan mong may bahog parating na daw dito. At saka mag luto kana ng almusal dahil nagugutom na ko." "Bakit di ka nag luto kanina? Bakit hinintay mo pa akong magising?" "Kasama sa sinumpaan mong tungkulin ang pag silbihan ako at alagaan na parang isang sanggol." ang sagot nito sabay tawa ng impit. Binato ko naman ng sabon ang pinto dahil sa pag kainis ko. Noong makababa ako sa sala ay sakto naman pag bukas ng pinto dahil dumating si Ed dala ang isang basket ng manggang hinog at pinya. "Pinabibigay to sa inyo ni papa, matatamis iyan." ang bungad nito sabay lapag ng basket sa mesa. "Hala, bakit ganito yung lamesa niyo? Gulo gulo, siguro may nag wild s*x dito kagabi." ang hirit nito sabay dampot ng brief na nasa sahig. "Brief ba to ni papa Bryan?" tanong niya sabay amoy dito dahilan para mapasigaw ako. "Waaaaagg!!! Sa akin yan!" pag habol ko. "Pwe! Kaya naman pala amoy PH care! Amoy pekpek! Hindi naman ganito ang ng brief ni papa Francis, yung kanila amoy pawis at amoy bayag na nag lalabas ng kakaibang aroma para maakit ang mga girls like me!" ang hirit nito. "At saka pwede ba huwag na kayo nag wiwild s*x sa lamesa dahil malas daw iyon. Ayon sa Golden rule of Eutification na inilabas ni Inay ngayong 2020, stated na iwasan mag s*x sa ibabaw ng lamesa dahil malas ito at hindi papasok ang swerte. Hay, bilib na talaga ako kay Inay, 78% ng mga baklus ang natulungan niya sa Rules of Harvatification kaya ngayon waiting nalang ang mga expert kung ilang percent ang matutulungan ng bagong rules niya." "Huwag kang masyadong nag papaniwala kay Inay dahil adik yon. Teka sino nga ba si Inay?" tanong ko. "Aba ewan, itanong natin kay Ai Tenshi dahil siya naman talaga ang may kagagawan ng lahat ng ito." ang sagot ni Ed sabay higa sa sofa na parang pagod na pagod. Maya maya ay natahimik ito at napatitig sa kisame saka umiyak.. "Ano nanaman ang problema ng kaibigan mong may bahog?" tanong ni Bryan. "Sadyang napakahirap maging isang dalagang ina. Lahat ng sakripisyo ay ginawa ko para sa anak ko." ang emosyonal na tugon nito. "Ang pagiging ama ang pinaka masarap at pinaka challenging na trabaho sa lahat. Higit pa sa pagiging isang mataas na sundalo sa SF unit." ang tugon ko. "Kaya nga noong dumating si Quinn sa buhay ko ay umalis na ako sa SF unit. Kapag namatay ako ay paano na siya? Paano na siya magiging isang ganap na Queen? Sobrang lungkot na lungkot ako kapag naiisip ko iyon. Anyway birthday niya ngayon kaya tayo na, nag pahanda ako ng marami sa bahay.!" ang wika nito sabay singa sa tissue. "Sayang wala si Angelo dahil nandoon sa lola niya." ang wika ko habang hinahanap ang susi ng sasakyan. "Okay ka lang ba frend? Bakit parang nahihirapan mag lakad? Siguro na wild s*x ka kagabi ni Papa Bry." hirit ni Ed "Excuse me, siya ang nag wild s*x sa akin kagabi. Para siyang naka tira ng ecstacy. At naging sadista pa, namaga na nga itong mukha ko kakasampal niya." sagot ni Bryan. "Hala, hindi ako makapaniwala na magiging wild si Adel sa mga ganyang bagay. Kung kailan tayo nag 30s saka ka umawra sa kama. Ibang level ha." ang natatawang sagot ni Ed. "Huwag niyo na nga ako pag tripan. Tayo na at para di na ako mag luto, saka diba gumawa ng puto si tita? Ipag balot mo ako ha." tugon ko "Opkors naman! Pero lumakad ka muna ng tuwid." hirit ni Ed. Tawanan sila.. Alas 2 ng hapon noong makarating kami sa bahay nila Ed. Bumili pa kasi kami ni Bryan ng regalo para kay Quinn. Pag dating namin doon ay marami nang tao, parang isang ordinaryong birthday party ng isang bata kung saan mayroong mga clowns, magician, ice cream, makukulay na lobo at desenyo. Nandito na rin si Francis na buhat ang batang nag diriwang ng kaarawan. "Pare bagay ah." ang biro ni Bryan noong makalapit kami dito "Diba bagay kaming maging isang one happy family. Ako ang nanay at si Francis naman ang tatay. Titira kami sa isang bubong at mag sasama ng maligaya na parang sina Edward Cullen at Bella Padilla. Francis my love, ako ang bahala sayo! Pag sisilbihan kita, ipag luluto ng mga paborito mong pag kain, papaliguan kita, papaypayan kapag walang kuryente, papakainin kita na kahit pag nguya ay ako na rin ang gagawa. Tapos haharvatin kita pag gising mo, sasairin ko ang nectar mo at wala akong ititira dito hanggang maging daily vitamins ko na ito. Masaya iyon diba?" ang nangangarap na wika ni Ed pero agad ko siyang kinalabit. "Wala na si Francis, nandoon na sila ni Bryan sa mga kasamahan nilang sundalo." "Basag trip naman yang papa Francis!" ang pag mamaktol nito. "Halika na nga doon frend, mag balot na tayo ng mga puto." Nag tuloy tuloy ang party ng anak ni Ed, kada 15 mins ay nag papalit ito ng damit, halos lahat na yata ng costumes at gowns ng disney princess ay naisuot na ng bata. Noong mga sandaling iyon ay kitang kita ko ang kaligayahan sa mukha ni Ed habang karga karga ang kanyang anak. Agad kong kinuha ang aking cellphone at pinicture ang kanyang magandang ngiti na hindi matutumbasan ng kahit na anong bagay sa mundo. Ito ang ngiti ng isang amang labis na nag mamahal sa kanyang anak. Halos ganito rin ang ginagawa naming pag aalaga ni Bryan kay Angelo, ibinibigay namin ang pinaka "the best" dito. Natutuwa ako dahil nag iiba na ang persepsyon ni Ed pag dating sa buhay. Ngayon ay mas seryoso na siya, mas naka focus sa kanyang tungkulin bilang isang ama. Habang nasa ganoong posisyon ako ay kinalabit ako ng mga batang sundalo. "Kayo po Sir Allandel Dela Rosa diba? Yung 3rd Rank sa Special Force at tinaguriang Ultimate Sniper ng unit. Pwede po bang mag pa picture sir?" tanong ng mga ito. Ngumiti ako at dito ay pinag kaguluhan na ako ng mga ito. "Eto si Sir Adel! Hawk Eye ng SF unit! Grabe sir, legendary ang ginawa mong pag tira ng walang mintis sa metal tower! Grabe! Iyon lagi ang example ng platoon leader namin kapag may firing activity kami." masayang wika ng iba. ("Anong nangyayari doon? Nag kakagulo yung mga Junior recruit?" tanong ni Bryan noong sumilip ito sa terrace. "Ayun, pinag kakaguluhan ng mga Junior recruit yung asawa mo. Sikat e, ultimate sniper." ang sagot ni Francis Napakunot ang noo ni Bryan. "Parang ayokong nakikitang nilalapitan ng ibang lalaki ang asawa ko." "Lalo na pag mga bata at twinks na katulad ng mga iyan. Bukas parusahan natin sila." ang natatawang wika ni Francis) Patuloy pa rin akong pinag kagulan ng mga Junior. Selfie, groupie at kung ano ano pa, kanya kanya silang upload sa kanilang social media. Halos hindi na ako naka kain sa aking lamesa. Habang nasa ganoong pag kakagulo kami ay siya namang pag dating ni Ed na may hawak na whistle. "Pprrrrtttt!!! STOP!!" ang sigaw nito. "Hindi ako papayag na si Adel lang ang star ng pasko!" "Wow sa wakas eto na si Sir Emilio Diego Aguinaldo. Ang ultimate Spy ng SF!" ang wika ng isa binatilyo na may itsura. "Emilio Diego lang, walang Aguinaldo, at para itama kayo, ako ang Ultimate Spy Sweetheart ng SF Unit." ang wika ni Ed. Spy Sweetheart? Ano to starstruck?" ang bulong ko sa kanya "Hayaan mo na frend, bandwagon lang naman iyang mga iyan. Kunwari kilala tayo pero hindi naman talaga. Nakikiride lang sila." ang sagot ni Ed sabay harap sa kanila "O sige nga kung kilala niyo talaga ako, mag bigay kayo ng top 3 best moment ko sa history ng SF!" Napakamot sila ng ulo. "Ah e, alam ko na! Ikaw sir yung nag spy at nag transform bilang isang magandang bakla para labanan din yung grupo ng terrorist!" ang wika ng isa. "Hmmmm, what else naman?" tanong ni Ed. "Alam ko na, ikaw yung nabaril at nawalan ng malay sa metal island. At ikaw yung pang 10 top na dating kulelat sa SF unit! Tama ako doon sir diba?" ang wika nito. "Alam niyo gusto ko na iactivate itong bombang nakatanim dito sa bakuran namin para sumabog na tayo pare pareho." ang pag mamaktol ni Ed. "Basta kahit anong mangyari idol namin kayo ni sir Adel! The best kayo at kayo ang tumatayong inspirasyon sa amin para mas mag sikap. Balang araw mag ttraining din kami sa Cambodia at magiging parte ng Special Task Force!" "Kung ganoon ay pag butihan ninyo dahil deadly ang misyon ng SF unit. Mag talaga kayo ng mabigat na dahilan para lumaban at mabuhay. The moment na nang hina kayo ay lagi ninyong iisipin kung bakit kayo naging malakas at ang lahat ay magiging maayos." ang wika ni Ed Napahanga niya ang mag junior recruit, mabagal na pumalakpak ang mga ito. "Nag mature kana nga, matino na kasi ang takbo ng utak mo. Hindi kana parang baliw." ang naka ngiti kong tugon sabay akbay sa kanya. Tumingin siya sa akin. "Syempre ngayon ko palang naappreciate ang beatiful days ng life ko. Walang gulo, walang misyon, basta gigising ako ng tahimik at walang iniisip na nakalagay ang aking isang paa sa hukay." "Ganyan din ako. Ngayon ay mas maayos ang takbo ng isip ko, mas normal kahit na paminsan minsan ay namimiss kong humawak ng baril." "Tse, wag mo nga akong echusen, gabi gabi ay hawak mo yung baril ni Sarge Bryan no. Halika na nga sa kusina nakawan natin ng handa itong bahay na to." ang wika ni Ed sabay hila sa akin. "Gago, bahay niyo to." ang tugon ko "Ay, oo nga pala. Naalala mo yung gawain natin kapag namimiyesta tayo, lagi tayo nag susupot ng menudo at buto buto diba." ang pag babaliktanaw ni Ed. Tawanan kami.. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD