Ayesha's POV
"K-Ken?" Ano bang nangyayari? Bakit niya ko niyakap?
Hindi ito sumagot pero naramdaman kong mas humigpit ang pagkakayakap nito sa akin. Pinili ko nalang manahimik at hinayaan ko nalang siya kahit na naguguluhan talaga ako sa nangyayari. Ang alam ko lang, gusto kong mag-thank you, hindi ko ipinagdasal na sana yakapin niya ako.
Bigla ko tuloy naisip na baka dahil nanaman ito kay Kim, siguro naalala niya nanaman si Kim. Huminga ako ng malalim at gumanti ng yakap.
"May problema ka ba? You can tell me." I caressed his back. Pinigilan kong mapansinghap nang isiksik niya ang mukha niya sa leeg ko. I started to feel shy, nararamdaman ko ang hininga niya sa balat ko.
"No, I just think you need this."
Kumunot ang noo ko. He thinks I need a hug? Why?
"Ayesha, nasaan ka--oops.." Kusang humiwalay si Ken nang marinig namin ang pamilyar na boses na iyon. Nilingon ko si Ellyse na ngayon ay nakatayo na at pinanlalakihan ako ng mga mata.
"Uhm ..ano kasi Ken, pinapatawag kasi ng adviser namin si miss president. Pero okay lang naman. Sige ituloy niyo lang..sasabihin ko nalang hindi ko siya nahanap agad?"
"Ano bang sinasabi mo Ehl?" At kahit nahihiya ako ay hinarap ko si Ken para magpaalan na. "Uhm, alis na ako." I tried my best na hindi niya mahalatang iba ang epekto ng yakap niya sakin although hindi rin ako sure kung hindi pa ba ako halata.
"Yeah, sure. See you around." And he even smiled. Agad na akong naglakad palapit kay Ellyse para hindi niya makitang namumula ako. Nakakahiya na talaga.
Ellyse gave me a meaningful look telling me I should explain what she saw. Pero paano ko ba ieexplain sa kaniya eh hindi ko rin alam kung bakit ako niyakap ni Ken. Ugh, ano na bang nangyayari? Totoo ba 'to? Tatlong beses niya na akong niyakap. Wala pa bang meaning ang mga yun?
Ugh! Ayesha! Ano ba yang iniisip mo? Yung unang beses na niyakap ka niya, nadala lang siya ng emosyon. Yung pangalawang beses naman, para lang mailayo ka niya nung time na yun sa mommy mo.
Pero yung ngayon ..Ugh! Anong dahilan para yakapin niya ako ngayon?
"Pwede ka ng huminga Ayesha Alcantara." Saka ko lang narealize na hindi na normal ang paghinga ko. Nakarating na pala kami sa office nang hindi ko man lang namamalayan.
Nanghihina akong napaupo sa table ko. God, nanlalambot ang mga tuhod ko. Napahawak ako sa dibdib ko at sobrang bilis pa rin ng t***k ng puso ko.
"God, Ayesha, akala ko ba wala lang yung paghahatid sayo kahapon ni Ken? Eh ano yung yakapan na yun kanina? Wala lang din yun? Why do I smell something here?" Naupo rin ito sa harapan ko. Mabuti nalang at kaming dalawa lang ang nandito. Nakakahiya kasi kung makikita nila akong ganito. First time ko lang talagang panlambutan ng tuhod dahil sa lalaki.
And he's not just some guy but the guy I like. Hayy, ganito ba talaga yung pakiramdam na mapalapit ka sa taong gusto mo? Parang ang tanda ko na yata para kiligin ng ganito, kainis naman.
"Tell me .." Ellyse held my hands. "Anong pinag-usapan niyo? I was really stunned to see you! You look so perfect when I saw you cuddling like that! Bagay kayo!"
I think I even blushed when she said that."A-ano ba Ehl .."
"Anong ano ba? Ano ba kasing nangyari? Magkwento ka!" Her voice is dressed with excitement. Ganito rin ba talaga ang mga bestfriend kapag nagkaka-lovelife na ang kaibigan nila? Pati sila di mapigilan ang excitement?
Wait ..did I just say 'nagkaka-lovelife'?
Ugh! Nagiging assuming na ba ako? Ano ba talaga? Hayys.
"Wala namang nangyari Ehl, hindi ko rin alam bakit niya ako niyakap. Nag-thank you lang ako." Hindi ko na sinabi yung tungkol sa nangyari samin ni mommy kasi sigurado akong magaalala din siya. Okay na ako, ayokong mag-aalala sila sa akin.
"Are you serious? Hindi ka yayakapin ng isang lalaki ng walang dahilan!"
Napatakip naman ako ng tenga."Wag ka ngang sumigaw." Ang sakit sa tenga ng boses niya, swear!
"Sorry naman. Eh ano ba naman kasi yan! Niyakap ka ng walang dahilan? Pwede ba yun? Ugh, nakakabaliw kayo ha!"
"H-hindi ko rin alam. Hayaan mo na nga, hindi naman big deal yun." I lied, ofcourse that's a big deal lalo na't si Kenneth Yu iyon.
She looked at me like I cracked the most epic joke for the record. "Sinong niloko mo? Hindi daw big deal pero pulang pula ka? Kulang nalang placard na 'Kinikilig ako' sa ulo mo. Like hello Ayesha? Wake up, hindi tayo nabubuhay sa mundo ng walang reason so ibig sabihin, may dahilan siya." And she even rolled her eyes.
"Eh tama na nga kasi. Ano bang magagawa natin kung gusto niyo lang talaga akong yakapin. Tumahimik kana nga."
Nagulat naman ako nang batuhin ako nito ng crumpled paper na pinulot niya sa ilalim ng table. "So okay na sayo yon?Yayakapin ka niya kapag gusto niya?Are you out of your mind? Ano 'to free hug? Gusto mong sampalin kita para magising ka?" Inis na inis ito sa hindi ko malamang dahilan.
Hindi ko tuloy napigilang matawa sa kaniya. Ibang klase talaga ang tabas ng dila ng babaeng 'to. "Sira ka talaga Ehl, ano ba yang pinagsasabi mo? Hayaan mo na kasi. Nasaan na ba si maam? Diba hinahanap niya ako?" Pag-iiba ko sa usapan.
She made face before she gave me a folder. "Oh, compiled proposals na inapproved mo para sa Foundation week. Gusto daw makita ni maam so you better go. Wag kana sumabit sa daan okay? Baka mamaya mamigay ka nanaman ng free hug." She scoffed.
Natawa nalang ako sa kaniya bago ako tuluyang lumabas ng office. She will always be as blunt as she wants. Basta gusto niyang sabihin ay sasabihin niya at kung hindi mo talaga kilala ang ugali niya baka masaktan ka. Mabuti nalang at sanay na ako sa pagiging straight-forward niya.
Pumunta ako sa faculty at agad ko namang nakita si maam Kath. Binati ko ang ilang teachers na nadaanan ko before I reached her table. She smiled at me when I sat infront of her.
"Good afternoon maam." I returned a smile. Iniabot ko sa kaniya yung folder and she scanned it right away.
"Settled na ba yung budget for this Ayesha?" She asked, eyes still on the papers.
"Opo, nandiyan din po yung details mula sa withdrawal hanggang sa partition po nung budget. All signed by the university accountant and by Zia."
She smiled as she finished scanning the whole content. "Job well done Ayesha. I'll see you on Monday for the opening. I hope hindi tayo magkaproblema okay?"
Tumango naman ako at nagpaalam na. I was on my way back to the office nang mapadaan ako sa basketball court at makita ko ang nangyayari doon.
Someone's lying on the ground na pinalilibutan ng iba pang players. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong si Earl iyon. Agad akong napatakbo palapit sa kaniya.
"Earl!" Napaluhod ako agad sa tabi niya.
Kumunot ang noo nito ng makita ako. "Ai? Anong--ah s**t!" Pawis na pawis ito at namimilipit sa sakit. Nataranta naman ako.
"A-anong nangyari?" I asked the people around us.Nakita ko namang palapit si Ken at si coach Jared.
"Don't touch him." Ang sabi ni coach na may dalang plywood. Lumuhod ito sa may paanan ni Earl. He carefully placed the plywood under his leg and afterwards ay doon nito ipinatong ang injured leg ni Earl.
Hindi ko maiwasang hindi matensed dahil sa nakikita ko. Mukhang sobrang sakit dahil talagang hindi na maipinta ang mukha ni Earl. For the rest of our lives together, at sa tinagal ko siyang nakikitang naglalaro ng basketball, ngayon lang siya nakitang na-injury ng ganito. He's a very careful and swift player. At isa pa, practice palang ito, ganun ba talaga kapuspusan ang practice nila?
Inilabas ko ang panyo ko at pinunasan ko nalang ang pawis sa mukha niya. "Sshh, you'll be alright Earl." Hinawakan ko ang kamay nito at tumango naman ito sa akin.
"Pinatawag niyo na ba yung nurse?"
"Yes coach."
I placed his head on my lap habang pinapaypayan ko siya gamit ang panyo ko.Maya maya lang din ay dumating na ang apat na lalaking nurse dala ang isang stretcher. Pinagtulungan naman siyang buhatin ng mga players para maihiga siya sa stretcher. Afterwards ay dinala na siya sa clinic kasama ang coach nila.
Sasama sana ako pero nagulat ako nang hawakan ako ni Ken sa braso at pigilan akong sumunod. "Hindi ka papayagan ni coach doon."
I bit my lip at alanganin akong napatango. Sinundan ko nalang sila ng tingin.
"Ano bang nangyari?" I decided to ask him since hindi yata ako mapapakali kung hindi ko malalaman. Ngayon lang kasi talaga naaksidente si Earl dahil sa basketball.
"He injured his self." Tapos ay tinalikuran na ako nito para bumalik sa benches.
Nagtaka naman ako sa isinagot niya at sa inasal niya. Wala ba siya sa mood? Bakit parang ang sungit niya yata? Gusto ko sanang tanungin kung ayos lang ba siya pero naunahan na ako ng hiya dahil lalaki sila lahat dito at isa pa, hindi naman kami close.
Nagdecide nalang akong bumalik na sa office.
"Oh? What's with the face?" Bungad sa akin ni Ellyse. Umiling ako at naupo nalang sa table ko.
"Hooy, anong nangyari sayo?"
"Dinala sa clinic si Earl." Yun nalang ang sinabi ko.
Nanlaki naman ang mga mata niya. "What happened? Anong nangyari sa pinsan ko?"Oo nga pala, magpinsan sila, mother side.
"Injury daw sabi ni Ken."
Her brows furrowed. "Paanong injury? Ngayon lang na-injure yun."
"Hindi ko rin alam. Uhm, may dapat pa ba tayong gawin? Gusto ko na kasing umuwi eh."
Bigla naman itong tumitig sa akin habang nakakunot ang noo. "Ayos ka lang Sha?"
Napakagat nalang ako sa labi ko. Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong nalungkot dahil sa unang pagkakataon ay sinungitan ako ni Ken.
"Hey, I'm asking you. Are you okay?"
"Uhm, masama kasi yung pakiramdam ko. Okay lang bang mauna nako?"
She looked at me, nag-aalangan pa itong pumayag dahil alam naman niyang walang maghahatid sa akin pauwi kung na-injury si Earl.
"I'll be fine Ellyse. Sige na, mauna nako."
"Pero sinong maghahatid sayo?"
"Magcocommute ako." Inayos ko na ang mga gamit sa bag ko.
"Ihatid na kita?" May pag-aalangan sa boses nito but I just gave her a reassuring smile.
"Wag na Ehl, bantayan mo nalang si Earl sa clinic. Sige na." Dumiretso na ako sa pinto at sumunod naman siya.
She sighed. "Mag-ingat ka okay?"
I gave her a sly smile bago ako tuluyang umalis. Gusto ko pa sanang mag-stay para kay Earl pero kasi parang nalungkot talaga ako. Hayy, ano bang dapat kong isipin? Bakit ganun nalang ako naapektuhan ng mood ni Ken? Ganun na ba siya ka-dominant sa isip ko?
**