It's the fourth day of the foundation week. Everything is happening according to the plan. Tuesday and Wednesday really did well kaya naman umaasa akong tuloy-tuloy na iyon hanggang bukas. "Good morning Ayesha!" Ngiting-ngiti si Ellyse nang dumating. Ngumiti din naman ako sa kaniya. "Why so happy?" Naunahan akong magtanong ni Prince pero inirapan niya lang ito. Umupo siya sa tabi ko at nginitian nanaman ako. "Anong meron?" Tanong ko. "Hmm?" "Ellyse, you're not the usual today." Bigla naman nitong itinapat sa mukha ko ang susi ng kotse niya. "Anong meron diyan?" Bahagya ko itong inilayo sa mukha ko. Sinimangutan naman ako nito. "Pendulum two ka talaga." Lalong kumunot ang noo ko. "Anong pendulum two?" "It's the term we use to say you're slow. How about that?" She looked at me and