Saturday morning and I feel better than yesterday. Nag-stretch muna ako ng kaunti bago lumabas ng kwarto at pumunta sa kitchen para sabayan sa breakfast si kuya. Kapag Saturday kasi ay hindi siya pumapasok ng maaga.
"Good morning kuya."
"Good morning. Chocolate or strawberry?" He asked while transferring one crepe from the pan to a plate.
I smiled. "Strawberry, ofcourse."
He chuckled before he drizzled strawberry syrup on my favorite breakfast of all time, crepes! Every weekends lang siya nakakapag-prepare ng breakfast namin na ganito kasi madalas ay hindi na kami nagpapang-abot sa umaga. He's a workaholic person at maaga talaga itong pumapasok sa opisina.
"One yummy breakfast for my princess." He set the plate infront of me. "And here's your milk." He winked at me.
"Thank you kuya." I took a bite of my crepe and chewed it as I watch my brother take a seat infront of me.
"How's school?"
"Still a school I guess." I joked. "How's work?"
"I'm still handsome."
Doon na ako natawa. "Anong connect?" I laughed.
"Nevermind, may pasok ka ba ngayon? Bakit bihis na bihis ka?"
"Ah yes, preparation lang for the Foundation week. Start na kasi sa monday."
Kailangan naming pumunta para mag-supervise sa mga students na mag-aayos na ng booth nila ngayon. We don't want to rush on Monday kaya inaayos na namin ngayon.
"Attend kayo on Friday night kuya, isama mo si ate Kariz." During fridays kasi ng foundation week, we always celebrate a night party that comes all set with fireworks, disco and light liquors. Everyone can attend to the party even the outsiders, open gate kasi.
"I'll try. Baka busy din kasi si Kariz." Kariz is his girlfriend, two years na sila. She's a web developer at graduate ng Harvard university. Ofcourse, kuya Bryan is a proud boyfriend.
"Basta aasahan ko kayo."
"Oo na. Kailan ba ako tumanggi sayo?"
I smiled. "That's why I love you kuya."
"I love you more. Ano? Tara na? Ihahatid na kita."
"Ah yes, wait up." Nagtooth brush lang ako sandali bago kami umalis ni kuya. Tinext ko na rin sila Ellyse na papunta na ako. Nandoon na pala sila Prince at Zia. Mabilis lang kaming nakarating sa university dahil maaga pa at hindi gaanong traffic.
"I'll see you later?"
Tumango ako. "Yepp, bye kuya." He kissed my forehead before he returned to his car.
"Ellyse!" Napalingon ako agad kay Ellyse na malayo palang ay rinig na rinig ko na ang boses. As usual, she's so hyped.
"Ano? Okay kana?"
I felt guilty nang maalala kong nagsinungaling nga pala ako kahapon. "Wala naman akong sakit. Nasaan na yung iba?"
"Nandun na sila sa open field, tara na." Hinila ako nito papunta sa field. Nagulat pa ako nang makita ko ang basketball team sa court na nag-wawarm up. May practice din pala sila ngayon.
Bigla namang bumulong sa akin si Ellyse. "Ayun siya oh." Sinundan ko ng tingin ang itinuturo niya and it led me to a sleeping Ken.
Natutulog ba talaga siya? Ewan ko, nakaupo lang kasi siya at nakasandal sa bench. He's wearing aviators kaya hindi ko ma-confirm kung tulog ba siya o gising. Nag-iwas nalang ako ng tingin.
"Wow ..what was that?"
"Ha?" Napatingin naman ako rito.
"Talaga bang nag-iwas ka ng tingin? Is this real?" Tila hindi ito makapaniwala sa ginawa ko. Ano bang hindi kapani-paniwala sa ginawa ko? Alangan makipagtitigan ako sa tulog?
"Kung anu-anong sinasabi mo, tara na nga." Hinila ko nalang siya palapit sa mga kasama namin. Naalala ko namang kamustahin si Earl. "By the way, how's Earl?"
"Well, he's fine. Nagkamali daw siya ng bagsak kahapon mula sa dunk. Trying hard kasi masyado kaya ayun at pinagbawalan muna siyang magpractice. Tambay bahay siya ngayon."
Napailing nalang ako, malapit na kasi yung game nila. Kung hindi siya gagaling agad,for sure hindi siya makakapaglaro. At alam kong hindi niya gusto yun. Baka magpumilit pa siyang maglaro sa mismong game. Tss.
"Anyway, mainit ang ulo ni captain. Alam mo bang ilang laps na ang nagawa ng mga yan magmula kanina." Bulong nito sa tenga ko. Kumunot ang noo ko at napatingin ako sa direksyon nila.
Ganun pa rin ang posisyon niya. Siguro nga natutulog siya. Natutulog siya habang pinaparusahan niya yung team niya? May problema ba siya?Kahapon din pati ako sinungitan niya. Is this about Kim again?
I sighed. "Baka naiisip niya nanaman si Kim. Hayaan nalang natin siya."
As much as I want to talk to him ay pinili ko nalang din munang wag makialam. Tama na sigurong kinausap ko siya ng isang beses. Naiintindihan ko naman siya at ayoko namang maramdaman niyang minamadali namin siyang maka-move on sa nangyari. Kung tutuusin ay wala naman dapat akong karapatang makisawsaw sa problema niya.
"Ang swerte ng babaeng yun kasi ang daming affected sa pagkamatay niya."
Tinignan ko siya ng masama.
"What?" She asked.
"Wag mo ngang sabihin yan."
"Bakit? Totoo naman diba?"
I sighed. "Kahit kailan, hindi naging swerte sa tao ang pagkamatay nila. Kahit pa maraming nagmamahal sa kanila at maraming nalulungkot sa pagkawala nila, still hindi pa rin yun dahilan para sabihin nating swerte sila."
Napatitig ako kay Ken. "Kasi ang totoo, sila ang pinaka-nakakaawa sa mundo. Sila ang pinaka-nasasaktan sa lahat."
Her features soften when she notice the change in my mood. Lumapit nalang siya sakin para yakapin ako. "I'm sorry, sorry na. Sige na hindi na ako magcocomment."
Huminga nalang ako ng malalim. Nakakainis, masyado akong apektado kapag ganun na ang usapan. Naaalala ko kasi ang ate ko, kahit halos tatlong taon nang patay si Ate Aly sobrang nasasaktan pa rin ako sa pagkawala niya. Konting sagi lang sa utak ko na iniwan niya kami ay nagiging emosyonal na ako.
"Hey, what's happening here?" Lumapit na sa amin sila Prince at Zia at nakatingin na rin pala sa amin ang ibang mga students na kasama namin.
Nahiya nalang ako kaya inayos ko na ang sarili ko. Pinilit ko nalang din ngumiti sa kanila. "Wala, ayos lang ako. Tara na? Para maaga tayong matapos."
Tumango nalang din sila. Nag-start na rin magtayo ng booths ang mga students na nandoon. Panaka-naka kong tinitignan si Ken sa court at katulad nga ng sinabi ni Ellyse kanina, mukha ngang wala siya sa mood dahil napaka-seryoso ng mukha niya habang binabantayan ang teammates niya sa training.
Hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit siya wala sa mood ngayon kahit na malaki ang porsyentong si Kim nanaman ang dahilan. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko naman alam ang sasabihin ko. At isa pa, pakiramdam ko masyado ko na siyang pinanghihimasukan. I'm not really comfortable doing those things, saying those kind of words to him to comfort him pero kapag nakikita ko na siya sa ganung pagkakataon, kusa nalang lumalabas ang mga salita sa bibig ko. Para bang may sariling isip ang mga bibig ko.
Isang malalim na buntong-hininga ulit ang pinakawalan ko bago ako tuluyan nagbitiw ng tingin. Mas marami pa akong kailangan tapusin bago ko siya isipin kaya sinubukan ko nalang ding tumulong sa pag-aayos ng mga booth.
Natapos kami before lunch at naging maayos naman ang lahat. I guess ready na talaga kami para sa Monday.
"Gosh, ang ganda ng pagkaka-design ng hall ngayon." Tuwang tuwa si Zia dahil sa kinalabasan ng pagdedesign namin sa hall. Kami kasing student council ang na-assign para dito since busy sa pagtatayo ng mga booth ang regular students sa open field. Inappoint ko nalang din sila Prince at Ellyse na maiwan doon.
"Well, if it wasn't me." Nilingon ko si Annika na may malaki at proud na ngiti sa mga labi. Oo nga pala, she's an interior designer and she's our public information officer. Well, I must admit na magaling talaga siya. She's like one of the best from their college.
"What do you guys think if mag-lunch muna tayo?" Prince suggested na narito na rin pala sa hall kasama si Ellyse. Binato naman siya ng crumpled crepe paper nito.
"Katakawan mo nalang ang may forever Prince."
"Why? Masama bang magutom?" He asked unbelievably.
"I didn't say it like that."
"Psh! Palibhasa payatot ka, you should eat more often Ellyse."
Namilog naman ang mga mata ni Ellyse sa sinabi nito. "Excuse me Prince, hindi ako payatot!" Nagtawanan nalang kami nang magsimula nanaman silang magbangayan. This two will make a cute couple someday.
*
"This is very nice Ayesha. I've never seen the hall as good as this!"
Natuwa naman ako at nagustuhan ni maam ang kinalabasan ng pagdedesign namin sa hall. Parang napawi din agad yung pagod ko kanina dahil malaki rin naman ito at iilan lang kaming nagtatrabaho. But I'm happy dahil sobrang dedicated din ang co-officers ko na mapaganda ito kaya ganito na nga ang kinalabasan.
"You're really a very good leader, I am so proud of you Ayesha."
"Thank you po. Hindi lang naman po ako ang gumawa nito eh. The whole student council did it."
Her smiled even became wider. "That is because you are a good leader."
Ngumiti nalang ako sa compliment niya. Pagkatapos niya akong kausapin ay nagpatawag din ako agad ng short meeting para sa mga gagawin namin sa Monday. Mabilis ko lang ipinaliwanag ang inaasahan ng university na mangyari para sa foundation. Malaki ang expectation ng faculty mula sa amin dahil sa sunod-sunod na successful events na naisakatuparan namin ngayong taon. Kaya naman tiwala silang ang founding celebration ngayong taon ay magiging angat sa lahat. Nang matapos ko silang bigyan ng mga simple instructions ay dinismiss ko din sila agad.
Kaming dalawa nalang ni Ellyse ang naiwan dahil nag-rounds pa kami sa mga booth sa open field. Halos alas-singko na rin ng hapon nang matapos kami.
"Crap, I feel so tired!" She slumped herself on the bench at naupo na rin ako sa tabi niya dahil nararamdaman ko na rin ang pagod ko.
"Susunduin ka ba ng kuya mo?"
Umiling ako. "Mag-cocommute nalang siguro ako. He looks so busy this past few days." Isinandal ko ang ulo ko at ipinikit ko ang mga mata ko.
"You are such a hardheaded girl. Diba nga ayaw ng kuya mo na mag-commute ka? Alam mo namang nerbyoso yung kuya mo pagdating sayo."
I let out an exhausted laugh. "He's my brother kaya natural lang yun. But it doesn't mean that I'll always depend on him. Matanda na si kuya, Ellyse, ayokong mawalan siya ng time para sa sarili niya just because he has a dependent sister like me." That's what I always think. Pakiramdam ko kasi, nagiging pabigat na rin ako kay kuya. I mean, he's twenty three and yet wala pa silang planong magpakasal ni ate Kariz.
Palagi ko siyang tinatanong kung wala ba siyang balak magpropose and he's always telling me that it's not yet time for him to get married. Palagi niyang sinasabing he still have obligations at hindi ko lubos maisip kung anong obligasyon ba yung tinutukoy niya. I always end up thinking na baka ako yung inaalala niya. And I don't like it, ayokong ma-take for granted niya yung sarili niyang kaligayahan just because I exists.
"Ano ka ba, natural lang maging dependent ka. You're still young at wala ka pa namang trabaho. Your brother loves you so much kaya hindi mo rin siya masisisi."
Napangiti nalang ako because I just realized that whatever happens, ipaglalaban pa rin sakin ni Ellyse na priority ako ni kuya and that will never change.
Dumilat ako at tumingin sa kaniya. "You know what?"
She raised her eyebrow. "What?"
I smiled at her. "I love you bessy."
Her lips slowly pulled into a wide smile. "I miss you calling me bessy."
I chuckled. "I'll call you bessy again starting today."
Well, we used to call each other bessy. We're childhood friends and bestfriends at the same time, just like Earl and my brother and their circle of friends. Our families are good business partners until now.
"Alam mo minsan, unexpected ka din eh. Minsan ang corny mo, minsan naman ang seryoso mo. Ano ba talaga?"
"Ang arte mo. Pwede namang sabihin mo nalang 'Okay'." Ganti ko rito. We both resulted in a laugh.
"Oo na, namiss kita bessy!" She stretched her arms to pull me for a hug.
I laughed while I was on her arms. Napaka talaga ng babaeng ito pero masaya ako na kaibigan ko siya. Ellyse is one of a kind, oo may ugali siyang hindi maganda pero yun nga ang gusto ng karamihan sa kaniya eh. Ipinapakita niya kung sino at ano talaga siya. Kung ayaw niya sayo, sasabihin niya kahit pa masaktan ka. She says what she feel like it's the easiest thing to do. Napaka-frank ng babaeng ito pero sa kabila ng katapangan niya, I know she's a soft and warm-hearted person.
Habang yakap ko siya ay nakita ko naman mula sa malayo si Annika. Nakatingin ito sa aming dalawa at hindi ko makuha kung anong klaseng tingin iyon. Nang ibuka ko ang bibig ko para magsalita ay agad naman itong naglakad palayo.
I sighed.
**