First day ng week-long founding celebration ng university at nakikita ko naman ang pagiging active ng school ngayong umaga. Lahat ay abala sa mga booth dahil marami-rami ang bago ngayon.
"The school's studded with a lot of hotties today." Napatingin ako kay Ellyse at nakita ko siyang nakamasid sa mga outsiders. Allowed kasi ang outsiders kaya marami rin talagang tao. Isa kasi ang foundation week ng school namin sa pinaka-aabangan ng mga taga-ibang universities.
"Balita ko darating daw ang members ng Golden Strings ngayon." Sabi ni Zia bago ito uminom sa cappucino frappe niya.
"Really? Wow, what a lucky day, makikita ko si Zamora ngayon." Her eyes flickered at natawa nalang ako sa kaniya. She likes Yuge Zamora, yung misteryosong member ng golden strings.
"Pssh. Diba gangster daw yun?" Tanong ni Zia. Ellyse rolled her eyes.
Sabi nga ng iba ay member daw yun ng isang gang. Pero hindi naman naniniwala si Ellyse dahil ang gwapo nito masyado para maging isang gangster. Para kasi sa kaniya, goons ang mga gangsters.
Well, kung ako naman ang tatanungin, mukha ngang gangster ang lalaking iyon. Pero totoong gwapo ito. Sabi nga nila ay ito daw ang pumapangalawa talaga sa banda nila kung looks ang titignan. Nangunguna kasi talaga iyong Axl. Pero para sa akin, gwapo naman silang lahat at talented. Sadyang iba iba lang talaga ang paraan ng pagtingin ng mga tao.
"He's not a gangster, hindi bagay sa kaniya ang makipag-basag ulo."
"So anong bagay sa kaniya?"
"Ako." And she even smiled na ikinatayo ng mga balahibo ko.Tinawanan tuloy siya ni Zia.
"Lakas ng tama mo."
"I know, right?"
"Ayesha!" Napalingon ako kay Fire at Prince.
"Bakit?" Tanong ko rito nang makalapit sila.
"Kanina ka pa kasi hinahanap ni ma'am Kath."
Kumunot naman ang noo ko. May kailangan pa ba si ma'am? Alam ko kasi settled na lahat this week kaya hindi na daw muna niya ako imi-meet.
"Bakit daw?"
"Nag-request kasi yung mga minor orgs kung pwede daw tumugtog ang Golden Strings sa Friday night." Sagot ni Prince na umupo sa tabi ni Ellyse. Inagaw pa nito ang milkshake nito.
"Hey, that's mine."
Hindi niya ito pinansin at ininom na agad ang iyon. "Hindi masarap, dapat chocolate frappe nalang."
"Walang may pakialam sa opinyon mo."
"Tsk."
Binalingan ko si Fire. "Seryoso ba sila? Pero naka-finalize na yung schedule at wala akong contact sa GS." Well, ofcourse meron, si Ken. Pero hindi naman kami close at ewan ko ba, nahihiya akong kausapin siya.
"Si Annika na ang pumunta kay ma'am. Sabi niya tawagin ka nalang namin para sumunod."
"Why Annika?" Tanong naman ni Ellyse.
"Tinanong din kasi ni ma'am kung sino ang may contact sa GS. Sabi niya she knows someone."
Tumango ako. "Sige, pupunta nalang ako. Maiwan ko muna kayo."
"Samahan kita bessy?"
Umiling naman ako. "No need, sandali lang ako. Enjoy yourselves guys." Nagpaalam na ako sa kanila at naglakad papunta sa office.
Nadatnan ko doon si ma'am Kath at ang buong Golden Strings. Napatigil pa ako sa kinatatayuan ko nang lumingon silang lahat sa akin. Si Ken kaagad ang napansin ko sa kabila ng nag-gwagwapuhan din niyang mga ka-banda.
"Uhm, hi." Bati ko sa kanila. Lumapit ako agad kay ma'am.
"Ayesha, nagpahabol ng request ang minor organizations. Ipinaabot nila kay Annika since hindi ka yata nila ma-approach." She looked at me at hindi ko naman mapigilang mapakunot ng noo.
Hindi nila ako ma-approach? May contact naman sila sa akin eh.
"Anyway, since first day palang naman, I think we could still adjust the activities for the Foundation night. Naayos na rin yun ni Annika."
Nakita kong ngumiti si Annika kaya napatango naman ako.Thank God at naayos naman pala niya, akala ko kasi magkakaroon ng problema.
"Nakausap na rin namin ang banda na nirerequest nilang tumugtog." Nilingon niya sila Ken pero nang lumingon din ako ay nakita kong sa akin ito nakatingin. Nagbawi agad ako ng tingin.
"Since settled naman na, I think pwede mo naman siguro silang samahan sa studio para malaman nila kung saan sila pwedeng magpractice."
Tumango naman ako. "Yes ma'am."
"Ikaw na ang bahala sa kanila alright Ayesha? Si Annika nalang muna ang ia-assign kong mag-facilitate ng ibang activities."
Afterwards ay nagpaalam na rin siya sa amin dahil may mga ginagawa pa rin sila.Naiwan kami ni Ann kasama ang Golden Strings. Humarap ako agad sa kaniya para mag-thank you sa pagiging maagap niya tungkol sa request pero bago pa man ako makapagsalita ay tinalikuran na ako nito.
"I'll go ahead miss president."
Hindi na rin ako nakasagot dahil tuluyan na itong nakalabas ng pinto. I heaved a sigh at hinarap ko nalang sila Ken.
"Uhm, tara sa studio?"
Alam kong alam naman ni Ken at Gelo ang studio dahil students din sila dito. Isa pa, hindi rin ito ang unang beses na magpeperform sila dito. Sadyang special treatment ang ibinibigay sa kanila ng university kapag nandito sila.
Nauna na akong lumabas ng office at sumunod naman sila. Nakuha namin agad ang atensyon ng mga estudyante dahil sa presence nila. Kahit naman siguro ako ay mapapalingon sa kanila dahil parang sinadya talagang pagsama-samahin sila sa grupo. Lahat sila ay good-looking at headturner, sobrang talented pa, ano pa bang hihilingin mo?
"Ayesha!" Napatigil naman ako nang makita kong palapit sa amin si Ellyse at Zia. Halos matawa pa ako nang makita kong bumilog ang mga mata ni Ellyse at namula pa ang pisngi nito. Ganun niya kagusto si Yuge, wala pa itong ginagawa ay pinamumulahan na siya ng mukha.
"Saan kayo pupunta?" Si Zia na ang nagtanong dahil hindi na nakapagsalita si Ellyse.
"Ihahatid ko lang sila sa studio. Kayo, saan kayo pupunta?"
"Inutusan kami ni Annika." She rolled her eyes at kumunot naman ang noo ko.
"Inutusan?"
"Yes, inutusan kaming mag-rounds. Bossy as ever." Si Ellyse na ang sumagot at mukhang nakabawi na ito sa pagkakita kay Yuge.
Pasimple ko siyang sinamaan ng tingin dahil sa sinabi niya. Hindi tamang iparinig niya iyon sa mga kasama namin.
"Sundin niyo nalang siya, si ma'am ang nag-assign sa kaniya."
"Ano pa nga ba? Tara na Zia." Hinila na nito si Zia at nagpaalam na rin sila sa akin. Pasimple pa itong sumulyap sa mga lalaki sa likuran ko.
Tumuloy na kami sa studio at agad naman silang nagsiupo sa couch pagpasok doon. Hindi tulad dati, mas maganda na ang studio ngayon at mas malaki. Bago rin ang mga instruments na nandito dahil naglaan din kami ng budget para rito.
"May konting mga changes dito. As you can see, may bar stool doon sa right side pero walang alcohol sa fridge. Light juices, water and food stocks ang laman niyan."
Ako mismo ang nag-ayos ng mga pagkain sa loob ng refrigerator na yun. Ako din ang nagme-maintain nitong studio. Mayroong TV set sa left side kung saan din naroon ang couch. Tapos sa gitna ay yung ministage kung saan sila pwedeng mag-practice. Airconditioned ang buong studio at soundproof.
"Uhm ..kung may kailangan kayo, tawagin niyo nalang ako. Ihahatid ko yung lunch niyo mamaya." Kahit na sinabihan ako ni ma'am na samahan ko lang sila ay kailangan ko pa rin umalis.
Wala naman kasi akong gagawin doon at alam kong alam naman na nila ang dapat gawin. Isa pa, baka makasagabal lang ako sa practice nila. Hindi naman kasi talaga kami magkakakilala, pamilyar lang ako sa kanila dahil sikat sila. I got acqauinted with Gelo Ferrer once dahil kay Naomi.
Tumango lang sila sa akin at nagsitayo na rin sila para siguro magstart. Lumabas na rin ako para hanapin sila Ellyse, sasamahan ko nalang muna silang mag-rounds.
Naging maayos ang first day ng foundation week. 5 pm na at kaunti nalang ang mga students dahil nagsara na rin ang ibang booth. Naiwan naman kaming student council para i-check ang paligid at magkaroon ng short meeting.
"Friday night lang ang may adjustments. For the rest of the days, wala namang pinagbago. The first day is a success guys! Congratulations and keep up the good work alright? I'll see you all tomorrow, ingat kayo."
Nagsiuwian na rin halos and as usual ay naiwan nanaman kami ni Ellyse. Kinuha ko pa kasi yung programme para i-edit at sinamahan naman ako nito.
"So, kamusta naman kayo ni Ken?" Napaigtad ako nang sundutin ako ni Ellyse sa tagiliran.
"Bessy ano ba!" Saway ko sa kaniya.
"Ang swerte mo alam mo yun? You had the chance to stay with Golden Strings for the rest of the day tapos ano? Iniwan mo naman pala. Kung alam ko lang, ako na sana ang nag-volunteer na samahan sila!"
Humarap naman ako sa kaniya. "Wala naman kasi akong gagawin dun. Besides, hindi ko sila ka-close."
Tumaas naman ang kilay nito. "Hindi ba kayo close ni Ken? After niyong magyakapan hindi pa pala kayo close?"
"Bessy wala yun okay?"
"Alam mo Ayesha, may chance kana kay Ken so why not grab it?"
Huminga ako ng malalim bago humarap sa kaniya. "Ayokong samantalahin yung pagkawala ni Kim para mapalapit ako kay Ken. Mas okay na sa akin na ganito."
Tinignan nalang ako nito na parang nababaliw na ako. Tinawanan ko nalang tuloy siya bago hinila palabas ng office.
"Umuwi nalang tayo. Ikaw talaga kung anu-ano nanamang pinagsasabi mo."
"Tss! Ewan ko sayo, ang hirap mo din intindihin minsan alam mo yun?"
Natawa naman ako. "Hindi naman kasi kita pinipilit intindihin ako no."
Napa-aray nalang ako nang hampasin ako nito sa braso. "I'm friends with such an impossible girl." She scoffed. "Susunduin ka ba ng kuya mo?"
"Hindi eh."
"Aba Ayesha, wag mong inaaraw-araw ang pagcocommute. Hindi safe para sa mga babaeng katulad mo ang mag-isang bumabiyahe."
"Maganda nga yun para masanay na ako at isa pa, nag-iingat naman ako." Gusto ko rin naman maranasan mabuhay na parang normal lang. I mean, yung normal life ng students s ince hindi naman kasi talaga normal ang buhay ko.
"You're really hardheaded, para kang yung libro na binabasa ko, Hearheaded-Softhearted. Halika na nga, ako nalang maghahatid sayo."
"Wag na bessy, mapapalayo ka lang." Paglabas kasi ng school ay sa left na dapat ang daan niya pero kung ihahatid niya pa ako, sa right pa siya liliko at mapapalayo lang siya.
Tumigil ito sa paglalakad at tinitigan ako na parang isa akong testpaper sa math na ang hirap i-calculate. "Alam mo Ayesha, nakakainis minsan na sobrang ang bait mo. Ano ka ba anghel? Gusto mo mag-costume ng pakpak at halo?"
I laughed at her humor. "Ano ba bessy! Ayoko lang talagang mapalayo ka. Okay lang naman talaga ako eh." Nakarating na kami sa tapat ng Lamborghini niya. Namangha nanaman akosa kotse nito na buwan-buwan nalang napapalitan. She's a car addict and she's super rich to afford all of this kinds of car.
"Bilib ka nanaman sa kotse ko? Bakit ba hindi ka nalang magpabili ng kotse sa kuya mo? You're rich and I know you can afford it."
Umiling ako. "I don't think I need it, hindi naman ako marunong magdrive."
"Edi mag-driving lessons ka, or I can teach you. Ang dali lang ng problema mo Ayesha, pinapahirapan mo lang ang buhay mo."
Natawa nalang ako sa tono ng pananalita nito, para kasi siya pa ang nahihirapan sa akin. "I think mas marami pang pwedeng paglaanan ng pera kesa ang ibili iyon ng sasakyan. Hindi ko pinapahirapan ang buhay ko Ellyse, I'm just being practical and I'm okay with it." Ayokong ma-hassle din siya kung tuturuan niya akong magdrive, problema ko na ito, ayokong maging cause of problem sa iba.
She sighed. "Paano mo nasasabing okay ka? Kapag okay na yung iba? Ang selfless mo masyado."
Napailing nalang ako. Kahit kailan never naman ako mananalo sa babaeng 'to. Naiintindihan ko namang ayaw niyang nagcocommute ako, lahat naman sila eh. Pero kung masyado nila akong iniingatan, paano ako matututong maging independent?
"I have a better idea." Napakunot ang noo ko sa kaniya nang bigla niya akong hilain. Magtatanong pa sana ako nang makita kong papunta kami kay Ken.
"Ken!" Lumingon naman ito sa amin.
"Ellyse ano bang--"
"Hi Ken!"
Ken smiled at her bago bumaba ang tingin nito sakin. "May problema ba?" Tanong nito.
"H-ha?Wala--"
"Actually meron. You see, wala si kuya Bryan, hindi siya masusundo. Ayaw niyang magpahatid sa akin dahil mapapalayo daw ako .So I wonder if pwede mo siyang ihatid?"
"Ellyse!" Humarap ako kay Ken para sana tumanggi pero agad na itong nakasagot.
"Yeah, it's okay. We're on the same building."
Nalukot naman ang noo ko. Same building?
"You mean to say sa Alcantara Condominium towers ka din? What floor?" Si Ellyse na ang nagtanong. Gusto ko siyang kurutin dahil sa ginagawa niya pero hindi ko magawa dahil nakaharap si Ken.
"Seventh floor din actually."
Bigla namang tumingin sa akin si Ellyse at napangiti. "So ..pwede ko palang ipasabay sayo si Ayesha kapag hindi siya sinusundo."
Ken shrugged. "Yeah, no problem."
Ugh, nahihiya na talaga ako. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba talagang sumabay sa kaniya. Si Ellyse naman kasi!
"Sige na, I have to go bessy." Hinalikan ako nito sa pisngi bago humarap kay Ken. "Ken, ikaw nang bahala kay Ayesha."
Tumango ito. Umalis na rin si Ellyse at naiwan ako kasama ni Ken. Oh my God, hindi ko yata kaya 'to. Ang lakas na talaga ng t***k ng puso ko.
"Tara na?" Nabalik ako sa katinuan nang pagbuksan niya ako ng pinto. Sumakay nalang ako at hindi na nag-inarte pa. Umikot din naman siya at sumakay na.
"Seatbelt please." Tumango naman ako at mabilis na nag-seatbelt. Pagharap ko sa kaniya ay nakatingin siya sa akin.
"H-hindi mo nasabing ka-building kita." Bigla ko nalang din nasabi.
"Ah, that. I thought it's not necessary to tell you."
Ugh.Oo nga pala, bakit niya nga naman kasi kailangang sabihin? Hayy Ayesha, wag ka nalang magsalita.
"Busy ang kuya mo?"
"Ah oo. Nahihiya na rin akong istorbohin siya para magpasundo eh." Minabuti ko nalang tumingin sa harapan para hindi ako mautal. Nakakawala kasi sa sarili kapag nakaharap ako sa kaniya eh, nabubuhol ang dila ko.
"You're shy of your brother?" His voice sounds amused.
I bit my lower lip. "It's not like that.Alam ko kasing busy siya at ayoko nang dumagdag."
"Pumapayag siyang magcommute ka?"
Umiling ako. "No. Ang sinasabi ko sa kaniya ay hinahatid ako ni Ellyse. Alam ko kasing mag-aalala yun." I sighed, oo nga, palagi nalang akong nagsisinungaling kay kuya.
Hindi na ito sumagot at nagfocus nalang mag-drive. Tumingin nalang din ako sa labas ng bintana para pagmasdan ang dinadaanan namin pero hindi ko nanaman napigilang magsalita.
"Uh ..yung sinabi ni Ellyse, wag mong pansinin yun. It's not really necessary na isabay mo ako kapag wala si kuya. I really--"
"It's necessary for me." Putol niya sa sasabihin ko kaya naman nilingon ko siya.
"Huh?"
"Sa akin ka sasabay kapag wala ang kuya mo and that's final Ayesha."
Napatitig nalang ako sa mukha niya at hindi na nakapagsalita pa.
**