"Paano kayo nagkakilala ni Ken?" Nagsalubong ang dalawang kilay ko at napatingin ako kay kuya Bryan. Bigla nalang kasi niyang naitanong iyon and I don't where did it came from. "Huh?" Napatingin ako sa plato ko nang dagdagan niya nanaman ang laman nito. "Kuya!" Saway ko sa kaniya.We're currently having our breakfast together at dahil alam niyang magiging mahaba ang araw na'to para sakin ay nagprepare siya ng heavy breakfast. "You should eat a lot more Ayesha, pumapayat kana." "Hindi naman dahil hindi ako kumakain kaya ako pumapayat. Stress lang 'to sa dami ng ginagawa ko." Naging mabigat din kasi para sa akin ang preparations para sa foundation week at alam naman ni kuya 'yon. "Ginusto mo yan Ayesha. I told you before na mahirap ang maging president but you pursued with that." Nilagya