“Ma'am, Maxine hinihintay po kayo ni Sir, Jaxxon sa kanyang opisina.” Si Rhea ang kanyang assistant secretary. Nilapag nito ang kape na tinimpla para sa kanya. May dalawang oras na siyang nakarating sa kanyang office ngunit sa dalawang oras na 'yon tanging naka-upo lamang siya sa kanyang swivel chair at pinaikot-ikot niya lamang 'yon na parang nakasakay lamang siya sa isang rides. Wala pa siyang nagagawa na kahit ano. Hindi niya alam kung bakit tila lambutin siya ngayon. Kaharap naman niya ang kanyang laptop ngunit tinitingnan niya lamang iyon. Lampasan pa ang tingin niya do'n! Ano ba kasi ang iniisip niya? Ang agang-aga pero lipad ang isip niya! Hayss!
“Thanks.” Tipid niyang sambit habang inaabot ang kape para ideritso sa bibig niya para sumimsim. Umalis na ang kanyang secretary at hindi na hinintay ang sagot niya tungkol sa sinabi nitong hinihintay siya ng kanyang Kuya Jaxxon. She knows already why his older brother calling her. Yung tungkol kagabi! Yes! Tungkol sa bar kung saan nadatnan siya ng kanyang Kuya na hinahayaan niyang sampalin siya ng kanyang ex! Maybe she's drunk that's why she do that, pero nasa matinong pag-iisip parin naman siya no'n and she's never used to be like that! Yung aapihin siya? No! Kung ang bestfriend niya ngang si Dianne pinapatulan niya ang mga nang-aapi doon, mismong sarili niya pa kaya? Imposible pero ginawa niyang posible! Shít!
“Hello? Speaking,” tugon niya sa tumawag sa kanya sa kabilang linya.
“Yeah, I will text you later where we will meet. Okay, bye.”
Pagkalapag niya ng kanyang cellphone inubos niya lang ang tirang kape na nasa tasa niya bago inayos ang sarili. Maayos naman ang pustora niya pero bakit kailangan pa ayusin kung wala namang problema do'n? There's nothing wrong with what she's wearing, but what's in her mind? That's the mess and she needs to fix it. Kailangan yata igtingan ang turnilyo sa utak niya para mataohan siya sa lahat. Lalo na sa magdamag niyang pag-iisip ng kung ano kagabi!
“What do you want to talk, Kuya?” Tanong niya kahit kakapasok niya palang sa opisina ng kanyang kapatid. Alam naman niya kung ano talaga ang pakay sa kanya ngunit nag patay malisya siya!
“About last night, bratt.” anito. Naniningkit ang mga mata nito habang nakasentro ang paningin sa kanya. Sinalubong niya ang mga nagtatanong na mga mata ng kanyang kapatid. Nasisindak siya? Wala sa bokabularyo niya 'yon. Pagdating sa
angilan nilang magkapatid hindi siya nagpapatalo! Aso't pusa sila simula pagkabata nila kaya hindi na magtataka ang mga magulang nila kung bakit gano'n silang magkapatid.
“Gano'n kana ba ka rupok na kahit nakikita mong sasampalin kana ng kumag na 'yon ay hindi mo lang magawang salagin? Come on, Max! Kayang-kaya mo naman ipangtanggol ang sarili mo pero hindi mo ginawa!”
Nanggagalaite na sermon sa kanya ng kanyang Kuya ngunit nanatili lamang siyang naka-upo at tila bingi na hindi man lang naririnig ang pagbubunganga ng kanyang kapatid. She knows his brother. Hindi ito papayag na pagbuhatan siya ng kamay ng kahit na sino! Ganyan na nga ba siya karupok? Sa dalawang taon nilang pagiging mag on ni Mateo hindi niya naranasan na pagbuhatan siya ng kamay pero yung nangyari kagabi ay nagbigay iyon ng matinding pag-iisip sa kanya. Is he lost his mind? Those toxic traits of his ex is new to her.
“Tama na yung ako lang ang nag papakatanga sa pag-ibig, Max! Hindi ka qualified sa mga gano'ng bagay kaya please, for once, use your mind! Not your heart. Hindi mo deserve ang gano'ng klase ng lalaki....he is not the guy before if you only knew,”
All of a sudden napatingin siya sa kanyang kapatid na nakatayo ngunit nakaharap ito sa bubog na ding-ding kung saan nakikita ang kabuuan ng siyudad. Tila nag sink-in sa kanya ang huling binitawang salita ng kanyang Kuya Jaxxon. Oo, alam niyang marupok at tanga ito sa pag-ibig at alam na alam niya kung paano ito gagong-gago kay Dianne, sa bestfriend niya. Katunayan nagiging tulay siya sa lahat ng kagaguhan ng kanyang kapatid at hindi niya ito masisisi kung bakit gano'n na lamang ang galit nito sa ginawa niya. Ayaw lang naman ng kanyang Kuya na maranasan niya ang mga nararanasan nito. Hindi sa part ng pananakit kundi sa parte ng pagiging marupok. And speaking of the guy that his brother said earlier, tumayo siya at mabilis na tumungo sa likuran ng kanyang Kuya. Tiningala niya ito bago hinawakan sa braso at pinabaling ang bulto nito paharap sa kanya. Prenting namulsa si Jaxxon habang nakatingin sa kanya. Naghihintay lamang ito ng mga katanungan niya.
“What do you mean about the guy back then? Kilala mo siya?” Deritsong usisa niya.
“Hmm,” tipid na ungot ni Jaxxon.
“Hindi si Mateo?”
“Fúck! He is not the guy, Max! Damn! Matagal ko nang sinasabi sa'yo na hindi siya yung lalaki na nagligtas sa'yo noon! Ikaw lang naman 'tong todo paniwala sa mga kasinungalin ng kumag na 'yon!”
“Then who's the guy is, Kuya?” Napadyak niya ang isang talampakan niya dahil sa kagustuhang malaman kung sino ang lalaking nagligtas sa kanya noon sa Cebu no'ng muntikan na siyang sumabit sa bared wire na bakod. Malaki ang utang na loob niya sa lalaking iyon at may pangako siya do'n na kahit hanggang ngayon ay alaala niya parin. Nakaramdam siya ng konteng galit sa kanyang sarili dahil naniwala siya sa kasinungalingan ni Mateo! Naniwala siya na kahit ang nag-iisang pruweba na pilit niyang hinahanap kay Mateo ay hindi nito maipresenta sa kanya ngunit tinanggap niya parin ito. She was a bit stupid in the part that she believed Mateo because of the scar on his eyebrow that looked like it was just shaved with a blade! Ang pagkakatanda niya ay nasa kanan na parte ng kilay ng lalaki ang peklat nito at yung kay Mateo naman ay nasa kaliwa. Damn! She's stupid! Stupid because she believed in the lies of his desperate ex!
“In one condition.”
Yung tipong atat na siyang malaman kung sino ang lalaking nagligtas sa kanya noon ngunit masyadong magaling ang kanyang Kuya pagdating sa mga pakikipagsunduan. Well, hindi ito kakatakutan sa business world kung hindi ito magaling maglaro ng mga bagay-bagay. Ignorante siya kung hindi niya kilala ang ugali ng kanyang Kuya. To be fair makikipagsunduan siya.
“Name it.” Sambit niya.
“Ikaw ang pumunta ng England at pansamantala mong ibigay kay Dianne ang posisyon mo dito sa JMI.”
Pilya siyang napa-umis. Kailangan mapalapit ng loko kay Dianne. Easy... Basic for her. Total suportado naman siya na maging girlfriend ni Jaxxon ang bestfriend niya then why not? Bakit pa siya mag papaligoy-ligoy.
“Deal. My turn, who's the guy you mean before?” Walang patutsada niyang tanong. Pilyo ding napa-umis ang kanyang kapatid. Para silang mga temang! Temang sa pag-ibig!
“I don't know his name but I know his face. Makikita mo siya sa MOC Bar at nasa kanya ang proof,” pahaging nito bago siya pilyong nilampasan. Tila nakaramdam siya ng yamot ngunit nabigyan din naman siya ng pag-asa.
“Don't forget about the England thing. Sa katapusan na 'yon ng buwan.” Pahabol ng kanyang Kuya bago tuluyan na itong lumabas ng oipisina.
May pagtataka man at iritasyon siyang nararamdaman wala na siyang magagawa. Nagulangan na naman siya ng kanyang kapatid! So, ano? Oras na siguro na tumira siya sa bar para lamang hulihin ang lalaking hinahanap niya kahit wala siyang sapat na ebidensya para mapatunayan na iyon talaga ang lalaking nagligtas sa kanya.
“Oh my god!” Mariin niyang sambit nang maalala ang nakita niya kagabi! Pero paano kung hindi niya namukhaan ang lalaki at tanging malamyos na boses lang nito at kulay blonde nitong undercut na buhok ang nakita niya kagabi? What if namalik mata lamang siya doon sa ponytail na nakatali sa buhok ng lalaki na nakita niya?